Filemon Lagman
Inilathala: Unknown;
Na-markup para sa Marxists.org: Simoun Magsalin.
Copyright: Published on MIA with permission.
1. Imposibleng magtagumpay ang proletaryong rebolusyon kung walang proletaryong rebolusyonaryong partido sa unahan nito.
Ito ang kahulugan ng Leninistang konsepto ng proletaryong taliba. Sa unahan ng kilusan ng uring manggagawa ay nariyan ang isang rebolusyonaryong partido na ang pangunahing tungkulin ay hanapin ang tamang landas ng pagsulong at tiyakin ang ultimong tagumpay ng proletaryado sa kaparaanan ng tunggalian ng uri.
Ang talibang organisasyong ito ay proletaryo ang makauring pananaw, rebolusyonaryo ang pamamaraan at organisado bilang partido ng uring manggagawa.
2. Bilang taliba, dapat maakit at matipon sa partidong ito ang pinakamahuhusay at pinakamagigiting na elemento ng uring manggagawa at iba pang mga rebolusyonaryong ganap na yumayakap sa simulain ng proletaryado, sa pakikibaka laban sa kapitalismo at para sa sosyalismo.
Ang pag-unlad nito bilang taliba ng proletaryado ay isang mahabang proseso ng pagtitipon, pagpaparami at pagpapanday ng mga rebolusyonaryong lider, kadre at kasapi. Upang mabuo ang lubos na kumpyansa ng masa na ito nga'y karapat-dapat tawaging tunay na taliba ng anakpawis at kumpyansa sa kapasidad nitong ipagwagi ang pakikibaka't gapiin ang mga kaaway, kailangang makalamang ang partidong ito — hindi lang sa batayan ng katumpakan ng simulain at katapatan sa pakikibaka — kundi sa mismong kaalaman, kasanayan at kahusayan sa syensya at sining ng pagrerebolusyon.
3. Ang partidong ito ay isang makauring organisasyon na tinatatanaw ang pakikibaka para sa progreso at hustisyang panlipunan mula sa perspektiba ng proletaryado. Ang paninindigannito sa lahat ng usapin, lalung-lalo na sa kanyang programa at istratehiya, ay lagi't laging mula sa punto-de-bista ng uring manggagawa. Ang teoretikal na patnubay nito sa pagbubuo ng konsistent na linyang makauri ay ang pang-ideolohiyang sistema ng Marxismo-Leninismo. Ito ang pinakasulong at pinakawastong pananaw sa daigdig ng rebolusyonaryong proletaryado.
Saligang tungkulin ng partidong ito na magpakabihasa sa malalimang pag-aaral, mapanlikhang paglalapat at patuloy na pagpapaunlad ng Marxismo-Leninismo para mahasa ang kanyang makauring pananaw. Ito ang mapagpasya sa paggawa ng progresibong mga tindig at kumpyansadong mga hakbang sa kumplikadong landas ng tunggalian ng uri.
Tungkulin nitong ipagtanggol ang katumpakan ng Marxismo-Leninismo at bakahin ang iba't ibang anyo ng misrepresentasyon at misinterpretasyon sa mga saligang prinsipyo at aral nito.
Sa larangan ng organisasyon, ang mayorya ng liderato at kasapian nito ay dapat mula sa uring manggagawa upang mapalapot ang proletaryong makauring komposisyon nito bilang partido ng manggagawa.
Sa larangan ng pulitika, ang konsentrasyon nito ay ang pag-oorganisa ng mga manggagawa sa lungsod at kanayunan at ang pagsusulong ng kilusan ng uring manggagawa sa buong bansa.
4. Ang partidong ito ay rebolusyonaryo sa simulain at sa pakikibaka. Itinatakwil nito ang lahat ng anyo ng repormistang tunguhin na bumabaog sa kaisipan ng masa, dumidiskaril sa direksyon ng kanilang pakikibaka, bumubulok sa kanilang organisasyon at nagpapasibol ng kataksilan sa uri.
Bilang isang rebolusyonaryong partido sa isang atrasadong bansa na atrasado rin ang mga institusyon ng demokrasya, sa simula't simula ay obligadong maging lihim ang katangian nito sa kabuuan at saklawin ang lahat ng porma ng pakikibaka kabilang ang iligal at armado.
Bagama't ang ligal na larangan ng pakikibaka ang prinsipal batay sa umiiral na antas ng tunggalian ng uri, hindi ito dapat magpakupot sa parametro ng ligal na pakikibaka.
Habang pinagbubuti ang hayag na pagkilos, kasabay nitong isinusulong ang kilusang lihim na tahasang rebolusyonaryo ang mga nilalayon at ginagampanang mga tungkulin. Pundamental na tungkulin ng partidong ito ang pagmumulat at pag-oorganisa sa masang anakpawis para sa armadong rebolusyon para ibagsak ang bulok na sistema at agawin ang kapangyarihang pampulitika.
Ang mismong partidong ito ang dapat na maging ubod ng armadong pwersa ng sambayanan sa sandaling mahinog ang rebolusyonaryong sitwasyon at marating ang bisperas ng pangkalahatang rebolusyonaryong opensiba.
5. Ang proletaryong taliba ay hindi karaniwang rebolusyonaryong organisasyong pangmasa kundi isang makauring partidong pampulitika.
Itinatatag ito hindi lang para pangunahan ang pakikipaglaban para sa komprehensibong interes ng isang uri -- ang interes ng uring manggagawa. Itinatatag ito bilang partido upang pangunahan ang pakikipagtunggali sa ibang partidong pampulitika na kumakatawan sa interes ng ibang uri at reaksyon laban sa interes ng proletaryado.
Bilang partido, ito ay may depinidong programa at istratehiya ng pakikibaka na naglalaman ng komprehensibong interes ng proletaryado at nagtatakda ng linya ng pagsulong sa buong istorikal na proseso ng pakikibaka.
Binubuo ito ng mulat-sa-uring mga elemento ng kilusang manggagawa na ganap na sentralisado ang pagkakaorganisa. Ang sentralisadong porma ng pagkakaorganisa at mataas na antas ng disiplina ang isang tampok na ipinag-iiba at markadong katangian ng isang Leninistang proletaryong rebolusyonaryong partido.
Tanging sa ganitong paraan mapapanday ang bakal na disiplina at matatag na komand ng sentro na rekisito sa pagwawagi sa isang malupit at marahas na tunggalian ng uri na siyang landas ng pagsulong ng proletaryong rebolusyon.
Ngunit ang sentralismo ng isang Leninistang partido ay baliktad sa absolutismo ng Stalinistang partido. Ito ay dapat nakabatay sa internal na demokrasya at pinatatalas ng klima ng tunggaliang pang- ideolohiyang alinsunod sa tradisyon ng Bolshevismo.
Ang konsepto natin ng demokratikong sentralismo ay ang konsepto niLenin sa kanyang panahon ng pamumuno sa Bolshevik na partido.
6. Sa Kongreso ng Pagtatatag ng bagong proletaryong rebolusyonaryong partido sa Pilipinas, ipundar natin ang muling pagbubuong ito sa mahaba't mayamang karanasan ng komunistang partido sa bansa at sa dinaanan nitong mga tagumpay at kabiguan upang ang pagiging bago ay maging kalakasan imbes na isang kahinaan.
Kailangang ituwid ang mga kamalian nang hindi itinatakwil ang buong nakaraan at kahit dinidiinan natin ang mga kamalian at krisis na pinagdaanan nito, hindi dapat mabura ang mga positibong aral na halaw sa karanasan.
Habang dinadalisay ang esensya ng Marxismo-Leninismo na binulgarisa ng mahabang kasaysayan ng Stalinismo-Maoismo at binabaog naman ngayon ng neo-Marxismo, dapat maparisan at mahigitan ang rebolusyonaryong dedikasyong naging tatak ng naunang mga henerasyon ng mga rebolusyonaryong komunista.
Habang ikinakambyo natin ang rebolusyonaryong kilusan sa bansa sa linyang makauri ng proletaryado at inilalagay sa unahan ang kilusan ng uring manggagawa, tiyaking hindi ito mapahihiwalay sa pangkalahatang kilusang demokratiko. Kailangang wastong naisasanib ang pakikibakang makauri sa kabuuang kilusang progresibo ng sambayanang Pilipino.
Habang pinasisigla ang militanteng demokrasyang pampartido mula sa nakasasakal na absolutismo at nakabubulag na panatisismo ng Stalinista-Maoistang tradisyon, tiyakin nating hindi masasalisihan ng anarkismo at likidasyunismo ng neo-Marxismo ang ganitong pagpapaunlad ng demokrasya. Ang proletaryong demokrasya ay dapat na magpalapot at hindi magpalabnaw sa rebolusyonaryong sentralismo at bakal na disiplinang tatak ng isang Bolshevik na partido.
7. Ang eksaktong porma ng organisasyon at operasyon ng bagong partido ay dapat na umangkop sa tamang kombinasyon ng lihim na katangian nito bilang partido at sa pangangailangan ng hayag na kilusang masa at wastong pagsasanib ng konsepto ng partido bilang taliba ng uri at konsepto ng uri bilang taliba ng sambayanan.
8. Simulan natin ang pagbubuo ng bagong partido sa tamang hakbang. Sa isang banda, sa pagsusulong ng hayag na pakikibaka, di dapat ikompromiso ang pagiging sikreto ng partido. Sa kabilang banda, di rin dapat isakripisyo ang epektibong liderato sa pakikibakang masa dahil lang sa mga rekisito ng lihim na pagkilos. Ang susi ay nasa tamang pagsapol sa konsepto ng pagiging taliba nang hindi nalululong sa sakit ng banggardismo.
1. Ang konsepto natin ng rebolusyon ay ganap na naiiba sa mga Sisonista. Sa kanila natin to pangunahing ikinukumpara dahil ang Maoistang tipo ng rebolusyon ang ating pinanggalingan. Dito natin minana ang mga tradisyon ng dogmatismo at romantisismo na ating itinutuwid.
Tayo at ang mga Sisonista ay kapwa nagpapahalyag ng pagyakap sa linyang pang-ideolohiya ng Marxismo-Leninismo. Ngunit ang bersyon nila ay talamak na Stalinista at Maoista. Hindi nila ito itinatanggi bagkus ipinagmamalaki pa bilang pag-unlad ng Marxismo-Leninismo. Isinusuka naman natin ang Stalinismo at Maoismo bilang bulgarisasyon at dogmatisasyon ng mga aral nina Marx at Lenin. Ito'y kabaliktaran ng syentipikong diwa't laman ng rebolusyonaryong teorya ng dakilang mga guro ng uring manggagawa sa buong daigdig.
Ang pagkakaiba natin sa konsepto ng rebolusyon ay nagsisimula sa pagkakaibang ito sa teorya. Tagos ang diperensyang ito sa mga usaping pantaktika at mismo sa pag-aaral ng mga realidad at karanasan sa pakikibaka. Markado ang mga pagkakaibang ito sa interpretasyon at aplikasyon ng teorya ng tunggalian ng uri na isang saligang sangkap ng Marxismo at salalayan ng konsepto ng proletaryong rebolusyon.
2. Esensyal na bahagi ng ating tesis sa kasalukuyang kalagayan ng tunggalian ng uri sa bansa ang pagsusuring hindi pa umiiral sa Pilipinas ang isang rebolusyonaryong sitwasyon. Sa kabila ng maigting na mga kontradiksyong panlipunan, hindi pa nahihinog ang tunggalian ng uri sa istorikal na antas ng rebolusyonaryong krisis.
Salungat ito sa Sisonistang konsepto ng "palagiang rebolusyonaryong sitwasyon," na teoretikal na salalayan ng kanilang istratehiya ng gyera prolonggada at adelantadong pag-aarmas. Halaw ito sa Maoistang konsepto ng "chronic crisis" ng lipunang malakolonyal at malapyudal.
Ang konseptong ito ay walang teoretikal na batayan sa Marxismo-Leninismo o sa kongkretong realidad ng Pilipinas. Ito'y salungat sa unibersal na mga batas ng tunggalian ng uri. Ang armadong rebolusyon na isinusulong sa ganitong batayan ay hindi isang Marxistang rebolusyon at malabo't malayong ipagwagi ang proletaryong mga layunin.
3. Ang makauring antagonismo ang permanente, hindi ang rebolusyonaryong sitwasyon. Ang huli ay resulta ng istorikal na pag-unlad at pag-igting ng una sa hayagan at marahas na banggaan ng mga uri na ang sentral na usapin ay estado poder at sa porma ng krisis pampulitika ng reaksyonaryong sistema.
Ang istorikal na antagonismong ito ng mga uri ay hindi direktang batayan para sa kagyat na paglulunsad ng armadong pakikibaka. Magiging absolute sa lahat ng bansa ang agad na pagpapasimula ng armadong rebolusyon kung ito ang gagawing teoretikal na batayan dahil unibersal ang antagonismo sa lahat ng makauring lipunan. Ang transpormasyon ng proletaryong pakikibaka patungong armado ay magaganap sa pag-igting ng antagonismong ito ng tunggalian ng uri sa mataas na antas.
Ang rebolusyonaryong sitwasyon ay hindi umuunlad nang hiwalay sa pagsulong ng motibong mga pwersa ng rebolusyon at pag-igting ng mga kontradiksyon sa mismong kampo ng reaksyon.
Ang materyal na batayan nito ay ang disintegrasyon ng panlipunang kondisyon ng mga uri na may malalim na ugat sa sitwasyong pang-ekonomya. Ito ang nagpapaliyab sa ispontanyong paglaban ng mamamayan.
Ang Maoistang teoryang "revolutionary situation" at "chronic crisis" ay pantastikong mga konsepto. Kahit sentido kumon ay magagawang pabulaanan ang bulag at hibang na paniniwalang pwedeng umiral sa mundo ang isang sistemang pang-ekonomyang nasa perpetwal na krisis, at dahil dito ay nasa permanenteng sitwasyong rebolusyonaryo.
Kahit isang hibla ay wala itong kinakapitang koneksyon sa Marxismo. Isang kathang-isip na pinasadya para bendisyunan ng rasyunal at gawing sagrado ang Maoistang istratehiya. Sa mga Sisonista, walang panahong hindi paborable para sa armadong pakikibaka! Taun-taon ay "walang kasing-inam ang sitwasyon" para sa armadong rebolusyon!
Para sa kanila ang rebolusyonaryong kilusan sa mga bansang gaya ng Pilipinas ay obligadong agad at laging armado at susulong lang sa prinsipal na porma ng gyerang gerilya. Ito'y isang lubos naring bulgarisasyon ng teorya ng tunggalian ng uri at dogmatisasyon ng antagonistikong kalikasan nito.
Ang "nakakabilib" sa Maoismo ay ang husay nito sa pagsusustena ng rebolusyonaryong optimismo sa pamamagitan ng romantisismo at panatisismo. Ang nakakasuka ay binabaog nito ang tunggalian ng uri at kinakapon ang istorikal na dinamismo.
Ang Marxismo, sa gamit ng Maoismo, ay dogma, hindi gabay sa pagkilos. Ang silbi lang ng teorya ng tunggalian ng uri ay maging rasyunal ng paggamit ng rebolusyonaryong dahas. Hindi teoretikal na giya sa paghahanda at paglulunsad ng matagumpay na armadong rebolusyon ng masang anakpawis.
4. Ang pinakamahalaga sa pagtatakda ng karakter at pekulyaridad ng istratehiya at mga taktika ng linya ng martsa ng isang Marxista-Leninistang proletaryong rebolusyonaryong kilusan ay ang obhetibo at kongkretong pagtaya sa kalagayan at tunggalian ng mga uri sa isang istorikal na sitwasyon.
Ang pagsusuri ng uri o class analysis ay dapat isagawa sa masusi at kongkretong paraan upang obhetibong maintindihan at maagap na makarkula ang bawat pagpihit at pag-igpaw ng sitwasyon. Hindi ito dapat ilimita sa malayuang "istorikal" na pananaw na ala-LRP (Lipunan at Rebolusyong Pilipino).
Imbes na maging dinamiko ang kilos ng mga uri sa ating pananaw, ito ay nagiging istatiko sa ganitong balangkas. Ito ang rason ng kabiguang masapol ang pekulyaridad ng magkakaibang sitwasyon. Higit sa lahat, nawawalang saysay at nagiging tuod ang teorya ng tunggalian ng uri at hindi nagiging gabay sa praktikal na pagkilos.
Ang importansya ng ala-LRP na porma ng pagsusuri ng uri, bukod sa mga layunin ng popularisasyon, ay para magkaroon ng istorikal na perspektiba ang paghahanay ng mga uri sa lipunan. Pagkilala ito sa posibleng mga alyado ng proletaryado at sa pusakal na mga pwersa ng kontra-rebolusyon. Teoretikal na balangkas ito sa pagsubaybay sa kilos ng mga uri, laluna ang kanilang pag-aatras-abante sa pagbabagu-bago ng sitwasyon.
Kung tutuusin, latag na ang unibersal na teorya ng Marxismo kaugnay ng ganitong pagsusuri ng uri. Hindi ang "istorikal" na pagsusuring ito ang krusyal sa determinasyon ng kongkretong mga proletaryong patakaran sa relasyon sa ibang uri sa nagbabagu-bagong sirkumstansya. Mas itatakda ito ng kongkretong pagsusuri ng kongkretong kalagayan.
Tanging ang proletaryado ang ganap at konsistent na rebolusyonaryong uri sa lipunan. Lahat ng ibang uri ay may reaksyonaryong karakter habang ang iba ay lubusan ang pagiging reaksyonaryo sa harap ng proletaryado. Ito ang rason kung bakit obligadong maging kritikal at dinarniko ang pagsusuri ng mga uri.
5. Ang tunggalian ng uri ang motor ng kasaysayan. Ang tamang interpretasyon at transpormasyon ng takbo ng lipunan ay magagawa kung masusi itong mapag-aaralan, masusubaybayan, at mapanghahawakan.
Hindi sapat na gumawa ng sariling pagsusuri ng uri na salungat sa LRP, halimbawa, ang ating kongklusyong proletaryado ang pangunahing pwersa ng demokratikong rebolusyon hindi ang pesante. Hindi ito katibayan na nakawala na tayo sa katekismong pinauso ni Mao at kinopya ni Sison.
Ang makabuluhang paggamit ng teorya ng tunggalian ng uri ay kung paano ito ginagamit para ipaliwanag ang kongkreto at makasaysayang mga pangyayari sa lipunang Pilipino at paano tinutuklas ang mga batas at tunguhin ng panlipunang pag-unlad batay sa galaw ng mga uring nagtutunggalian.
Dapat balik-aralan ang nagdaang tatlong dekada ng kasaysayan ng bansa na siya ring kasaysayan ng pagsulong at pagbagsak ng Maoistang kilusan sa Pilipinas. At subukang ipaliwanag ang istorikal na mga pangyayari batay sa pag-unlad ng tunggalian ng uri sa lipunan. Pagkatapos, masusing pag-aralan ang kasalukuyang kalagayan at direksyon ng pag-unlad.
6. Ang pinakaimportanteng mga pangyayari sa lumipas na tatlong dekada na dapat ipaliwanag sa balangkas ng tunggalian ng uri ay ang imposisyon ngpasistang diktadura noong 1972, ang pag-aalsang Edsa noong 1986, at ang panunumbalik ng burges- demokratikong porma ng paghahari sa ilalim ng tatlong magkakasunod na rehimen. Bawat isa'y may kanya-kanyang istorikal na "introduksyon". Ang martial law ay may "first quarter storm." Ang Edsa ay ang "Aquino assasination, ” ang serye ng bigong mga kudeta ang sa rehimeng post-Edsa.
Pero hindi natin intensyong gumawa ng salaysay kaugnay ng mga bahaging ito ng ating kasaysayan. Mas layon nating tukuyin ang esensyal na mga eksplinasyon, kongklusyon at leksyon kaugnay ng tunggalian ng uri sa likod ng mga yugtong ito ng pag-unlad na may direktang kabuluhan sa pag-aaral natin ng kasalukuyang sitwasyon at pakikibaka.
Ito'y pag-aaral ng mga dahilan na nagtulak sa paglitaw at pagbagsak ng pasistang diktadura at pagbabalik ng burges-demokratikong porma ng reaksyonaryong paghahari. Mgapaliwanag na di dapat hanapin sa papel ng mga indibidwal kundi sa pinangyarihang kontekstong panlipunan.
Ang mismong pagsulong, at sa bandang huli, pagbagsak ng kilusan ay di dapat tumigil sa mga paliwanag sa katumpakan o kamalian ng mga patakaran. Esensyal ang direktang maiugnay ito sa tunggalian ng uri, ang naging epekto nito sa pagkakahanay ng mga uri.
Halimbawa, grabeng pagkakamali ang patakarang boykot noong 1986. Pero ito ba ang esensyal na eksplinasyon kung bakit naiwanan tayo ng ispontanyong pag-aalsa, o dapat umabot ang paliwanag sa realidad na ang proletaryado ay natabunan ng petiburgesya na naging buntot naraan ng malaking burgesya.
Walang kasinghalaga ang pagtukoy kung ano ang ating naging mga pagkakamali. Pero ang pagsusuri ay dapat magsimula sa konteksto at umabot sa naging epekto nito sa tunggalian ng uri. Kung hindi, wala tayong totoong matututunan. Hindi natin inaalis ang papel ng indibidwal o aksidente sa kasaysayan — ang personal na ambisyon ni Marcos, ang ekstremismo ni Sison, ang asasinasyon ni Aquino, atbp. Ang mahalaga'y ipaliwanag sa Marxistang paraan kung bakit ang mga personahe o aksidenteng ito sa kasaysayan ay nagkaroon ng ganitong epekto sa sitwasyon at galaw ng mga uri.
7. Ang pag-aalsang Edsa, sa ating saligang pagsusuri at kongklusyon, ay isang petiburges na pag-aalsa laban sa isang pasistang diktadura. Kulminasyon ito ng kilusang anti-diktadurang nagsimulang sumiklab pagkamatay ni Ninoy Aquino noong 1983. Ang naging prinsipal na motibong pwersa at suportang panlipunan nito ay ang petiburgesya ng lungsod.
Dahil sa ganitong makauring karakter, kapos at lihis ang pampulitikang nilalaman nito. Napakadaling nagpailalim sa ganap na liderato ng malaking burgesya. Mabilis na kumupas at naglaho ang rebolusyonaryong katangian. Nauwi sa simpleng pagpapatalsik sa diktador at preserbasyon ng lumang sistema na noo'y nanganganib na gumuho sabay ng pagbagsak ni Marcos.
Noong 1983, nang patayin si Aquino, ang makauring antagonismo sa lipunan ay umabot na sa antas ng krisis pampulitika. Ang obhetibong sitwasyon ay bumungad sa antas ng isang rebolusyonaryong sitwasyon. Imbes na masunggaban ng proletaryado ang ganitong oportunidad para isulong ang kanyang makauring pakikibaka at pangunahan ang kilusang anti-diktadura, baliktad ang nangyari. Ito pa ang naging simula para maagaw ng burgesyang anti-Marcos ang liderato at tuluyang makabig ang petiburgesya sa kanilang panig.
Ang pundamental na usaping makauri ay bakit hindi ang mga proletaryadong pwersa ang naging motibong pwersa sa popular na pag-aalsa ng bayan laban sa diktadura? Hindi ba sapat na umigting ang makauring antagonismo sa pagitan ng kapital at paggawa sa ilalim ng diktadura at hindi nito naitulak ang uring manggagawa na pangunahan ang pakikibaka para sa demokrasya? Bakit ang petiburgesya ang nakapangibabaw pero sa direksyon ng mga reaksyonaryong pwersang anti-Marcos?
8. Wala tayong matututunan kung ang simpleng paliwanag ay dahil sa kamalian ng patakarang boykot o kamalian ng kabuuang taktika sa pakikibakang anti-pasista. Walang duda na kung walang rebolusyonaryong taliba ang uring manggagawa at kung wala ang wastong liderato ng talibang ito, imposibleng mangibabaw ang makauring tatak ng proletaryado sa pangkalahatang kilusang demokratiko ng sambayanan.
Sumiklab man ang ispontanyong pagkilos ng malawak na masa ng uri, ang peligro'y mahigop at maanod lang sila ng agos ng pangkalahatang demokratikong pakikibaka at malusaw ang sariling makauring katangian. Magiging buntot lang at instrumento ng sariling makauring adyenda ng burgesya.
Hindi mahihiwalay ang realidad ng sitwasyon ng uri sa mga kamalian at kahinaan ng rebolusyonaryong organisasyong umaako sa papel ng taliba. Sa ultimong pagsusuri, ang dapat managot ay walang iba kundi ang mga pwersang ang pretensyon bilang mga rebolusyonaryo ay ang pagiging mulat-sa-uri.
Ngunit sa pag-aaral ng istorikal na mga pangyayari, ang dapat pagsimulan ay ang aktwal na ikinilos ng masa ng uri sapagkat ito ang obhetibong realidad at pagkatapos ay hanapin ang koneksyon nito sa linyang ipinatupad ng rebolusyonaryong organisasyon bilang suhetibong salik sa ganitong realidad. Dapat aralin muna ang umiral na realidad at saka kritikal na pag-aralan ang ating papel sa ganitong pangyayari.
9. Agad nating baklasin sa pagsusuri ang pananaw na maaring hindi pa sapat ang igting ng makauring antagonismo para maipamalas ng proletaryado hindi lang ang pagiging pinakarebolusyonaryong uri nito sa lipunan kundi ang pagiging taliba nito sa pakikibaka para sa demokrasya.
Sa lahat ng uri, ang proletaryado ang pinakaunang ispontanyo, hayagan at malawakang humamon at bumasag sa pasistang kilabot noong 1975 at 1976 sa bugso ng mga welga na noon ay bawal sa ilalim ng diktadura. Sa panahong ito, libu-libong welgista ang hinahakot ng mga trak ng pulis para ipiit sa mga kampong militar.
Ibig sabihin, ganito kaagang umigting ang antagonismo sa pagitan ng paggawa at kapital. Kaya't imposibleng hindi sapat ang tindi ng antagonismong ito noong 1983-86 dahil ito ang panahong sumasambulat na ang krisis pang-ekonomya at pampulitika at mismo ang petiburgesya ay malawakan nang nangangalsada laban sa pasistang diktadura.
10. Kung sapat ang igting ng sitwasyon, ano kung gayon, ang paliwanag kung bakit hindi nakatugon ang proletaryado sa kanyang misyon at responsibilidad na paigtingin ang sariling makauring pakikibaka, igiit ang sariling makauring linya, pangunahan ang pakikibaka para sa demokrasya, at higupin sa kanyang panig ang mga pwersang malaproletaryado at petiburges sa lungsod at kanayunan?
Hanggang sa panahong iyon, mababa pa rin ang antas ng pagkakaorganisa ng mga manggagawa, at katunayan, hanggang sa ngayon. Kapiranggot lang ang unyonisadong manggagawa sa buong bansa at ang bulto pa nito'y kontrolado ng mga pederasyong oportunista ang pulitika.
Maaring hindi ganoon kaorganisado ang petiburgesya sa maituturing na sariling makauring organisasyon. Ngunit sila'y may samu't-saring antas ng pagkakaorganisa na dinadaluyan ng mga panawagang humihigop sa kanila sa pampulitikang aktibidad at madaling maabot ng kanilang kamag-anak sa uri nang malaking burgesya.
Una'y ang malawak na network ng simbahan na noong panahong iyon ay gumagalaw laban sa rehimeng Marcos. Ikalawa'y ang natural na pagkakaorganisa sa mga opisina sa kalagayang paparami ang mga may-ari ng kompanya na sa hayag at lihim na paraan ay lumalaban na sa diktadura. Tatlo, masasabing organisado rin sila sa pamamagitan ng mga dyaryo ng oposisyon na noong panahong iyon ay lumawak ang sirkulasyon at lantaran ang pag-atake kay Marcos. Ika-apat, ang samu't-saring organisasyon ng panggitnang pwersa na nagamit rin na daluyan ng burges na oposisyon sa rehimeng Marcos.
Sa madaling salita, epektibong naorganisa ang petiburgesya, hindi lang sa sarili nito, kundi sa samu't-saring paraan sa pamamagitan mismo ng galaw ng seksyon ng burgesyang laban kay Marcos. Puspusang hinilit sa kanilang panig ang petiburgesya bilang base sosyal ng kanilang burges-liberal na oposisyon sa pasistang rehimen.
11. Hindi lang nakalamang ang petiburgesya sa proletaryado sa antas ng pagkakaorganisa laban sa diktadura. Sa likod ng penomenong ito ay ang kamay ng burgesya na pinakabeteranong uri sa pag-oorganisang pampulitika. Nakalamang rin ang petiburgesya sa proletary ado sa antas ng pulitikalisasyon. Ang mapagpasya dito'y ang epektibong kampanya ng burgesya sa pagdadala ng mga demokratikong-liberal na islogang kumakagat sa antas ng pulitikalisasyon ng petiburgesya.
Natural na lyamado ang petiburgesya sa proletaryado sa kaalamang pampulitika dahil sa kanilang katayuan sa lipunan. Pero ang naging krusyal ay ang transpormasyon ng kanilang pang-ekonomyang pagkadisgusto tungo sa pampulitikang pagnihimagsik dahil sa lantarang brutalidad ng diktadura. Ang mitsa nito ay ang asasinasyon kay Aquino.
Maliwanag na hanggang sa bispiras ng pag-aalsang Edsa, kapos na kapos ang preparasyong pampulitika ng uring manggagawa bilang independyenteng pwersang pampulitika na maliwanag ang makauring plataporma sa unahan ng pakikibakang anti-diktadura.
Ang manggagawang Pilipino ang pinakamaagang malawakang sumiklab bilang uri laban sa panunupil ng rehimeng Marcos noong 1975-76. Pero hindi nasustena ang ispontanismong ito bilang makauring kilusan. Hindi naitransporma ang kanilang pang-ekonomyang pakikibaka tungo sa pampulitikang pakikibaka na nagtataguyod ng independyenteng linyang proletaryo na salungat sa liberal na linyang burges at huwad na "demokratismo"ng petiburgesya.
12. Inilatag ng labing-apat na taon ng pasistang diktadura ang mga paborableng kondisyon hindi lang para sa pag-igpaw ng kilusan ng uring manggagawa sa Pilipinas kundi ang paglapot ng proletaryong katangian at komposisyon ng pangkalahatang kilusang demokratiko sa bansa.
Walang sapat na obhetibong rason para daigin ng petiburgesya o ng liberal na burgesya ang antas ng pagkakaorganisa at pulitikalisasyon ng proletaryado sa hinaba-haba ng pakikibaka laban sa diktadura o sa dulo'y hindi man lang maging aktibong salik ang makauring kilusan ng manggagawa sa krusyal na yugto ng pagbagsak ng rehimen.
Kung umigting sa mataas na antas ang antagonismo sa kampo ng reaksyon na sapat para itulak ang liberal na burgesya laban sa pasistang pangkating Marcos, kung umigting sa mataas na antas ang antagonismo sa pagitan ng pasistang diktadura at mga panggitnang uri sa lipunan na sapat para itulak ang petiburgesya ng lungsod sa hayagang paghihimagsik sa rehimen walang dahilan para masabing hindi sapat ang igting ng antagonismo sa pagitan ng uring manggagawa at pasistang diktadura laluna't sa ilalim at esensya nito'y ang saligang antagonismo sa pagitan ng kapital at paggawa.
13. Ang antagonismong ito sa pagitan ng paggawa at kapital na ibayong pinaigting ng pasismo, kung tutuusin, ang panlipunan at pampulitikang bentahe ng proletaryado kumpara sa ibang uri dahil mas pundamental at mas malalim ang batayan at layunin ng kanyang paglaban sa pasistang diktadura.
Pero imbes na maging bentahe, at maging batayan ng pag-igpaw ng proletaryong kilusan, nailugmok ito sa pang-ekonomyang antagonismo sa pagitan ng kapital at paggawa sa kanya-kanyang kompanya at hindi naisalin sa hayag na pampulitikang antagonismo laban sa pasistang rehimen.
Kaya't habang umiigting ang polarisasyon sa hanay ng burgesya at petiburgesya at dumadaluyong ang repormistang oposisyon sa kalsada laban sa diktadura, napag-iwanan ang uring manggagawa sa kanya-kanyang laban sa antas ng pabrika. Kahit nga sa pang-ekonomyang antas ay hindi nakaigpaw ang kilusan ng uring manggagawa, sa labing-apat na taong ito ng pasistang rehimen, sa antas ng pangkalahatang welgang pang-ekonomya.
14 Walang kwestyon na libu-libong pulitikalisadong manggagawa ang kalahok sa mga pampulitikang pagkilos laban sa diktadura mula 1983-86. Walang pag-aalinlangan na sila ang pinakapursigido sa pakikibaka. Katunayan, bago pa nagsimulang malawakang gumalaw ang burgesya at petiburgesya laban sa diktadura, mas nauna na't matagal nang kumikilos ang libu-libong mulat na manggagawa para isulong ang pakikibaka para sa "pambansang demokrasya."
Ang problema'y halos at laging limitado ito sa organisadong pwersa ng rebolusyonaryong kilusan sa hanay ng manggagawa. Kahit noong 1983-86, sa katindihan ng ispontanismo ng mamamayan laban sa diktadura, hindi tumampok sa sektor ng paggawa ang ispontanismong gaya ng namalas sa hanay ng petiburgesya.
Dumulas ang pag-oorganisa ng mga unyon, dumali ang mobilisasyon ng mga manggagawa sa pampulitikang mga aksyon, sumigasig ang rebolusyonaryong aktibidad pero hindi sumiklab ang ispontanismong saklaw ang buong uri, walang hayagang ekspresyon ang ispontanyong pulitikalisasyon ng uri.
Imposibleng hindi lumaganap ang ganitong pulitikalisasyon sa hanay ng manggagawa na gaya ng naganap sa buong populasyon mula nang asasinasyon ni Aquino. Bago pa nito'y nakatitiyak tayo na mas maagang lalaganap ang anti-diktadurang sentimyento sa hanay ng manggagawa dahil sa pang-unyong panunupil at kahirapang pang-ekonomya.
Ang punto'y hindi ito sumilakbo at dumaluyong na gaya ng mga bugso ng welga noong 1975-77 bilang isang ispontanyong kilusan kahit sa kritikal na yugto ng 1983-86. Matapos ang labing-apat na taon, lubusang umigting ang mga panlipunang antagonismo at polarisasyon ng mga uri, hanggang sa umabot sa rurok at sumiklab sa anyo ng pag-aalsang Edsa. Perohindi naipamalas ng proletaryadong Pilipino ang kanyang rebolusyonaryong gilas. Ito ang pundamental na realidad ng tunggalian ng uri na dapat maipaliwanag at mahalawan ng aral.
15. Ang kabiguang ito ay resulta ng kawalan ng isang tunay na proletaryong rebolusyonaryong taliba sa unahan ng manggagawang Pilipino. Isang proletaryong rebolusyonaryong partido na ang dapat na naging pundamental na tungkulin ay organisahin ang makauring pakikibaka ng proletaryadong Pilipino, hawanin ang landas ng makauring pakikibakang ito, iguhit nang buong linaw ang independyenteng linya ng rebolusyonaryong proletaryado, kabigin sa kanyang panig ang uring magsasaka at lahat ng masang maralita, bakahin ang reaksyonaryong imptuwensya ng burgesya at huwad na demokratismo ng petiburgesya, at tiyaking ang uring manggagawa ang nasa unahan ng malawak na masa ng sambayanan sa demokratikong pakikibaka laban sa pasistang diktadura.
Ang pundamental na kakulangan ng rebolusyonaryong kilusan ay hindi pa ang boykotismo, ang gerilyaismo, o ang pampulitikang taktika sa buong panahon ng pakikibakang anti-diktadura. Ang pinakamabigat na kasalanan nito ay ang kapabayaan bilang taliba na organisahin ang uring manggagawa at ihanda ito sa mapagpasyang laban na mauugat sa pag-abandona sa independyenteng linyang makauri ng proletaryado at pagkagumon sa petiburges na radikalismo at romantisismo.
Sa pangalan, mayroong rebolusyonaryong partido ang manggagawang Pilipino. Ngunit sa linya't praktika, ang Sisonistang partidong ito ay hindi umaktong makauring partido ngproletaryado, at laluna, bilang rebolusyonaryong taliba ng proletaryong pakikibaka.
16 Kung pag-aaralan ang dogma at linya ng Maoistang partido — ang kanyang programa, ang kanyang istratehiya't mga taktika, ang kanyang diin sa pag-oorganisa, ang kanyang mga islogan at deklarasyon —napakadaling patunayang hindi proletaryong partido ang itinayo ni Sison kundi isang partido ng rebolusyonismong petiburges na ang obsesyon ay pag-alsahin ang magsasaka at ang buong sambayanan, hindi pa sa pangunahin, ang uring manggagawa.
Hinirang ng partidong ito ang sarili na proxy ng uring manggagawa. Mismo ang rebolusyon ng uring-manggagawa ay inihanap din ng proxy. Ito'y walang iba kundi ang "rebolusyong agraryo" ng gerilyang magsasaka at ni hindi ng mismong uring magsasaka. Kontento na si Sison na nirerepresenta ng kanyang partido ang "makauring interes" ng proletaryado kaya't hindi na niya nakita ang pangangailangang patindigin ang uring manggagawa at ang kanyang makauring kilusan para ito mismo ang manguna sa pakikibaka ng sambayanan at humila sa iba't ibang uri, laluna ang uring magsasaka, sa panig ng proletaryado.
Inakala ni Sison na ang pag-akto ng partido bilang taliba ay parehas ang kahulugan at bisa ng pag-akto ng mismong proletaryado bilang taliba ng pakikibaka para sa demokrasya. Hanggang ngayon, hindi pa rin naiintindihan ng Maoistang partido ang gamundong diperensya ng magkaibang konseptong ito, ang magkaibang bisa nito, at di natuto sa kabiguan ng proletaryado na itatak ang makauring marka nito at manguna sa kilusang anti-diktadura. Hindi nito maintindihan na isang esensyal na lohika ng pagtatayo ng taliba ay para tumayo ang proletaryado bilang talibang uri ng sambayanan.
Mukhang ignorante si Sison sa saligang deklarasyon ni Marx at Engels sa "Communist Manifesto "; Ang magpapalaya sa uring manggagawa ay ang manggagawa mismo. Pero sa klase ng rebolusyong isinusulong ni Sison, hindi ang uri, hindi ang masa ng uri ang magpapalaya sa manggagawa kundi ang masang magsasaka at ang kanyang Maoistang partido.
Sa ganitong klaseng konsepto, huwag na tayong magtaka kung bakit hindi organisado at preparado ang manggagawang Pilipino nang sumiklab ang rebolusyonaryong sitwasyon noong 1983-86. Naiwan sa pabrika ang proletaryado — at sa bangketa ang kanyang "makauring" partido nang maganap ang Edsa. Ganap na kabalbalan ang palusot na obhetibong wala pa sa panahong mangibabaw o magmarka ang proletaryado noon. Kung ang panggitnang mga uri ay nagkaroon ng sapat na rason para puspusang kumilos, ang masang anakpawis pa kaya ang kakapusin ng mapanghimagsik na sitwasyon?
17. Ang tamang sabihin ay naiwan ng panahon, nilampasan ng pagkakataon ang proletaryado. Nang dumating ang okasyon para sa mapagpasyang laban, hindi ito preparado, habang ang burgesya ay "bihis na bihis" para sa okasyon. Handang-handa hindi lang para ibagsak ang tirano kundi kumpleto ang arsenal ng katrayduran laban sa masang anakpawis. Habang nag-aalsa ang mamamayan ay ninanakaw ng burgesya ang namumuong tagumpay.
Sobra-sobra ang makauring mga antagonismo sa obhetibong sitwasyon para tumindig ang uring manggagawa at manguna sa pakikibaka bilang isang depinidong uri at independyenteng pwersang pampulitika. Ang kulang na kulang ay ang makauring motibasyon, ang makauring kamulatan batay sa kanyang klarong makauring interes at sariling landas ng pakikibaka na pundamental na tungkulin ng isang talibang partido na payabungin at pag-alabin sa pangkalahatang kamalayan ng masang anakpawis.
Ang problema, ang ibinuga nang ibinuga ng Maoistang partido sa hanay ng manggagawa ay hindi ang independyenteng proletaryong linya sa panahon ng pakikibaka para sa demokrasya kundi ang "pambansang demokrasya" ng petiburges na rebolusyonismo. Pinalabnaw nito ang linyang makauri at ang pinalapot ay ang "linyang pangmasa" para sa buong sambayanan. Dahil dito, nalusaw ang proletaryong makauring pakikibaka sa gitna ng pangkalahatang demokratikong kilusan.
Dakdak nang dakdak ang Maoistang partido ng "matagalang digmang bayan" sa kanayunan gayong nasa bispiras na ng pag-aalsa ang mamamayan sa kalunsuran. Dakdak nang dakdak nang "gubyernong koalisyon" gayong ang mga gusto nitong makapartner sa koalisyon ang petiburgesya at pambansang burgesya ay nasa ilalim na ng palda ni Corazon Aquino at ng liberal na burgesya.
Dakdak nang dakdak ng "saligang alyansa ng manggagawa-magsasaka. ” Pero ang materyalisasyon lang nito, matapos ang halos labing-walong taon, ay ang "pagsasanib"ng "partido ng uring manggagawa" at ang "hukbo ng uring magsasaka" doon sa kabundukan at kagubatan ng kanayunan. Hindi ang aktwal at pisikal na pagkawing ng kilusan ng manggagawa sa kilusan ng magsasaka sa larangan ng pampulitikang pakikibaka laban sa pasistang diktadura, laban sa katrayduran ng liberal na burgesya, sa at laban sa huwad na demokratismo ng petiburgesya.
18. Kung ang repormistang pag-aalsa ng petiburgesya ang sinunggaban ng malaking burgesya para ibagsak ang pasistang diktadura noong 1986, ang petiburges na rebolusyonismo naman ang sinangkalan ng reaksyonaryong estado para ibagsak sa sambayanang Pilipino ang pasistang rehimen noong 1972. Sa dalawang pagpihit ng ating kasaysayan, parehas na gumampan ng krusyal na papel ang atras-abanteng karakter ng petiburgesya.
Ang armadong pagpapaigting ng sitwasyon ng bagong tatag na Maoistang kilusan noong bago mag-Martial Law at ang personal na ambisyon ni Marcos na magtagal sa poder ay nagtugma para sa imposisyon ng pasistang diktadura sa bansa. Bagamat ang magkasalungat na ekstremismo ng magkabilang panig ay lampas sa aktwal na antas ng antagonismo sa lipunang Pilipino noon, parehas na may batayan o pinag-ugatan ang ganitong mga kilos sa pangkalahatang sitwasyong panlipunan bago ang Martial Law.
19. Bago idineklara ang batas militar at bago pa itinatag ang Maoistang partido, bumibilis na ang disintegrasyon ng kalagayang panlipunan sa bansa. Ang deskripsyon sa Pilipinas noon ay nakaupo sa isang bulkan. Hindi maikakaila na noon pa'y nagsisimula nang mapag-iwanan ng progresong pang-ekonomya sa Asya ang Pilipinas habang nararamdaman na ang epekto ng nagsisimulang resesyon sa US.
Sa panahong ito, nagsisimula pa lang muling bumangon ang ispontanyong mga kilusang makauri ng manggagawa at ng magsasaka, at gayundin, ang mga kilusang makabayan at rebolusyonaryo. Ito'y matapos ang pagkawasak noong dekada '50 at paghupa hanggang sa sumunod na dekada sa harap ng matinding anti-komunistang panunupil. Dahil sa pagkatalo ng kilusan sa pamumuno ng lumang partido ng mga Lava, ang organisasyon at impluwensya ng Kaliwa sa pakikibaka ng mga manggagawa at magsasaka ay bumagsak.
Sa mga taon ng muling pagbangon ng makauring mga kilusang ito — bago ang muling pagbubuo ng partido noong 1968 sa liderato ni Sison — ang organisasyon at impluwensya sa mga pakikibaka ng mga manggagawa at magsasaka ay nasa kamay ng mga repormistang organisasyong gaya ng Federation of Free Workers at Federation of Free Farmers.
Ang mga organisasyong gaya nito ay kinunsinti at inayudahan ng mga reaksyonaryo bilang alternatibo sa mga samahang impluwensyado ng kilusang komunista. Samantala, angimpluwensya ni Sison ay mas konsentrado sa mga pamantasan at sa makabayang mga intelektwal at personahe. Nang umisplit siya sa lumang partido, halos wala siyang nakabig sa mga organisasyon ng magsasaka at manggagawa. Mas nakabiyak siya ng kapiraso sa HMB at ito naman talaga ang kanyang target dahil sa kanyang war strategy at war mongering.
20. Pagkabuo ng Maoistang partido noong Disyembre 1968, ang agad na konsentrasyon nito ng pag-oorganisa ay sa mga pamantasan sa kalunsuran samantalang sa kanayunan ay sa kagyat na pagbubuo ng rebolusyonaryong hukbo na agad ring itinatag noong Marso 1969. Ang diin sa kilusang istudyante ay sinadya ni Sison para pasiglahin ang kilusang propaganda para sa kanyang "pambansang demokratikong rebolusyon." At alam niyang ito ang mas madaling hukaying bukal ng mga kadre ng partido at hukbo. Kagyat na itinayo ni Sison ang isang partido ng manggagawa kahit halos wala siyang hawak na organisasyong masa ng uring manggagawa. Itinayo ang isang hukbo ng magsasaka kahit halos wala siyang organisasyong masa ng uring magsasaka. Ang bulto ng pinagsimulang pwersa ni Sison ay mga rebolusyonaryong galing sa petiburgesya.
Kaya't bago sumiklab ang "First Quarter Storm" (FQS) ang sitwasyon ng makauring kilusan ng mga manggagawa sa kalunsuran at magsasaka sa kanayunan ay nagsisimula pa lang bumangon at lumakas at sa kabuuan ay mas nasa impluwensya ng mga repormista. Dahil dito, ang artikulasyon ng nagaganap na disintegrasyon ng lumang kaayusan ay hindi pa sa anyo ng malawakan at militanteng mga pakikibaka ng masang anakpawis.
Ang mas naging ekspresyon ng pangkalahatang kalagayang panlipunan at direktang pag-atake sa reaksyonaryong sistema ay ang kilos ng mga kabataang istudyante at progresibong mga intelektwal. Ang pagsiklab ng malawakang kilusang protesta ng kabataan sa anyo ng FQS pagpasok ng dekada '70 ay nakaugat sa obhetibong kalagayang panlipunan ng panahong iyon. Ngunit ang pwersang panlipunang nagtutulak ng pagsiklab na ito ay mas ang petiburgesya ng lungsod at ang militanteng ekspresyon nito ay ang kilusang istudyante. Walang pekulyaridad dito sapagkat sa karanasan ng maraming bansa, ang panimulang pagsikad ng rebolusyonaryong kilusan ay sa ganitong paraan nagaganap. Ang abnormalidad ay ang agad na pagbaling nito sa armadong pakikibaka bago pa man makaugat sa hanay ng masang anakpawis at makausad ito sa antas ng pampulitikang pakikibaka.
21. Ang dekada '70 ay binuksan ng FQS. Matapos ang marahas na panunupil sa unang dalawang uri, bumulwak ang aktibismo ng kabataan sa mga pamantasan at lansangan. Nagsimula ang radikalisasyon ng ispontanyong kilusang istyudyante mula sa dating moderatong linya. Madaling naagaw ng bagong tatag na Maoistang partido ang liderato sa kilusang protesta.
Ang repormistang panawagan ng "Non-Partisan Constitutional Convention" ay natabunan ng "Ibagsak ang imperyalismo, pyudalismo at burukratang kapitalismo. ” Mabilis na lumaganap ang aktibismong ito ng mga kabataan sa mga komunidad at ilang sentrong lungsod sa buong kapuluan.
Naganap ang FQS sa panahong umaagos ang aktibismong istudyante sa buong mundo laban sa agresyon ng US sa Vietnam at "rebelyon" sa iba't ibang manipestasyon ng kabulukan ng sistema. Ito ang henerasyon ng kabataan na inabot ang pagsisimula ng resesyon ng US matapos ang mahabang panahon ng prosperidad. Kinagisnan nilang nagpuputukan sa maraming bansang atrasado ang armadong mga kilusan at lumalagablab ang gyera sa Vietnam na naging simbolo ng imperyalismo.
22. Bunga ng FQS, naging mabilis ang ekspansyon ng lihim na organisasyon ng Maoistang partido sabay ng pagpapasimula ng armadong pakikibaka sa ilang rehiyon at pagpupundar nito sa iba't ibang bahagi ng bansa. Ang gumampan ng susing papel sa pagpupundar at pagpapalawak ng organisasyon ng partido at hukbo ay mga aktibistang kabataang inspirado ng rebolusyong Tsino at digmang bayan sa Vietnam, at ng FQS.
Pero imbes na kagyat na ikawing at ikonsentra ang kumakapal na bilang ng rebolusyonaryong kabataan para sa pagsusulong ng kilusang manggagawa, ang naging inspirasyon ay ang "pamumundok" at paglahok sa armadong pakikibaka.
Artipisyal na pinaigting ng Maoistang partido ang sitwasyon sa pamamagitan ng gyerang gerilya sa kanayunan. Nang suspendihin ang writ of habeas corpus noong 1971 hanggang saideklara ang martial law noong 1972, halos nag-uumpisa pa lang ang pag-oorganisa ng Maoistang partido sa hanay ng mga manggagawa at magsasaka. Pero lumalarga na ang armadong mga labanan sa ilang lugar sa Luzon habang ipinupundar ang hukbo sa iba't ibang bahagi ng kapuluan. Ang nabigong tangka na magpasok ng isang barkong armas mula sa Tsina noong 1971 ang tanda ng determinasyon ng Maoistang partido na paigtingin ang armadong pakikibaka kahit manipis na manipis pa ang baseng masa nito. Aplikasyon ito ngkonspiratoryal na konsepto ni Sison ng rebolusyon. Naglunsad siya ng digmaan nang walang konsiderasyon sa antas ng tunggalian ng uri. Sinadyang paigtingin ni Sison ang sitwasyon sa bansa sa antas ng armadong komprontasyon para sa kanyang iskrip ng Maoistang digmang bayan.
Lubusan siyang pinaunlakan ni Marcos. Ginamit ni Marcos ang Plaza Miranda bombing noong 1971 at ang pagkabisto ng MV Karagatan noong 1972 para palabasing grabe ang banta ng armadong rebelyon at komunistang subersyon sa bansa. Pinalabas niya na hindi lang may kinalaman ang ekstemal na pwersa sa komunistang pakana sa Pilipinas. Mismo ang kanyang mga karibal sa pulitika (Aquino, Lopez, atbp. ) ay direktang kasangkot. Isang sabwatang Kaliwa at Kanan ang kanyang pinalabas na banta sa seguridad ng bansa para mabigyan ng katwiran ang imposisyon ng batas militar.
23. Nagsilbi sa interes ng reaksyon ang adelantado at artipisyal na pagpapaigting ng sitwasyon sa puntong nabigyan ng katwiran ang deklarasyon ng batas militar para maaga't marahas na sugpuin ang kilusan habang umuusbong pa lang.
Sa bahagi ng US, ang pangkalahatang patakaran nito noong panahong iyon ay sulsulan ang pagtatayo ng mga papet na diktadura. Paniniguro ito sa paglala ng krisis ng US at ng pandaigdigang sistema ng kapitalismo, at sa malamang na tagumpay ng mga rebolusyonaryong kilusan sa Indotsina na peligrosong umapaw sa Southeast Asia at maging inspirasyon ng mga kilusang gerilya sa buong mundo.
Sa bahagi ng pangkating Marcos, tumutugon ito sa interes na magtagal sa paghahari. Para sa mga reaksyonaryong uri sa lipunan, mas komportable sila sa isang estadong awtoritaryan basta magarantiyahan ang istabilidad ng kanilang pang-ekonomyang interes at kung ito ang kailangan para depensahan ang naghaharing sistema.
24. Sa Marxistang punto de bista, mali ang adelantado at artipisyal na paigtingin ng mga rebolusyonaryong pwersa ang sitwasyon nang hindi ayon sa antas at rekisito ng tunggalian ng uri. Ngunit sa kabilang panig, hindi naman naobliga lang si Marcos sa probokasyon ni Sison. Kumbinyenteng rason lang para sa kanya ang Maoistang rebelyon. Kaya't sa imposisyon ng batas militar at pagtatayo ng diktadura, alinsunod sa interes ng naghaharing sistema at ng pangkating Marcos, di maiiwasang paigtingin nito ang mga panlipunang antagonismo sa bansa na siyang naganap sa labing-apat na taon ng pasistang paghahari.
Mali ang ginawa nitong adbenturistang probokasyon. Dahil nang ideklara ang batas militar, sa isang iglap ay humupa ang dating umaagos na kilusang masa. Sa kalunsuran, halos nawalis ang naipundar na pwersa't makinarya, at sa kanayunan ay nalansag ang panimulang mga baseng gerilyang naitayo. Kung hindi sumiklab ang gyera ng Bangsa Moro sa Mindanao, naikonsentra sana ng diktadurang Marcos ang buong pwersang militar nito sa NPA at nalubos ang pagkadurog.
25. Dahil sa matinding gyera sa Mindanao, na doo'y talagang matagal nang hinog ang sitwasyon para sa digmaan, nakabawi ang Maoistang partido mula sa panimulang pagkawasak. Unti-unti nitong nagamay ang pakikidigmang gerilya habang sa pagtatangkang apuhapin ang maliliit na yunit nito, katakut-takot na pasistang pang-aabuso at panliligalig ang ginawa ng militar sa masang magsasaka.
Bigo ang reporma sa lupa ni Marcos kaya't walang progreso at hustisyang panlipunan sa malawak na kanayunan ng bansa at ito'y naging matabang lupa para umusbong ang pakikidigmang gerilya. Nagsimula itong lumakas noong 1976 at pagpasok ng dekada '80, kalat na ito sa buong kapuluan at dumalas at umigting ang taktikal nitong mga opensiba.
Ngunit ang mas pumapaypay dito ay ang antipasistang sentimyento ng mamamayan kaysa isang anti-pyudal na kilusang magsasaka. Dahil militarisado ang buong kanayunan, hindi nabigyan ng pagkakataon ang pag-unlad ng isang hayag at kilusang magsasaka sa kanayunan sa buong panahon ng pasistang diktadura. Kaya't imbes na ang makauring antagonismo sa pagitan ng uring magsasaka at panginoong maylupa ang direktang umigting, nagkaroon ng mga "armadong representante" ang magkabilang panig at ang kanilang labanan ang totoong umigting.
26. Totoong lumaganap at umigting sa buong bansa ang Maoistang pakikidigmang gerilya sa labing-apat na taon ng pasistang diktadura. Umayon ito sa marahas na antas ng antagonismong panlipunang itinakda ng imposisyon ng batas militar. Wasto lang na sagutin ng armadong pakikibaka ang hayagang armadong panunupil ng reaksyonaryong estado.
Ngunit sa kabila ng nakamit nitong pagsulong sa armadong larangan, hindi naipon ng Maoistang kilusan ang sapat na armadong lakas para lipulin ang armadong pwersa ng kaaway, ibagsak ang reaksyonaryong estado at agawin ang kapangyarihang pampulitika sa bansa.
Hanggang sa dumating ang bispiras ng Edsa, malayung-malayo pa rin ang lakas at kapasidad nito sa antas ng "regular mobile warfare" at "war of annihilation" na siyang mga susing istratehiya sa teorya ni Mao ng "protracted war" para makalampas sa yugto ng istratehikong depensiba at umabante sa yugto ng istratehikong opensiba. Hanggang sa bumagsak ang rehimeng Marcos at humupa ang rebolusyonaryong kilusan, ang pinakamataas na inabot ng armadong pakikibaka ay lampasan ang "early substage" ng "istratehikongdepensiba" at bumungad sa "advanced substage" ng istratehikong yugto pa ring ito ng depensibang pakikidigma at pakikidigmang gerilya.
Sa istorikal na pagtanaw, ang mas naging silbi ng Maoistang armadong pakikibaka ay maging malaking salik sa pagpapabagsak sa pasistang diktadurang Marcos ngunit hindi sa pagpapabagsak ng buong reaksyonaryong estado at sistema. Sa kamay ng liberal na burgesya, mas nagsilbi itong pruweba para kumbinsihin ang gubyemong US na bitiwan si Marcos. Hindi ito nakabuti sa sistema at hindi nakalutas kundi nakapagpalubha pa sa orihinal na problema ng "rebelyon" na ginamit na rason sa imposisyon ng diktadura.
Ganitong "magbiro" ang kasaysayan. Ang "Maoistang rebelyon" na ginamit ng pangkating Marcos na sangkalan para kumapit sa kapangyarihan, ang ginamit din ng pangkating Aquinopara kumbinsihin ang imperyalistang padrino na bitiwan ang ganitong rehimen. Masakit mang sabihin, pinaglaruan lang ng burgesya ang petiburges na rebolusyonismo ni Sison para sa kanilang paksyunal na bangayan at relyebo sa reaksyonaryong paghahari. Masakit ang ganitong katotohanan dahil ang kapalit ng sariling paglalaro ni Sison ng gyera ay buhay ng libu-libong rebolusyonaryo at ordinaryong mamamayan. Mabuti sana kung matapos bumagsak si Marcos ay nagpatuloy ang pagsulong ng kilusan. Ang nangyari, ito ang nagingsimula ng pagbagsak ng Maoistang kilusan sa bansa at tuluy-tuloy na paghupa ng rebolusyonaryong pakikibaka.
27. Kung sinu-sino ang sinisisi ni Sison dito sa Pilipinas sa ganitong pangyayari gayong naroon sa Utrecht ang dapat pagbuntunan ng sisi. Hindi mali ang paglulunsad ng armadong pakikibaka sa anyo ng pakikidigmang gerilya sa kanayunan sa panahon ng pasistang diktadura. Bagamat artipisyal ang mga kondisyong pinagbatayan ng imposisyon ng batas militar, ang mismong akto ng pagtatayo ng pasistang diktadura ang nagpaigting sa makauring antagonismo sa lipunan sa marahas na antas.
Ang mali ay ang konsepto ng Sisonistang partido ng rebolusyon. Trinansporma nito ang rebolusyon sa gyera at ikinahon sa gyera. Ang rebolusyon ay gyera at ang gyera ang rebolusyon. Imbes na ang batas ng tunggalian ng uri ang magpagalaw sa rebolusyonaryong kilusan alinsunod sa konsepto ng isang Marxistang rebolusyon, nagkaroon ng sariling batas ng pagsulong ang rebolusyonaryong pakikibaka sa bansa na separado sa batas ng tunggalian ng uri. Ito'y ang batas ng "matagalang digmang bayan"na isang istratehiyang militar at dito iniangkop ang istratehiyang pulitikal ng partido. Imbes na ang batas ng pag-unlad ng pakikibakang pulitikal ang pagbatayan, ang nangyari'y ang batas ng pakikibakang militar ang nagdetermina ng pagsulong ng kilusan. Ni butil ng Marxismo-Leninismo ay wala tayong makita sa paghati ng Sisonistang partido sa tunggalian ng uri sa tatlong istratehikong yugto ang istratehikong depensiba, ang istratrehikong pagkakapatas at ang istratehikong opensiba. Pero ang tatlong istratehikong yugtong ito ang pinagbatayan ng pagsusulong ng Maoistang rebolusyon, at ang mga batas na ito'y militar ang katangian at hindi pulitikal.
Kaya't matapos ang asasinasyon kay Aquino noong 1983 at biglang maglagablab ang pampulitikang labanan sa buong bansa, nabulabog ang rebolusyonaryong iskrip ng Sisonistang partido. Ispontanyong sumabog ang panlipunang antagonismo sa lipunang Pilipino at kumulo ang kalunsuran sa pampulitikang pakikibaka, pero ang pangunahing pwersa ng hukbong gerilya ay naroon pa rin sa mga prontera at paanan ng kabundukan at walang kapasidad para sa isang pangkalahatang opensiba.
28. Ngunit ang totoong masaklap, matapos ang labing-apat na taon, walang malakas at maigting na kilusang manggagawa at kilusang magsasaka sa bansa na dapat sanang tuntungan ng sariling hegemonya ng rebolusyonaryong kilusan sa pampulitikang pakikibaka hindi lang sa rehimeng diktador kundi mismo sa repormistang kilusang anti-pasista ng petiburgesya at malaking burgesya. Ang nangyari'y nakipagsabayan na lang ang kilusan sa mga multisektoral na mobilisasyon na hindi naman epektibong makaguhit ng diperensya ng ating linya sa linya ng burgesya bukod sa pangkalahatang usapin ng imperyalismo at pyudalismo.
Ang nangyari'y walang makauring talas at talab ang ating mga islogan dahil walang makauring kilusang pursigido't malawakang nagtataguyod nito sa aktwal. Ang makauring mga kilusan ang dapat na nagsilbing materyal na pwersang bumagsak at naglantad sa mga huwad at walang lamang "demokratikong" islogan ng burgesya.
Sa praktika, nauwi ang pakikipagtunggali natin sa linya sa pagpapaigting ng retorika't islogan. Itinapat natin ang islogang "dismantle" sa mga islogang "oust" o "resign" na pawang petiburges na kabalbalan. Lagi nating idinidikit ang "US" sa pangalang "Marcos" na para bang magiging anti-imperyalista ang mamamayan sa ganitong simbolismo. Animo'y mortal na kasalanan ang makalimutang ikabit ito sa karatulang diktadurang Marcos.
Nagmukha lang tayong ridikuloso sa mga islogang ito. Pero ang mas pundamental na punto'y hindi kung sino ang may mas militanteng islogan kundi sa ilalim ng anong islogan kumikilos ang iba't ibang makauring pwersa sa lipunan sa mapagpasyang sandali ng pagbabagsak sa pasistang rehimen.
Maliwanag ang mga pangyayari ang malawak na masa ng sambayanan, hindi lang ang petiburgesya, ay nakabig at napakilos ng burgesyang anti-Marcos at maliwanag ang pruweba nito ang popular na nag-aalsang Edsa. Katakut-takot na pagpupunyagi at pagpapakasakit ang ginugol ng rebolusyonaryong pwersa at mamamayan sa labing-apat na taon ng buhay-at-kamatayang pakikibaka sa pasistang diktadurang Marcos. Milyun-milyong mamamayan ang dinaanan ng ating pagmumulat at pag-oorganisa sa buong panahong ito. Sa panahon ng kaigtingan ng pamamasista ng diktadura, ang nangungunang pwersa sa paglaban ay ang rebolusyonaryong hanay. Pero ang nangyari'y sa loob lamang ng tatlong taon (1983-86), naagaw ng burgesya ang liderato sa pakikibakang anti-diktadura. At sa mapagpasyang oras ng pag-aalsa ng bayan, ang rebolusyonaryong kilusan ay sumadsad sa pampulitikang bangketa, isang rebolusyonaryong partidong nakatunganga habang nag-aalsa ang bayan, habang ninanakaw ng burgesya kasabwat ang mga imperyalistang pwersa ang tagumpay ng kilusang anti-diktadura, ang pinaghirapan ng mamamayan.
29. Sa binaybay nating kasaysayan ng tunggalian ng uri sa Pilipinas mula FQS hanggang EDSA halos hindi mabakas ang natatangi at makauring papel ng proletaryado. Ito'y sa kabila ng katotohanang sa lungsod at kanayunan, sa mga lugar na kanilang pinagtatrabahuan, walang humpay at walang kaparis ang makauring antagonismo sa pagitan ng kapital at paggawa. Sa hanay ng pinagsasamantalahang mga uri, sila ang pinakaorganisado at pinakaaktibo sa pakikibaka para sa kanilang makauring interes.
At kung babalikan natin ang mas naunang mga yugto ng kasaysayan ng bansa, noong unang itayo ang proletaryong partido sa bansa at matapos ang World War II, mas matingkad ang papel ng proletaryado kaysa pinapaksa nating panahon. Sa binaybay nating kasaysayan, hamak na mas markado ang naging makauring papel ng petiburgesya sa lungsod kumpara sa proletaryado.
Sa isang banda, may batayang panlipunan ang ganitong penomenon dahil, kung tatanawin sa istorikal na pag-unlad ng kapitalismo, ang Pilipinas ay nasa antas pa rin ng petiburges nasistema ng ekonomya na tinatampukan ng maliitang produksyon ng kalakal. Totoong dominado ang industriya, agrikultura at komersyo ng bansa ng malakihang kapital ng imperyalistang mga kumpanya at ng malalaking burgesya at panginoong maylupa pero nakasapaw, at sa isang antas, ay nakasandig ito sa petiburges na sistema ng ekonomya na mas laganap sa bawat sulok ng bansa. Ito ay isang tipo ng ekonomyang laging nasa bingit ng pag-igpaw at pagbagsak at siyang nagpapaliwanag sa atras-abanteng makauring karakter ng petiburgesya sa pampulitikang pakikibaka. Dahil sa kanyang inuokupang posisyon sa lipunang Pilipino at relasyon sa ibang uri bilang panggitnang pwersa, at dagdag pa ang laki ng kanyang bilang sa kabuuang populasyon ng bansa, gumagampan ng istratehiko at krusyal na papel ang petiburgesya sa lungsod at kanayunan sa buhay pampulitika ng bayan at sa balanse ng pwersa sa kabuuan.
Ngunit sa kabilang banda, ang isang rebolusyonaryong partidong tinatawag ang sarili na partido ng uring manggagawa ay hindi karapat-dapat tawaging Marxista-Leninista kung hindi nito sapol na hamak na mas matibay at mas maigting ang mga batayang panlipunan upang ang proletaryadong Pilipino bilang uri at bilang independyenteng pwersang pampulitika at hindi sa pamamagitan lang ng "representasyon" ng kanyang partido ang aktwal, ang direkta, ang mapagpasyang manguna, magmarka at mangibabaw sa pakikibaka para sa demokrasya bilang preparasyon at rekisito sa pakikibaka para sa sosyalismo.
Hindi naipamalas ng manggagawang Pilipino ang obhetibong katotohanang ito na nakaugat sa kanyang posisyon sa lipunan at makauring relasyon dahil ang pundamental na rekisito para magampanan niya ang kanyang papel sa kasaysayan at maorganisa ang kanyang makauring pakikibaka ay isang mulat-sa-uring talibang rebolusyonaryong partido. Ganap na hindi natugunan ng Sisonistang partido ang ganitong pangangailangan ng proletaryong Pilipino sa istorikal na pakikibaka sa pasistang diktadurang Marcos at pakikibaka ng sambayanang Pilipino para sa demokrasya.
30. Hindi ito natugunan ng Sisonistang partido dahil ito'y partido ng petiburges na rebolusyonismo at hindi partido ng proletaryong rebolusyon. Hindi na natin iisa-isahin at uulitin ang komprehensibong batayan na inilahad ng Counter-Thesis I kung bakit kahit pasang-awa ay hindi lulusot ang partidong ito bilang isang Marxista-Leninistang proletaryong partido.
Natalakay na natin kung paano inaksaya ng Sisonistang partido ang istorikal na pagkakataon ng manggagawang Pilipino sa panahon ng pasistang diktadura. Kaugnay ng pag-aaral ng tunggalian ng uri sa bansa, ang mas mabigat na kasalanan ng Sisonistang partido ay kung paano nito nilamutak ang pampulitikang pag-unlad ng kilusan ng uring manggagawa at sinalaksakan ang kamalayan ng mga sumusulong na elemento ng uring manggagawa ng petiburges na rebolusyonismo na kasingsama ng petiburges na repormismo kundi man mas masahol.
Ang pangyayaring ito ay lampas na sa usapin ng kamalian ng isang linya o patakaran kaugnay ng kilusang manggagawa dahil ito'y isang istorikal na pangyayaring tumagal ng isang henerasyon ng pakikibaka at nagpapatuloy hanggang sa kasalukuyan. Nasa antas na ito ng direktang tunggalian ng uri, ang malalim na impluwensya at malawak na epekto ng petiburgesya sa loob ng kilusang manggagawa, sa hanay ng pinakasulong na mga unyon at manggagawa sa bansa.
Matapos ang mapagpasyang pagkatalo ng Lavaistang partido noong dekada '50 at kasabay nito ang pagkawasak ng militanteng Congress of Labor Organizations (CLO) na sa kalakasan nito'y kinilalang pangunahing organisasyon ng manggagawa sa bansa, nag-unahan ang mga tahasang bentador na pederasyong gaya ng PTGWO at ALU at ang mga repormistang pederasyong gaya ng FFW para sa impluwensya sa kilusang manggagawa habang ang natirang mga organisasyong hawak ng Lavaistang partido ay nalululong sa ekonomismo.
Kaya't bago sumiklab ang FQS, nangibabaw sa kilusang paggawa ang makamandag na impluwensya ng petiburges na repormismo at iba't ibang anyo ng ekonomismo at kolaborasyonismo. Inayudahan ng imperyalismo ang paglasong ito sa sumunod na henerasyon ng organisadong manggagawa matapos ang anti-komunistang pagdurog bilang antisipasyon sa di maiiwasang pagbangon ng kilusan ng uring manggagawa.
Nang sumiklab ang FQS matapos mabuo ang Maoistang partido, ang unang mga kadre nitong umugat sa hanay ng paggawa ay pinaspasan naman ang pagbaka sa repormismo, ekonomismo at kolaborasyunismong ito sa kilusang unyon. Ang problema'y mula sa petiburges na repormismo ay ibinaling naman ito sa kabilang dulo, sa petiburges na rebolusyonismo. Mula noon hanggang ngayon, nagpapatuloy ang agos na ito ng petiburges na rebolusyonismo sa hanay ng pulitikalisadong seksyon ng uring manggagawa na ang dala-dala ay ang anti-proletaryo, maka-pesanteng linya ng Maoistang partido.
Paano maiaangat ng Sisonistang partido ang kamalayan-sa-uri at kumpyansa-sa-uri ng manggagawang Pilipino kung ang itinuturo nitong konsepto ng rebolusyon ay bastardo — na ang magpapalaya sa uring manggagawa ay ang rebolusyong agraryo at digmang bayan sa kanayunan ng uring magsasaka at ang papel dito ng proletaryado ay bilang kalahok ng kabuuang kilusan ng bayan para sa kalayaan at demokrasya?
Paanong titindig ang kilusan ng uri bilang nagsasariling pwersang pampulitika kung pinaiigting lang nito ang antagonismo sa pagitan ng kapital at paggawa sa antas ng pabrika ngunit pagdating sa linyang pampulitika ay sadyang pinapupurol ang linyang anti-kapitalista at kinaliligtaan ang linyang sosyalista at hinahalinhan ng makabayan at demokratikong linyang tinatawag nitong "pambansang demokrasya"?
Paanong iaalay ng uring manggagawa ang sarili sa buhay-at-kamatayang pakikibaka para sa "pambansang demokrasya" kung sa plataporma nito'y hindi naman nireresolba ang sahurang pang-aalipin ng kapital at kung tutuusin ay wala siyang tunay na pakinabang kung hindi ikakawing at isasanib sa pakikibaka para sa sosyalismo?
Ito ang eksplinasyon kung bakit hindi nakaigpaw ang kilusan ng uring manggagawa sa panahon ng pasistang diktadura para gampanan ang kanyang nangungunang pampulitikang tungkulin sa pakikibaka para sa demokrasya. Nakasuksok sa organisadong hanay ng paggawa ang magkabilang impluwensya ng pulitikalisadong petiburgesya. Sa isang banda, ang petiburges na repormismo, at sa kabilang banda, ang petiburges na rebolusyonismo na parehas na kumakapon sa makauring interes at makauring pakikibaka ng proletaryado. Sa madaling salita, imbes na ang makauring impiltrasyon ng makauring tendensya ay mula sa proletaryado patungo sa petiburgesya, ang kabaliktaran ang nangyari sa panahon ng pakikibakang anti-diktadura at ito ang dahilan kung bakit sa naganap na pag-igting ng tunggalian ng uri, sa naganap na pagpihit ng kasaysayan, hindi ang proletaryado ang nakapangibabaw.
31. Kung tunay na proletaryo ang makauring katangian ng Sisonistang partido, dapat ay madali nitong nakita ang saligang aral ng Edsa. Pero dahil nga palsipikadong Marxista-Leninista, at bastardo ang konsepto ng tunggalian ng uri at konsepto ng taliba, kahit man lang sulyap ay hindi nito pinansin kung ano ang naging papel sa pag-aalsa ng proletaryado hindi bilang indibidwal na mga kalahok kundi bilang independyenteng pwersang makauri at pulitikal.
Kaya't imposible nitong matasa ang ganitong usapin dahil ni hindi ito usapin para sa ganitong klase ng partido. Ang tinasa nito ay ang naging papel ng "partido" at hindi ng "uri" dahil nga ang konsepto nito ng vanguard ay konsepto ng proxy. Sa pagtatasa nito ng pagkakamali kung bakit nawalan ng papel ang rebolusyonaryong kilusan sa pag-aalsa, ang sinisi nito'y ang sariling kabalbalan ng boykotismo pero hindi nakita ang mas malaking kabalbalang pinag-ugatan nito — ang bastardong konsepto ng rebolusyon at bastardong konsepto ng partido.
Partisipasyon man o boykot, o kahit anong panawagan pa ang ginawa ng Sisonistang partido, wala na rin itong gaanong katuturan nang sandaling iyon dahil nasa kamay na ng burgesya ang liderato sa kilusang anti-diktadura. Kapos sa preparasyong pampulitika ang proletaryong pwersa ng kilusan ng mamamayan at ganap na hindi handa sa magaganap na labanan saan mang larangan-armado man o hindi armado.
Ito ang nakakatawang nakakaasar. Isang armadong kilusang nagpakalulong sa armadong pakikibaka sa loob ng labing-anim na taon pero nang sumapit ang sandali ng popular na pag-aalsa ng bayan ay ni hindi preparadong armadong mag-alsa, sa lungsod man o kanayunan. Sa madaling salita, walang natutunan dahil wala namang totoong itinuwid ang Sisonistang partido matapos ang lumalagapak nitong kabiguan sa pakikibakang anti-diktadura. Kaya't nang harapin nito ang bagong rehimeng Aquino, parehas pa rin ang kabuuang balangkas nito ng rebolusyonaryong pakikibaka.
Ang US-Marcos ay simpleng ginawang US-Aquino, ang diktadura ay pinalitan ng rehimen. Ang pagsusuri nito ay walang substansyal na ipinagbago ang sitwasyong pampulitika dahil wala namang substansyal na nabago sa kalikasan ng lipunan at estado. Samakatwid, walang substansyal na ipagbabago ang pamamaraan at katangian ng rebolusyonaryong pakikibaka.
Sa pananaw nito ay moro-moro lang ang peace talks kaya't tuloy ang armadong pakikibaka at matagalang gyera. Ang mabigat na mga pagtatalo ay kung palalakihin o paliliitin ang mga pormasyon ng mga gerilyang yunit sa kanayunan. Sa ilalim ng rehimeng Aquino, panibagong pagpapaigting ng pakikidigraang gerilya ang binalak para idiskaril ang istabilisasyon nito at isang panibagong barko ng armas ang tinangkang ipuslit sa loob ng bansa para rito.
Matapos ang EDSA, hindi agad nangyari ang disintegrasyon ng pwersa at base ng Maoistang kilusan sa bansa bagamat mabilis na humupa ang kilusang masa sa kalunsuran. Sa kabuuan, nanatiling buo ang rebolusyonaryong hanay at inaabangan ang mga bagong patakaran sa bagong kalagayan sa ilalim ng rehimeng Aquino.
Pero dahil nga walang nakitang saligang pagkakamali sa oryentasyon o istratehiya, nagpatuloy lang ito sa dating "gawi" ng pagkilos at sa orihinal na "iskrip" ng rebolusyon. Ni wala itong nakitang importanteng mga pagbabago sa pagkakahanay ng mga uri, at trinato ang pagsampa ni Aquino sa kapangyarihan bilang simpleng pagpalit ng porma ng reaksyonaryong paghahari at hindi nasapol ang epekto nito sa sitwasyong pampulitika at mga antagonismong panlipunan.
Sa unang isang taon ni Aquino sa ilalim ng kanyang "Provisional Revolutionary Government" (PRG), nagpatawag siya ng Constitutional Commission (ConCom) para baguhin angKonstitusyon ni Marcos. Hinirang niya, imbes na ihalal, ang mga komisyoner para rito. Kasabay nito ay pinasimulan niya ang peace talks sa NDF at gayundin sa MNLF. Agad ding ipinailalim sa sequestration ang tinatawag nitong ill-gotten wealth ng pamilyang Marcos at cronies nito.
Malalaking pampulitikang isyu ang tumampok sa unang taon ni Aquino ngunit bigo ang rebolusyonaryong kilusan na maglunsad ng epektibong pampulitikang pakikibaka sa mga isyung ito. Paanong makapaglulunsad ng epektibong pampulitikang pakikibaka, halimbawa, sa isyu ng PRG at ConCom, kung ni hindi ito napag-ukulan ng pansin sa pagsusuri at prayoridad sa pagkilos ng sentral na liderato gayong ito'y direktang mga usapin ng konsolidasyon ng reaksyonaryong estado poder at ligalisasyon ng mapagsamantalang panlipunang sistema. Ni walang pormulasyon ang Maoistang partido ng fighting slogans kaugnay ng PRG at ConCom.
Kahit ang peace talks ay hindi nagamit para patampukin ang mga isyung panlipunang batayan ng armadong pakikibaka at ilagay ang rehimeng Aquino sa depensiba. Hindi pa umuusad ang negosasyon sa mga saligang isyu ay naganap na ang "Mendiola Massacre." Kumagat sa probokasyon ng ultra-right ang National Democratic Front (NDF) at ginamit itong rason para umatras sa negosasyon. Sa pagkagiba ng peace talks, pinasimulan ng rehimeng Aquino ang total war laban sa NDF na ang ginamit ay ang istratehiya ng gradual constriction.
33. Nang ilunsad ni Aquino ang total war, sa loob lang ng ilang taon ay nakamit ng isang bagong rehimeng kinakantyawan ni Sison na bruha't maldita ang hindi nagawa ng halimaw na si Marcos sa loob ng labing-apat na taon. Nagiba ang mga larangang gerilya ng Maoistang kilusan sa malawak na lugar sa bansa at sa maraming lugar ay nawalis ang mga pwersang gerilya. Nagtuluy-tuloy din ang paghupa ng rebolusyonaryong kilusan at pagkalagas ng kasapian ng partido at hukbo. Bago natapos ang rehimeng Aquino, nagawa nitong ideklara ang istratehikong pagkatalo ng komunistang rebelyon.
Muli, ang mga eksplinasyon ng liderato, gaya ng pagkakamaling boykot, ay walang koneksyon sa teorya ng tunggalian ng uri at hindi papasa sa pananaw ng istorikong materyalismo. Sa simula, ang ginamit na paliwanag ay dahil bago ang istratehiya ng kaaway (gradual constriction) at hindi agad nakaangkop ang mga pwersang gerilya sa kanayunan. Bandang huli, lumabas ang "Reaffirm" at ang sinisi ay ang mga paglabag sa mga saligang prinsipyo ng matagalang digmang bayan, ang diumano'y paglihis sa orihinal na iskrip na binalangkas ni Sison noong 1968.
Nang ilunsad ang "Great Rectification Movement" ng Sisonistang partido alinsunod sa mga saligang kongklusyon ng "Reaffirm," ang pang-ideolohiyang dogmatismo nito ay sumagad na sa intelektwal na kahibangan. Terminal na ang sakit ng partidong ito. Hindi lang bulag sa realidad kundi baliktad ang tingin sa katotohanan.
Ang gusto pang palabasin ay wasto ang orihinal na Maoistang iskrip ng 1968 at kaya lumasap ng matitinding kabiguan ang kilusan ay dahil lumihis sa iskrip na ito. Pero ang totoo'y matapat na sinunod ang kanyang Maoistang linya kaya nga't nagkabuhol-buhol at nagkabukul-bukol ang rebolusyonaryong kilusan nang dumating ang tamang sandali. Sa ganitong kahibangan, bumaklas ang malaking bahagi ng organisasyon dahil hindi na masikmura ang basurang pinalalamon ni Sison.
Imbes na magsimula sa obhetibong realidad at kongkretong mga pangyayari, ang pinagbatayan ni Sison ng kritisismo ay kung ano ang nakikita niyang lihis sa kanyang mga ideya, sa kanyang sariling konsepto ng rebolusyonismo at gerilyaismo. Ang mga konseptong ito ay absolute at unibersal na katotohanan kaya't hindi na kailangang masusing pag-aralan ang realidad para makita ang mga pagkakamali kundi simpleng alamin ang sa tingin niya'y paglihis sa mga konseptong ito. Ito ang metodolohiya ng "Reaffirm" na ang esensya'y muling panunumpa sa altar ng Maoismo. Dahil binulag ng dogmatismo, hindi makita ng Sisonistang partido ang simpleng lohikang natagalan nga ng bagitong mga pwersang gerilya ang katindihan ng pasistang pananalakay noong panahon ni Marcos, pero bakit sa harap ng pananalasa sa panahon ni Aquino, ang mas malaki't mas makaranasang hukbo na may mas malawak na baseng masa, ay parang bahay ng barahang gumuho?
Pinatutunayan lang nito na noong panahon ni Marcos, kahit kapos sa karanasan at kapiranggot ang pwersa, umunlad at sumulong ang pakikidigmang gerilya dahil may istorikal na mga kondisyong nagpapahintulot at nagpapayabong dito. Pero ang mga kondisyong ito ay biglang nagbago sa ilalim ng rehimeng Aquino, hindi sa puntong nalutas ang saligang mga antagonismong panlipunan kundi sa persepsyon ng mamamayan ay bumababaw ang dahilan para sa armadong labanan di gaya noong panahon ni Marcos na ang mag-armas at mamundok ay makatwiran.
Dapat ding idagdag ang realidad na ang pampulitikang kredebilidad ng kilusan ay matinding naapektuhan ng pag-aalsang Edsa dahil sa naging pasibong papel nito. Pero higit sa lahat, sa pagkawala ng popular at multisektoral na kilusang gaya ng pakikibakang antipasista, ang dapat sanang humalili rito ay agresibong mga kilusang makauri ng masang anakpawis. Pero ang mapait na katotohanan, mismong ang mga ito ay humupa.
34. Imbes na magmaneobra sa harap ng ganitong kalagayan, nagpatangay ang Sisonistang partido sa rebolusyonaryong optimismong ang bukal pang-ideolohiya ay panatisismo, romantisismo at dogmatismo. Dahil dito, nilamon ito ng apoy ng kontra-rebolusyon ng isang rehimeng hindi pa nga konsolidado, bagito sa paggamit ng estado poder, at kwestyunable ang kakayahang paandarin ang gubyerno.
Katunayan, bukod sa bumabangon pa ang rehimeng Aquino sa krisis pang-ekonomya na ipinamana ng diktadura, ang reaksyonaryong estado ay batbat ng panloob na antagonismo na di naglaon ay sumambulat sa serye ng mga tangkang kudeta.
Sa harap ng ganitong sitwasyon ng kaaway, para lampasuhin ng rehimeng Aquino ang rebolusyonaryong kilusan ay nagpapatunay na nalugmok ito sa grabeng mga kamalian at talagang nasa bingit ng disintegrasyon.
35. Tanda ng bangkaroteng ideolohiya at istratehiya ang mabilis na paghina at pagkatalo ng Sisonistang partidong may labing-walong taon ng sustenadong pagsulong sa harap ng isang estadong nagdaan sa matinding panloob na sigalot at ang sariling militar ay biyak at demoralisado at sa kalagayang ang mamamayan ay kadadaan lang sa isang popular na pag-aalsa. Hindi salik dito ang naganap na isplit noong 1992 dahil bago pa nito'y aminado na ang mismong "Reaffirm" sa dinanas ng kilusan na walang kaparis na pagbagsak at paghina.
Dahil hindi umiiral ang isang tunay na proletaryong rebolusyonaryong talibang may kakayahang organisahin ang makauring pakikibaka ng masang anakpawis sa panahong iyon matapos ang EDSA, at ang umiiral ay isang partido ng petiburges na rebolusyonismo, hindi nasunggaban ang pampulitikang sitwasyong hindi pa konsolidado ang reaksyonaryong estado poder at hindi nasabayan ng pagpapaigting ng pampulitikang pakikibaka ng manggagawa't magsasaka ang marahas na bangayan sa loob ng bagong reaksyonaryong rehimen.
Tiniyak ng mga imperyalistang pwersang nakaayuda sa pangkating Aquino na mapaigting ang opensiba laban sa rebolusyonaryong pwersa hindi pa dahil may malaking peligro mularito kundi para maibsan ang presyur sa bagong rehimen, magamit ang anti-komunistang kampanya para sa unipikasyon ng reaksyon, at makaluwag sa problemang ito para madiinan ang konsolidasyon ng estado poder.
Tatak ng mga konspirador ng imperyalismo ang mga insidenteng gaya ng Mendiola Masaker at pagpatay kay Lando Olalia ng KMU at Lean Alejandro ng Bayan. Ang pakana ayisabotahe ang peace talks at udyukan ang petiburges na rebolusyonismo ng Sisonistang partido napaigtingin ang laban sa rehimeng Aquino upang mabigyan ng katwiran ang total war laban sa kilusan. Kasabay nito, halos maubos ang sentral na liderato sa serye ng mga aresto at pinaigting ang psy-war na nagbunga ng mga kampanyang anti-impiltrasyon.
Imbes na patagalin ang negosasyon, gamiting larangan ng pampulitikang pakikibaka at ikonsentra ang pwersa sa pagsusulong ng pampulitikang pakikibaka, at sa pagpapaigting ng mga kilusang makauri ng mga manggagawa at magsasaka, ng mga maralita sa lungsod at kanayunan — kumagat sa mga probokasyon ang Sisonistang partido, umatras sa peace talks, kinasahan ang pagpapaigting ng gyera at binigyan si Aquino ng rason para maglunsad ng total war.
Dahil nananagumpay sa anti-komunistang panunupil, mataas ang moral na hinarap ni Aquino ang mga hamon at banta ng kudeta mula sa magkasanib na pwersa ng mga loyalista ni Marcos at paksyon ni Enrile sa loob ng reaksyonaryong militar. Patunay na talagang marupok sa kanyang mga unang taon ang kontrol ni Aquino, muntik nang magtagumpay ang isang tangkang kudeta at ang tanging nagsalba sa kanya ay ang gubyemong US.
Nagawang talunin ni Aquino ang petiburges na rebolusyonismo ng partido at putsistang mga tangka sa kudeta at nakaraos sa kritikal na panahon ng transisyon dahil buo ang suporta ng gubyemong US at ibang imperyalistang pwersa sa kanyang rehimen hanggang sa ayudang pang-ekonomya; may solido siyang base ng suporta mula sa populasyon dahil nasa kanyang panig ang petiburgesya at malaking seksyon ng burgesya at panginoong maylupa; at higit sa lahat, walang maigting na mga kilusang makauri ng masang anakpawis laban sa kanyang reaksyonaryong paghahari.
Sapagkat pabagsak ang pwersa't impluwensya ng rebolusyonaryong kilusan, pasulong naman ang agos ng repormismo sa kalagayang kinakikitaan ng pang-ekonomyang pag-unlad at pampulitikang istabilidad ang bansa kumpara sa panahong pabagsak ang rehimeng Marcos. Muli, dapat masapol ang ginagampanang reaksyonaryong papel ng petiburgesya sa ganitong istabilisasyon ng reaksyonaryong rehimen sapagkat walang malakas na pwersa ng proletaryong uri sa lipunan na nagsusulong ng rebolusyonaryong linya't pakikibaka samantalang patuloy ang disintegrasyon ng uring magsasaka sa kanayunan dahil sa kapitalistang pag-unlad.
36. Maagang natapos ng rehimeng Aquino ang transisyon ng porma ng reaksyonaryong paghahari hindi pasulong sa proseso ng demokratisasyon mula sa diktadura kundi pabalik sa dating sistema ng elitista at burukratikong sistema bago ang martial law. Sa pagtatapos ng kanyang rehimen noong 1992, nakumpleto niya ang istabilisasyon at konsolidasyon ng reaksyonaryong estado at naitawid ang bulok na sistema mula sa krisis pampulitika at pang-ekonomya nang walang saligang repormang ginagawa kundi ang instalasyon ng konstitusyunal na sistema ng elitistang demokrasyang burges-asendero ang makauring katangian.
Walang ibang kahulugan ang ganitong istabilisasyon at konsolidasyon ng reaksyonaryong paghahari kundi ang paghupa ng panlipunang mga antagonismo sa ilalim nito. Niresolba ngrehimeng Aquino ang antas ng antagonismong nilikha ng pasismo ngunit iniwan nitong nakatiwangwang ang mas pundamental na mga antagonismong pinagsibulan nito.
Matapos bumagsak ang pasistang diktadura, at makalipas ang ilang taon ay makaraos ang reaksyonaryong estado sa krisis pampulitika at pang-ekonomyang nilikha nito, pumasok sa bagong istorikal na sitwasyon ang panlipunang mga antagonismo sa bansa na ang landas ng pag-unlad at muling pag-igting ay kaiba sa dinaanan nito noong panahon ng pasistang rehimen.
Pinalampas natin ang dalawampung taon nang di napaiigting ang tunggalian ng uri alinsunod sa proletaryong linya ng pakikibaka. Imposibleng palipasin din long ito ng kasaysayan nang hindi sinisingil ang rebolusyonaryong kilusan.
Kaya't pagpasok ng sumunod na rehimen ang rehimeng Ramos dumanas ito ng pinakamatinding panloob na krisis, nagkabiyak-biyak ang hanay at nagtuluy-tuloy ang pangkalahatang paghupa ng rebolusyonaryong pakikibaka sa bansa. Mismong ang pagkapanalo ni Ramos ay sampal sa rebolusyonaryong kilusan dahil siya ang isa sa pinakamalupit na berdugo ng diktadurang Marcos at pinakamasugid na tuta ng imperyalismo. Dahil lang sa kanyang partisipasyon sa Edsa ay parang nahugasan na ang kanyang mga pasistang kasalanan.
37. Nagsimula si Ramos sa Malacanang bilang pangulong hinalal ng maliit na minorya ng mamamayan. Sa naganap na eleksyong presidensyal ng 1992, mababakas ang iba't ibang magkakasalungat na tunguhing pampulitika sa hanay ng mamamayan.
Isa'y napatunayang palipas na ang "Cory magic." Nanalo si Ramos hindi pa dahil siya ang pinili ni Aquino kundi nagamit niya ang poder at pondo ng administrasyon para gulangan ang kanyang mga karibal. Dahil muntik nang manalo si Miriam Defensor, ibig sabihin, malaking seksyon ng botante ay kursunada ang kanyang imaheng anti-trapo pero walang gaanong diskriminasyon sa kanyang pulitika dahil siya'y ultra-konserbatibo. Sa pagkalampaso ni Mitra na siyang may pinakamalaking makinarya at pondo, ang kanyang reputasyon bilang tradisyunal na pulitiko ay naging napakalaking disbentahe. Ipinakita rin ng eleksyong 1992 na parang burado na sa memorya ng publiko ang mga kasalanan ni Marcos dahil sa malakas na kampanya ni Danding Cojuangco at pagkapanalo ng napakaraming dating mga bataan ni Marcos sa iba't ibang pwesto, kabilang na si Ramos. Pero ang pinakamasaklap, ang medyo progresibong si Salonga ang lumabas na pinakamiserable at tinalo pa siya ni Imelda Marcos.
Binabanggit natin ito para ipakita ang malakas na agos ng reaksyonaryong pulitika na nangibabaw sa bansa matapos ang Edsa at rehimeng Aquino. Wala man lang bakas, kung pagbabatayan ang mga eleksyon ng 1987, 1988 at 1992 na ang Pilipinas ay kadaraan lang sa isang istorikal na kombulsyong gaya ng Edsa na nagbagsak sa pasistang diktadura. Kumpirmasyon lang ito ng pagbagsak ng impluwensya ng progresibong kilusan at pagbaling ng repormismo patungo sa lantarang reaksyonaryong pulitika.
Dahil nakaahon sa krisis pampulitika, nagawang konsentrahan ng rehimeng Ramos ang pagrereistruktura ng ekonomya ng bansa alinsunod sa imperyalistang globalisasyon. Pinaarangkada nito ang liberalisasyon ng ekonomyang sinimulan ni Aquino at di maikakaila na nagbunga ito ng pagsigla ng ekonomya at negosyo sa bansa bagamat artipisyal, hungkag at walang benepisyo sa masang anakpawis.
Sa pagtatapos ng kanyang rehimen, nagsimulang sumambulat sa kanyang mukha ang ipinagmamalaki niyang palsipikadong progreso nang biglang pumutok ang krisis pinansyal ng rehiyon at matinding tamaan ang ekonomya ng bansa. Bumagsak ang halaga ng piso sa palitan sa dolyar, sumirit ang interes sa pautang, nagbagsakan ang maraming negosyo at biglang lumala ang disempleyo. Sa ilalim ng rehimeng Ramos ay nagsimula nang magkahugis ang panibagong pag-igting ng panlipunang mga antagonismo na nakapokus sa kontradiksyon ng kapital at paggawa, imperyalismo at buong bansa.
38. Sa panahon din ni Ramos nagsimula ang pagsisikap na ikonsentra ang atensyon ng rebolusyonaryong aktibidad sa kilusan ng uring manggagawa at itayo ang isang tunay na talibang partido ng rebolusyonaryong proletaryado. Ito ang naging bunga ng isplit sa Sisonistang partido. Nang tayo'y magsimula nang dalisayin ang Marxismo-Leninismo at magpalawak at magpalalim ng ugat sa kilusan ng uring manggagawa, ang mga Sisonista nama'y lalong naglungga sa kabundukan at lalong pinalapot ang kanilang Maoistang linya.
Mabilis nating naiguhit ang linya ng demarkasyon sa pagitan natin at ng Sisonistang partido. Mabilis tayong nakalarga at nakapwesto sa kilusan ng uring manggagawa, sa larangan ng hayag na kilusang masa. Ang problema'y naiwan ang pagbubuo ng talibang partido. Sa bandang huli'y nagbunga ito ng panibagong isplit sa ating hanay na muling nakadiskaril sa momentum ng ating pagsulong.
Lumitaw na sa ating pagbaklas, karay-karay natin ang isa pang tendensya ng petiburges na rebolusyonismo na ang nakursunadahan namang sabitan ay ang hanay ng proletaryado at napakadaling sulsulan ng ilang elementong kaduda-duda ang motibo at pagkatao.
Pinatutunayan lang ng panibagong isplit na ito — na sa esensya'y sabotahe dahil walang sustansya ng prinsipyo at kaduda-duda ang tyempo — kung gaano kalubha ang krisis ng rebolusyonaryong kilusan. Dapat tandaan na ang isplit sa Sisonistang partido ay hindi resulta ng matagal nang tunggaliang pang-ideolohiya na kung saan ang bumaklas na seksyon ay konsistent na nagdadala ng kaibang linya't pananaw.
Ang totoo'y nagsimula ang isplit sa absolutismo ng Sisonistang liderato at pagtanggi natin sa mga saligang kongklusyon ng "Reaffirm." Nagawa lang nating iguhit at patiningin ang ating saligang teoretikal at taktikal na pagkakaiba isang taon matapos ang isplit (CounterThesis). Kaya't sa ating pagbaklas, ang tangay nating pwersa ay nakukulapulan din ng makapal na nikotina ng nakamulatang mga kaisipang galing sa Sisonistang partido at naihalo ito sa bagong teoretikal at taktikal na balangkas na ating pinatitining. Dahil hindi mapagsabay ang pagbubuo ng partido at pagsusulong ng kilusang manggagawa, at napag-iiwanan ang una ng huli, umusbong ang mga kalituhan at nasamantala ng mga elementong kaduda-duda ang motibo at pinasiklab ang panibagong baklasan.
39. Halatang sabotahe ang pagbaklas na ito dahil itinaon sa panahong napakabilis na ng ating pagbwelo at gumuhit na ang ating impluwensya sa kilusang manggagawa at kilusang masa sa bansa matapos ang kampanyang APEC at nabuo na natin ang malawak na alyansa ng mga unyon sa pambansang saklaw. Maliwanag ang mga palatandaan noon na kung nasustena natin ang nakamit na pagsulong ng buong taon ng 1996, mas makatutugon tayo sa papaigting na sitwasyon sa huling isa't kalahating taon ng rehimeng Ramos.
Noon pang 1995, sa ating programa, ay mayroon na tayong karkulasyong lulubha ang sitwasyong pang-ekonomya at magtatangka si Ramos sa ekstensyon ng kanyang paghahari. Sadokumento ring ito, ay mayroon din tayong antisipasyon na paiigtingin ang pagwasak sa ating hanay upang hindi masamantala ang pag-inam ng sitwasyon at mapigil ang ating pag-ahon sa internal na krisis.
Di tayo nagkamali. Umigting ang sitwasyon noong 1997, tinangka ni Ramos na pahabain ang kanyang rehimen, pumutok ang krisis sa dulo ng kanyang paghahari. At nagkatotoo rin ang pinangangambahan nating atake. Binanatan tayo ng internal na sabotahe sa pamamagitan ng Bloke, at dahil dito, naudlot ang ating pagsulong at nakatapos ang rehimeng Ramos, gaya ng rehimeng Aquino, nang hindi natin napapabaunan ng matinding atake at muling pagbangon ng rebolusyonaryong pakikibaka.
Ang nagkakahugis na panlipunang mga antagonismo na hinuhubog ng globalisasyon ay hindi natin nagawang pasiklabin sa ilalim ng rehimeng Ramos. Mukhang nakareserba ito sa bagong rehimeng Estrada, ang rehimeng buong yabang na nangampanya sa "makamahirap"na plataporma.
40. Umakyat sa poder si Estrada, labindalawang taon matapos ang pag-aalsang Edsa. Halos katumbas ito ng labing-apat na taong itinagal ni Marcos bilang diktador. Ang nakalipas na labindalawang taong ito ay sapat nang patunay para pabulaanan ang ridikulosong teorya ng Sisonistang partido ng permanenteng rebolusyonaryong sitwasyon o krisis panlipunan. Malinaw na ang nakalipas na labindalawang taon ay mahabang panahon ng reaksyon, ng paghupa ng rebolusyonaryong kilusan, at pag-ahon sa krisis ng naghaharing sistema at estado sa bansa.
Ngunit kasabay nito, ang nakalipas na labindalawang taon ay panahon ng panibagong pag-unlad at pag-igting ng makauring mga antagonismo sa lipunan, ng paglitaw at paglubha ng panibagong krisis ng naghaharing sistema at estado sa bansa. Ang mismong pag-akyat sa poder ng isang pangulong gaya ni Estrada ay tanda ng nalalapit na pagkahinog ng isang istorikal na sitwasyong paborable sa muling pag-igting ng tunggalian ng uri at labanang pampulitika sa bansa.
Isang istorikal na pagkakataon ang muling inihahandog ng kasaysayan sa proletaryado at rebolusyonaryong kilusan, at hindi na ito dapat hayaan pang makalampas. Ang mga aral ng nagdaang tatlumpung taon mula nang itatag ang partidong ating ipinundar at itinakwil ay dapat malagom at matutunan ng bagong partidong ating binubuo na ang esensyal na tungkulin ay organisahin ang makauring pakikibaka ng proletaryadong Pilipino sa istorikal na yugtong ito ng magkaagapay at magkasanib na pakikibaka para sa demokrasya at sosyalismo.
41. Ang pagkapanalo ni Estrada bilang pangulo ay bunga at magbubunga ng mabigat na panloob na problema ng reaksyonaryong pulitika sa bansa sa isang napakakrusyal na panahong nanganganib sumambulat hindi lang ang krisis sa bansa kundi ang krisis ng globalisasyon.
Hindi lingid sa hanay ng naghaharing uri na kwestyunable ang kwalipikasyon ni Estrada para pangalagaan bilang pangulo ang naghaharing sistema sa kritikal na panahong ito ng krisis. Hindi ito simpleng usapin ng pormal na titulo o angking talino kundi ng aktwal na kapasidad at preparasyon para harapin ang responsibilidad bilang prinsipal na tagapangalaga't tagapagtanggol ng bangkaroteng sistema.
Pero bakit nanalo si Estrada at nanalo nang may pinakamalaking kalamangan sa kasaysayan ng mga eleksyong presidensyal sa Pilipinas?
Nanalo si Estrada dahil walang maitapat sa kanyang popularidad ang mga reaksyonaryong pwersang kinakabahan sa kanyang kwalipikasyon at karakter para maging pangulo.
Ni hindi magkaisa ang mga pwersang ito para pigilang manalo ang isang Estrada dahil bawat paksyon ay nilamon ng kanya-kanyang ambisyon at interes. Mismong ang US ay nabigong idiskaril ang kandidatura ni Estrada at pwersahin ang iba't ibang paksyon na magkaisa para biguin ang kandidaturang ito. Maaga nitong tinanggap ang di-mapipigil na panalo ni Estrada at agad naniguro ng sariling interes.
Ang reaksyonaryong estado ay naging biktima ng sariling reaksyonaryong pulitika at ang naging indulto nito ay isang Joseph Estrada na maaring may kakayahang pangasiwaan ang isang San Juan ngunit hindi ang isang Malacanang. Binulabog ng labing-apat na taon ng pasistang diktadura ang reaksyonaryong pulitika sa bansa at ang nakalipas na labingdalawang taon ay hindi sapat para makapagpaunlad ng kwalipikadong reaksyonaryong mga lider pulitikong presidensyal ang popularidad.
42. Ngunit ang mapagpasyang salik sa panalo ni Estrada, sa kabila ng bistadong mga kahinaan, ay ang kanyang gimik na "Erap para sa Mahirap." Narito ang panlipunang eksplinasyon at implikasyon ng kanyang elektoral na tagumpay. Nasapol ng kanyang mga strategist ang isang popular na sentimyento, nasalat ang isang sensitibong kwerda sa kolektibong kamalayan ng masa ang usapin ng kahirapan. Kahit sinasabing siya'y bobo't babaero, sugarol at sugapa, handang magbakasakali ang masa sa isang administrasyong Estrada basta totohanin niya ang kanyang islogang pangkampanyang "Erap para sa Mahirap."
Ang napakalaking kalamangan ng panalo ni Estrada ay senyales, sa isang banda, ng laganap na desperasyon ng mamamayan sa lumalalang kahirapan sa kabila ng pang-ekonomyang progresong ipinagmalaki ng renimeng Ramos. Sa kabilang banda, ang pananalig o pagbabakasakali kay Estrada na mas base sa kanyang papel sa pelikula kaysa rekord sa pulitika, ay indikasyon ng kakapusan ng matyuridad ng pangkalahatang kamalayang pampulitika ng mamamayan na katumbas lang ng kasalatan sa kalidad ng reserbang mga lider ng reaksyonaryong pulitika.
Walang duda na disgustado ang mamamayan na matapos ang labindalawang taon, matapos bumagsak ang diktadura ay ganito lang ang kinauwian ng EDSA. Bulok pa rin ang gubyerno, bangkarote ang sistema, walang pag-unlad ang kabuhayan ng malawak na masa ng sambayanan. Pero pagkadismaya hindi paghihimagsik ang pangkalahatang sentimyento dahil wala naman silang matagpuan o maintindihang realistikong alternatiba dahil bagsak din ang kredebilidad ng mga progresibong pwersa. Sa kabuuan ay mababa ang pampulitikang antas ng mamamayan sa kabila ng pangyayaring nagdaan ito sa isang popular na pag-aalsa.
43. Isang eksplinasyon ay ang kalidad ng mga pampulitikang pwersa't partidong kalahok sa mga pampulitikang labanan sa lipunang Pilipino. Ang rebolusyonaryong partidong nagumon sa dogma't isloganismo ay hindi nakapag-alok at nakapag-udyok ng mataas na antas ng pang-ideolohiyang paghamon sa burgesya para itaas ang mismong intelektwal na kalidad ng kanilang pagkareaksyonaryo. Ang kalidad ng pampulitikang labanan ay repleksyon din lang ng kalidad ng kumpetisyon.
Mismong ang partidong pampulitika ni Aquino ay nagsimula bilang agrupasyon ng mga halo-halong pulitikong wala sa poder noong panahon ni Marcos at matapos ang EDSA. Ang LDP ay naging barko ng mga balimbing at tradisyunal na pulitikong walang ipinag-iba sa KBL. Kahit ang petiburgesya ay hindi nakapagbuo ng hiwalay na partidong pampulitika na kakatawan sa kanilang sariling makauring mga aspirasyon. Ang LP o PDF na pumupusturang petiburges, imbes na umasenso ay naging ganap na inutil. Noong eleksyon ng 1992 ay kumain ito ng alikabok at nagmukhang napakamiserable.
Nang maupo si Ramos sa poder, ang LAKAS ay sumunod din sa padron ng KBL at LDP, at ngayon, sa ilalim ni Estrada, ganito uli ang ginawa sa LAMMP. Kung sino ang partidong nasa poder, panibagong eksodus ang ginagawa ng bulto ng mga pulitiko para makisilong sa kapangyarihan at sumuso sa imbudo ng biyayang umaagos mula sa Malacanang. Mismong sa kampo ng reaksyon ay walang mabuong tunay na sistemang pampartido. Sumasalamin lang ito sa kalidad ng tunggalian ng uri sa bansa.
Matindi ang obhetibong kondisyon ng makauring antagonismo sa lipunan ngunit ang labanan ay hindi makaigpaw sa antas ng hayagang makauri at ang mga uri ay hindi makatayo nang hayagan bilang mga uri. Makapangyarihang pwersa sa lipunan ang mga panginoong maylupa, ngunit ito'y walang nagsasariling pampulitikang partido. Ang interes nito ay simpleng isinasakay sa dominanteng partidong pampulitika ng burgesya.
Ngunit kumportable ang burgesya at ang mga panginoong maylupa sa ganitong sitwasyon. Paborable sa kanilang interes na palabuin at papurulin ang mga labanan at ilayo sa linyang makauri. Tanging ang proletaryado at ang magsasaka ang may interes na dalhin ang labanan sa ganitong antas at obligahin ang mga reaksyonaryo na hayagang lumaban sa ganitong paraan. Kung ito ang magaganap, ang petiburgesya ay maoobligang lumabas sa kanyang lunggang pampulitika, at umatras-abante sa pagitan ng prinsipal na mga pwersang naglalaban.
44. Ang pagkakabuo noong 1968 ng Sisonistang partido ay pagbubuo ng isang petiburges-pesanteng rebolusyonaryong partido na nagpapanggap na proletaryado at may pretensyon ding partido ng buong sambayanan kabilang ang pambansang burgesya. Ang kanyang identity crisis ay makauring tatak ng petiburgesya. Pero sa programa at praktika, sa komposisyon at konsentrasyon, ito ay isang pesanteng partido.
Gayunman, ang artikulasyon mismo nito ng makauring interes ng pesante ay natabunan ng petiburges na rebolusyonismo, ng pagkagumon sa militaristang linya ng matagalang gyera. Ito ang partidong ang prinsipal na ipinaglalaban ay ang kahilingan sa lupa ng pesante ngunit halos walang nagawang mga dokumento at komprehensibong mga pag-aaral hinggil sa usaping agraryo.
Sinira nito ang makauring pakikibaka ng magsasaka at gayundin ang makauring pakikibaka ng proletaryado. Dahil sa pretensyong ito, ang makauring partido ng proletaryado — at inabot ng mahigit dalawang dekada bago nabisto — walang sariling talibang partido ang manggagawang Pilipino na mag-oorganisa ng kanyang makauring pakikibaka at magtataas ng kanyang kamalayang makauri sa krusyal na panahon ng kasaysayan, ang labing-apat na taon ng pasistang diktadura.
Ang kawalan ng ganitong makauring partidong Marxista- Leninista ang mapagpasyang salik, hindi lang kung bakit hindi tumampok ang makauring papel ng manggagawa sa pakikibakang anti-diktadura, kundi kung bakit mapurol ang makauring labanan sa bansa na umaapekto sa pangkalahatang antas ng kamulatang pampulitika ng mamamayan at pag-unlad ng mga uri sa lipunan.
45. Sa kasalukuyang istorikal na yugto ng Pilipinas, tanging ang uring manggagawa, dahil sa kanyang posisyon sa lipunan, ang may kakayahang pasiglahin, patalasin at bigyan ng direksyon ang hayagan at kabuuang makauring tunggalian sa bansa. Ito ang tanging uri sa lipunan na may sapat at konsistent na batayan sa kanyang makauring interes para lubusan at puspusang labanan sa rebolusyonaryong paraan ang estado at sistemang burges-asendero at ang imperyalistang pagsasamantala at pang-aapi sa sambayanang Pilipino.
Ang pag-asa ng pagsulong at pagsiklab ng isang totoong kilusang magsasaka sa kanayunan sa progresibo at rebolusyonaryong paraan ay mapagpasyang nakasalalay sa paglakas ng makauring pakikibaka ng uring manggagawa sa lungsod at sa kanayunan. Ang pagkakaisang ito ng manggagawa at magsasaka, ang pakikipag-alyansang ito ng manggagawa sa magsasaka ang nagtatakda sa demokratikong katangian ng proletaryong rebolusyong isinusulong nito sa kasalukuyan.
Sa kanyang sarili, lubos na mahihirapan sa kasalukuyang panahon ang magsasaka na maglunsad ng sariling kilusang makauri nang hiwalay sa kilusang manggagawa. Bilang isang uri ng isang lipas na lipunan at isang uring nasa panahon ng disintegrasyon, matagal nang wala sa posisyon ang magsasaka para isulong nito ang sariling makauring pakikibaka. Sa istorikal na pananaw, ang burgesya dapat ang magbibigay dito ng makauring liderato sa pakikibakang anti-pyudal.
Pero umakyat na sa poder ang burgesya, hawak na ang estado, kasosyo pa mismo ang panginoong maylupa sa paghahari at ganap nang reaksyonaryo ang papel sa lipunan. Maari itong magsagawa ng repormang agraryo ngunit absolutong hindi sa paraang rebolusyonaryo o kahit sa porma ng isang kilusang masa. Sa mga saray ng burgesya, ang pwede pang maasahan ng magsasaka ay ang radikal at repormistang mga seksyon ng petiburgesya na disididong ganap na pawiin ang mga labi ng pyudal na kaayusan sa ekonomya't pulitika.
Isa pang mabigat na dahilan ay matagal nang nagsimula ang disintegrasyon at pagkakabitak-bitak ng magsasaka bilang uri dahil sa penetrasyon ng kapitalistang prosesong pang-ekonomya sa kanayunan. Sa nagdaang tatlong dekada ay lalong bumilis ang disintegrasyong ito. Ang mayorya na ngayon ng maralita sa kanayunan ay mga manggagawang bukid na dati rati'y mga maralita at panggitnang magsasaka. Sa ganitong kalagayan, tanging ang proletaryado ang tunay na maaasahan at masasandigan ng magsasaka sa puspusang pakikibakang antipyudal sa paraang konsistent at rebolusyonaryo, ngunit hindi ito magagawa sa simpleng pag-ugat ng taliba ng proletaryado sa hanay ng magsasaka habang inaabandona ngmismong talibang ito ang pag-oorganisa ng sariling uri. Ang mapagpasya ay ang pagsulong at pagsiklab ng kilusan ng uring manggagawa at ang pagsisikap ng kilusang ito na itaguyod ang progreso at hustisyang panlipunan para sa masang magsasaka.
46. Saligang interes ng proletaryado ang pakikibakang antipyudal sapagkat tanging sa ganap na pagwasak sa mga labi ng lumang kaayusang ito makauusad ang kanayunan sa landas ng progreso at hustisyang panlipunan. At high pa, mabibigyang-laya ang tunggalian ng uri sa kanayunan mula sa pakikibaka para sa demokrasya patungo sa pakikibaka para sa sosyalismo.
Ang sosyalistang rebolusyon ay usapin ng kahandaan ng uring manggagawa na ilunsad ito. Ang kahandaang ito ay hindi dinidetermina lang ng pagsisikap ng taliba na ihanda ang uri para ilunsad ang sariling rebolusyon. Ang kahandaang ito ng uring manggagawa ay mas dinidetermina ng pag-unlad ng istorikal, materyal at ispiritwal na kondisyon ng buhay ng masang anakpawis. Sa kanayunan, ang prinsipal na sagka sa pag-unlad na ito ng uring manggagawa ay ang mga labi ng pyudal na sistema at ang kapangyarihan ng uring panginoong maylupa sa masang anakpawis sa kanayunan.
Ang istorikal na pakikibaka ng proletaryado para sa demokrasya ay ang abolisyon ng mga labi ng pyudal na sistema na bumabansot sa tunggalian ng uri; pagkakamit ng kalayaang pampulitika ng masang anakpawis hanggang sa antas ng kapangyarihang pampulitika; at pambansang kasarinlan ng sambayanan sapagkat sinasagkaan ng imperyalismo ang karapatan ng bansa na piliin ang sariling landas ng pag-unlad.
Ang pakikibakang ito para sa demokrasya ang preparasyong pampulitika ng uring manggagawa sa paglulunsad ng sariling rebolusyon, ang rebolusyon ng manggagawa, ang rebolusyong sosyalista. Narito ang pundamental nating diperensya sa Sisonistang partido sa pagtanaw sa demokratikong pakikibaka.
Sinusunod natin ang klasiko at syentipikong pormulasyon nina Marx, Engels at Lenin ng pangangailangan at importansya ng pakikibaka para sa demokrasya bilang pampulitikang preparasyon ng proletaryado para sa sosyalistang rebolusyon. Ibig sabihin nito'y ang pampulitikang kahandaan ng proletaryado bilang uri na ilunsad ang isang matagumpay na rebolusyong sosyalista at magaganap lamang ang preparasyong ito sa kaparaanan ng demokrasya.
Ginagamit ng Sisonistang Partido ang pakikibaka para sa demokrasya hindi para sa preparasyong pampulitika ng uring proletaryo para sa sosyalistang rebolusyon, kundi para sa pag-agaw ng estado poder ng "rebolusyonaryong partido" sa ngalan ng proletaryado. Matapos gamitin ang demokratikong pakikibaka ng magsasaka at sarabayanan, para maagaw ng partidong ito ang kapangyarihang pampulitika sa pamamagitan ng armadong rebolusyon, agad nitong ilulunsad ang sosyalistang rebolusyon o transpormasyon ng lipunan, at muli, sa ngalan ng proletaryado. Ang kanilang palusot sa ganitong klaseng iskrip ng "dalawang-yugtong rebolusyon" ay ang imbentong teorya ng "malapyudal at malakolonyal" na sistema ng moda ng produksyon.
Sa ganitong sistema, mahina't minorya sa lipunan ang uring manggagawa kaya't ang totoong pinalalakas ay ang proxy nito ang Stalinista-Maoistang "talibang partido." Sa ganitong konsepto, hindi dapat pagtakhan kung bakit atrasado ang pampulitikang pag-unlad ng proletaryado sa lungsod at nayon sa kabila ng dinaanang pag-igting ng mga antagonismong panlipunan. Imposible ang pampulitikang preparasyon ng uring manggagawa para sa sariling rebolusyon hangga't hindi nagagapi ang tendensyang ito sa kilusan. Hindi rin dapat pagtakhan kung bakit atrasado ang pangkalahatang kamalayang pampulitika ng mamamayan at mapurol ang makauring antagonismo sa lipunan dahil ang mapagpasyang salik sa pagsulong ng tunggalian ng uri -- ang proletaryong uri — ay minaliit at pinabayaan ng sariling "taliba," inabandona ang pag-oorganisa ng makauring pakikibaka ng proletaryado at nalulong sa armadong pakikibaka sa kanayunan.
47. Sa lumipas na tatlong dekada, tuluy-tuloy ang ebolusyonaryong pag-unlad ng agrikultura. Bumilis ang pagsulong ng industriya at komersyo sa kalunsuran. Gaano man kabagal angpag-unlad ng agrikultura, ang realidad ay may sariling batas ng pagsulong ang kapitalistang pang-ekonomyang proseso at ang tanging usapin ay kung dadaan ito sa mabilis na landas ng rebolusyonaryong pag-igpaw o sa makupad na proseso ng repormistang ebolusyon.
Sa panahong ito, unti-unting gumuho ang dati'y laganap na labi ng pyudal na sistema ng produksyon at hinalinhan ng kapitalista at komersyalisadong porma ng agrikultura. Ang nananatili ay ang pribadong pagmamay-ari ng malalawak na lupain ng iilang malaking panginoong maylupa na nananatiling pinakamakapangyarihang pwersa sa kanayunan.
Sa kasalukuyan, kumplikado ang mga relasyon sa produksyon at makauring mga antagonismo sa kanayunan. Hindi ito maaring ikapsula o pasimplehin sa sentral na usapin ng kawalan o kakulangan ng sariling lupang binubungkal ng maralita at panggitnang magsasaka. Lagi namang sentral na usapin ang pribadong pagmamay-ari ng lupa at mga kagamitan sa produksyong pang-agrikultura sa mapagsamantalang relasyong agraryo. Pero hindi awtomatiko na ang tanging kahulugan nito'y ang pangangailangan ng redistribusyon ng lupa sa indibidwal na mga magsasaka.
Ang resolusyon sa relasyon sa pagmamay-ari ng lupa sa kanayunan ay dapat umayon sa pamantayan ng progresong panlipunan at hindi lang sa hustisyang panlipunan, at sa pamantayan ng proletaryong tunggalian ng uri at hindi lang sa pakikibakang agraryo ng magsasaka.
Ibang usapin kung aktwal at ispontanyo nang sumusulong at sumisiklab ang kilusang masa sa kanayunan. Sa ganitong kalagayan, mas mahalaga ang praktika kaysa programa. Maaring hindi tugma sa ating makauring plataporma ang nagaganap na kilusang agraryo. Ang mahalaga'y isinusulong nito ang pakikibaka para sa pagpawi ng lahat ng labi ng pyudal na sistema at pinaiigting ang tunggalian ng uri sa kanayunan. Ngunit ang sitwasyon ngayon ay hindi pa eksaktong mahugisan o walang makasiguro sa magiging direksyon o sentral na kahilingang makapagpapasiklab ng kanayunan. Kahit ang mismong kakuparan ng implementasyon ng reporma sa lupa (CARP) ay hindi sapat na makapag-udyok ng malaganap na ispontanyong pakikibakang magsasaka. Sa kasalukuyan, samu't-sari ang tumatampok na mga isyu ng magsasaka gaya ng land conversion, ang mataas na presyo ng farm inputs, ang pagkaagrabyado sa presyuhan ng mga produktong agrikultural, ang kakulangan ng mga pasilidad sa kredito, ang problema sa usura, ang kakapusan ng kinakailangang imprastruktura, ang problema ng mga kalamidad at kapabayaan ng gubyemo, . atbp.
Kasabay nito ang lumalalang problema ng mga manggagawang bukid na siyang pinakamalaking sektor sa kanayunan. Sila'y biktima ng pagsasamantalang uring panginoong maylupa, ng uring kapitalista, at mismo ng uring magsasaka, partikular ang mayaman at panggitnang sangay nito na umuupa ng lakas-paggawa. Laganap sa kanilang hanay ang kakulangan ng trabaho, ang kababaan ng sweldo, ang kawalan ng karapatan at ang pyudal na pagtrato sa relasyong kapitalista.
Ang magkaagapay at magkaugnay na mga problema ng masang magsasaka at manggagawang bukid sa kanayunan na pinaiigting ng krisis pang-ekonomya at walang tigil na mga kalamidad ang magpapaliyab sa pakikibakang agraryo at tunggalian ng uri sa kanayunan. Sa punto-de-bista ng proletaryado, ang susing kawing ay ang integrasyon ng pakiliibaka ng manggagawang bukid sa kabuuang kilusan ng uring manggagawa at sa pamamagitan ng kilusang ito sa lungsod at kanayunan ay pahigpitin ang pakikipagkaisa sa pakikibaka ng uring magsasaka at ibunsod ang pagsiklab nito bilang isang hiwalay na kilusang makauri.
48. Totohanin man o hindi ng rehimeng Estrada ang kanyang platapormang ilagay sa prayoridad ang sektor ng agrikultura ng ekonomya, walang ibang ibubunga ito kundi ang pagsulong ng antagonismong makauri sa kanayunan. Kung ito'y totohanin, nakatitiyak tayo na ang ibubunga nito ay pag-unlad ng iba't ibang makauring pwersa sa kanayunan, laluna ang hanay ng manggagawang bukid, dahil ang kanyang modelo ng repormang agraryo ay ang konsepto ni Danding Cojuangco ng moderno, kapitalista at malakihang produksyong agrikultural.
Ngayon pa lang ay pinauugong na ng rehimeng Estrada ang kanyang balak na amyendahan ang CARP para mabigyan ng puwang ang mga iskemang gaya ng stock distribution option, atbp.
Sa ala-Danding na iskema ng pag-unlad, iigting ang mga relasyong agraryo at magkakahugis ang paghahanay ng iba't ibang makauring pwersa dahil sa penetrasyon ng kapitalistang sistema ng produksyon sa lumang sistema ng agrikultura. Kasabay nito ang ibayong pagbilis ng disintegrasyon ng uring magsasaka at malawakang proletaryanisasyon ng kanayunan.
Kung hindi naman totohanin ni Estrada ang kanyang programang pang agrikultura, mangangahulugan ito ng ibayong istagnasyon at pagkabulok ng kanayunan sa panahong papaigting ang krisis ng bansa, ng Asya at ng mundo dahil sa lumalalang mga problema ng globalisasyon. Kung patuloy na isasantabi ang agrikultura sa pang-ekonomyang direksyon ng bansa o lokalisado ang magiging karakter ng modernisasyon nito na ala-NICs ni Ramos, mas malamang na uunlad ang agraryong pakikibaka sa mas klasikong landas.
Krusyal sa magiging kumpas at karakter ng pakikibaka sa kanayunan ang tatlong salik: Una, ang magiging karakter ng patakarang pang-agrikultura ng rehimeng Estrada. Ikalawa, ang pagsulong ng kilusan ng uring manggagawa sa lungsod at kanayunan. Ikatlo, ang galaw ng ibang pwersang nagsisikap paunlarin ang kilusang magsasaka.
49. Kung ang "Erap para sa Mahirap" ang nagluklok kay Estrada sa poder, ang islogang ito ang siya ring magpapako sa kanya sa krus sa panahong ito ng pandaigdigang krisis. Obhetibo ang mga batayan para sa rebolusyonaryong optimismong muling babangon at babangon nang malakas ang rebolusyonaryong kilusan sa ilalim ng rehimeng Estrada. Hindi natin inaalis ang malaking posibilidad na di makatapos ang rehimeng ito ng kanyang anim na taong panunungkulan o kaya'y gumaya ito sa kanyang idolong si Marcos sa hayagang pasistang paghahari.
Walang kaduda-duda na palsipikado ang makamahirap na postura ni Estrada. Ang kanyang islogan ay garapal na gimik. Siya'y maghahari bilang rehimen pa rin ng malaking burgesya at malaking panginoong maylupa. Kung pagbabasehan ang kanyang unang isandaang araw, siguradong ito'y magiging mas masahol kaysa sa sa sinundan niyang dalawang rehimen kundi man maging pinakamasahol sa kasaysayan ng papet na republika.
Hindi lang ito dahil sa grabeng depekto sa personal na karakter at indibidwal na kapasidad bilang isang pangulo. Hindi rin ito dahil lang sa siya'y natyempo sa panahon ng malawakang krisis pang-ekonomya at nahaharap sa peligrong sa malao't madali ay sasambulat. Ang karagdagang kondisyon ay ang napili niyang gimik na sa bandang huli ay kanyang pagsisisihan. Hindi lang nito itinaas ang ekspektasyon ng masa sa pagbabago, bagkus pinatalas ang konsentrasyon ng bayan sa pundamental na isyu ng kahirapan.
Magsasalubong ang tatlong pekulyar na salik na ito para painitin ang panlipunang mga antagonismong sinisilaban sa ibabaw at ilalim ng atrasadong kapitalismo sa Pilipinas sa panahon ng modernong globalisasyong naghahasik ng krisis sa manggagawa at masang anakpawis ng daigdig. Ang nawawalang kawing ay ang mapagpasyang kawing ang pagkakaorganisa ng makauring pakikibaka ng proletaryado at ang malakas na pagsulong ng kilusan ng uring manggagawa na sa uluhan nito'y ang bagong proletaryongrebolusyonaryong partido.
Pagkaupong-pagkaupo sa poder, agad sinimulan ni Estrada ang "makauring pakikibaka" ng kanyang rehimen sa manggagawang Pilipino sa ngalan ni Lucio Tan at ng pwersa ng kapital. Mukhang siya'y mas "mulat-sa-uri" kaysa naunang mga pangulo, mas malapot ang "makauring naturalesa," walang delikadesang pinetserahan ang manggagawa at kumilos na parang tunay na sanggano para magbida-bidahan sa uring kapitalista.
Kinakantyawan man ang antas ng mentalidad ni Estrada, hindi siya makararating sa pinakamataas na katungkulan sa bansa kung hindi eksepsyunal ang kanyang pandama sa reaksyonaryong pulitika, kung hindi sumusunod ang kanyang instinktibong kilos sa agos ng reaksyonaryong pwersa. Sa labanan sa PAL, na naging sukatan ng kanyang ikikilos sa panahon ng krisis, hindi siya nagdalawang-isip na lantaran at garapalang pumusturang anti-unyonista at anti-manggagawa. Iisa ang kanyang intension: kabigin ang mabilis na dumadausdos na kumpyansa ng mga imbestor at negosyante sa kanyang rehimen. At sa kanyang instinktibong pananaw, ang mabisa't mapagpasyang hakbang ay patunayang titindigan niya ang kapakanan at kahilingan ng kapital sukdulang ang maging kapalit nito'y pagkasira ng kanyang rnakamahirap na gimik.
Hindi mensahe kundi garantiya ang ibinibigay ni Estrada sa dayuhan at lokal na imbestor at negosyante. Handang sagasaan ng "dyip ni Erap" ang lahat ng karapatan ng manggagawang Pilipino kung ito'y hahara-hara sa "pagbangon ng ekonomya" na siyang katawagan sa preserbasyon at akumulasyon ng kapital at tubo ng uring kapitalista at mga panginoong maylupa. Yamang siya'y nasa Malacanang na, at yamang nasimulan na niya ang paghuhubad ng balat-kayo, wala nang preno ang rehimeng Estrada at isa-isa na niyang ibinabalibag sa basurahan ang kanyang mga pangako't pagkukunwari at sagad-sagaran ang pagsunod sa mga dikta ng IMF at panunuyo sa imperyalistang mga interes, laluna sa gubyernong US.
Binibigyan ngayon ng kasaysayan ang uring manggagawa at sambayanang Pilipino ng isang panibagong "regalo" na nagbabadyang magbudbod ng ibayong kahirapan at kaapihan sa bansa. Ang "regalo" ring ito ang magpapahimagsik sa mamamayan at magiging motibasyon para minsan pa'y ibangon at isulong ang isang kilusang tatapos sa paghahari ng kapitalista-asendero sa Pilipinas at magsusulong sa ating bansa sa landas ng tunay na demokrasya at sosyalistang pag-unlad.
Ang mundo ay nasa yugto ngayon ng kasaysayan ng muling pagbangon ng mga manggagawa ng buong daigdig dahil sa kapitalista at imperyalistang salot na inihahasik ng globalisasyon. Nang lumitaw ang imperyalismo sa mundo, noong panahon ng kolonyalista at neo-koionyalistang pananakop ng imperyalistang kapital, hamak na mas maigting ang usapin ng pambansang kasarinlan. Sa panahon ngayon ng globalisasyong ginagawang pandaigdigan ang mga pambansang ekonomya, ang pekulyar na karakter ng sitwasyon ay ang mas matalas at markadong pag-igting ng mga antagonismo sa pagitan ng paggawa at kapital sa loob at labas ng bawat bansa, sa mga lungsod at kanayunan ng mga bansang gaya ng Pilipinas. Iniaalok ngayon ng kasaysayan hindi lang ang panibagong sitwasyon para sa panibagong pagsulong ng mga kilusan para sa pambansang paglaya kundi sa mas mabilis na pagkakamit ng makauring paglaya ng uring anakpawis.
1. Tulad ng mahirap pagbatayan ang opinyon ng isang tao kaugnay ng kanyang sarili, mas lalong hindi maaasahangpagbatayan ang pagtingin ng isang sistema sa kanyang sarili. Sa"opinyon" ng burgesya, ang kapitalismo ay isang eternal at perpektong sistema para sa tao dahil bawat myembro ng lipunanay may pantay na karapatan at bawat indibidwal ay may ganap nakalayaan. Ang naghaharing kaisipan sa lipunan ay ang mga pananaw ng naghaharing uri nito. Mga kaisipan na binuo upang bigyang katwiran ang kanilang paghahari. Ang mga ito, sa proseso ngpanahon, ay nagiging bahagi ng dominanteng kultura at siyangkinagisnan at kinagawian ng sunud-sunod na henerasyong nabuhay sa ilalim ng ganitong lipunan.
Sa bawat yugto ng kasaysayan, bawat naghaharing uri ay nag-akalang habang panahon ang kanyang sistema ng paghahari. Napaniwala nito hindi lang ang sarili, kundi ang buong lipunan. Ito ngayon ang nangingibabaw na paniniwala. Ang kapitalismo ang ultimong sistema, ang rurok ng pag-unlad ng lipunan ng tao.
Ito'y nangangako ng prosperidad para sa lahat dahil kaiba sa naunang mga sistema, ganap nitong binibigyan ng kalayaan at karapatan ang indibidwal na mangarap ng pag-unlad. Ang esensya ng demokrasyang burges ay ang "indibidwal na kalayaan"at "pantay na karapatan", kaiba raw ito kumpara sa sinaunang mga sistema na habang-panahon ang tatak ng pagiging alipin o pagkakatali sa lupa, pwera na lang kung boluntaryo silang pakawalan ng panginoong may-alipin o panginoong maylupa. Sa mga nangangarap na umasenso sa ilalim ng kapitalismo, nagsisisilbing inspirasyon ang mga kwento ng buhay ng mga taong dating kaparis nilang mahirap pero umasenso sa "sariling pagsisikap."
Ang hindi nila makita ay ang katotohanang ang pag-unlad sa ilalim ng kapitalismo ay hindi sa pagiging manggagawa, pagiging magsasaka o anumang trabahong pang-anakpawis. Ang pag-unlad ay magaganap kung siya'y aangat sa pagiging kapitalista na ang yaman ay manggagaling pa rin sa pawis ng mga manggagawang kanyang uupahan para lumikha ng tubo.
Pwede rin naman sa pagiging abogado, doktor, inhenyero, at iba pa. Pero para yumaman sa ganitong napiling propesyon, ang kailangang kliyente ay hindi dapat kaparis na dukha. Upang yumaman, ang dapat pagsilbihan ay mga naghaharing uri na naliligo sa kayamanan. Pero ang saligang tanong ay hindi pa kung ilan sa masa ang pwedeng magkaroon ng ganitong oportunidad kundi pwede bang mabuhay ang kapitalismo kung lahat ay aasenso, magiging negosyante o propesyunal?
Ang esensyal na katotohanan at kalikasan ng kapitalismo ay obligadong may seksyon ng populasyon — isang malaking mayorya ng lipunan — na obligadong mabuhay sa tanging paraan ng pagpapaupa ng lakas-paggawa at hindi maaring mabuhay kundi sa paraang ito dahil wala silang ibang pag-aari o kalakal kundi ang kanilang lakas-paggawa. Kung wala ang ganitong seksyon ng populasyon, hindi mabubuhay ang kapitalistang lipunan. Walang saysay ang kapital sa kamay ng mga kapitalista. Hindi matatransporma sa kapital ang salaping hawak nila. Ang mismong karaniwang antas ng pasahod ang nagtitiyak na isang malaking seksyon ng populasyon ay hindi makakaahon sa pagiging mga sahurang-manggagawa kaya nga't sinasabi natin na ang kapitalistang sistema ay sistema ng sahurang pang-aalipin.
Ang ibig sabihin ng indibidwal na kalayaan sa ilalim ng demokrasyang burges ay ang pag-asa ng indibidwal na pag-asenso, hindi ang pag-asenso ng buong uri. Isang indibidwal na pag-asenso na walang ibang kahulugan kundi pagtalikod at pang-aapi sa sariling pinagmulang uri.
Napakaraming nandidilat na katotohanan at lantarang kasinungalingan sa buong lipunan na hindi makita ng manggagawa dahil nabubulagan ang kanyang isip ng kaisipan ng naghaharing sistema, ng kaisipan ng naghaharing uri.
Minsan sa ilang taon ay pipila siya sa kanyang presinto para bumoto. Pipili kung sino sa mga representante ng mga naghaharing uri ang kanyang ihahalal sa kapitalistang estado. Ang isang araw na ito, tuwing ilang taon, ang nagbibigay sa kanya ng "demokratikong pakiramdam," parang drogang pampamanhid upang hindi niya maramdaman ang kawalan ng demokrasya sa kanyang pang-araw-araw na buhay sa loob at labas ng pagawaan.
Pantay daw ang karapatan ng mga manggagawa at kapitalista sa kalayaan sa pamamahayag. Pero ang katotohana'y pawang kapitalista ang may-ari ng mga publikasyon, mga istasyon ng radyo't telebisyon. Pantay daw ang karapatan ng mga manggagawa at kapitalista sa malayang pagtitipon. Pero ang katotohana'y reserbado sa uring kapitalista ang lahat ng magagarang gusali at bulwagan. Pantay raw ang karapatan ng mga manggagawa at kapitalista sa kalayaang tumutol. Pero ang katotohana'y hindi man lang makalampas sa tulay ng Mendiola ang mga demonstrador na manggagawa nang hindi binabatuta, binubumbero, tinitirgas o binabaril ng pulisya. Pero para sa mga organisasyon ng burgesya, laging bukas ang pintuan ng Malacanang at tenga ng Pangulo sa kanilang mga hinaing.
Pantay daw ang mga karapatan ng lahat ng indibidwal sa ilalim ng burges na demokrasya. Kung parehas ang karapatan ng mayaman at mahirap, ng kapitalista at manggagawa, ng asendero at magsasaka agad nang dehado ang masang anakpawis dahil mas masalapi, mas makapangyarihan ang mga naghaharing uri.
Ang totoong demokrasya ay pagbibigay ng kapangyarihan sa mayorya, at hindi ang pagpapantay ng karapatan sa pagitan ng mga uring mapagsamantala na iilan at mga uring pinagsasamantalahan na nakararami.
Araw-araw ay nakakasalubong ng ordinaryong manggagawa nang hindi niya namamalayan ang katotohanan ng kapitalistang lipunan. Ang tawag niya sa araw-araw niyang pagpasok sa pagawaan ay simpleng paghahanap-buhay. Hindi niya ito tinatawag na araw-araw na repetisyon ng pagbebenta ng kanyang sarili bilang kalakal. Di niya ito itinuturing na araw-araw na pagpapaalipin sa ilalim ng kapangyarihan ng kapital.
Ang tawag niya sa kanyang arawang kita ay simpleng sweldo. Hindi niya ito tinitingnan bilang ispesyal na termino para itago ang masakit na katotohanan na ito'y simpleng presyo ng kanyang ispesyal na kalakal ang lakas-paggawa -- ang nag-iisa’t bukod-tanging kalakal sa milyun-milyong klase ng kalakal sa kapitalismo na habang kinukonsumo ay lumilikha ng halaga. Halagang sobra sa naging presyo ng kalakal na ito nang bilhin ng kapitalista. Isang kalakal na kung hindi matatagpuan ng kapital ay imposible ang kapitalismo, hindi lalago ang kapital, hindi magiging kapital.
2. Ang tawag ng manggagawa sa kita ng kapitalista ay simpleng tubo. Hindi niya ito tinatawag na sobrang halaga na buung-buong nanggaling sa kanyang lakas-paggawa. Isang sobrang paggawa na hindi binabayaran ng kapitalista at simpleng kinakamkam. Narito ang numero unong sikreto ng kapitalistang sistema'ng produksyon — ang paggamit sa nag-iisang kalakal sa balat ng lupa na pwedeng gumawa ng sobrang halaga — ang lakas-paggawa — at hanggang sa huling sentimo ay dito nanggagaling ang kapitalistang tubo.
Araw-araw ay namamasukan ang manggagawa sa pabrika. Pinaaandar ang mga makina at ginagawang tapos na mga produkto ang hilaw na materyales na pinatatrabaho sa kanya ng kapitalista.
Hindi man lang niya namamalayan na araw-araw ay kaharap na niya ang pinag-uugatan ng pagsasamantala sa lipunan at sa daigdig — ang pribadong pagmamay-ari ng mga kasangkapan sa produksyon na siya ring kasangkapan sa pagsasamantala ng iilan sa nakararami. Obligadong maging sahurang-alipin ang nakararami dahil pag-aari ng iilan ang mga kasangkapan sa ikabubuhay ng mga tao sa lipunan habang ang mayorya ay walang pag-aari kundi ang kanilang lakas-paggawa. Sa loob ng pagawaan, alam ng bawat manggagawa na hati-hati o tulung-tulong sila sa trabaho. Ang mga hilaw na materyales at ang mga makinang kanilang ginagamit ay produkto rin ng iba namang mga manggagawa na hati-hati rin ang naging proseso ng produksyon. Ang araw-araw na karanasang ito ay binibigyan ba niya ng katuturan, sa puntong sosyalisado ang produksyon ng buong lipunan subalit pribado ang pagkamkam sa produkto ng trabaho ng buong lipunan?
Hati-hati ang buong lipunan sa trabaho, pero bakit ang tubo ay sa uring kapitalista lang napupunta gayong hindi naman nagtatrabaho?
Dahil sa ilalim ng sistemang kapitalismo, ang tubo ay sa kapitalista at ang sweldo ay sa paggawa. Ito ang sistema ng sahurang pang-aalipin.
Ang alam ng manggagawa sa salapi ay ito ang kanyang ginagastos para mabili ang kanyang mga pangangailangan. Hindi niya tinitingnan ang mga salaping umiikot sa buong lipunan ay simpleng simbolo ng mga halaga ng mga kalakal na likha ng masang anakpawis. Sa buong lipunan, ang papel na simbolong ito ang namamagitan sa relasyon ng tao sa tao, ang mismong kumukontrol sa relasyon ng mga tao sa lipunan. Araw-araw ay napapansin niya ang sobra-sobrang kayamanan na inaari ng iilan subalit hindi niya pansin ang katotohanan na ito ay likha ng nakararami.
Napapansin din niya ang laganap na kahirapan ng nakararami, pero hindi niya pinapansin ang katotohanan na ito ay kagagawan lang ng iilan. Ang mga katotohanang ito ay ang katotohanan ng Marxismo-Leninismo. Ang kaisipan na mula nang sumibol ay hindi na tinigilan ng burgesya na sugpuin at pigilan. Kung mawawalis lang ang mga kaisipan ng naghaharing uri sa kamalayan ng masang anakpawis, kung mamumulat lang ang mga manggagawa sa buong katotohanan ng kapitalismo, mayuyugyog at titilapon ang kapangyarihan ng kapital sa pagbabalikwas ng paggawa.
Hangga't ang diwa ng uring manggagawa ay inaalipin ng naghaharing kaisipan, imposibleng maganap ang rebolusyong magpapalaya sa masang anakpawis sa sistema ng sahurang pang- aalipin. Totoong bago maghari ang isang bagong kaisipan sa kabuuan ng lipunan, kailangan munang mapalitan ang lumang kaayusan. Pero katotohanan din, na bago mapalitan ang lumang kaayusan, kailangan munang magbago ang kaisipan ng mga uring naghahangad ng ganitong pagbabago.
Ito ang tunay na kabuluhan ng Marxismo-Leninismo. Ang nag-iisa't natatanging sistematikong kaisipan sa buong mundo na para sa uring manggagawa. Ang tanging kaisipan na nagtuturo sa manggagawa ng kabuuang katotohanan tungkol sa sistemang kapitalista — ang pagsibol, ang pangingibabaw at magiging pagbagsak ng sistemang ito — at ang landas at kondisyon sa paglaya ng uring manggagawa at ng buong lipunan sa pagsasamantala ng tao sa tao.
3. Nagsimula tayo sa ganitong presentasyon ng Marxismo-Leninismo dahil narito ang esensyal na kahulugan at katuturan ng kaisipang ito ng rebolusyonaryong proletaryado. Ang kabuluhan ng Marxismo-Leninismo ay wala sa pormal na mga deklarasyon na ito ang teoretikal na batayan at patnubay ng pagbubuo ng proletaryong rebolusyonaryong partido. Ang ispiritwal na kapangyarihan nito ay magiging materyal na pwersa lang kapag ito ay nag-ugat, sumibol at yumabong sa kamalayan ng uring manggagawa bilang kamalayan sa uri. Sa batayan ng kamalayang ito, magaganap ang makauring pagkakaorganisa ng mga manggagawa bilang tunay na kahulugan ng pagbubuo ng rebolusyonaryong partido.
Sa dinami-dami ng samu't-saring kaisipang nangalat sa buong kasaysayan ng lipunan, walang ibang integral at konsistent na sistemang pang-ideolohiya na gaya ng Marxismo na tahasan at buong-buong naninindigan sa makauring interes ng proletaryado. Isang doktrinang buong talas at syentipikong naglalantad sa batas ng pag-unlad, panloob na kontradiksyon at di-maiiwasang pagbagsak ng kapitalismo. Isang kumpletong kaisipang gumuguhit sa landas ng pagsulong at kondisyon ng emansipasyon ng uring manggagawa sa buong daigdig at paglaya ng sangkatauhan sa makauring lipunan.
Marami ang mga kaisipan na bumabatikos sa mga kasamaan at imperpeksyon ng kapitalismo bilang sistema. Pero lahat ay maihahanay lamang sa dalawang balangkas: una, ang petiburges na reporma ng mapagsamantalang sistemang bulok sa kaibuturan, at ikalawa, mga Utopian at primitibong pangangarap ng isang sosyalismo na maisasakatuparan hindi sa kaparaanan ng tunggalian ng uri ng proletaryado at pagbubuo ng rebolusyonaryong estado ng uring manggagawa.
Anu't anuman, wala tayong ibang alam na ideolohiya bukod sa Marxismo na maaring magsabi at magturo sa uring manggagawa ng buong katotohanan hinggil sa kapitalismo. Magsabi at magturo sa kanyang istorikal na misyon na isulong ang isang proletaryong rebolusyon dahil walang ibang paraan para ibagsak ang burgesya kundi sa pamamagitan nito. Magsabi at magturo na walang ibang paraan para lumaya ang kaisipan ng manggagawa mula sa kaisipan ng naghaharing uri at mula sa lahat ng pang-ideolohiyang sapot ng nakaraang mga sistemang mapang-alipin kundi sa kaparaanan ng aktwal na pagsusulong ng mapagpalayang kilusang sosyalista at proletaryong tunggalian ng uri.
Lahat ng ibang umiiral na kaisipang pangmanggagawa sa mundo ay simpleng magkakaibang bersyon kundi man kontrabando ng Marxismo. Marami sa mga ito, sa esensya, ay kabaliktaran, paglamutak o pagpapalabnaw ng diwa ng Marxismo at punung-puno ng kalituhan sa panlipunang pinag-uugatan at uring kinakatawan. O ang mga ito'y simpleng mga ideolohiya ng mga tinyente ng burgesya sa loob ng kilusang manggagawa na ang ultimong layunin ay hanggang sa pagpapaginhawa lang ng sitwasyon ng sahurang pagkaalipin ng proletaryado pero sa ilalim pa rin ng kapangyarihan ng kapital o sadyang pananabotahe sa pagsulong ng proletaryong makauring pakikibaka sa udyok ng kanilang mga imperyalistang padrino at kapitalistang kliyente.
4. Ang tinitindigan nating Marxismo ay ang Leninistang Marxismo. Ibig sabihin, ang matatag at mapanlikhang interpretasyon at aplikasyon ni Lenin sa dalisay na diwa at orihinal na mga aral nina Marx at Engels. Ang kanyang pagpapaunlad at pagpapalalim nito sa karanasan ng Rebolusyong Bolshevik at intemasyunal na kilusang manggagawa sa panahon ng pagsibol ng imperyalismo at pagsiklab ng mga proletaryong rebolusyon.
Hibang ang imperyalismo at ang hanay ng burgesya sa mundo sa pag-aakalang sa naging pagbagsak ng Unyon Sobyet at iba pang sosyalistang bayan matapos ang maraming dekada ng pag-iral — at kasunod nito ay ang pagsiklab ng internal na krisis ng mga kilusang komunista sa mundo — ay kasabay na ring napatunayan ang "kamalian" ng Marxismo-Leninismo at ang "katumpakan" ng kapitalismo. Kung ang kahulugan ng pagbagsak ng mga sosyalistang estado ay "mali" ang Marxismo-Leninismo, ang ibig sabihin nito ay "tama" ang kapitalismo, na ito nga ang ultimo at eternal na sistemang dapat maghari sa mundo.
Hindi matatanggap ng rebolusyonaryong manggagawa na habang panahon na lang na iiral ang sistema ng sahurang pang-aalipin at sistema ng makauring lipunan. Hindi matatanggap ng rebolusyonaryong manggagawa na habang panahon na lang na maghahari ang mga kapitalista sa mundo na walang ibang iniisip kundi ibayong pigain at baratin ang lakas-paggawa para lumikha ng tubo.
Ang napatunayan sa pagbagsak ng mga sosyalistang bansa ay hindi ang gustong palabasin ng burgesya na panghabang panahon ang kapitalismo o ito ang ultimong sistema ng lipunan. Ang mismong paglitaw at pag-iral ng Unyon Sobyet at iba pang sosyalistang bansa na sumakop sa halos kalahati ng populasyon ng mundo ay nagpapatunay na maibabagsak ang kapitalistang sistema at kapitalistang estado. Ang hindi pa napapatunayan ay ang ganap na superyoridad ng sosyalistang sistema kumpara sa kapitalistang sistema at ang kapasidad ng sosyalistang estado na pigilan ang panunumbalik ng burgesya sa kapangyarihan at ang restorasyon ng kapitalismo.
Kung mayroon mang napatunayan sa pagbagsak ng mga sosyalistang bansa, ito'y hindi ang kamalian ng Marxismo-Leninismo kundi ang malubhang pinsalang idinulot ng Stalinismo-Maoismo at iba pang bastardo at kontrabandong bersyon ng mga saligang aral nina Marx, Engels at Lenin para sa dakilang mga simulain ng proletaryado sa buong mundo.
5. Sa pagbubuo ng bagong rebolusyonaryong partido ng manggagawang Pilipino, ipupundar natin ito sa unibersal na katumpakan at patuloy na kabuluhan ng mga pananaw nina Marx, Engels at Lenin — ang kanilang makabagong materyalistang pilosopiya, ang kanilang dayalektikal na doktrina ng pag-unlad, ang kanilang materyalistang pananaw sa kasaysayan, ang kanilang teorya ng tunggalian ng uri, ang kanilang konsepto ng proletaryong rebolusyonaryong partido, ang kanilang konsepto ng proletaryong rebolusyon, ang kanilang mga pananaw hinggil sa estado at ang kanilang teorya ng syentipikong sosyalismo.
Sa panahong ito ng pagmamalaki ng burgesya sa eternal na pag-iral ng kapitalismo at paglulunsad ng makabagong kapitalistang globalisasyon, kailangang patalasin ang ating pagtindig sa katumpakan ng pang-ekonomyang doktrina ni Marx bilang prinsipal na nilalaman ng Marxismo at ang teorya ni Lenin hinggil sa imperyalismo bilang monopolyo-kapitalismo.
Habang dinadalisay natin ang pag-unawa sa Marxismo-Leninismo, kailangang purgahin sa sistemang pang-ideolohiya nito at sa ating kamalayan at tradisyon ang malalim at malawak na impluwensya ng bulgarisado at dogmatisadong mga konsepto ng Stalinismo at Maoismo laluna sa mga konsepto ng partido at rebolusyon. Habang binabakbak natin ang mga sumpang ito ng kasaysayan na nakadikit sa ating likuran, sa ating harapan ay dapat sabay na bakahin ang mas peligrosong mga tunguhin ng neo- Marxismo na sinasamantala ang tuluy-tuloy na pagguho ng reputasyon ng Stalinismo at Maoismo para idamay ang Leninismo at papurulin ang Marxismo. Kunwa'y binabalikan nito ang mga orihinal na aral ni Marx, para patampukin ang orihinal na Marx bago siya naging Marxista.
Dinadalisay ang pagkamakatao ng "orihinal" na Marx para palabnawin ang kanyang proletaryanismo nang siya'y maging Marxista. Mas inuugat natin ang internal na mga batayan ng pagbagsak ng mga sosyalistang bansa sa istorikal na impluwensya ng Stalinismo. Sa mga pagkakamali nito sa mga usapin ng proletaryong partido, proletaryong demokrasya, sosyalistang konstruksyon at proletaryong internasyunalismo. Ang pagbagsak naman ng mga rebolusyonaryong kilusang mapagpalaya sa mga bansang gaya ng Pilipinas ay may malaking kinalaman ang impluwensya ng Maoismo sa pagpapalaganap ng bulgarisadong konsepto ng armadong rebolusyon at primitibong konsepto ng pesanteng sosyalismo, at pagtatangkang gawing unibersal at absolute ang karanasan ng digmang bayan ng rebolusyong Tsino.
Partikular nating itinatakwil ang ginawang paglamutak ng Stalinismo at Maoismo sa usapin ng proletaryong partido. Ito ay naging mapagpasyang salik sa kabiguan ng mga partido sa mga bansang sosyalista na maagap na ituwid ang mga pagkakamali bago magbunga ng istorikal na mga distorsyon sa pag-unlad ng sosyalistang lipunan. Ito ang naging mapagpasyang salik sa kabiguang pairalin ang tunay na proletaryong demokrasya na siyang esensya ng proletaryong estado sa mga aral nina Marx, Engels at Lenin.
Si Stalin ang pasimuno ng masaker ng panloob na demokrasya sa loob ng partido sa Unyon Sobyet na ginaya ng ilang partidong maka-Stalin. Kinatangian ng marahas na resolusyon ng mga pang-ideolohiyang tunggalian ang transpormasyon ng sentralismo sa absolutismo hanggang kultismo, ang burukratisasyon ng organisasyon ng proletaryong partido at pag-engganyo sa karerismo at korapsyon. Ang Stalinismo ang pasimuno sa dogmatisasyon ng mga rebolusyonaryong prinsipyo, ang paghiwalay ng partido bilang ulo sa katawan ng masa ng uri, at pagpapaunlad ng banggardista at reduksyonistang konsepto ng talibang partido.
Lahat ng bulgarisasyong ito ng proletaryong partido ay kinopya ni Mao at ginawa pang mas masahol. Hinigitan ang Stalinismo sa pamamagitan ng transpormasyon ng proletaryong partido sa partido ng petiburges na rebolusyonismo, primitibong pesanteng sosyalismo at romantisismo ng gerilyaismo.
Sa ganitong uri ng partido, sa ganitong uri ng absolutistang kahibangan, imposible ang pag-iral ng proletaryong demokrasya. Kung ang partido ay naninigas na parang tuod sa absolutismo, burukratismo at dogmatismo, at hindi pinaghahari ng estado ang proletaryong demokrasya sa lipunan, at pati ang masang anakpawis ay ipinapailalim sa "diktadurang proletaryado" na ang katotohana'y "diktadura ng partido" — imposibleng hindi sumabog ang sosyalistang kaayusan. Sa pagsabog na ito ay umagos ang mga anti-sosyalistang tunguhin na sinusustena at inaabangan ng mga imperyalista at reaksyonaryong pwersa.
Wala nang dadaig pang pagsubok sa dinaanan ng bagong silang na estadong Sobyet matapos ang rebolusyong Bolshevik ng Oktubre 1917. Bagsak ang ekonomya dahil kagagaling lang sa imperyalistang digmaan at katatapos lang ng rebolusyon. Hinarap ng bagong tatag na estadong Sobyet ang pag-atake ng daan-daang libong sundalo ng bumagsak na monarkiya at burgesya at pagsalikop ng mga imperyalistang pwersa. Sumiklab ang digmaang sibil na may kasanib na imperyalistang agresyon sa panahong itinatayo pa lang ang Pulang Hukbo nina Lenin laban sa Puting Hukbo ng mga reaksyonaryong pwersa at mismong ang makinarya ng estadong Sobyet ay kailangan pang ilatag. Walang kasing-lupit ang naging labanan at milyun ang nasawi sa digmaang sibil kumpara sa ilang kataong nasawi nang agawin ng mga Sobyet ang estado poder sa kamay ng burgesya sa rebolusyong Oktubre.
Sa kabila ng ganitong sitwasyon, nanaig ang mga rebolusyonaryong pwersa, ang mga Bolshevik, dahil nasa panig nila ang masang anakpawis. Buong tatag na nanindigan ang masa ng uri ng proletaryadong Ruso. Sa pamamagitan ng mga Sobyet, ang porma ng rebolusyonaryong estado ay direktang paghahari at paghawak ng kapangyarihan ng masa ng uri at hindi lang ng proletaryong partido. Ito ang proletaryong demokrasya na salungat sa pormalismo ng demokrasyang burges o Stalinistang absolutismo ng partido. Ito ang nagtanggol sa proletaryong estado, ito ang nagsustena ng sosyalistang konstruksyon sa panahon ni Lenin at ito ang winasak ng Stalinistang absolutismo pagkamatay ni Lenin.
Dahil naghahari sa absolutistang paraan at hindi sa paraan ng proletaryong demokrasya, hindi naging mapangahas at mapanlikha ang Stalinistang estado sa sosyalistang konstruksyon nang kumpyansado sa popular na suporta ng masa at wastong pagtantya sa antas ng mga pwersa sa produksyon. Agad nitong ipinatupad ang sosyalisasyon ng agrikultura at isinagawa sa marahas na paraan. Kung lalagumin ngayon ang mga karanasan sa sosyalistang konstruksyon ng mga bansang nagsimula ng sosyalismo na atrasado pa ang mga pwersa sa produksyon, ang tamang hakbang ay ang maagang tagubilin ni Lenin na pagsasanib ng mga sosyalista at kapitalistang salik sa ekonomya sa yugtong ito ng transisyon mula kapitalismo patungong sosyalismo.
Ang superyoridad ng sosyalismo ay hindi mapatutunayan sa adelantadong aplikasyon ng mga prinsipyo nito. Ang kailangan ay ang wastong pagsasanib ng mga positibong salik ng dalawang sistema nang hindi nangangamba sa banta ng kapitalistang restorasyon. Ang kumpyansang ito ay ibubunga ng pagsandig at pagpapayabong sa proletaryong demokrasya. Sa ilalim ng pinayabong na proletaryong demokrasya, ang ispontanismo ng kapitalistang mga salik ay tatapatan at dadaigin ng ispontanismo ng mga sosyalistang salik.
Sa larangan ng proletaryong internasyunalismo, hindi napanghawakan ang Komunistang Internasyunal sa krusyal na panahon ng pandaigdigang krisis ng kapitalismo na sumiklab sa anyo ng ikalawang pandaigdigang digmaang imperyalista. Hindi naging maagap ang antisipasyon at preparasyon ng Unyon Sobyet sa pagsiklab ng digmaang ito at nagkumahog sa sariling pagtatanggol sa harap ng pananalakay ng pwersa ni Hitler. Hindi nasunggaban ang internasyunal na sitwasyon para sa paglagablab ng pandaigdigang rebolusyon. Katunayan, naging konserbatibo ang Unyon Sobyet sa usaping ito dahil sa pag-iwas na makabangga ang imperyalismong US. Pati ang pagsulong ng rebolusyong Tsino sa ganap na tagumpay ay tinangka nitong agapan at gayundin ang lubos na pagpasok ng mga tropang Sobyet sa Germany at France.
6. Binabanggit natin ito sapagkat ang paglakas at pagsiklab ng pandaigdigang rebolusyon ay saligang kondisyon sa konsolidasyon ng naunang sosyalistang mga bansa. Ang pagkaantala nito ay nagpapahirap sa pagsulong ng mga bansang sosyalista at nagbibigay pagkakataon sa imperyalismo na isustena ang panggigipit sa mga bansang ito. Matapos ang World War II, imbes na mapahina ang US dahil sa pandaigdigang pagsulong ng mga rebolusyonaryong kilusan, ito ay lalong lumakas. Dumaan ito sa ilang dekada ng sustenadong pang-ekonomyang pag-unlad at lalong naging agresibo sa imperyalistang interbensyon at pananalakay.
Pinatunayan ng magiting na pakikibaka ng mamamayan ng Vietnam na magagawang gapiin ang imperyalismong US kahit sa isang direktang gyerang agresyon, at kahambugan ang mga banta ng gyerang nukleyar. Pagkamatay ni Lenin, ang naging obsesyon ng Unyon Sobyet hanggang sa sumambulat ang krisis nito ay ang pagtatanggol sa sariling bansa at sariling sosyalistang konstruksyon imbes na maging determinadong balwarte ng pandaigdigang rebolusyon. Ang di paglakas o pagsiklab ng pandaigdigang rebolusyon, ang paghupa ng mga rebolusyonaryong kilusan sa mga bansang industriyalisado at atrasado, at ang sustenadong pananabotahe at interbensyon ng imperyalismo sa mga sosyalistang bayan, lahat ng ito ay naging eksternal na mga salik sa pagbagsak ng Unyon Sobyet at ibang sosyalistang bansa.
7. Nagsimulang lumaganap ang Maoismo o "Kaisipang Mao Zedong" sa pagsiklab ng "Great Proletarian Cultural Revolution" (GPCR) sa Tsina noong 1966 hanggang 1976. Kaparis ito ng "Great Purge" ni Stalin noong 1934 hanggang 1938. Sa parehas na purgahang ito, libu-libong mga kadre at kasapi ng parehas na partido ay ikinulong at nasawi kabilang ang mga beteranong kadreng namuno sa kanilang mga rebolusyon. Ang ginamit na rason sa madugo at marahas na purgahang ito ay ang pagbaka sa mga pagtatangka sa "restorasyon ng kapitalismo" mula sa loob ng partido. Ang totoo, ito ay maigting na tunggaliang pang-ideolohiya sa tatahaking landas ng sosyalistang konstruksyon na ginawang marahas ang resolusyon ng absolutistang tunguhin ng Stalinismo at Maoismo.
Ang GPCR ay konektado rin sa ginawang pagtatakwil ni Krushchev sa mga pagkakamali at kasalanan ni Stalin. Tinunggali ng Tsina ang Unyon Sobyet sa isyung ito. Hindi naglaon, lumala ang tunggalian, bumagsak ang relasyong sosyalista at diplomatiko sa pagitan ng dalawang bansa. Binansagan ng Tsina ang Unyon Sobyet na makabagong rebisyunista at sosyal-imperyalista.
Itinahghal sa Tsina ang "Kaisipang Mao-Zedong" bilang "acme" o "rurok" ng pag-unlad ng Marxismo-Leninismo. Pinauso ang tatak na Marxism-Leninism-Mao Zedong Thought (MLMZT) at pinalaganap sa buong mundo. Sa iba't ibang bansa ay agresibong inayudahan ng Tsina ang pagbubuo ng mga bagong partido o pagbaklas sa mga partidong impluwensyado ng Unyon Sobyet. Ang dalang linya ay ang "Kaisipang Mao Zedong" na unibersalisasyon at dogmatisasyon ng karanasan ng Rebolusyong Tsino at pagbaka sa makabagong rebisyunismo at sosyal-imperyalismo ng Unyon Sobyet. Kabilang si Jose Ma. Sison sa panatikong mga alagad ng GPCR. Pagbalik niya mula sa Tsina, pinamunuan niya ang pagbaklas sa lumang Lavaistang partido at binuo ang Maoistang partido sa Pilipinas.
Nataon ang popularisasyong ito ng "Kaisipang Mao Zedong" sa panahong lumalaganap ang mga kilusang anti-imperyalista sa iba't ibang bansa kaugnay ng gyera sa Vietnam. Sumisigabo sa buong mundo ang militanteng mga kilusang istudyante na produkto ng isang penomenal na petiburges na rebelyon ng isang henerasyon ng kabataan. Sa panahong ito, lumalala ang pandaigdigang krisis ng kapitalismo matapos ang ilang dekada ng prosperidad at nagiging tunguhin ang pagtatayo ng mga pasistang rehimen sa mga bansang atrasado na laging may sulsol ang US.
Ang "Kaisipang Mao Zedong" ay purung-purong petiburges na rebolusyonismo, primitibong pesanteng sosyalismo, at sagadsaring dogmatisasyon ng pira-pirasong mga aral nina Marx at Lenin. Ito ay ideolohiya ng "siniping mga bersikulo" na ginawang katekismo ng partido. Ang tipo ng indoktrinasyon ay nasa antas ng panatisismo at ang altar ay ang sagradong larangan ng armadong pakikibaka.
Ang "Kaisipang Mao Zedong" ay ang rurok ng reduksyonismo. Niredyus nito ang proletaryado sa talibang partido, niredyus ang pagsusulong ng sosyalistang kilusan sa "bagong tipo" ng demokratikong rebolusyon, niredyus ang manggagawa- magsasakang alyansa sa pagsasanib ng "proletaryong" partido at pesanteng hukbo, niredyus ang rebolusyonaryong pakikibaka sa armadong pakikibaka, niredyus ang Marxismo-Leninismo sa "Kaisipang Mao Zedong."
Mabilis na lumaganap sa maraming bansa ang mga armadong kilusan ng Maoismo na nakasakay sa nauusong rebelyon ng kabataan at ito'y sinilaban ng rebolusyonaryong romantisismo ng gerilyaismo. Mabilis din itong humupa at kahit isa sa mga Maoistang partido ay walang nanalo sa kabila ng napakainam na mga kondisyon sa mga bansang pinaglunsaran ng kanilang armadong mga rebolusyon. Mismong sa Tsina ay itinakwil ang pormulasyong "Kaisipang Mao Zedong" kakabit ng Marxismo-Leninismo at inilinaw na ang kaisipang ito ay sistematisasyon ng partikular na karanasan ng Rebolusyong Tsino.
Walang nanalo sa mga Maoistang partido bukod sa Khmer Rouge ni Pol Pot na nakaangkas sa tagumpay ng Vietnam pero agad ding bumagsak matapos lipulin ang sariling mamamayan. Kung aangkinin ng Maoismo na ang rebolusyong ito ni Pol Pot ay isang tagumpay kahit panandalian sertipikado nang umabot ito sa rurok ng kahibangan!
8. Matapos ang mahabang panahon ng pamamayagpag ng Stalinismo at Maoismo sa rebolusyonaryong kilusan sa bansa, ang unang hakbang ay dalisayin ang mga saligang aral ng Marxismo-Leninismo at salain ang polusyong ikinalat ng Stalinismo at Maoismo sa buong katawan ng ideolohiyang ito ng proletaryado. Ang pinakamahalaga ay hindi ang isaulo ang letra kundi isadiwa ang esensya ng mga prinsipyo at maunawaan ang kanilang mga istorikal na sirkumstansya. Magamay ang tamang aplikasyon at metodolohiya, maintindihan kung alin sa partikular na mga aral ang nananatiling makabuluhan. Mapagyaman at masariwa ang mga prinsipyo sa sarili nating karanasan, mapatunayan ang katumpakan sa aktwal na praktika at sa larangan ng tunggalian laban sa iba't ibang tendensyang pang-ideolohiya. Higit sa lahat, magamit ang Marxismo-Leninismo upang mapukaw ang kamalayang makauri ng masang manggagawa. Maitaas ang kanilang kaisipang pampulitika, mapalawak ang kanilang kaalaman, mapatalas sa tamang direksyon ang kanilang makauring pakikibaka, atmaorganisa ang proletaryadong Pilipino bilang rebolusyonaryong uri at rebolusyonaryong partido.
Nahaharap tayo ngayon hindi lang sa pagbubuo ng bagong partido kundi pumapasok sa istorikal na sitwasyong internasyunal ang katangian na malamang magbukas sa panibagong pagsulong ng pandaigdigang rebolusyon ng proletaryado. Taglay natin ang materyalistang optimismo na ang paparating na bagong siglo ay ihahatid ng globalisasyon ang sistemang kapitalismo hindi sa rurok ng pag-unlad kundi sa kanyang huling hantungan. Pero dapat nating harapin ang pagbubuo ng taliba ng proletaryadong Pilipino at ang bagong istorikal na sitwasyon na ang taglay ay hindi lang rebolusyonaryong optimismo kundi optimismong armado ng Marxismo-Leninismo.
Ang pinakamakapangyarihang sandata ng proletaryado ay ang Marxismo-Leninismo.
Hindi darating ang tamang araw ng aktwal na pag-aarmas hanggat ang armas na ito ng kaisipan, ang armas na ito ng makauring pagkamulat, ang armas na ito ng paghihimagsik ay hindi natin naihahatid kung saan naroon ang masang anakpawis. Hanggat hindi nila tinatanganan at tinatanganan nang buong higpit ang armas na ito ng proletaryong paglaya. Kung ang armas ng Marxismo-Leninismo ay hawak na ng malawak na masa ng manggagawang Pilipino, sila ang magsasabi sa kanilang talibang partido, sa mga kinatawan ng talibang partido kung kailan dapat nang ipanawagan ang pisikal na pag-aarmas at pisikal na pagbabagsak ng reaksyonaryong estado. Ito ang totoong rebolusyon, ang totoong rebolusyon ng masang anakpawis.
Ang Marxismo-Leninismo ay isang makapangyarihang kaisipan dahil ito ay totoo.
Nasa simpleng katotohanang ito ang metodolohiya ng Marxismo-Leninismo na sinalaula ng Stalinismo-Maoismo. Ang metodolohiya ng walang-sawang pagpupursigi sa katotohanan at kaalaman nina Marx, Engels at Lenin ay hinalinhan at hinaluan ng dogmatismo at empirisismo na kapwa pang-ideolohiyang lason sa Marxistang kaisipan. Sa isang banda, pinatuyo at dinaing nito ang mga teorya ng Marxismo sa anyong dogma, at sa kabilang banda, ibinagsak ang teoretikal na pag-aaral na para bang kuntento na sa sinaulong mga bersikulo at kumpleto na ang kaalaman para maunawaan ang nagbabagong mundo. Imbes na ang Marxismo-Leninismo ay maging masaganang bukal ng kaalaman na umaagos sa sariwang pag-aaral, sa pamamagitan ng Stalinismo-Maoismo nagmistula itong baradong tubig-kanal na umaalingasaw sa bangkay ng dogmatismo at huwad na intelektwalismo na dito'y nakalutang.
Ang paraan ng tao para tuklasin ang katotohanan ay ang paraan ng syensya at ito ang Marxismo, ang syensya ng panlipunang pag-aaral.
Ang Marxismo ay hindi simpleng umusbong sa utak ni Marx. Ito ay sumibol mula sa abanteng kaisipan ng mga abanteng bansa sa panahong iyon ni Marx. Umunlad ito mula sa mga teorya sa pilosopiya ng Germany, sa mga teorya sa ekonomya ng England at sa mga teorya sa sosyalismo ng France. Kung ang henyo ni Marx, Engels at Lenin ay nangailangan ng kaalamang galing sa burgesya, anong dunong ng mga Stalinista at Maoista para umastang kumpleto na ang kanilang kaalaman, sila na lang ang marunong sa daigdig at sila ang bodegero ng karunungan. Hindi nila hawak ang susi ng kaalaman sa mundo, ang mayroon sila ay kandadong nagsara sa kanilang mga utak.
Ang materyalistang pilosopiya ng Marxismo ay isang pananaw na ibinabatay ang kaalaman sa materyal na pag-iral ng daigdig at hindi sa umiiral na kaisipan ng tao. Binulgarisa rin ito ng Stalinismo-Maoismo sapagkat ang katotohanan ay iniigib nila sa kanilang mga dogma, hindi sa aktwal na nagaganap sa daigdig. Imbes na aminin na hindi gumagalaw ang mundo alinsunod sa kanilang mga dogma, iba pa rin ang realidad na kanilang nakikita mula sa largabista ng kanilang talamak na dogmatismo. Ang Marxismo ay salungat sa mga pantasya at superstisyon na habang lumalala ang disintegrasyon ng sistema ay lumalakas ang alingasaw na parang nagmumula sa nabubulok na bangkay. Kapag ang mamamayan ay hindi sapat na mapakain ng reaksyonaryong estado, ang ipinambubusog nito ay mga haka-haka habang ang inihahain ng mga Stalinista-Maoista ay isloganismo.
Para sa Marxistang materyalismo, walang bagay na eternal sa mundo, bukod sa isa -- ang eternal na pagbabago. Mula sa rekognisyon sa kalikasang ito ng materyal na mundo, sinikap ng Marxismo na tuklasin ang unibersal na batas ng pagbabago nito. Ito'y ang batas ng dayalektiko, ang Marxistang doktrina sa pagbabago. Ang paggalaw, ang pagbabago, ang pag-unlad ng mga bagay ay resulta ng panloob na kontradiksyon sa kalikasan mismo ng mga bagay na ito. Mismong ang doktrinang ito ay sinalaula ng Stalinismo-Maoismo. Sila ay ubod ng "radikal" sa paghingi ng pagbabago sa lipunan ngunit ubod ng konserbatibo at reaksyonaryo sa internal na pagbabago sa partido at sa rebolusyonaryong hanay.
Iginawa rin ito ng Maoismo ng katekismo, isang "dialectics made easy" na ginawang mekanikal ang dayalektikal na doktrina ng Marxismo. Pinagkakahon sa malilinis na klasipikasyon at kategorya ang iba't ibang kontradiksyon at iba't ibang "katangian" ng syensya ng dayalektika. Ang kasukdulan ng simplikasyon nito ay ang pormulasyong "hatiin ang isa sa dalawa" na para bang sa realidad ay may dalawang bagay sa isang entidad at ang tunggalian ng dalawang ito ang nagpapagalaw sa entidad na ito. Gayong, kung simplikasyon ang pag-uusapan, ang dayalektika ni Marx ay ang pagtuklas sa proseso ng pag-unlad ng isang bagay patungo sa kanyang kabaliktaran batay sa kongkreto at internal nitong kalikasan. Hindi ito simpleng usapin ng hanapin ang dalawang bagay na nagbabanggaan sa isang bagay sapagkat ang "turning into its opposite" ng isang entidad na isang "unity of opposites" ay kumporme kung sa anong proseso, anggulo, konteksto, atbp. ng pag-unlad ng entidad na ito titingnan.
Sa ginawang "simplikasyon" ng Maoismo sa dayalektika na ang totoo'y ginawa itong ridikuloso, hindi simple, nawalan ito ng saysay o silbi sa aktwal na praktika. Isang bagay na namumutawi lang sa bibig ng mga kasama sa pormal na mga pag-aaral pero hindi makita o magamay ang aplikasyon sa kanilang pang-araw-araw na pagkilos o pag-aaral ng mga pangyayari. Ngunit ito ay isang napakaimportanteng sangkap ng Marxismo na dapat matutunan at magamay, maging natural sa mga kasama, maging dayalektikal ang kanilang pag-iisip sapagkat ito ang batas ng pagbabago at ang rebolusyon ay isang makayanig-mundong pagkilos ng milyun-milyong tao para sa pagbabago.
9. Nakukumpleto ang Marxistang metodolohiya sa aplikasyon ng materyalistang pananaw sa pag-aaral ng lipunan ng tao at kasaysayan nito, at ang mapagpasyang paglangkap dito ng teorya ng tunggalian ng uri. Sa pagbibigay ni Marx ng materyalistang pundasyon sa syensya ng pag-aaral ng lipunan, napaunlad ang syentipikong batayan at kaisipan sa pagsusulong ng rebolusyon. Ipinaliwanag ni Marx sa materyalistang paraan ang kamalayang panlipunan bilang resulta ng panlipunang pag-iral at ang pagsiklab ng panlipunang rebolusyon ay resulta ng kontradiksyon ng pag-unlad ng mga pwersa sa produksyon sa umiiral na mga relasyon sa produksyon ng lipunan. Kaya't ang kongklusyon ni Marx na di maiiwasan ang sosyalistang transpormasyon ng kapitalistang lipunan ay hindi nagmula sa kanyang pangarap para sa isang makataong lipunan kundi buong-buo at eksklusibong nanggaling sa pang-ekonomyang batas ng pag-unlad ng modernong lipunan ng kapital.
Hindi si Marx ang nakatuklas ng pag-iral ng mga uri sa makabagong lipunan o ang mismong tunggalian ng mga uring ito. Ang ginawa ni Marx ay patunayan na, una; ang pag-iral ng mga uri ay nakaugnay lang sa partikular na istorikal na mga yugto ng pag- unlad ng produksyon; ikalawa, na ang tunggalian ng uri ay di maiiwasang tumungo sa isang estado ng proletaryado na isang proletaryong demokrasya para sa masang anakpawis at proletaryong diktadura laban sa uring burges; at ikatlo, ang estadong ito ay iiral lang para sa transisyon patungo sa abolisyon ng mga uri at sa isang lipunang walang uri. Mula sa teorya ng istorikong materyalismo at teorya ng tunggalian ng uri, at ang kumpirmasyon at aplikasyon nito sa Marxistang doktrinang pang-ekonomya, nabuo ang mga konsepto ng Marxismo-Leninismo hinggil sa proletaryong rebolusyon at syentipikong sosyalismo.
Ang mga konsepto ng Sisonistang partido hinggil sa rebolusyon, programa, istratehiya, at pagbubuo ng partido ay ganap na bulgarisasyon ng kabuuan ng Marxismo-Leninismo at dogmatisasyon ng pira-pirasong bahagi nito dahil lubusan nitong sinalaula ang materyalistang prinsipyo sa pag-aaral ng lipunan at niyurakan ang teorya ng tunggalian ng uri. Naisa-isa na natin sa ibang papeles ang mga bastardong konseptong ito ng Sisonistang partido. Sapat nang sabihin ditokaugnay ng metodolohiya na ang partido bilang "direktor" ng proletaryong pakikibaka ay wala ni bahagyang pagkakahawig sa pagiging "direktor" ng isang pelikula na may sinusunod na iskripna gaya ng "tatlong kabanatang" Maoistang iskema ng matagalangdigmang bayan na sumusulong nang paalon-alon mula kanayunanpatungong kalunsuran.
Ang rebolusyon ay isang syensya, at nariyan ang Marxismo-Leninismo para ibigay ang teoretikal na patnubay sa ganitong kalikasan ng rebolusyon. Ngunit ang rebolusyon ay isa ring sining, at dito hinahamon ang mapanlikhang direksyon ngrebolusyonaryong partido. Mas maihahambing ang rebolusyon sa buhay na drama na ang gumaganap ay buhay na mga pwersang makauri sa entablado ng makauring lipunan na ang bawat eksena at bawat kabanata ay ginagawa at resulta ng totoong mga labanan. Ang papel ng teorya ng Marxismo-Leninismo ay angantisipasyon sa magiging direksyon at kumplikasyon ng mgalabanan. Ang papel ng partido ay kung paanong sa paraangmapanlikha ay matitiyak na sa direksyong ito sumusulong ang rebolusyonaryong pakikibaka. Ang rebolusyon ay isang istorya nawalang nakatitiyak kung paano magsisimula, paano uunlad ngunit alam natin, simula't simula, kung paano dapat magwakas — sa tagumpay ng rebolusyonaryong proletaryado, para sa sosyalismo.
1. Ang rebolusyong isinusulong ng proletaryado ay isang ganapna rebolusyong panlipunan. Isang rebolusyong ang ultimonglayunin ay tunay na emansipasyon ng buong lipunan. Hindi itoisang simpleng rebolusyong pulitikal na ibabagsak ang naghaharing kapangyarihan pero iiwan pa ring nakatayo ang mga haligi ng mapagsamantalang kaayusan.
Ang ibang mga uri, na minsan sa kasaysayan ay gumanapng progresibong mga papel at naglunsad ng mga kilusangpanlipunan sa kanilang kapanahunan, ay pawang nagsalita sa ngalan ng buong lipunan at emansipasyon ng buong lipunan. Pero ano ang kinahinatnan ng lahat ng naunang rebolusyon?
Ang totoong nagtamasa ng paglaya ay ang uring namuno atnagkamit ng kapangyarihan, habang ang emansipasyon ng lipunan ay hanggang doon lang sa paglaya sa lumang kaayusan pero alipin pa rin ng panibagong sistemang mapang-api't mapagsamantala. Lahat ng nakalipas na rebolusyon ay may halong desepsyon upang kabigin ang masang anakpawis sa panig ng uring namumunosa pakikibaka. Gayunman, hindi ito ang tunay na paliwanag kungbakit mas malapot ang pulitikal kaysa sosyal na nilalaman ng nakalipas na mga rebolusyon.
Tao ang lumilikha ng kasaysayan. Ngunit hindi nila ito ginagawa sa ilalim ng mga sirkumstansyang sila ang pumili o nagtakda. Nakapailalim ito sa mga sirkumstansyang minana sanakaraan at nagdedetermina ng hangganan ng kanilang magagawa.
Rebolusyon ang pwersang nagbubunsod sa kasaysayan, peroanuman ang angking kapangyarihan ng isang rebolusyon, gaano man kadakila ang mga deklarasyon nito, hindi ito maaringlumampas sa batas at limitasyon ng pag-unlad ng materyal nakondisyong nilalayon nitong baguhin. Ito ang paliwanag kung bakit lahat ng nakalipas na rebolusyon ay mas kumpleto ang pulitikal na katangian pero laging kapos angaspetong sosyal. Bawat rebolusyong pulitikal ay may sosyal nanilalaman sa kahulugang winawasak nito ang lumang kaayusan.
Bawat rebolusyong sosyal ay pulitikal sa kahulugang winawasak nito ang lumang kapangyarihan. Lahat ng nakalipas na rebolusyon ay hindi nagawang burahin ang pagsasamantala sa lipunan dahil hindi nito magawang galawin ang pinakaugat ng pagsasamantala — ang pribadong pagmamay-ari ng kagamitan sa produksyon ng lipunan.
Ang nangyari'y inilipat lang sa kamay ng panibagong uri ang pribadong pagmamay-ari ng mga kagamitan sa produksyon — mulasa uring nagmamay-ari ng mga alipin ng sinaunang panahonpatungo sa mga panginoong maylupa ng pyudal na kaayusan, at ang pinakahuli, sa kamay ng burgesya ng sistemang kapitalista. Ganito ang tinakbo ng kasaysayan dahil walang obhetibong batayan para pangkalahatang atakehin ng mga uring ito angpribadong pag-aari sa panahon ng kanilang pangunguna sa kilusangpanlipunan. Ito'y hindi lang dahil sila rin ay nagmamay-aring mga uri sa nakalipas na mga sistemang kanilang winasak. Hindi rin dahil lang sa ang kanilang interes ay ang sariling dominasyon ng kanilangkinakatawang partikular na mga porma ng pag-aari na sinasagkaanang pag-unlad ng lumang kaayusan.
Mas pundamental na paliwanag ang hindi pa pag-iral sa kanilang mga panahon ng materyal na kondisyon ng mga pwersa sa produksyon na ang mismong relasyong nakabatay sa pribadong pag-ari ang direktang nakasasagka sa kanilang pag-unlad at hindi lang ang partikular at lipas na mga porma nito. Ngunit sa paglitaw at pangingibabaw ng burgesya sa lipunan, kasabay na lumitaw at umunlad ang produktibong pwersa — angpinakarebolusyonaryong uri sa kasaysayan — na ang interes ay ganap na salungat sa anumang relasyong batay sa pribadong pag- aari ng mga kagamitan sa produksyon.
Ito ang uring proletaryado — ang uri na dahil sa kanyangposisyon sa sistema ng produksyon ng kapitalismo ay siyang tanging may karapatang magsalita para sa mayorya ng lipunan, ang siyang tanging may kakayahang maglunsad ng isang lubusangrebolusyong panlipunan, isang rebolusyong hahantong sa tunay naemansipasyon ng lipunan, sa pagkawasak ng lipunang nahahati samga uri at pagkakabuo ng lipunang walang mga uri.
2. Ang kondisyon sa paglaya ng proletaryado ay ang mismong abolisyon ng bawat uri sa lipunan kabilang ang kanyang sarili. Hindi lalaya ang uring proletaryo kung hindi lalaya ang buong lipunan sa pang-aapi at pagsasamantala. Ang teorya ng syentipikongsosyalismo, ang teorya ng Marxismo-Leninismo, ang mismong konsepto ng Komunismo ang doktrinang kumakatawan sa mga kondisyon ng emansipasyong ito ng proletaryado.
Sa panlipunang rebolusyon na pinangunahan ng ibang uri, natatangay at nadadamay sa kanilang pansariling paglaya ang buonglipunan ngunit hanggang sa antas lang ng kanilang sarilingpartikular na makauring emansipasyon. Halimbawa, sa panlipunang rebolusyon ng mga panginoong pyudal laban sa sinaunang sistemang alipin, nakamit angemansipasyon ng mga alipin na bumubuo sa mayorya ng lipunan sa partikular nilang sitwasyon bilang pribadong pag-aari ng kanilang indibidwal na mga amo. Ngunit pinalaya sila bilang mga alipin. upang itanikala naman sa lupa sa ilalim ng sistemang pyudal. Kaya'tang pagsasalita ng pyudal na mga panginoon sa ngalan ng lipunan ay hanggang doon lang sa partikular na emansipasyon sa sistemang alipin na ang pagwasak ay siyang progresibong papel nila sa kasaysayan.
Sa kaso naman ng burges na rebolusyon laban sa klasikong pyudal na sistema, nakamit ang emansipasyon ng uring magsasaka na bumubuo sa mayorya ng lipunan sa partikular nilang sitwasyonng pagkakatali sa lupa ng pyudal nilang mga panginoon. Ngunit pinalaya sila bilang mga alipin ng pyudal na sistema upang gawin namang sahurang alipin ng kapital. Kaya't ang pagsasalita ng burgesya sa ngalan ng buong lipunan noong ito'y gumagampan pang rebolusyonaryong papel ay hanggang doon lang sa partikular na emansipasyon ng masang anakpawis sa sistemang pyudal dahil ito ang partikular na kondisyon sa sariling emansipasyon ng burgesya.
Totoong sa pagsulong ng demokrasyang burges, prinoklamaang kalayaan at pagkakapantay ng tao. Ang modernong estadongburges ay gumawa ng mga batas na nagbabawal sa diskriminasyonlaluna sa usapin ng karapatang pulitikal. Ngunit lahat ng ito'yhungkag dahil ito'y pormalidad lang at walang batayan sa realidadng lipunang makauri. Ito'y sapagkat ang kalayaan, angpagkakapantay-pantay, ang kabuuang buladas ng burges nademokrasya ay batay hindi sa "asosasyon ng tao sa tao" kundi sa"separasyon ng tao sa tao" bilang mga indibidwal.
Ang gawing parehas ang karapatan ng mga indibidwal na di parehas ang posisyon sa lipunan at katayuan sa buhay ay walangsilbi kundi panatilihin at palalain ang mga di-pagkakapantay salipunan at palaguin ang mga ilusyon ng burges na demokrasya. Ang parehasin ang karapatan ng kapitalista at manggagawa ay kabulastugan. Sa likod ng ilusyon ng pagkakapantay ng indibidwal ay ang pagbibigay laya sa isang indibidwal na magsamantala sa pamamagitan ng kapital samantalang ang ibinibigay sa manggagawa ay ang kalayaang mamili sa pagitan ng pagiging sahurang-aliping may trabaho o pagiging patay-gutom na palaboy.
Ang antas ng pag-unlad ng mga pwersa sa produksyon, ang kalagayang panlipunan at katayuan sa produksyon ng proletaryado, ang mismong partikular na kalikasan ng tunggalian ng uri sa loob ng kapitalismo ang nagtatakda ng materyal at istorikal na kondisyon ng lubos na pagkakaiba ng proletaryong rebolusyon sa naunang mga rebolusyon ng ibang uri.
Una, sa pagkahinog ng materyal na kondisyon para sa sariling rebolusyon ng proletaryado, ito'y magiging rebolusyon ng mayorya sa lipunan at para sa interes ng mayorya sa lipunan. Lahat ng nakalipas na rebolusyon ay kilusan ng minorya at para sa interes ng minorya. Sa unang pagkakataon, ang pinagsasamantalahang uri ang mamumuno sa rebolusyon di gaya ng nakalipas na mga rebolusyong pawang pinamunuan ng dati ng uring mapagsamantala na wala lang sa kapangyarihan para maghari.
Ikalawa, batay sakanyang miserableng sitwasyong panlipunan at posisyon sa produksyon bilang natatanging uring ganap na walang pag-aaring sariling kagamitan sa produksyon at nabubuhay lang sa pagbebenta ng lakas-paggawa, maliwanag ang makauring interes ng proletaryado. Ito ang batayan ng kanyang rebolusyonaryong simulaing isakatuparan ang abolisyon ng pribadorig pag-aari at abolisyon ng mga uri dahil ito ang pinakaugat ng dinaranas niyang kaapihan at pagsasamantala.
Ikatlo, ang proletaryado, bagamat isang saligang uri sa sistemang kapitalista, bilang uri ay hindi kabilang sa sistemang ito. Ito ay isang pwersang panlipunan na ang independyenteng interes bilang uri ay burahin ang distinksyon ng mga uri sa lipunan. Isang uri na kailangang umangat sa kapangyarihang pampulitika para wakasan ang pangangailangan ng isang kapangyarihang pampulitika sa ibabaw ng lipunan. Hindi mabubuhay ang kapitalismo kung wala ang manggagawang pinanggalingan ng kapitalistang tubo ngunit ang interes ng manggagawa ay puksain ang sistemang ito na pinag-uugatan ng kanyang kaapihan.
Natatangi ang kapitalismo sa mga sistemang panlipunang lumitaw sa kasaysayan. Nang ito'y sumibol at isilang. ay kakambal ang pwersang pupuksa sa kanya. Sa bawat ekspansyon ng kapital ay lumalago rin ang hanay ng proletaryong ang misyon ay maging sepulturero ng burgesya. Kakambal ng panginoong may-alipin ang uring alipin pero ang nagbagsak sa sistemang alipin ay ang panginoong maylupa. Kakambal ng panginoong maylupa ang uring magsasaka pero ang nagbagsak sa pyudal na sistema ay ang uring burgesya. Sa sistemang kapitalista, wala nang ibang uring lumilitaw na magbabagsak sa uring burges bukod sa proletaryado, ang uring manggagawa, ang mismong kakambal ng burgesya sa paglitaw ng kapitalismo. Ang ganitong istorikal na sirkumstansya ang obhetibong ipag-iiba ng proletaryong rebolusyon sa lahat ng naunang rebolusyon sa kasaysayan.
Nasa kaibuturan ng interes ng proletaryado ang abolisyon ng makauring lipunan dahil ito ang kondisyon ng kanyang emansipasyon bilang isang uri. Supling siya ng kapitalismo, isinilang ng kapital upang gawing alipin, isinilang ng kasaysayan upang maging suwail sa interes ng burgesya. Ang kanyang kinabukasan bilang isang uri ay wala sa kapitalismo kundi nasa pagbagsak nito. Ang kanyang kaganapan bilang isang uri ay nasa paglikha ng kondisyon para sa kanyang paglaho. Ang simula ng kanyang pagkamulat bilang uri ay ang mismong simula ng kanyang pagkagising sa istorikal na pangangailangang puksain ang istorikal na batayan ng kanyang pag-iral hindi lang bilang isang inaaping uri kundi bilang isang uri sa lipunan.
3. Hindi maaring umiral ang isang lipunang nakapundar sa antagonismo ng mga uri nang walang uring inaapi. Sa batayang ito, ang paglaya ng proletaryado bilang uring inaapi aynangangahulugan ng pagbubuo ng isang bagong lipunang hindi nakapundar sa antagonismo ng mga uri, isang lipunang ang simulain ay ang abolisyon ng mga uri. Ito ang sosyalistang lipunan, ang ultimong layunin ng isang proletaryong rebolusyon.
Walang ibang paraan para ibagsak at wasakin ang naghaharing estado at lipunan ng burgesya kundi sa paraan ng isang proletaryong rebolusyon. At tanging sa pamamagitan din ng rebolusyong ito mamumulat at maoorganisa ang proletaryo bilang isang uri at bilang isang pwersang pampulitika na may sariling pampulitikang partidong gumaganap na taliba ng kanyang sosyalistang rebolusyon.
Ang istorikal na kondisyon sa paglitaw ng isang proletaryong rebolusyonaryong kilusan ay ang mismong pag-iral ng kapitalistang sistema ng produksyon, ang mismong proseso ng dominasyon ng burgesya sa buhay pang-ekonomya ng isang bansa. Sa paglitaw ng burgesya ay kakambal nito ang proletaryo, at ang likas at walang humpay na antagonismo sa pagitan ng magkasalungat na uri. Katunayan, ginigiba pa lang ng burgesya ang pyudal na kaayusan, umaangat pa lang ito sa kapangyarihan o nasa yugto ng mabilis na pagyabong ang kapitalismo ay kasabay na ring umigting ang tunggalian ng uri sa pagitan ng burgesya at proletaryado at naganap ang makasaysayang mga pagsulong sa France, Germany, England, America, Italy, Russia, atbp.
Sa maagang panahon ay lumakas ang independyenteng kilusan ng uring manggagawa sa maraming bansang nagsisimulang maghari ang burgesya. Nabuo ang proletaryong internasyunalismo at sumiklab ang mga pag-aalsang manggagawa sa panahong ang mga bansang ito ay nasa proseso pa ng pagkukumpleto ng kanilang burges na rebolusyon o nasa panahon ng konsolidasyon ng burges na estado at paglitaw ng imperyalismo. Sa panahong ito sumiklab ang rebolusyong Ruso at naitayo ang estado ng proletaryado.
Simula't simula, ang pinakadakilang mga guro ng proletaryado, sina Marx at Engels, ay hindi lang agad pinatining ang doktrina para sa emansipasyon ng proletaryo kundi agad na nanawagan ng pagsusulong ng independyenteng kilusan ng proletaryado at inanunsyo sa buong daigdig ang nalalapit na Komunistang rebolusyon kahit sa panahong ang kagyat na tungkulin ay ang pagkukumpleto ng mga demokratikong pakikibaka sa karamihan ng mga bansa.
Agad binuo nina Marx at Engels ang proletaryong linya ng permanenteng rebolusyon na pinatining, pinaunlad at pinatunayan ni Lenin ang katumpakan sa tagumpay ng Rebolusyong Ruso. Ang linyang ito ng permanenteng rebolusyon ang wastong Marxista-Leninistang linya o istratehiya ng pagsusulong ng sariling rebolusyon ng mulat-sa-uring proletaryado sa bawat bansa na may sariling rebolusyonaryong talibang partidong tapat-sa-uri.
4. Dito sa Pilipinas, dinadalisay at tinitindigan natin ang patuloy na katumpakan ng linya ng permanenteng rebolusyon ng proletaryado laluna't nasa istorikal na panahon pa ang ating bayan ng pagkukumpleto ng sariling demokratikong rebolusyon. Sadyang kinakailangang sariwain at patiningin ang katumpakan ng linyang ito dahil, sa nagdaang mga dekada, isang bastardong linya at bulgarisadong konsepto ng rebolusyonaryong pakikibaka ang nangibabaw sa rebolusyonaryong kilusan sa bansa sa ilalim ng impluwensya ng Stalinismo at Maoismo.
Ang konsepto ng permanenteng rebolusyon ay ang linya ng pagsulong na iginuhit nina Marx at Engels para sa rebolusyonaryong proletaryado sa istorikal na transisyon ng proletaryong rebolusyon mula sa panahon ng pakikibaka para sa demokrasya patungo sa panahon ng pakikibaka para sa sosyalismo. Ang linyang ito ay umaayon sa dalawang saligang rekisito para sa matagumpay na rebolusyon ng proletaryado.
Una'y ang kinakailangang preparasyong pampulitika ng proletaryado, ang pagkakaorganisa nito bilang isang uri at bilang isang partidong pampulitika para sa makauring pakikibaka, para sa pag-agaw ng kapangyarihang pampulitika at para sa pag-angat sa kapangyarihan para isakatuparan ang sosyalismo.
Ikalawa, ang ganap na pagkahinog ng istorikal na kondisyon para sa pagsiklab ng sosyalistang rebolusyon, ang pag-igting ng kontradiksyon sa pagitan ng mga pwersa at relasyon sa produksyon ng kapitalismo sa anyo ng isang krisis ng buong sistema, ang pagrurok ng tunggalian ng uri sa pagitan ng burgesya at proletaryado sa anyo ng isang ganap na rebolusyon.
Ang dalawang rekisitong ito ay kumakatawan sa suhetibong preparasyon at obhetibong kondisyon para sa matagumpay na rebolusyong proletaryo.
5. Sa kasaysayan ng maraming bansa, at mismo ng pandaigdigang sistemang kapitalista, hindi lang minsanang nahinog ang obhetibong kondisyon para sa aktwal na pagsiklab ng proletaryong rebolusyon. Ang naging mapagpasyang problema sa nagdaang mga panahon ay ang preparasyong pampulitika ng proletaryado bilang isang uri at bilang isang partido.
Ang masang proletaryo ay ispontanyong gumagalaw bilang uri sa paglaban sa kapital. Sa kahulugang ito, siya'y tumitindig bilang uring kasalungat ng kapital. Pero hanggang dito lang, isang pakahulugang hindi kumpleto at hindi sapat para maituring na siya nga'y isang depenidong uri sa lipunan, at hindi lang agrupasyon ng mga indibidwal na pana-panahong nagsasama-sama dahil sa kumon na partikular na interes.
Ang isang manggagawa sa isang makauring lipunan ay nabubuhay batay sa kanyang sitwasyon bilang uri, sa kanyang posisyon sa. produksyon. Ito ang obhetibong batayan ng kanyang pagkilos at nag-iisip bilang isang uri. Ngunit maling akalain na dahil dito'y awtomatiko na siyang gagalaw at mag-iisip bilang uri dahil nabubuhay siya sa gitna ng tunggalian ng uri.
Walang tigil ang mga pakana ng burgesya — na mas organisado bilang uri, mas edukado sa kanyang makauring interes, mas makapangyarihan dahil hawak ang estado at ang mga institusyon ng kapitalismo — para lasunin ang isip ng mga manggagawa at udlutin ang pagsibol ng makauring pagkilos. Para makakilos bilang uri, kailangang organisado bilang uriang proletaryado. Para makapag-isip bilang uri, kailangan ng kamalayan sa uri ng proletaryado. Isang saligang rekisito sa pag-iral bilang uri ang kamalayan sa uri at ang aktwal na pagkakaorganisa bilang uri na ang ekspresyon at sukatan ng antas ng matyuridad ay sa larangan ng pampulitikang pakikibaka.
Hindi masasabing nagkakaroon ng tunay na kaganapan ang pag-iral ng proletaryado bilang isang uri at nakakaabot sa matyuridad para sa realisasyon ng kanyang kalikasan bilangpinakarebolusyonaryong uri sa kasaysayan hangga't ang masa ng proletaryado ay hindi mulat at organisado bilang uri. Hangga't hindi nila namamalayan ang kanilang komunidad ng interes hindi lang bilang pare-parehong mga sahurang alipin ng kapital kundi bilang uring may istorikal na misyon na palayain ang buong lipunan.
Hangga't wala iilang malalim na kamalayan sa uri at mataas na kamulatang pampulitika. Hangga't umiiral ang kompetisyon sa kanilang hanay na kagagawan ng batas ng kapitalismo at mga pakana ng burgesya. Hangga't hindi umaangat ang kanilang pakikibaka sa antas pampulitika at hindi sila naoorganisa bilang independyenteng pwersang pampulitika at bilang isang partidong pampulitika.
Ang unibersal at pundamental na rekisito para sa pampulitikang preparasyong ito ng proletaryado ay ang pakikibaka para sa demokrasya at ang akumulasyon ng mga pakikibaka at tagumpay para sa kalayaang pampulitika.
Walang ibang daan ang proletaryado patungong sosyalismo kundi ang landas na hinawan ng pakikibaka para sa demokrasya, ng pakikibaka para sa kalayaang pampulitika.
Ang prinsipal at esensyal na dahilan ng paglahok ng proletaryado sa pakikibaka para sa demokrasya, sa isang burges-demokratikong rebolusyon ay bilang preparasyong pampulitika para sa pakikibaka para sa sosyalismo, para organisahin ang sarili bilang isang uri at bilang isang partido. Narito ang prinsipal na kabuluhan ng paglulunsad o pagkukumpleto ng istorikal na mga tungkulin ng isang burges demokratikong rebolusyon para sa pagsiklab ng sosyalistang rebolusyon. Ito rin ang esensyal na lohika ng linya ng "permanenteng rebolusyon."
6. Ang obhetibong kondisyon para sa pagsiklab ng proletaryong rebolusyon ay dapat magkasabay na intindihin sa kanyang istorikal at pulitikal na kahulugan. Ang batayang istorikal ay ang dominasyon ng burgesya sa pang-ekonomyang proseso ng buhay ng isang lipunan. Pinatutunayan ito ng kasaysayan ng tunggalian ng uri sa pagitan ng proletaryado at burgesya sa buong daigdig at ang mabilis na pagsulong ng kilusan ng uring manggagawa kahit sa maagang yugto ng pag-unlad ng kapitalismo bilang isang sistema.
Ito'y nasa kalikasan ng mismong sistemang kapitalista sa batayang sa kanyang pagsibol ay agad nang nasa kanyang sinapupunan ang binhi ng kanyang pagkawasak, at sa bawat paglago ng kapital ay lumalago rin ang pwersang magbabagsak sa ganitong sistema. Kaya't kahit sa panahong kinukumpleto pa ng burgesya ang sariling rebolusyong demokratiko, inaagaw pa ang kapangyarihang pang-estado sa pwersang pyudal matapos maunang maagaw ang kapangyarihang pang-ekonomya —sa kanyang harapan at likuran ay ispontanyong umiigting na rin ang tunggalian ng uri ng proletaryado, kaagapay na sumusulong ang kilusan ng masang proletaryo habang nagigiba ang imprastraktura ng pyudal na sistema.
Malinaw ang patunay ng kasaysayan na habang kinukonsolida ng burgesya ang tagumpay ng kanyang panlipunang rebolusyon laban sa pyudalismo, penomenal na sumasabay ang ekspansyon ng pwersa ng proletaryado sa anyo ng mga sosyalistang kilusan sa buong daigdig.
Sa madaling salita, kung sa pang-ekonomyang batayan ay naistablisa na ang mapagpasyang dominasyon ng burgesya sa sistema ng produksyon ng isang lipunan, sa ganitong pakahulugan, ang istorikal na kondisyon para sa pagsulong ng sosyalistang kilusan ng uring manggagawa at pagsiklab ng sosyalistang rebolusyon ay maituturing nang obhetibong nakalatag.
Pero hindi nangangahulugang awtomatiko o ispontanyong susulong ang makauring pakikibaka ng uring manggagawa o sisiklab ang isang matagumpay na proletaryong rebolusyon.
Dalawang kondisyon ang kailangan para ito'y mangyari. Una, ang pag-igting ng sitwasyong pampulitika, at ikalawa, ang preparasyong pampulitika ng proletaryado. Sa istorikal na pananaw, matagal nang lumipas ang kapitalismo bilang sistema sa batayang umiiral na ang materyal na mga kondisyon para maunawaan ng proletaryado ang istorikong proseso ng di maiiwasang pagbagsak ng burgesya at ang landas ng pagsulong patungong sosyalismo.
Ngunit ang prosesong ito ay kailangan pang maisalin sa aktwal na realidad, sa praktikal na kilusan ng uring manggagawa tungo sa isang ganap na proletaryong rebolusyon. At ang realidad ng tunggalian ng uri ang nagtatakda na ito'y isang masalimuot at mahabang proseso na dadaan sa maraming kabiguan bago makarating sa bispiras ng mapagpasyang tagumpay.
Matapos makamit ng burgesya ang dominasyon sa sistemang pang-ekonomya ng isang bansa — kumpleto man o hindi ang kanyang pampulitikang dominasyon — sa batayang ito ay maari at nararapat nang simulan, obligadong agad na simulan, ang pagsusulong ng sosyalistang pakikibaka sa anyo ng isang independyenteng rebolusyonaryong kilusan ng uring manggagawa dahil tanging sa ganitong paraan mamumulat at maoorganisa bilang uri ang proletaryado.
Ito ang pangunahing tungkulin ng isang tunay na Marxistang proletaryong rebolusyonaryong partido. Ibang usapin —usapin ng taktika — kung anong mga landas ang daraanan ng pagsulong na ito, kung mapapasikut-sikot ito ng landas, kung ito'y mabilis na didiretso sa isang ganap na sosyalistang rebolusyon o daraan muna sa landas ng isang ganap na rebolusyong demokratiko o pagkukumpleto ng mga istorikal na tungkulin nito.
Sa huling pagsusuri, ang magtatakda nito ay ang umiiral na istorikal na mga sirkumstansya at pag-unlad ng pampulitikang sitwasyon at ang antas ng preparasyong inabot ng proletaryado bilang isang uri at bilang isang partido. Para sa mga bansang nakumpleto na ang proseso ng pag-unlad ng burges na demokrasya, ang usapin ay kung paano lubusang gagamitin, ibayong palalawakin at mahigpit na ipagtatanggol ang mga konsesyon ng burgesya sa pampulitikang kalayaan at demokrasya para isulong ang preparasyong pampulitika ng proletaryado, ang kanyang pagkakaorganisa bilang isang uri at bilang isang partido habang pinaiigting at inaabangan ang paborableng sitwasyong pampulitika na ang batayan ay ang pana-panahong pagsambulat ng krisis ng kapitalistang sistema.
Para sa mga bansang gaya ng Pilipinas na laganap pa rin ang labi ng pyudal na kaayusan at kaisipan sa lahat ng aspeto ng buhay — kahit nakamit na ng burgesya ang mapagpasyang dominasyon sa ekonomya't pulitika ng bansa — ang sentral na usapin ay kung paano pasisiklabin ang isang ganap na demokratikong rebolusyon o isusulong ang pakikibaka para sa demokrasya ng independyenteng sosyalistang kilusan ng proletaryado — kaagapay ang ibang seksyon o saray ng burgesya — upang malubos o mapalawak ang batayan para sa pampulitikang pag-unlad ng uring manggagawa at mas malayang mailunsad ang tunggalian ng uri at pakikibaka para sa sosyalismo.
Sa paggampan sa sentral na tungkuling ito, sa pagbabalangkas ng kaukulang mga taktika, krusyal na usapin ang wasto, matatag at mapanlikhang interpretasyon at aplikasyon ng Marxista-Leninistang linya ng permanenteng rebolusyon.
7. Hindi natin layunin dito na lagumin at ipirmi ang ating pundamental na mga kongklusyon kung bakit nabigo ang proletaryado sa kasalukuyang siglo na kamtin sa pandaigdigangsaklaw ang pagbagsak ng kapitalistang sistemang matagal nang bulok sa kaibuturan, at sa halip, matapos ang ilang dekada ng pag-iral ay gumuho ang karamihan ng sosyalistang estado kabilang ang Unyong Sobyet.
Ngunit maliwanag ang dalawang pundamental na mga pangyayari na nagpapatunay sa katumpakan ng Marxistang pananaw sa kasaysayan. Una, bago nagtapos at sa unang mga dekada ng kasalukuyang siglo, maaga't mabilis na lumagablab sa halos lahat ng industriyalisadong bansa ang mga proletaryong kilusan at mga proletaryong rebolusyon na humantong sa tagumpay ng Rebolusyong Oktubre sa Rusya. Ikalawa, ilang ulit na dumaaan sa matitinding panloob na kombulsyon ang kapitalistang sistema na umabot sa dalawang sunod na gyerang mundyal na walang kaparis sa kasaysayan ng sangkatauhan.
Ang usapin ay bakit hindi nasustena ang makapangyarihang pagsulong na nakamit sa pagsisimula ng kasalukuyang siglo at hindi nasamantala ang magkakasunod na pandaigdigang mga krisis ng kapitalismo para sa pananagumpay ng proletaryado. Anuman ang mga salik sa kabiguang ito, ang maliwanag ay kulang ang preparasyong pampulitika ng proletaryado bilang uri at bilang partido para sagupain ang mabangis na paglaban at panunupil ng burgesya at sunggaban ang mga istorikal na pagkakataon para sa mapagpasyang mga pagsulong.
Anuman ang pagkakamali sa patakaran at taktika sa mga panahong iyon, maliwanag ang katotohanan na sa proseso ng paglakas ng proletaryong rebolusyonaryong kilusan ay lumitaw ang ibat-ibang tunguhing lihis sa proletaryong linya ng pagsulong na kaliwa't-kanang binaka nina Marx, Engels at Lenin. Partikular na pinalabnaw ng iba't ibang tunguhing ito ang konsepto ng permanenteng rebolusyon, at ito ang isang pundamental na dahilan kung bakit sa kabila ng eksepsyunal na paglakas ng kilusan ng uring manggagawa sa buong daigdig bago at matapos sumiklab ang dalawang imperyalistang digmaang pandaigdig, ang linya ng petiburges na repormismo ang nangibabaw sa loob ng maraming kilusang paggawa hanggang sa umabot ito sa antas ng hayagang kolaborasyunismo.
8. Sa mga panahon ng demokratikong rebolusyon ay hindi namantina ng proletaryado ang independyenteng linyang makauri dahil nagumon ang kanilang mga taliba sa parlamentarismo at repormismo, at sa ibang pagkakataon, sa petiburges na rebolusyonismo. Matapos makumpleto ang mga demokratikong rebolusyong ito, imbes na magamit ang nakuhang mga konsesyon sa burgesya sa anyo ng pampulitikang kalayaan, nagamit ito ng burgesya para lalong higupin sa direksyon ng repormismo ang mga proletaryong partido. Nawalan na rin ng kapasidad na magwasto ang mga partidong ito dahil kinapitan na ng makapal na nikotina ng Stalinistang absolutismo kundi man ganap nang naitransporma sa parlamentaryong mga partido.
Matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, halos nakumpleto na ng burgesya ang kooptasyon sa mga kilusang paggawa sa mga industriyalisadong bansa. Ngunit kasabay nito ay nagsimulang umagos ang mga kilusang mapagpalaya sa mga bansang kolonya at malakolonya na inspirado naman ng tagumpay ng Rebolusyong Tsino. Habang binabatikos ng Maoismo ang oportunismo at rebisyunismong lumalaganap sa mga bansang industriyalisado, muling nilantakan ng tendensyang ito ang Marxista-Leninistang proletaryong linya at hinalinhan ng petiburges na rebolusyonismong haling na niromansa ang konsepto ng armadong kilusang magsasaka. Humigit-kumulang sa pitumpung taon ng kasalukuyang siglo namayagpag ang Stalinismo at sa huli'y ang Maoismo, at ang bulgarisasyon ng Marxista-Leninistang linya.
Sa maraming bansa, laluna sa mga industriyalisadong bansa, namayagpag ang oportunismo at repormismo sa pangunahing mga organisasyon ng kilusang manggagawa. Ang bastardong linya ng Maoismo ang nangibabaw sa rebolusyonaryong kilusan sa Pilipinas mula 1968. Nagsimula lang itong mabasag sa hanay ng kilusang manggagawa mula 1993. Diito maagap na naiwasto dahil kinapon ng Maoismo ang teoretikal at intelektwal na pag-unlad ng kilusan sa loob ng mahigit dalawang dekada at nilangkapan ng Stalinistang absolutismo ang buhay pampartido.
Una sa lahat, hinalinhan ng Maoistang Sisonistang partido ang Marxista-Leninistang linya ng permanenteng rebolusyon ng bastardong konsepto ng "dalawang-yugtong rebolusyon" na mekanikal na pinaghiwalay ang pakikibaka para sa demokrasya sa pakikibaka para sa sosyalismo.
Ang usapin dito'y hindi ang paggamit ng termino kundi ang interpretasyon at aplikasyon. Mismo si Lenin ay gumamit ng sariling pormulasyon — continuing revolution — para sa konsepto ni Marx at Engels ng permanenteng rebolusyon. Iba rin ang hugot dito ng mga Trotskyista. Inaabangan nila ang pagsiklab ng pandaigdigang rebolusyon kaya't obligadong maging "permanente" ang rebolusyon sa mga bansa.
Ngunit para sa Maoistang Sisonistang partido,"dalawang-yugto" ang rebolusyong Pilipino dahil hindi pa hinog ang kasalukuyang istorikal na pag-unlad ng Pilipinas para sa isangsosyalistang rebolusyon. Dahil hindi pa hinog, isa munang demokratikong rebolusyon ang dapat ilunsad at ipanalo bago ang isang sosyalistang rebolusyon. Ito ang tinatawag na "pambansang demokratikong rebolusyon" na isang bagong tipo sa batayang nasa liderato ng proletaryado at kaiba sa lumang tipo na nasa liderato ng burgesya. Para sa Sisonistang partido, magaganap lang ang isang sosyalistang rebolusyon sa Pilipinas matapos maipanalo ang "pambansang demokratikong rebolusyon." Ito sa pinakabuod ang konsepto ng "dalawang-yugtong rebolusyon" ng Maoismo na inihalili sa permanenteng rebolusyon ng Marxismo-Leninismo.
Totoong magkaibang istorikal na mga yugto ng pag-unlad ng lipunan o ng rebolusyon ang pakikibaka para sa demokrasya at ang pakikibaka para sa sosyalismo. Totoo rin na walang ibang landas na daraanan ang proletaryado patungong sosyalismo kundi ang landas ng demokrasya. Totoo rin na ang Pilipinas sa kasalukuyan ay nasa yugto pa ng pagkukumpleto ng pakikibaka para sa demokrasya at hindi pa "hinog" ang kalagayan para sa isang sosyalistang rebolusyon. Totoo rin na dapat ay isang "bagong tipo" ng demokratikong rebolusyon ang dapat ilunsad at ito'y dapat nasa makauring pamumuno ng proletaryado.
Nasaan, kung gayon, ang pundamental na diperensya ng "dalawang-yugtong rebolusyon" ng Maoismo sa permanenteng rebolusyon nina Marx, Engels at Lenin?
Nasaan ang pundamental na pagkakamali ng "dalawang-yugtong" konsepto ng rebolusyon ng Maoistang Sisonistang partido?
Ang mali ay naroon sa pananaw ng Sisonistang partido na hindi pa napapanahon ang sosyalistang rebolusyon sa Pilipinas sa batayang "malakolonyal at malapyudal" pa ang lipunan at hindi pa kapitalista. Dahil hindi pa napapanahon ang sosyalistang rebolusyon, hindi pa rin napapanahon ang sosyalistang rebolusyonaryong aktibidad ng partido sa hanay ng manggagawa, hindi pa napapanahon ang sosyalistang propaganda at pag-oorganisa.
Kaya't mismong oryentasyon ng kilusang manggagawa ay pinagpipilitan nitong gawing pambansang demokratiko at hindi sosyalista. Dahil hindi pa sosyalistang rebolusyon, at dahil nasa yugto pa tayo ng demokratikong rebolusyon, ang konsentrasyon ng rebolusyonaryong aktibidad ng partido ay hindi lang "demokratiko" ang nilalaman kundi naroon sa kanayunan, sa piling ng magsasaka, at hindi sa hanay ng uring manggagawa.
Totoong hindi pa hinog ang sitwasyon sa Pilipinas para sa isang sosyalistang rebolusyon. Ngunit hindi ito sa batayang hindi pa kapitalista ang sistema ng produksyon sa Pilipinas at nasa yugto pa ng "malakolonyal at malapyudal" na sistema na isang tahasang kabalbalan dahil walang ganitong kategorya ng sistema ng produksyon sa mundo.
Hindi pa hinog ang sitwasyon sa Pilipinas para sa isang sosyalistang rebolusyon dahil hindi pa preparado bilang uri ang proletaryadong Pilipino, hindi pa organisado bilang uri at bilang partido. At para mangyari ito, kailangan ng proletaryado ang demokratikong pakikibaka at ang pinakamalawak na demokrasya para sa kanyang pampulitikang pagkamulat, pagkakaorganisa at pagsulong.
Kailangang mapaunlad ang sariling kumpyansa ng proletaryado sa kanyang uri. At para mangyari ito, kailangang mailantad hindi lang ang pagkareaksyonaryo ng burgesya kundi ang pag-aatras-abante ng petiburgesya kasabay ng pagkamulat sa kagila-gilalas na kapangyarihan ng uring manggagawa oras na ito'y tumindig bilang isang uri at bilang isang partido.
Mismong ang pakikibakang anti-pyudal ay lubusang sinusuportahan at isinusulong ng proletaryado hindi para magkaroon ng kanya-kanyang sariling lupa ang indibidwal na mga magsasaka, maging ilusyonadong mga petiburges sa kanayunan na nangangarap ng pag-unlad sa pamamagitan ng maliitang produksyong pang-agrikultura.
Ang linyang anti-pyudal ng proletaryado ay alinsunod sa proletaryong linya ng tunggalian ng uri — ang ganap na pagwasak sa lahat ng labi at porma ng pyudal na pang-aapi't pagsasamantala upang palayain at patalasin ang tunggalian sa pagitan ng burgesya at proletaryado sa kanayunan.
Dahil sa maling mga pananaw na ito, ang sentral na tungkulin ng isang rebolusyonaryong partido sa mismong yugto ng demokratikong rebolusyon, sa mismong panahon ng prinsipal na pakikibaka para sa demokrasya, ay nabitiwan at napabayaan, at hindi siyang naging prayoridad at konsentrasyon ng aktibidad ng dapat ay talibang partido ng proletaryadong Pilipino.
Ano ang sentral na tungkuling ito sa mismong panahon ng pakikibaka para sa demokrasya?
Ito'y ang independyenteng pag-oorganisa ng proletaryado, ang pag-oorganisa sa proletaryado bilang uri at bilang partido, ang pag-oorganisa sa makauring pakikibaka ng proletaryado, ang pampulitikang paghahanda ng proletaryado para sa sosyalistang rebolusyon. Ito ang ibig sabihin nina Marx, Engels at Lenin ng paglulunsad ng proletaryado ng permanenteng rebolusyon sa yugto ng transisyon mula sa demokratiko patungo sa sosyalistang pakikibaka.
Bakit ito ang sentral na tungkulin gayong burges-demokratiko ang makauring katangian ng rebolusyon?
Ito'y sapagkat ang esensyal at prinsipal na katuturan ng aktibong paglahok at pag-agaw ng makauring pamumuno ng proletaryado sa demokratikong pakikibaka ay para sa kanyang pampulitikang pag-unlad at preparasyon para sa sosyalistang rebolusyon. Ito'y para mapalawak ang saklaw at batayan ng independyenteng pagkakaorganisa ng proletaryado bilang uri at bilang partido. Ito'y para lubos na mapalaya ang tunggalian ng uri sa lungsod at kanayunan sa pagitan ng burgesya at proletaryado.
Sa esensya, ang "bagong tipong" demokratikong pakikibaka o rebolusyon sa pakahulugan nina Marx, Engels at Lenin na mas tinatawag nilang "permanenteng rebolusyon" ay pampulitikang preparasyon ng sarili ng proletaryado para sa mapagpasyang laban sa burgesya at pag-agaw ng kapangyarihang pampulitika para sa sosyalistang transpormasyon ng lipunan.
9. Kung hindi ang independyenteng pag-oorganisa ng proletaryado, ano ang ipinatupad ng Sisonistang partido na sentral na tungkulin sa nagdaang tatlumpung taon?
Ito'y ang pag-agaw ng kapangyarihang pampulitika, ng kapangyarihang pang-estado sa pamamagitan ng armadong rebolusyon, sa pamamagitan ng matagalang digmang bayan.
Ano ang mali dito?
Hindi ba't ang rebolusyon ay pag-agaw ng kapangyarihang pang-estado?
Kailanman ay hindi sinabi nina Marx, Engels at Lenin na sentral o pangunahing tungkulin ng proletaryado o ng kanyang partido ang pag-agaw ng kapangyarihang pang-estado sa panahon ng demokratikong rebolusyon. Magiging sentral na tungkulin ito ng proletaryado bilang uri at bilang partido sa panahon ng sosyalistang rebolusyon, at ang demokratikong rebolusyon ang kanyang pampulitikang preparasyon para sa tungkuling ito — ang organisahin ang kanyang sarili bilang uri at bilang partido sa kaparaanan ng pakikibaka para sa demokrasya at pagkakamit ng pinakamalawak na kalayaang pampulitika.
Ngunit ayon sa Sisonistang partido, hindi pa raw ang proletaryado ang aagaw ng kapangyarihang pang-estado sa panahong ito kundi ang sambayanang Pilipino. Dahil ito'y isangdemokratikong rebolusyon ng bayan, at hindi pa isang sosyalistang rebolusyon, ang kapangyarihan ay mapapasakamay daw ng sambayanang Pilipino. Hindi isang uri lang ang tatangan sa kapangyarihang pampulitika kundi ang mga demokratikong uri sa lipunan — ang manggagawa, ang magsasaka, ang petiburgesya at ang pambansang burgesya.
Ito'y wastong-wasto kung ito'y totoo. Ito'y wasto sabatayangkung ito'y isang demokratikong rebolusyon at hindi isangsosyalistang rebolusyon, ang dapat na humawak ng kapangyarihanay ang mga demokratikong uri, kabilang ang proletaryado. Sapaglahok dito ng proletaryado, ang kanyang igigiit na ipatupad naprograma ay ang minimum na programa ng kanyang partido — ang programa para sa isang demokratikong rebolusyon na magbibigay sa kanya ng malawak na batayan sa pagsusulong ngsosyalistang rebolusyon.
Mali na ang demokratikong rebolusyongito, kung nasa ilalim ng pamumuno ng proletaryado, ay gamitinlang na pagkakataon ng proletaryado para agawin angkapangyarihang pampulitika, itatag ang diktadura ng proletaryado at ipatupad ang sosyalistang transpormasyon ng lipunan.
Sa ganitong pagkakataon, mahigpit na nagbabala si Engels. Ayon sa kanya, ang pinakamasamang pwedeng mangyari sa isangrebolusyonaryong partido ay maobliga itong hawakan ang gubyemosa panahong ang kilusan ay hindi pa hinog para sa dominasyon nguring kinakatawan nito at para sa realisasyon ng mga hakbangin na kinakailangan ng ganitong dominasyon.
Ang ganitong babala ang nilalabag ng Sisonistang partidosapagkat hindi totoo at hindi magkakatotoo ang sinasabi nitong demokratikong estadong koalisyon ng mga demokratikong uri saiskema nito ng rebolusyon. Ni hindi ito maoobliga — ipagpalagay na manalo — na hawakan nang wala sa panahon ang gubyemo gaya ng sinasabi ni Engels dahil ito mismo ang hinahangad na mangyari ng Sisonistang partido. Ang magaganap — kung angiskrip ng Sisonistang partido ang pagbabatayan — ay ang pag-agaw ng kapangyarihan ng partidong ito sa pamamagitan ng kanyang rebolusyonaryong hukbo.
Kung totoong isang "demokratikong gubyernong koalisyon"ang uupo sa kapangyarihan bunga ng matagumpay na digmangbayan, nasaan ang makauring mga pwersang kasama ng Sisonistangpartido sa rebolusyon at kasosyo sa kapangyarihan sa gubyernong koalisyon?
Kung ito'y koalisyon ng mga demokratikong uri sa lipunan, nasaan ang mga rebolusyonaryo-demokratikong partidong ibang uri na katuwang ng Sisonistang partido sa pagsusulong ng demokratikong rebolusyon?
Maliwanag ang katotohanan na hindi umiiral ang ganitong mga partidong katuwang ng Sisonistang partido sa sinasabi nitong"demokratikong rebolusyon." Paano ngayon magkakaroon ng isanggubyernong koalisyon ng mga demokratikong uri kung hindiumiiral ang mga representante ng mga uring ito bukod sanagpapanggap na partido ng proletaryado?
Kung hindi umiiral angmga pwersang ito na independyente sa Sisonistang partido, sino kung gayon ang naglulunsad ng "demokratikong rebolusyon ng bayan" sa nagdaang tatlumpung taon!
Sino, kung gayon, ang pampulitikang partidong kumakatawan sa interes ng iba't ibang uring nagsisilbing motibong mga pwersa ng rebolusyong ito?
Walang iba kundi ang Sisonistang partido. Hindi ikinakaila bagkus ipinagmamalaki pa sa mga pahayag at deklarasyon nito na siya'y partido ng buong sambayanan kasabay ng pagiging partidong proletaryado. Sa punto pa lang na ito'y pwede nang husgahangtalamak ang kalituhang pang-ideolohiya at bastardo ang makauring katangian ng Sisonistang partido. Ito'y "putok sa buhong" partidona hindi matiyak ang uring pinanggalingan at kinakatawan.
9. Dahil ang partidong ito ay kumakatawan sa interes, hindi langng proletaryado kundi sa interes ng ibang uri, kapag ito'y umupo sa kapangyarihan, idedeklara nitong ang nakaupo sa estado ay ang iba't ibang uri ng sambayanan. Hindi lang proxy ng proletaryado ang partidong ito kundi proxy rin pala ng buong sambayanan at iba't ibang uring bumubuo sa sambayanan.
Ganitong klase ang konsepto ng Sisonistang partido ng tunggalian ng uri at talibang partido. Tinatangkang pagkasunduinng Sisonistang partido ang magkakabanggang interes ngmagkakaibang uri sa iisang partidong tinatawag nitong proletaryo. May . matitibay na batayan ng kumon na interes ang mga uring ito sa pagsusulong ng demokratikong pakikibaka. Kung wala ang kumon na mga interes na ito, imposible ang pagsiklab ng isang demokratikong rebolusyon ng bayan. Ngunit hindi ito batayan para itransporma ang partido ng proletaryado sa partido ng sambayanan na ganap na ridikuloso kung talagang seryoso rito ang Maoistang partido.
Ito'y salungat sa linya ng permanenteng rebolusyon nina Marx, Engels at Lenin na ang pinakadiin ay ang pagbubuo ngindependyenteng organisasyon ng proletaryado at ang walanghumpay na pakikipagtunggali sa iba't ibang makauring tunguhin, laluna ng petiburgesya, sa panahon ng demokratikong pakikibaka.
Kung sasabihin ng Sisonistang partido na tama lang katawanin nito ang interes ng iba't ibang uri dahil kinakatawan nito ang paglayang buong lipunan, walang ibang mabubuong kongklusyon kundi talagang "naghalo na ang balat sa tinalupan" sa utak ng partidongito. Ang problema, tinalupan nito ang Marxismo-Leninismo atimbes na ang laman ay ang balat ang kinain. Nagsasalita angproletaryado sa ngalan ng emansipasyon ng buong lipunan hindi sa paglulunsad ng demokratikong rebolusyon kundi sa paglulunsadng sosyalistang rebolusyon.
Kung itatanggi naman na kinakatawan ng partidong ito anginteres ng ibang uri at ipipilit na ang kinakatawan lang nito ay ang interes ng proletaryado, samakatwid, ang umagaw ng kapangyarihan ay hindi ang demokratikong mga uri kundi ang "proletaryado" sa pamamagitan ng kanyang partido.
Nasaan na, kung gayon, ang "dalawang-yugtong rebolusyon." Kung tutuusin, hindi lang ang "dalawang-yugtong rebolusyon" ang palsipikado. Mismo ang "demokratikong rebolusyon" ay hindi totoo liban nalang kung aaminin ng Sisonistang partido na siya'y hindi partidong proletaryado kundi partido ng magsasaka, o mas eksakto, partido ng petiburges na rebolusyunismo.
Pero salamangkang lahat ang ginagawa ng Sisonistang partido. At dahil dito, imposibleng magtagumpay ang kanyang bulgarisadong konsepto ng rebolusyon. Sapat na ang tatlumpungtaon para mabuo ang ganitong kongklusyon. Ang "dalawang-yugtong rebolusyon" ay simpleng gaguhan dahil ito ay simplengiskrip at iskema ng konspiratoryal na rebolusyon ng Maoismo. Ang"demokratikong rebolusyon" ay simpleng gimik ng Sisonistang partido para akitin ang magsasaka at ibang uri na sumama sa kanyang pekeng rebolusyon na ang layunin ay iluklok sa poder ang partidong ito na aaktong "dakilang manunubos" ng uring proletaryado at ng buong sambayanan.
Ang demokratikong rebolusyon ay ginagawa lang na behikulo ng Sisonistang partido para iluklok ang sarili sa poder at ilunsadang sosyalistang rebolusyon mula sa tuktok. Walang duda na"sosyalista" ang sikretong adyenda ng Sisonistang partido sa likod ng kanyang "demokratikong" rebolusyon. Ngunit ang daan papuntang impyerno ay tadtad ng mabubuting intensyon. Para saisang Marxista, dapat iguhit ang pagkakaiba sa pagitan ngsuhetibong mga intensyon at obhetibong istorikal na mga kondisyon.
Mabuti sana kung uubra ang Sisonistang iskema dahil "sosyalistang rebolusyon" naman ang kanyang intensyon na ikinukubli sa likod ng demokratikong rebolusyon. Pero ang ganitong konspiratoryal na tipo ng rebolusyon ang kinukutya ni Marx sa ganitong mga pangungusap:
"Maliwanag na ang mga konspirador ay hindi nililimitahan ang kanilang sarili sa sistematikong pag-oorganisa ng rebolusyonaryong proletaryado. Ang mismong nilalaman ng kanilang tungkulin ay ang antisipasyon sa rebolusyonaryong pag-unlad, ang artipisyal na dalhin ito sa krisis, ang improbisasyon ng isang rebolusyon kahit hindi umiiral ang mga kondisyon para sa isang rebolusyon. Para sa kanila, ang isa at natatanging kondisyon para sa isang rebolusyon ay supisyenteng maorganisa ang kanilang pakana. Sila 'y mga alchemists ng rebolusyon at ginagaya nila ang diperensya sa ulo, ang kakitiran ng pag-iisip at ang mga haka-haka ng mga alchemists ng sinaunang panahon. Isinusugod nila ang kanilang mga sarili sa mga interbensyon na magbubunga ng mga rebolusyonaryong milagro, mga pampasiklab ng mga bomba, mga makining may sa demonyo na may reaksyon ng mahika, mga riot na ang epekto ay mas nakakapagpamanhid dahil kapos ng rasyunal ang batayan."
10. Dahil sa bastardong linya ng Maoismo, hindi lang naaksaya ang nakaraang tatlumpong taon para sa independyenteng pag-oorganisa ng rebolusyonaryong proletaryado dahil ginugol nito ang mas malaking atensyon, pwersa, panahon at rekurso para sa pag-oorganisa ng magsasaka sa kanayunan at multisektoral na pag-oorganisa sa buong bansa.
Mas masahol, nakalampas ang istorikal na pagkakataon para sa totohanang pagsulong at pagsiklab ng isang demokratikong rebolusyon, isang rebolusyon ng bayan sa panahon ng pasistang diktadurang Marcos. Ang pagsiklab ng pag-aalsang EDSA sa ilalim ng makauring liderato ng malaking burgesya ang patunay sa napakalaking posibilidad ng pagsulong ng demokratikong pakikibaka sa rebolusyonaryong paraan kung independyente sanang nakatindig ang rebolusyonaryong proletaryado bilang uri at bilang partido sa unahan ng pakikibakang anti-diktadura.
Ang usapin ngayon ay kung sa malapit na hinaharap ay muli tayong bibigyan ng kasaysayan ng panibagong pagkakataon para umigting at sumiklab ang pangkalahatang demokratikong kilusan sa antas at porma ng isang ganap at tunay na rebolusyon ng bayan. Ganito ang ating prisentasyon ng usapin dahil ang magpalampas ng rebolusyonaryong istorikal na pagkakataon ay hindi isang bagay na parang balewala dahil marami pa namang pagkakataong darating sa istatikong katwirang bulok pa rin naman ang lipunan at nariyan pa rin ang mga mapang-api.
Maraming pagkakataong nagbabala si Lenin sa peligrong malampasan ng pagkakataon ang rebolusyong Ruso. Isa'y kaugnay ng pakikibakang agraryo at ang peligrong tuluyang maunahan ng ebolusyonaryong pag-unlad ng agrikultura kapag hindi pa sumiklab ang rebolusyonaryong agraryo. Ikalawa'y ang peligrong lampasan ng pagkakataon ang rebolusyong Oktubre at mawasak ang mga Sobyet sa nagbabantang kontra-opensiba ng reaksyon kapag hindi pa agad inilunsad ng mga Bolshevik ang armadong insureksyon.
Ang rebolusyonaryong tagumpay ay hindi isang bungang-kahoy na perpetwal na lalambi-lambitin at naghihintay lang pitasin. Hindi istatiko at pasibong naghihintay ang lumang sistema ng isang rebolusyong magbabagsak dito. Ang andar ng kasaysayan ay hindi sumasabay lang sa kumpas ng pagkilos ng mga pwersang rebolusyonaryo. Ang kabaliktaran nito ang dayalektika ng kasaysayan.
Inaabangan ng rebolusyonaryong uri ang oportunidad ng rebolusyon at hindi ang sistemang reaksyonaryo ang naghihintay ng isang rebolusyon. Kapag dumating ang mga okasyong ito ng rebolusyonaryong pagsulong — na maaring mahaba o maiksi ang mga interbal — ang mga pwersang rebolusyonaryo ang obligadong maghabol dahil mas malimit ay kung gaano katagal ang paghupa ay ganoon naman kabilis ang pag-agos.
Ang kasaysayan ay tunggalian ng uri, at ang tunggalian ng uri ay isang labanan. Namamayagpag ang panalo at kinakastigo ang talunan. At hindi umuulit ang kasaysayan. Kapag pinalampas ang isang pagkakataon, hindi na ito mauulit. Darating at darating ang panibagong okasyon, ngunit sa ibang katangian, sa ibang kalagayan.
Ang oportunidad ng isang demokratikong rebolusyon sa modemong panahong ito ng paghahari ng imperyalismo sa daigdig ay hindi isang permanenteng pagkakataon na pwedeng palampas-lampasin dahil paulit-ulit namang magaganap. Pinatutunayan ng kasaysayan ng mga sistemang panlipunan na kapag nakalampas ito sa mga krusyal na yugto ng pag-unlad at pag-igpaw, ang kasunod ay isang proseso ng ebolusyonaryong pag-unlad at ang muling transpormasyon nito sa rebolusyonaryong paraan kumporme sa pekulyar na kompleksyon ng sitwasyon at kombinasyon ng mga salik. Umaayon ito sa dayalektikal na batas ng pagsasalitan ng pangkantidad at pangkalidad na mga yugto ng pag-unlad at hindi simpleng repetisyon ng dinaanang mga proseso.
Matapos makalampas ang bulok na sistema sa bansa sa krisis ng pasismo — na siyang istorikal na pagkakataon para sa muling pagsiklab ng demokratikong pakikibaka sa antas ng isang tunay na rebolusyon ng bayan — ang sitwasyon matapos nito ay hindi na sintalas at singlinaw ng dati kaugnay ng posibilidad ng muling pagsulong ng pangkalahatang kilusang demokratiko sa ilalim ng isang obhetibong sitwasyong nagpapahintulot na ito'y sisiklab sa rebolusyonaryong paraan, sa anyo ng isang ganap na demokratikong rebolusyon.
Sa pagkakataong ito, mahalagang linawin ang isang teoretikal na usaping binulgarisa rin ng Sisonistang partido. Ito'y ang katiyakan ng isang demokratikong rebolusyon sa proseso ng pag-unlad ng mga bansang gaya ng Pilipinas. Sa pananaw ng partidong ito, isang permanenteng sitwasyon, isang di maiiwasang pag-unlad ang pagdaan ng Pilipinas sa isang demokratikong rebolusyon ng bayan. Ito'y isang teoretikal na kabulaanan at kabulastugan. Ito'y hindi Marxismo kundi panatasismo at romantisismo.
Sabi nga ni Engels sa kanyang pagbatikos sa mga konspirador, "... ang rebolusyon ay hindi sinasadya at arbitraryong ginagawa, bagkus, sa lahat ng lugar at sa lahat ng panahon. Ito 'y esensyal na bunga ng mga sirkumstansyang independyente sa kagustuhan at sa liderato ng partikular na mga partido at buo-buong uri."
Tandaan na ang demokratikong rebolusyon — luma man o bagong tipo —ay isang burges na rebolusyon sa kanyang makauring katangian. Ngunit sa panahon ng imperyalismo, lumipas na ang pagiging rebolusyonaryo ng burgesya, lumipas na ang kakayahang pangunahan ang sariling rebolusyon, lumipas na ang kapasyahang tuparin ang kanyang istorikal na misyon sa paraang rebolusyonaryo. Kaya nga't ang Marxista-Leninistang panawagan ay akuin ng proletaryado sa panahong ito ng imperyalismo ang pagsusulong ng pakikibaka para sa demokrasya kung hangad nitong isulong ito sa rebolusyonaryong paraan at nilalaman, kung hangad nitong pagsiklabin ang pakikibakang ito sa antas at porma ng isang tunay at ganap na rebolusyon ng bayan.
Sa pag-atras ng burgesya sa sariling rebolusyon, lumalabo ang istorikal na garantiya ng pagsiklab ng rebolusyong sa batayang antipyudal, at sa istorikal na pananaw, ang pagsiklab nito bilang pasakalye ng isang sosyalistang rebolusyon ay mas nasa antas ng posibilidad — depende sa pampulitikang sitwasyon, depende sa lakas ng proletaryong kilusan at depende sa antas ng pananatili ng pyudal na kaayusan sa kanayunan.
Ang demokratikong rebolusyon bilang rebolusyong sosyal ay nakabatay sa pagwasak sa lumang pyudal na sistemang sumasagka sa pagsulong ng kapitalistang sistema ng produksyon. May kasiguruhan ang demokratikong rebolusyong pulitikal hanggat malalim ang batayang panlipunan nito, ibig sabihin, nananatiling nakapangingibabaw ang pyudal na kaayusan laluna sa antas pang-ekonomya.
Ngunit habang unti-unting nagaganap ang ebolusyonaryong transpormasyon mula sa pagiging pyudal patungo sa pagiging kapitalista ng kanayunan nang hindi sumisiklab ang demokratikong rebolusyon, lumiliit ang posibilidad ng pagsiklab nito liban na lang kung ang pananatili ng pyudal na dominasyon o impluwensya sa pulitika ay malubhang nakasasagabal sa pagsulong ng pang-ekonomyang transpormasyon o pagsulong ng kabuuang hanay ng burgesya kabilang ang petiburgesya sa lungsod at kanayunan.
Kung pati ang dominasyon ng pyudal na pwersa sa pulitika ay natitibag o nabubuo ang sabwatan ng burgesya at uring panginoong maylupa sa pampulitikang paghahari, ang pagsusulong ng demokratikong rebolusyon ay ibayong makukumplika at humihirap. Ang buong bigat ng pakikibaka sa demokrasya ay maaatang sa balikat ng proletaryado laluna sa pagkabig sa petiburgesya ng lungsod at kanayunan na ipagpatuloy ang demokratikong pakikibaka sa rebolusyonaryong paraan. Ang ganitong tipo ng demokratikong rebolusyon — demokratikong rebolusyong nasa liderato ng proletaryado ang pwede na lang halos maganap sa kasalukuyang panahon, sa panahon ng imperyalistang paghahari sa daigdig.
Ang pagiging demokratiko ng rebolusyong ito bilang rebolusyong panlipunan ay itinatakda, hindi ng usapin ng makauring liderato kundi ng partisipasyon ng uring magsasaka at ng relasyon ng uring ito sa sinumang namumunong uri ng demokratikong rebolusyon. Kaya't ang pag-asa at posibilidad ng isang demokratikong rebolusyon ay nakasalalay sa panlipunang kalagayan ng buong hanay ng uring magsasaka at ang kapasyahan nitong isulong ang pakikibakang anti-pyudal sa rebolusyonaryong paraan, sa paraan ng isang rebolusyong agraryo.
Ngunit sa nagdaang ilang dekada, unti-unti ang pagkatibag ng pyudal na kaayusan sa kanayunan sa ebolusyonaryong paraan at ang pagkakamit ng dominasyon ng kapitalistang proseso sa agrikultura, at dahil dito, unti-unti rin ang disintegrasyon ng uring magsasaka bilang panlipunang uri sa kanayunan. Ang kongkretong pagsusuri sa kongkretong sitwasyon ng pakikibakang magsasaka ang mapagpasyang batayan ng pagtantya sa kasalukuyan ng pag-asa't posibilidad ng pagsiklab ng demokratikong kilusan sa bansa sa anyo ng isang demokratikong rebolusyon at sa batayan ng isang rebolusyong agraryo.
Ang pinakamainam na landas patungo sa isang sosyalistang rebolusyon ay ang landas na hinawan ng isang matagumpay na demokratikong rebolusyon ng bayan. Kaya't gaano man kaliit o kakumplikado ang posibilidad ng pagsiklab nito batay sa umiiral at umuunlad na sitwasyon, ito ay dapat sunggaban at paigtingin ng rebolusyonaryong proletary ado. Ang mali ay ang itaya ang buong kapalaran ng proletaryadong Pilipino, ang emansipasyon nito, sa pag-asa at posibilidad ng pagsiklab ng rebolusyong ito o sa isang istratehiyang nag-aakalang garantisado ang pagsiklab ng ganitong rebolusyon gaya ng ginawa ng Sisonistang partido sa nagdaang tatlumpung toon.
Narito ang mortal na kasalanan ng Sisonistang partido. Imbes na asikasuhin ang independyenteng organisasyon ng proletaryado bilang sentral na tungkulin sa panahon ng pakikibaka para sa demokrasya, ang inasikaso nito ay ang pag-oorganisa ng mga magsasaka para sa pakikidigmang gerilya at ni hindi para sa prinsipal na layunin ng pagsulong ng kilusang masa ng uring magsasaka.
Ang pagtatakdang gawing sentral na tungkulin ang independyenteng organisasyon ng proletaryado ang pinakawasto at susing hakbang na gumagarantiya hindi lang sa sosyalistang preparasyon ng uring manggagawa — sumiklab man o hindi ang demokratikong rebolusyon. Ito rin ang garantiya, na kung may obhetibong kondisyon para sa pagsiklab ng demokratikong rebolusyon, magagampanan ng proletaryado ang kanyang krusyal na papel sa pagbubunsod at pamumuno nito.
Kung imposible ang isang demokratikong rebolusyon nang hindi nag-aalsa ang masang magsasaka sa kanayunan — sa kalagayang pinagtrayduran na ng burgesya ang sariling rebolusyon — walang ibang magbubunsod at magbibigay ng liderato sa uring magsasaka kundi ang rebolusyonaryong proletaryado at ang kanyang independyenteng kilusang makauri.
Magagampanan ito ng proletaryado hindi sa pamamagitan ng "pamumundok" ng kanyang taliba, hindi sa "pag-ugat" nito sa lupain ng magsasaka at hindi sa pagiging "gerilya" ng isang Maoistang gyera. Mangyayari lang ito kung ang proletaryong taliba ay magkokonsentra sa sariling uri, magpapakahusay sa pag-oorganisa at pagpapalakas sa kilusan ng manggagawa at sa paraang ito'y hilahin at bigyan ng inspirasyon at liderato ang kilusang magsasaka na magkatuwang na isulong ang demokratikong rebolusyon ng bayan. Ang ganitong istratehiya ang konsistent sa Marxistang teorya ng tunggalian ng uri at hindi ang istratehiya ng pesanteng gyera na perpeksyon ng sining ng konspiratoryal na rebolusyon.
Sa kasalukuyang kalagayan, ang pag-asa ng kilusang magsasaka ay nasa pagsulong at pagsiklab ng kilusang manggagawa sa lungsod at kanayunan. Ito ang pinakamakapangyarihang kilusang hihigop at magbubunsod sa uring magsasaka, sa petiburgesya ng lungsod at kanayunan, na isulong at tapusin ang demokratikong pakikibaka sa rebolusyonaryong paraan. Ang kasalukuyang mga elemento ng uring manggagawa ay nagmula sa uring magsasaka at petiburgesya, at hindi pa nalalagot ang koneksyong ito na dapat ay mabisang tulayan ng kanyang rebolusyonaryong impluwensya.
Pero sa nagdaang tatlong dekada, hindi ang pagsusulong ng kilusan ng uring manggagawa ang inasahan ng Sisonistang partido para itulak at pamunuan ang uring magsasaka sa isang demokratikong rebolusyon. Ang mas inasahan nito'y ang pakikidigmang gerilya at sapat na ang tatlong dekada para husgahan ang resulta. Hindi lang nabigo itong pasiklabin ang isang totohanang rebolusyonaryong agraryong malinaw ang kilusang masang katangian, ngunit nabigo rin itong pasiklabin ang isang totohanang demokratikong rebolusyon ng bayan sa panahong nahinog ant istorikal na okasyon para dito noong panahon ng diktadura. Panahon nang bumalik tayo sa mga saligang aral ng Marxismo-Leninismo, buuin ang lubos na kumpyansa sa katumpakan nito, isanib ang kilusang sosyalista sa malawak na kilusan ng uri at organisahin ang proletaryadong Pilipino bilang isang tunay na rebolusyonaryong uri at rebolusyonaryong partido.
11. Hanggang sa kasalukuyan, nasa yugto pa rin ang rebolusyong Pilipino ng pakikibaka para sa demokrasya. Bagamat maliit na bahagi pa rin ng manggagawang Pilipino ang industriyal na proletaryado, ang mayorya ng masang anakpawis ay prinsipal nang nabubuhay sa pagbebenta ng lakas-paggawa bilang mga sahurang alipin ng kapital sa sektor ng agrikultura, serbisyo at manupaktura. Ngunit ang malawak na mayorya ng masang anakpawis ay halos di nakatitikim kahit nang huwad na benepisyo ng demokrasyang burges at malupit na sinusupil at ipinagkakait ang kanilang saligang mga karapatan. Imposible ang kanilang pampulitikang pag-unlad at ang pag-unlad ng kanilang pampulitikang pakikibaka kung hindi mapatatampok ang pakikibakang ito para sa demokrasya.
Sa simpleng batayang wala pa sa limang porsyento ng manggagawa sa bansa ang organisado sa mga unyon at nilalabag sa samu't-saring paraan ang mga karapatan bilang mgamanggagawa, ang realidad na ito'y nagpapatunay na obligado pang isulong ang pakikibaka para sa demokrasya at pampulitikang kalayaan. At sa kasalukuyang panahon ng imperyalistang globalisasyon na walang kasing-igting ang kompetisyon ng kapital at papaigting ang krisis ng kapitalismo, ang pakikibaka para sa demokrasya ay nagkakaroon ng ibayong kahulugan dahil sa determinadong pagtatangka ng pwersa ng kapital na bawiin ang anumang mga karapatang naipanalo't tinatamasa ng proletaryado. Ang pagtatanggol at pagpapalawak sa mga karapatang ito, at ang pagtataas ng antas ng pagkaikaorganisa ng mga manggagawa, ang isang tampok na katangian ng kasalukuyang demokratikong pakikibaka at batayan ng pag-igpaw ng kanilang pakikibakang pang-ekonomya sa antas ng pakikibakang pampulitika.
Ang hanay ng manggagawang bukid ang pinakamalaking sektor ng uring manggagawa at sila'y gagampan ng krusyal na papel sa pakikibakang agraryo. Mayorya sa kanila'y nananatilingmalaproletaryado sa batayang kapos sa trabaho at hindi pirmi ang mga trabaho sa kanayunan. Ang kanilang hanay ay tuluy-tuloy na pinalalawak ng agos ng mga maralita at panggitnang magsasakang bumabagsak sa direktang pagbebenta ng lakas-paggawa dahil sa pagbagsak ng agrikultura. Dinaranas nila ang patung-patong na pagsasamantala at pang-aapi mula sa kapitalistang mga panginoong maylupa hanggang sa mismong mga magsasakang umuupa ng lakas-paggawa. Sila'y direktang biktima ng pagsasanib ng modernong kapitalistang agrikultura at mga lumang porma ng pyudal na pang-aapi na malawakang nagpapatuloy sa kanayunan.
Sa kalunsuran, ang pinakamarami ay nasa sektor ng serbisyo. Mayorya sa kanila ay hindi rin organisado at sadyang pinagkakaitan ng mga karapatan at benepisyo na kinukumplika ng petiburges na karakter ng ekonomya sa sektor ng serbisyo. Ang sektor na ito ng negosyo ay laging nasa bingit ng pagbagsak o pagsulong, batbat ng matinding kumpetisyon at presyur ng krisis at malaking kapital. Kaya't walang kasiguruhan ang kalagayan ng mga manggagawa rito na batayan ng kanilang mala-proletaryadong katangian. Sa sektor na ito pinakamalawak ang relasyon ng proletaryado sa petiburgesya ng lungsod na tinatampukan ng makauring banggaan at personalisadong relasyon na likas sa maliitang tipo ng produksyon.
12. Sa mga sektor ng agrikultura at serbisyo ay pinakamatingkad ang relasyon at tunggalian sa pagitan ng malaproletaryado at petiburgesya na parehong motibong mga pwersa ng demokratikong kilusan. Ang relasyon sa pagitan ng proletaryado sa malaproletaryado at petiburgesya ang nagtatakda sa demokratikong katangian ng kasalukuyang rebolusyon sa kalagayang ang magsasaka ay nasa ganitong katayuang makauri, habang sumusulong ang kilusan ng uring manggagawa sa pangunguna't inspirasyon ng proletaryadong industriyal, magkasabay ang magkasalungat na tendensyang hihigpit ang relasyon at iigting ang tunggaliang ito sa pagitan ng malaproletaryado at petiburgesya.
Sa paghigop ng proletaryong kilusan sa mga manggagawa sa sektor ng agrikultura at serbisyo, iigting ang tunggalian sa petiburgesya ng lungsod at kanayunan. Ngunit ang paglakas na ito ng uring manggagawa sa lahat ng sektor ng ekonomya ang magsisilbing obhetibong kondisyon para umagapay ang petiburgesya sa pag-atake sa mga kabulukan ng sistema at hangarin ang pagkakamit ng sariling papel at poder sa lipunan katuwang ngunit Hindi obligadong kasanib ang pwersa ng masang proletaryo na dapat manatiling independyenteng pwersa.
Bagamat nasa yugto ng transisyon at disintegrasyon bilang uri dahil sa kapitalistang pag-unlad ng agrikultura at proletaryanisasyon ng kanayunan, ang uring magsasaka ay nananatiling motibo't malaking pwersa ng demokratikong pakikibaka at progresong panlipunan sa kanayunan. Bagamat tinitibag ang kanilang sistema ng maliitang pagsasaka ng malakihang sistema ng modernong agrikultura sa pagsasanib ng burges na kapital at lupang asendero, sila pa rin ang salalayan hanggang sa kasalukuyan ng agrikultura ng bansa. Ang kanilang hanay at ang pwersa ng mga manggagawang bukid ang masasandigang lakas ng kilusang demokratiko para sa ganap na pagpawi sa mga labi ng pyudal na kaayusan na siya pa ring prinsipal na rekisito sa progreso at hustisyang panlipunan sa kanayunan at pagsiklab ng kilusang demokratiko sa anyo ng isang demokratikong rebolusyon ng bayan.
13. Ang kasalukuyang direksyon ng rehimeng Estrada ng pagdidiin sa agrikultura sa anyo ng malakihan at modernong sistema ng produksyon at sa kasalukuyang sitwasyong pabagsak ang agrikultura ng bansa dahil sa dilubyo ng globalisasyon at natural na mga kalamidad — ang dalawang salik na ito — ang naglalatag ng panibago't paborableng kondisyon para sa pagsulong ng agraryong pakikibaka.
Lalo nitong iipitin ang uring magsasaka at pabibilisin ang proletaryanisasyon ng kanayunan. Mismong ang umiiral na sistema ng reporma sa lupa ay balak baklasin ng rehimeng Estrada para sa konsepto ng malakihang produksyong pang-agrikultura at lubusang papasukin ang dayuhang kapital sa kanayunan. Kasabay nito ay malakas ang presyur ng mga imperyalistang pwersa na isagad ang liberalisasyon ng mga produktong agrikultural na ibayong magpapabagsak sa agrikultura ng bansa at magpapahirap sa mamamayan sa kanayunan.
Sa porma, hakbang pasulong ang modemisasyon ng agrikultura at pagpapasikad sa malakihang produksyon. Ngunit dahil ang totoong magdidikta nito ay ang interes sa tubo ng kapital at hindi ang pagsusulong sa mga pwersa sa produksyon sa kanayunan, at lalunang hindi ang interes ng hustisyang panlipunan, mapapailalim ito sa batas ng kapitalismong namimilipit ngayon sa krisis at sa batas ng globalisasyong nagdidikta sa kasalukuyang galaw ng kapital. Kung mayroon mang isang salik na magbubunsod sa pag-ahon ng kilusang demokratiko at posibleng pag-igting sa antas ng isang demokratikong rebolusyon, ito'y ang krisis na inihahasik ng imperyalistang globalisasyon.
Kung noong panahon ng diktadura, ang anti-pasismo ang nagpaliyab sa kilusang demokratiko, sa kasalukuyang panahon, matalas ang senyales na anti-imperyalismo ang posibleng magpaigting nito. Ang demokratikong pakikibaka ng uring manggagawa ay dapat maliwanag na ikawing sa kilusang anti-imperyalista sa batayan ng kapitalistang globalisasyon, pagkaisahin ang buong sambayanan sa linyang ito ng anti-imperyalismo at palawakin ang ugat ng kilusang demokratiko sa kanayunan sa pamamagitan ng pagkakawing ng anti-pyudal at anti-imperyalistang linya sa kilusang agraryo.
Hangga't ang mundo ay pinaghaharian ng imperyalismo at ang Pilipinas ay sakal ng kapangyarihan nito, hanggat ang estado poder at ang bulok na gubyerno ay hawak ng mga reaksyonaryong pwersa ng malalaking burgesya at asendero, ang agrikultura, industriya, ang buong ekonomya ng bansa ay mananatiling atrasado at ang makikinabang sa anumang mga progreso ay ang iilang naghaharing uri at ang kasabwat nilang mga pwersang imperyalista, ang kapital sa pinansya at mga korporasyong multinasyunal.
Kung nilampasan ng pagkakataon ang rebolusyong Pilipino noong panahon ng diktadura, pinaglipasan rin ng panahon ang ekonomya ng Pilipinas ng panahon ng globalisasyon. Ngayong sumasambulat na ang krisis ng kapitalisrmo, mahihirapang humabol ang Pilipinas sa ekonomya ng mas abanteng mga bansa, kahit man lang sa Asya, dahil atrasado itong nagsimula. Hindi mapipigil ang paglubog ng ekonomya sa dagat ng globalisasyon. Ang tanging diskarte nito na hindi rin garantiya na uubra nang matagalan ay ibukaka ang ekonomya ng bansa sa imperyalistang kapital nang lampas-lampasan sa ginagawa ng ibang bansa para magkaroon ng bentahe sa kumpetisyon.
Kung inabot ng indulto ang rebolusyonaryong kilusan dahil sa isang Sisonistang partido, inabot rin ngayon ng indulto ang reaksyonaryong sistema sa pag-angat sa kapangyarihan ng isang rehimeng Estrada sa panahong walang kasing-kritikal ang sitwasyong pang-ekonomya ng daigdig at ng bansa. Ang kainutilan, ang kabulukan at ang sukdulang pagkareaksyonaryo'tpagkamapanlinlang ng rehimeng ito ang magbibigay sa rebolusyonaryong kilusan ng panibagong pagkakataon para sa pagbangon at pagsulong. Hindi dapat makaalpas ang rehimeng itosa kanyang sariling islogan at dapat ibitay ng mamamayan sa ibabaw ng kanyang sariling platapormang kunwa'y makamahirap.
Kung ang pagbangon at pagsulong na ito ay didiretso sa isang ganap na demokratikong rebolusyon ng bayan ay kumporme sa magiging kumpleksyon ng sitwasyong pampulitika, sa pagsambulatng kapitalistang krisis at sa pagsulong ng balanse ng pwersa. Angmalinaw sa ngayon ay may mga obhetibong batayan para sa pag-igting ng kabuuang kalagayan ng bansa at ang dapat na palakihingposibilidad ay hindi makaraos ang rehimeng Estrada sa kanyang panunungkulan bunga ng pagsiklab ng krisis sa pulitika't ekonomya ng lipunan. At ang susi sa ganitong posibilidad ay ang pagsulong, paglakas at pag-igting ng kilusan ng uring manggagawa sa direksyon man ng isang demokratikong rebolusyon o diretso sa pakikibaka para sa sosyalismo sa landas na hinahawan ng pakikibaka para sa demokrasya. Ito ang landas ng pagsulong ng rebolusyong Pilipino, ang landas ng pagsulong ng rebolusyonaryong proletaryado sa kasalukuyang kalagayan.
1. Ang rebolusyonaryong pakikibaka sa Pilipinas ay nasa yugto pa rin sa kasalukuyan ng burges demokratikong rebolusyon at wala pa sa yugto ng proletaryong sosyalistang rebolusyon.
Gayunman, kahit sa panahong ito ng pakikibaka para sa demokrasya, idinidiin natin ang prinsipalidad ng pagsusulong ng kilusan ng uring manggagawa. Idinidiin ang pagsasanib dito ng sosyalistang kilusan sa bansa at ang sentralidad ng pag-oorganisa sa manggagawang Pilipino bilang mulat-sa-uring independyenteng pwersang pampulitika sa demokratikong pagsulong ng sambayanan at lipunang Pilipino.
2. Kabaliktaran ito ng pagpapauna ng Sisonistang partido sa pag-oorganisa sa masang magsasaka bilang pangunahing pwersa ng demokratikong rebolusyon ng bayan at pagkokonsentra ng atensyon, pwersa at rekurso sa pagkilos sa kanayunan at pagpapasiklab ng armadong kilusang magsasaka. Isa itong pundamental na linya ng demarkasyon sa pagitan natin at ng Sisonistang partido.
Para sa mga Sisonista, ang prinsipal na dapat isulong ay ang kilusang magsasaka at hindi pa ang kilusang manggagawa. Ang rasyunal sa likod nito ay dahil hindi pa sosyalista ang atingrebolusyon kaya't hindi pa dapat unahin ang kilusang manggagawa. Katwiran din nito ang patuloy na paniniwalang hanggang ngayon ay pesante ang mayorya ng ating populasyon at karugtong nito ay ang kanilang teorya ng "malapyudalismo." Ang kanilang teoretikal na kalituhan ay umaabot hanggang sa kahibangan na pati ang oryentasyon ng kilusang manggagawa ay ginagawa nilang "pambansa-demokratiko" sapagkat hindi panaman daw sosyalista ang ating rebolusyon sa kasalukuyan.
Mahirap pumasa ang Maoistang posisyon na ito sa Marxistang eksaminasyon. Kung talagang tutuusin, ang lahat ng teoretikal at praktikal na rasyunal ng pagpapauna ng Sisonistang partido sa kilusang magsasaka ay nagsisimula hindi sa teorya ng Marxismo o sa kongkretong kalagayan ng bansa kundi sa kanilang obsesyon at romantisismo sa isang armadong rebolusyon sa anyo ng isang matagalang digmang bayan.
Pinaprayoridad nila ang kanayunan hindi dahil naroon ang magsasaka kundi dahil ito ang paborableng larangan para sa kanilang armadong pakikibaka. Handa ang Maoismo na baluktutin ang lahat ng pundamental na aral ng Marxismo, mabigyan lang ng katwiran ang agad na paglulunsad ng armadong pakikibaka at ang iskema ng matagalang gyera sa kanayunan na ipinalulusot nila bilang rebolusyonaryong istratehiya ng praletaryado.
3. Ito ay malinaw na isang pundamental na paglihis sa Marxistang konsepto ng paglahok at pamumuno ng proletaryado sa demokratikong rebolusyon. Noong isinusulong nina Lenin ang demokratikong rebolusyon sa Rusya, ang mga manggagawa ay maliit na minorya pa ng populasyon ng Rusya at ang malawak na mayorya ay mga magsasaka. Pero hindi lang diin kundi konsentrasyon ng atensyon ng partido ni Lenin ang uring manggagawa at ang kanilang makauring kilusan. Kung ikukumpara ang Pilipinas, mas maliit pa nga ang proporsyon ng manggagawa
sa bilang ng magsasaka sa Rusya noon kaysa sa ating bansa na ngayon ay mayorya ng populasyon ang nabubuhay sa pagpapaupa ng lakas-paggawa.
Palasak na palusot ng mga disipulo ni Sison ay kapitalista raw ang Rusya noon habang ang Pilipinas ay "malapyudal at malakolonyal." Ang hindi nila sinasabi ay mas talamak at maslaganap ang pyudalismo sa Rusya noon kaysa sa Pilipinas ngayon o kahit noong 1968 nang pasimulan ni Sison ang kanyang Maoistang bersyon ng demokratikong rebolusyon. Ayaw nilang aminin na matagal nang dominado ang Pilipinas ng kapitalistang sistema sa kabila ng pagkaatrasado ng pag-unlad nito at sa kabila ng mga labi ng pyudal na kaayusan.
Kahit pumasok na ang Rusya sa kapitalistang yugto ng panlipunang pag-unlad, demokratikong rebolusyon pa rin ang isinulong nina Lenin noong 1905 at Pebrero 1917 bago angsosyalistang rebolusyon ng Oktubre 1917. Demokratiko at hindi sosyalista sapagkat kahit kapitalista na ang saligang balangkas ng sistemang pang-ekonomya noon ng Rusya, laganap pa rin ang labi ng lumang pyudal na kaayusan, obligado pa ring kumpletuhin ang rebolusyong burges, at higit sa lahat, kailangan pang ihanda ang proletaryadong Ruso para sa sosyalistang rebolusyon. Sa kaparaanan ng demokratikong rebolusyon ng 1905 at 1917, ganap na inihanda ng mga Bolshevik ang uring manggagawa sa Rusya para sa matagumpay na Rebolusyong Oktubre na nagpundar ng unang sosyalistang republika sa daigdig.
4. Maliwanag sa karanasan ng Rebolusyong Ruso na ang Maoismo ni Sison ay lihis sa Leninismo. Kahit maliit na minorya pa ang uring manggagawa at ang mayorya ay ang uring magsasaka, ang dapat nang diinan at konsentrahan ng atensyon, aktibidad at rekurso ng rebolusyonaryong partido — kung ito'y totoong proletaryong partido — ay ang kilusan ng uring manggagawa. Kahit kapitalista na ang dominanteng prosesong pang-ekonomya sa isang bansa pero hindi pa rin saligang nakukumpleto ang demokratikong mga tungkulin ng isang rebolusyong burges na rekisito sa preparasyong pampulitika ng proletaryado sa pag-agaw ng estado poder, hindi pa isang sosyalistang proletaryong rebolusyon ang dapat ilunsad kundi isang demokratikong rebolusyon ng bayan.
Sa kongkretong kalagayan ngayon ng Pilipinas, ang manggagawang Pilipino ay hindi na isang maliit na minorya kundi maituturing nang mayorya sa hanay ng masang anakpawis kung ibibilang sa hanay nito ang mga manggagawang bukid na siyang proletaryado sa kanayunan. At kung idadagdag pa sa kanilang bilang ang malawak na hanay ng mga malaproletaryado sa lungsod, ang uring manggagawa ang magiging malaking mayorya ng ating populasyon na hamak na mas malaki kaysa populasyon ng uring magsasaka na matagal nang dumadaan sa disintregrasyon bilang uri dahil sa kapitalistang ebolusyon.
Ngunit kahit sabihin na mayorya na ang mga manggagawa sa lipunan, mayorya na ang seksyon ng populasyon na nabubuhay sa pagpapaupa ng lakas-paggawa, hindi ibig sabihin ay tapos na ang yugto ng demokratikong rebolusyon at napapanahon na ang sosyalistang rebolusyon. Kaya't di dapat mangamba ang mga Sisonista na harapin ang realidad na hindi na mayorya ang niroromansa nilang "pesante" sapagkat kahit mayorya na ang mga proletaryong elemento sa lipunan, isang "pambansang demokratikong rebolusyon" pa rin ang dapat maganap. Ang demokratikong pakikibakang ito ang rekisito at preparasyon sa manggagawang Pilipino para sa kanyang sosyalistang rebolusyon at pag-agaw ng kapangyarihang pang-estado.
Ang problema ay hindi naman ang kamalian ng adelantadong sosyalistang rebolusyon ang pinangangambahan ng mga Sisonista kundi ang pagkangiwi ng kanilang istratehiya ng armadong pakikibaka na obligadong magsimula sa kanayunan patungong kalunsuran. Ito ang partido na nagpapanggap na partido ng manggagawa subalit hindi naman nagagalak sa paglago ng hanay ng proletaryado at transpormasyon ng malaking seksyon ng pesante sa mga proletaryado ng kanayunan.
5. Ngunit dapat nating liwanagin na ang esensyal na batayan kung bakit kailangang gawing sentral at prinsipal na tungkulin ang pagsusulong ng independyenteng kilusan ng uring manggagawa ay hindi pa dahil "mayorya" na ang uring manggagawa sa populasyon ng bansa. Kung mayorya na ang proletaryong mga elemento sa lipunan, ginagawa lang nitong akademiko ang ganitong teoretikal na usapin at pinaiigting ang materyal na kondisyon para sa paglakas ng isang sosyalistang kilusan, kahit sa panahon ng pangkalahatangpakikibakang demokratiko.
Ang pundamental na salalayan ng konsentrasyon ng proletaryong partido sa kilusan ng uring manggagawa sa mismong yugto ng pakikibaka para sa demokrasya ay alinsunod sa batas ng tunggalian ng uri at sa istratehiya ng proletaryado sa isang demokratikong rebolusyon, sa Marxistang linya ng permanenteng rebolusyon patungong sosyalismo.
Tinitindigan natin ang prinsipalidad ng kilusan ng uring manggagawa sa tatlong pangunahing batayan.
Una, bilang makauring partido ng proletaryado, ang prinsipal na tungkulin nito ay organisahin ang sariling uri at sariling makauring kilusan para lumahok, manguna at mamuno sa pangkalahatang kilusang demokratiko ng sambayanan.
Bago nito asikasuhin ang ibang makauring pwersa, kailangang unahin muna nito ang sariling makauring hanay. Kung tutuusin, sa buong proseso ng demokratikong yugto ng demokratikong pakikibaka, ang anumang pagbaling nito ng atensyon, pwersa at rekurso para sa direktang pag-oorganisa ng ibang uri ay mangangahulugan ng isang antas ng pagsasakripisyo ng pag-oorganisa ng sariling hanay. Habang umiigting ang demokratikong kilusan, lalong hihigpit ang pangangailangang ikonsentra nito ang sarili sa pagpapalakas ng kilusan ng uri dahil sa likod ng pag-igting na ito ay ang pag-igting ng tunggalian ng uri at labanan sa makauring hegemonya sa mga kalahok sa demokratikong pakikibaka.
Ikalawa. Totoong hindi sisiklab ang isang demokratikong kilusan o isang rebolusyon ng bayan kung hindi susulong ang ibang demokratikong pwersa sa lipunan, laluna ang uring magsasaka. Pero hindi ito dahilan para direktang akuin ng proletaryong partido ang bigat ng pag-oorganisa sa ibang sektor ng lipunan sa antas na ang kapalit ay ang saligang konsentrasyon sa hanay ng uring manggagawa. Alinsunod sa batas ng tunggalian ng uri, ang saligang pag-oorganisa ng iba't ibang makauring pwersa ay dapat ibunga ng sariling pag-oorganisa ng kanya-kanyang pampulitikang partido o makauring kilusan, at hindi ng interbensyon ng panlabas na pwersa.
Sa punto-de-bista ng proletaryong partido, ang ikonsentra nito ang sarili sa lubusang pagpapalakas sa kilusan ng uring manggagawa ang mismong pinakamabisang hakbang para isulong, palakasin, pasiklabin at pangunahan ang pangkalahatang kilusan ng bayan at ang makauring pagkilos ng iba't ibang demokratikong pwersa laluna ang kilusang magsasaka. Sa huling pagsusuri, ang maksimum na paglakas ng kilusang manggagawa ang mas magpapasigla sa pagkilos ng ibang sektor at mas magpapaigting sa sitwasyon ng tunggalian ng uri na magbubunsod sa ganitong mga pagkilos kaysa direktang akuin ang gawaing organisahin sila na ang kapalit ay ang sariling makauring pag-oorganisa.
Ang ganitong pananaw sa susing papel ng kilusan ng uring manggagawa sa kabuuang pagsulong ng kilusan ng buong sambayanan at kabuuang tunggalian ng uri sa lipunan ang kahulugan ng sentralidad at hindi lang prinsipalidad ng kilusang manggagawa sa kabuuang demokratikong pakikibaka ng sambayanang Pilipino. Ito ang susing kawing sa determinasyon ng lalamnin ng demokratikong pakikibaka ng sambayanan at materyalisasyon na posibilidad ng pagsiklab nito bilang isang ganap na rebolusyon ng bayan. Mismong ang pag-asa ng muling pag-igting at pagsiklab ng kilusang agraryo sa bansa ay mapagpasyang nakasalalay sa paglakas ng kilusang manggagawa sa kalunsuran at pagsulong ng pakikibaka ng mga manggagawang agrikultural.
Dapat nating kilalanin ang implikasyon sa kilusang agraryo at demokratikong rebolusyon ng disintegrasyon ng magsasaka bilang uri sa harap ng kapitalistang ebolusyon sa kanayunan at ang kapitulasyon ng malaking burgesya sa panig ng imperyalismo laluna sa panahong ito ng globalisasyon. Tinalikuran na ng burgesya ang sariling demokratikong rebolusyon habang ang uring magsasaka ay nagkakahati-hati dahil sa makauring diperensasyon sa kanayunan.
Nasa balikat ng uring manggagawa ang bigat ng responsibilidad na isulong ang demokratikong pakikibakang ito sa rebolusyonaryong paraan at hilahin ang proletaryado, malaproletaryado at petiburgesya sa kanayunan na ibaling ang tunggalian ng uri sa kanayunan sa isang panibagong antas at porma ng nagkakaisang agraryong pakikibaka. Gayundin, sa lahat ng makauring pwersa sa lipunan, tanging ang proletaryado ang may makauring kalikasan at katayuan sa lipunan na puspusang maglunsad ng pursigidong pakikibaka laban sa imperyalistang globalisasyon at isalin ito sa isang kilusang mapagpalaya ng sambayanan.
Ikatlo. Kung sa panahong ito ng paghahari ng imperyalismo sa daigdig ay nasa balikat ng proletaryado ang responsibilidad ng makauring pamumuno sa mismong burges demokratikong rebolusyon, nararapat lang na ikonsentra ng partido ang sarili sa pagpapalakas ng kilusan ng uring manggagawa upang gampanan ang tungkuling ito. Ang ganitong makauring pamumuno ay hindi dapat ituring lang na direksyunal na liderato na maaring aktuhan na lang ng proletaryong taliba. Ito ay dapat mangahulugan ng pisikal na pangunguna ng uring manggagawa sa demokratikong pakikibaka ng sambayanan at ang prinsipal na behikulo ng mismong direksyunal na liderato ng talibang partido sa kilusang demokratiko ay ang malakas na kilusang manggagawa.
Ang prinsipal na iasa ang makauring pamumunong ito sa konspiratoryal na pag-oorganisa ng partido sa ibang uri ay mauuwi at mauuwi sa tendensya ng banggardismo. Sa huling pagsusuri, ito ay hindi rin magiging mabisa para pasiglahin ang ibang makauring kilusan dahil hindi ito resulta ng sariling makauring pagkakaorganisa. Ang mas peligroso ay baka ang mismong makauring pag-oorganisa ng partido ay mahigop sa ibang makauring direksyon gaya ng sinapit ng Sisonistang partido na natransporma sa isang rebolusyonaryong petiburges na partido ng uring magsasaka.
Bagamat idinidiin natin ang saligang konsentrasyon ng partido sa kilusang manggagawa, hindi ito dapat intindihin bilang absolutong konsentrasyon. Hindi maling magtalaga ito ng mga kadre at magbuo ng mga yunit para sa pag-oorganisa ng ibang sektor at para sa multisektoral na gawain. Gayunman, ang ganitong disposisyon ay dapat konsistent sa patakaran ng konsentrasyon sa pagsusulong ng kilusang manggagawa at ating isinasagawa para sa dulo'y ibayong palakasin ang kilusang manggagawa. Dapat manatili itong konsistent sa teoretikal at taktikal na balangkas na isinusulong natin ang kilusan ng bayan at ibang kilusang sektoral sa prinsipal na kaparaanan ng pagsulong ng kilusang manggagawa habang direkta nating inaayudahan ang pagsulong ng pangkalahatang kilusang demokratiko upang ibayong isulong ang kilusang manggagawa.
6. Ang esensyal na kahulugan ng pagpapalakas ng kilusan ng uring manggagawa sa gitna ng pangkalahatang kilusang demokratiko ay ang pagkakaorganisa ng manggagawang Pilipino bilang isang uri at bilang isang partido. Ang ibig sabihin nito ay ang malawakang pagsulong ng makauring kamalayan ng manggagawang Pilipino, ang paglaganap at pag-igting ng kanilang makauring pakikibaka, ang paglawak ng kanilang pang-unyong pagkakaorganisa at makauring pagkakaisa, ang pag-unlad ng kanilang pang-ekonomyang pakikibaka sa antas ng pampulitikang pakikibaka, ang pagtindig ng proletaryado bilang depinido at independyenteng pwersang pampulitika, at ang paglaganap ng kanilang pagkakaorganisa sa loob at sa palibot ng proletaryong rebolusyonaryong partido.
Saligang rekisito sa lahat ng gawaing ito ng pagpapalakas sa kilusang manggagawa ang pagpapaunlad sa ating gawaing edukasyon, propaganda at ahitasyon. Kaagapay nito ay ang pagpapaunlad ng ating pampulitika at pang-unyong pag-oorganisa, at ang walang pagod at walang sawang pagsisikap na isulong ang pagkakaisa ng kilusang paggawa sa bansa. Hindi rin maihihiwalay rito ang pagbabalangkas ng mga wastong taktika sa pagpapaigting ng makauring pakikibaka at pagpapalawak ng makauring pagkakaisa ng masang manggagawa.
Ang pagbubuo ng bagong rebolusyonaryong partido ng manggagawang Pilipino ang ating mapagpasyang hakbang patungo sa mga layuning ito. Ngayong itinatatag na natin ang partidong ito sa dalisay na linya ng Marxismo-Leninismo, panahon nang itakwilang minana nating mga sektaryong pananaw sa nakaraan laluna sa pagsusulong ng kilusang manggagawa.
Hindi natin sinusukat ang paglakas ng kilusang manggagawa sa paglakas lang ng sarili nating pwersa sa loob nito at lalong hindi natin itinuturing na siyang kilusang manggagawa ang sarili nating organisadong hanay. Ang kilusang manggagawa sa Pilipinas ay ang kabuuan ng pakikibaka at organisasyon ng manggagawang Pilipinosa buong kapuluan anuman ang kanilang pampulitikangoryentasyon at pang-ideolohiyang tendensya. Ang ating saligang tungkulin ay hindi lang palakasin at pamunuan ang sarili nating pwersa sa loob ng kilusang manggagawang ito. Ang esensyal nating tungkulin ay isulong ang kabuuan ng kilusang ito ng ating uri at ang kabuuang pagkilos ay dapat balangkasin para sa ganitong esensyal na tungkulin. Ang ating kaisipan ay dapat sa ganitong paraan nakabalangkas,at sa ganitong kaisipan, hindi dapat bigyan ng anumang puwang ang iba't ibang anyo ng sektaryanismo laban sa sariling uri. Imposible ang pagsulong ng kilusan ngmanggagawang Pilipino kung mismong ang nagpupunyaging maging taliba nito ay sektaryan sa sariling uri.
1. Ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural, isang bansa ng magbubukid, sa terminong "magbubukid," ang ating tinutukoy ay ang masang anakpawis sa kanayunan — ang uring magsasaka at ang sahurang mga manggagawang agrikultural o manggagawang bukid.
Ang programang agraryo ng partido ng rebolusyonaryong proletaryado ay ang programang naglilinaw ng aktitud nito sa masang magbubukid, naglilinaw sa pamatnubay na mga prinsipyo ng proletaryong mga patakaran kaugnay ng agrikultura at ang iba't ibang makauring pwersang bumubuo sa populasyon ng kanayunan. Ang mga pwersang ito ay ang mga panginoong maylupa, ang mga manggagawang bukid, ang mga magsasaka, at ang mga komersyante sa kanayunan.
2. Ang usaping agraryo o programang agraryo ay isang esensyal na usapin ng proletaryong programa sa pagsusulong ng rebolusyong Pilipino.
Unang-una na, ang pinakamalaking bahagi ng ating populasyon ay nasa kanayunan. Totoong sa nagdaang ilang dekada ay tuluy-tuloy ang agos ng populasyon papuntang kalunsuran. May mga pagtantyang halos nagpapantay na, kundi man bahagyang nakakahigit pa, ang populasyon ng kalunsuran sa kanayunan. Ngunit dapat maintindihan na malaking bahagi pa rin ng itinuturing na kalunsuran ay mas rural ang katangian kaysa urban,agrikultural pa rin ang katangian sa kabila ng komersyal na mga pag-unlad.
Sa isang banda, pinatutunayan nito ang ebolusyonaryong pag-unlad ng kapitalismo sa Pilipinas dahil ang migrasyon sa syudad ay unibersal na sintomas ng kapitalistang pag-unlad na matutunayan nito ang lumalaking kahalagahan ng kalunsuran hindi lang sa kabuhayan ng bansa kundi sa mismong pakikibaka ng sambayanan. Ngunit sa kabilang banda, maling isipin na ang ganitong pangyayari ay nangangahulugang hindi na esensyal ang usaping agraryo sa kasalukuyang panahon. Ang totoong ibinabasura ng ganitong paglago ng importansya ng kalunsuran ay hindi ang krusyal na papel ng pakikibakang agraryo kundi ang Sisonistang kagunggungan ng "pagkubkob sa kalunsuran mula sa kanayunan" at ang kabulastugan ng petiburges na mga pananaw ng CPP sa usaping agraryo na masasalamin sa programang agraryo nito atistratehiya ng rebolusyonaryong pakikibaka.
Ikalawa, ang usaping agraryo ang nagtatakda sa demokratikongkatangian ng kasalukuyang antas ng pakikibaka ng proletaryado. Kapag sinabi nating hindi na esensyal ang usaping agraryo,ang implikasyon nito'y lumilipas na ang demokratikong katangian ng rebolusyon sa punto ng makauring kahulugan, ibig sabihin, ang burges na karakter nito. Kahit sa sosyalistang rebolusyon, esensyal na usapin pa rin ang usaping agraryo bagamat hindi sa kahulugangmakauri, ibig sabihin, hindi na ito ang nagtatakda ng makauringkatangian ng pakikibaka.
Ang usaping agraryo ang nagtatakda ng demokratikongkatangian ng kasalukuyang pakikibaka dahil sa papel ng buong uring magsasaka sa pakikibakang ito para sa demokrasya. Ang usaping agraryo sa kanyang makauring esensya ay usapin ng magsasaka, ibig sabihin, ang aktitud at relasyon ng proletaryado sa uring magsasaka. Nasa demokratikong antas ang rebolusyonaryong pakikibaka ng proletaryado sapagkat pinakamatalik na uring alyado ng uring manggagawa sa pakikibakang ito ang magsasaka. Obligadong maging ganito ang makauring relasyon ng proletaryado sa magsasaka —alyado —kung obhetibong demokratiko ang antas ng pakikibaka.
Kung hindi na naoobliga ang proletaryado na makipag-alyansa sa uring magsasaka, bagkus naoobliga pang humiwalay ng landassa uring magsasaka, ibig sabihin, hindi na umiiral ang obhetibongkondisyon para sa demokratikong pakikibakang kaagapay ang burgesya, at nahihinog na ang kondisyon para sa sosyalistangrebolusyon.
Ang implikasyon ng ganitong kalagayan ay nalubos na ang proletaryanisasyon ng kanayunan, umiigting na sa mataas na antas ang tunggalian ng uri sa agrikultura, at nakumpleto na ang disintegrasyon ng magsasaka bilang uri. Ang isang seksyon na lamang nito — ang mayamang magsasaka — ang tanging naiwang kumakatawan sa makauring interes nito bilang burgesya sa kanayunan, at hindi na lang aspirante. Ang implikasyon nito ay modernisasyon ng agrikultura at pag-igpaw ng kapitalistang relasyon sa produksyon.
Sa ganitong kalagayan, lalakas ang reaksyonaryong aspeto ng magsasaka bilang uri habang ang rebolusyonaryong seksyon nitoay natatransporma bilang hiwalay na uri at nagiging uring proletaryado.
Ikatlo, ang usaping agraryo bilang pangkalahatang usapin ng agrikultura, at hindi lang bilang usaping makauri, ay krusyal sa pang-ekonomyang pag-unlad ng bansa. Hindi masusustena,kundi man aktwal na imposible, ang industriyalisasyon kung walangmodernisasyon ng agrikultura.
Ang proletaryado ay may sariling pananaw sa landas ngmodemisasyong ito ng agrikultura na kaiba at kasalungat ng landasng reaksyonaryong burgesya sa mismong yugto ng demokratikongpakikibaka sa panahon ng imperyalistang dominasyon sa mundo.Ang proletaryadong landas na ito ng modernisasyong nasabalangkas pa rin ng burges na mga relasyon sa produksyon sa kanayunan ay may esensyal at krusyal na importansya sa pagsulong ng susunod na antas ng pakikibaka, ang pakikibaka ng proletaryadopara sa sosyalismo. Sa panahong ito ng imperyalistangglobalisasyon, lalong bumibigat ang importansya ng usapingagraryo, hindi lang sa kongkretong epekto nito sa agrikultura ng bansa kundi sa mismong posibilidad ng pagsiklab ng demokratikongrebolusyon sa Pilipinas.
3. Bukod sa nabanggit na tatlong dahilan kung bakit esensyal ang usaping agraryo ay may ikaapat na dahilang partikular sa kasalukuyang sitwasyon ng rebolusyonaryong kilusan sa Pilipinas.
Tayo'y nagbubuo ngayon ng isang bagong proletaryong rebolusyonaryong partido. Ngunit ang kasalukuyang henerasyonng mga rebolusyonaryo ay may kagyat na nakaraang parang aninongnakadikit sa ating likuran — ang tatlong dekada ng petiburges na rebolusyonismo ng Sisonistang partido na ang ginawang prinsipal na palaruan ay ang larangang agraryo.
Sa isang banda, kailangang bakbakin ang itinanim nito sarebolusyonaryong hanay na mga kaisipang agraryo na mas pesante ang makauring pananaw. Ang "esensyal na importansyang" ibinigay ng partidong ito sa usaping agraryo ay umabot sa antas na itinaguyod sa sariling programa nito ang makauring pananaw ng pesante sa pakikibakang agraryo imbes na pananaw ng proletaryado. Umabot ito sa kasukdulan ng pormulasyong "ang prinsipal na nilalaman (main content) ng demokratikong rebolusyon ng bayan ay ang kahilingan ng magsasaka sa lupa" na reduksyon ng pakikibakang anti-pyudal sa pakikibaka para sa sariling parsela ng lupa, sa rebolusyonaryo-petiburges na islogan ng pangkalahatang redistribusyon ng lupa o "lupa sa nagbubungkal ng lupa."
Sa kabilang banda, nang tayo'y bumaklas itinapat natin ang"usapin ng paggawa" sa "usaping agraryo," ang "usapin ngproletaryado" sa "usapin ng pesante," ang usapin ng diin sakalunsuran kaysa kanayunan, sa kilusang manggagawa kaysakilusang magsasaka, sa sosyalismo kaysa pambansang demokrasya, atbp. Ang wastong pagbaling na ito ng atensyon at konsentrasyon ay di maiiwasang magbunga ng peligrong matabunan o maiwan naman ang usaping agraryo at ang esensyal na importansya nito sa proletaryong pakikibaka at kasalukuyang pakikibaka para sa demokrasya.
4. Ang tuwiran at buung-buong kinakatawan ng proletaryong partido at ang kanyang programa kabilang ang programa nito sa usaping agraryo ay tanging ang makauring interes ng proletaryado. Ito ang saligang pamatnubay na prinsipyo sa pagbabalangkas ngproletaryong programa sa usaping agraryo at kahit sa anupamangusapin.
Tanging ang interes ng uring manggagawa ang atingipinaglalaban bilang isang uri sa kasalukuyang lipunan sapagkattanging ang kanilang makauring kilusan ang tunay na rebolusyonaryong kilusan na sinisikap natin, bilang partido, na organisahin, pamunuan at tanglawan ng sosyalismo. Lahat ng ibanguri ay may kanya-kanyang antas ng pagiging reaksyonaryo dahil lahat sila'y para sa preserbasyon ng pribadong pag-aari ng mgakagamitan sa produksyon. Kaya nga't ang emansipasyon ng mga manggagawa ay magagawa lang ng uring manggagawa mismo. Walang ibang uring maaasahang magsagawa nito dahil ito'y labagsa kanilang interes bilang pribadong nagmamay-ari — malaki man o maliit — ng mga kagamitan sa produksyon.
Ang mga magsasaka — bagamat motibong pwersa ng demokratikong rebolusyon at pinakamatalik na alyadong uri ng proletaryado sa rebolusyong ito — ay hindi natin nilalayon sa anumang paraan na ipagtanggol ang interes bilang isang uri ngmaliliit na nagmamay-ari ng lupa at magbubukid sa kasalukuyanglipunang pinaghaharian ng kapital, kung labag sa sariling makauringinteres at pakikibaka ng proletaryado. Sa pakikibaka sa malalaking kapitalista, ang uri ng maliliit na prodyuser, kabilang ang maliliitna magsasaka, ay nagkakaroon ng reaksyonaryong tendensya. Angpagtatangkang iligtas ang magsasaka sa pamamagitan ng pagprotekta sa maliitang produksyon at maliitang pag-aari nanilalamon ng kapitalismo, ng kumpetisyon ng malakihang kapitalat malakihang produksyon, ay mauuwi sa walang saysay na pagsagka sa panlipunang pag-unlad.
Pero hindi dapat intindihin na dahil tanging ang interes ng manggagawa ang ating ipinaglalaban at ipinagtatanggol ay wala na tayong pakialam sa interes ng ibang uri. Oo nga't hindi natin sila ipinaglalaban at ipinagtatanggol bilang mga uri, mayroon namang malaking interes ang proletaryado sa kasalukuyan nilang mga interes, may pagtutugma ng makauring interes sa mga saligang usapin ng pakikibaka para sa demokrasya, at kung tutuusin, ito mismo ang nagdedetermina ng demokratikong antas ngayon ngpakikibaka ng proletaryado.
Ang saligang punto'y ipaglalaban at ipagtatanggol natin ang interes ng ibang uri tanging kung ito'y konsistent sa interes ng proletaryado at kailanman ay hindi dapat tindigan sa makauring programa ng proletaryong partido ang anumang interes ng ibanguri na hindi konsistent sa interes ng proletaryado. Wastong ipaloobsa proletaryong programa ang mga "kahilingan ng magasasaka" at gawin itong "kahilingan ng proletaryado" sa kondisyong, una, ito ay tutungo sa eradikasyon ng mga labi ng pyudal na sistema, at ikalawa, magbubunga ito ng pagpapabilis ng malayang pag-unladng tunggalian ng uri sa kanayunan.
Ang dalawang kondisyong ito ay konsistent sa makauring interes ng proletaryado at konsistent sa progresong panlipunan nasiyang esensyal na nilalaman ng interes ng proletaryado. Angdalawang kondisyong ito ang nagtatakda ng karakter at parametro ng programang agraryo ng proletaryado at pagsuporta sa mga kahilingan ng uring magsasaka sa antas ng pormal na programa.
5. Bago natin isakongkreto sa porma ng partikular na mgakahilingan ang dalawang kondisyong ito, liwanagin muna natin ang ilang teoretikal na usapin kaugnay ng magsasaka bilang uri.
Ang sosyal na kondisyon ng paglitaw at pag-iral ng magsasaka bilang uri ay ang pyudal na sistema. Sa transpormasyon ng sistemang panlipunan, sa pagkawasak ng pyudal na kaayusan, obligadong matransporma ang magsasaka bilang lumang produktibong pwersa ng lumang sistema at umangkop ito sa bagong mga relasyon sa produksyon, sa bagong mga kagamitan sa produksyon ng bagong sistema. Ang magsasaka, na isang lipas na uri ng isang lipas na kaayusan, ay inabot ng dalawang makabagongsistemang nagtutunggalian sa kasalukuyang panahon — angsistemang kapitalista at ang sistemang sosyalista.
Ang kompleksyon ng kasalukuyang magsasaka ay dimaiiwasang itakda ng kumplikadong istorikal na sitwasyong ginagalawan nito — hindi lang bilang uri kundi bilang produktibong pwersa — sa labanan ng tatlong magkakaibang istorikal na sistemang produksyon —ang isa'y inililibing, ang ikalawa'ynangingibabaw, ang ikatlo'y isinisilang. Ang saligang teoretikalnakongklusyon ng Marxismo sa ganitong katayuan ng magsasaka, sa kasalukuyang panahon ng kapitalistang produksyon, ay hindi na ito tumitindig bilang isang integral na uri.
Sa harap ng pyudal na sitema, ang sistemang kanilang istorikal na kinabibilangan at pinaghihimagsikan, ang magsasaka aytumitindig pa bilang isang uri. Ang magsasaka sa kanyang kabuuan ay laban sa pyudal na sistema. Tumatatayo ito bilang isang uri, hindi ng kapitalista, kundi ng pyudal na sistemang nilalayon nitong ibagsak.
Ngunit bilang isang uri sa isang kapitalistang sistema, ang magsasaka ay hindi na makatayo bilang isang buong uri. Habang umuunlad ang kapitalismo at hinahalinhan nito ang pyudal ismo, naglalaho rin ang magsasaka bilang isang uri at naghahati ito sa dalawang seksyon —ang proletaryado sakanayunan sa isang panig, at ang burgesya sa kanayunan sa kabilang panig na magkakaiba ang antas depende sa laki ng pag-aaring kagamitan sa produksyon.
Kapwa sila magbubukid bilang "propesyon," ngunit ang isa — ang proletaryado sa kanayunan — ay nabubuhay bilang sahurang alipin ng kapital, kabilang dito ang kapital ng maliliit na prodyuser na magsasaka na obligadong umupa ng sahurang manggagawa sa modernong kapitalistang agrikultura. Ang isa nama'y ang burgesya sa kanayunan na nangangarap umunlad sa kapitalistang agrikultura mula sa pagiging mga petiburges, at mapalago ang kapital at produksyon sa pag-upa ng mga manggagawang bukid.
Ngunit hindi ibig sabihin nito na ang magsasaka, ang maliliit na prodyuser kabilang na ang mayamang magsasaka, ay awtomatikong dapat nang tratuhing reaksyonaryo dahil angkinakatawan na nilang relasyon sa produksyon — ang kapitalistang agrikultura — ay magpagsamantala sa paggawa. Sila mismo ay inaapi't pinagsasamantalahan ng malalaking burgesya at malalaking panginoong maylupa sa samu't-saring paraan, at sa batayang ito ay nananatiling interes nila ang pakikibaka para sa demokrasya laban sa iilang naghahari sa lipunan.
Ang saligang puntong nais nating idiin ay ito: bilang uri sa kapitalistang sistema, ang magsasaka ay hindi na umiiral bilang integral na uri dahil sa proletaryanisasyon ng malaking seksyon nito, at samakatwid ay hindi na makatayo bilang isang uri sa pakikibaka laban sa malaking burgesya at panginoong maylupa. Isang seksyon nito ay nakikibaka bilang sahurang manggagawa at ang isang seksyon nito ay nakikibaka bilang maliit na prodyuser.
Sa pagpasok ng sariling interes ng proletaryado, lalong "makukumplika" ang usaping agraryo. Ang tindig ng proletaryado ay ang sosyalistang abolisyon ng pribadong pag-aari ng mgakagamitan sa produksyon, isang tindig na umaayon sa interes ng mga "dating" magsasaka na natransporma sa mga manggagawang bukid at, hanggang sa isang antas, ay salungat naman sa interes ng "nananatili" pa ring mga magsasaka na ang pangarap at ilusyon ay umunlad bilang mga kapitalistang magbubukid.
Sa panahon ng sosyalistang konstruksyon, ang petiburges na sistemang ito ng maliitang produksyon ng kalakal sa kanayunan ang magiging kondisyong panlipunan sa pag-usbong ng mga kapitalistang tunguhin. Katunayan, may mga magsasakang halos prinsipal nang nabubuhay sa pagiging sahurang manggagawa pero tumatangging tanggapin ang realidad ng kanilang bagong uri at mas ibinibilang pa rin ang sarili sa magsasaka na ang pinapangarap ay ang pagkakaroon ng sariling lupa at ang ilusyon ay umunlad bilang mga kapitalista o negosyanteng magbubukid.
Pero hindi ibig sabihin nito na dapat nang banggain ang magsasaka at biglain ng panawagan ng proletaryado na sosyalisasyon ng lahat ng porma ng pribadong pag-aari. Sa esensya't sa malaking bahagi, hindi trabaho ng sosyalistang proletaryado ang abolisyong ito ng maliitang pag-aari't produksyon. Ang gagampan nito'y ang mismong burgesya. Ang winawasak ng kapitalismo ay hindi lang ang pyudal na sistema kundi mismo ang maliitang ekonomya ng magsasaka.
Ang pinakamalinaw na pruweba nito ay ang mismong proletaryanisasyon ng kanayunan. Ang kasalukuyang mga manggagawang bukid na ngayo'y bumubuo sa mayorya ng kanayunan ang dating mga magsasakang nabubuhay sa maliitang produksyon ng kalakal. Ito ang patunay na ginagampanan ng burgesya ang trabaho nito sa paglalatag ng materyal na kondisyonpara sa abolisyon ng pribadong pag-aari sa mismong akto ng sosyalisasyon ng produksyon at kapitalistang kompetisyon.
Ang sosyalisasyon ng produksyon sa agrikultura, na istorikal na trabaho ng burgesya, ang lilikha ng materyal na kondisyon para sa sosyalisasyon ng pribadong pag-aari sa kanayunan dahil ikukonsentra nito ang pag-aari sa kamay ng iilan habang winawasak ang kabuhayan ng nakararami. Ito ay isang obhetibo at ispontanyong batas ng kapitalismo. Kung hindi man ito maliwanag sa kamalayan ng mga romantisista ng "pesanteng sosyalismo," ito ang kongkretong karanasan ng uring magsasaka na bumabagsak ang kabuhayan at nagiging mga sahurang manggagawa ng samu't saring anyo ng kapital.
6. Ang di pagkilala sa katayuan ng magsasaka bilang isang uring nasa proseso ng disintegrasyon at hindi na tumatayo bilang integral na uri sa kapitalistang sistema, ang pagtangging magsimula sa makauring pananaw ng proletaryado sa pagbubuo ng programang agraryo at ang pagbalewala sa mga kondisyon at sirkumstansyang dapat pagbatayan nito bilang usapin ng Marxistang prinsipyo — ang pinag-uugatan ng pundamental na kamalian ng programang agraryo ng Sisonistang partido.
Sinasabi nating nagkakamali ang partidong ito kung papatulan natin ang pretensyong ito ay isang proletaryong partido. Ngunit kung huhubaran ito ng proletaryong pretensyon at ituturing na petiburges na rebolusyonaryong partidong pesante, nagiging tapat lang ang partidong ito sa makauring interes ng uring magsasakang nilalayon nitong protektahan.
Bilang isang rebolusyonaryo-demokratikong partido ng magsasaka, gumagampan ng positibong papel ang partidong ito sa pagsusulong ng pangkalahatang pakikibakang demokratiko. Ngunit bilang nagpapanggap na proletaryong rebolusyonaryong partido, binabaog nito ang makauring pagsulong ng proletaryadong Pilipino at dinidiskaril ang istorikal na mga oportunidad para sa tunay na demokratikong rebolusyon sa bansa. Sa ganitong epekto, mas malaking perhuwisyo sa pagsulong ng rebolusyonaryong pakikibaka sa bansa ang hatid nito dahil sa pagpapalaganap ng petiburges na rebolusyonismo at paghahasik ng mga bastardong kaisipan sa hanay ng mga rebolusyonaryong pwersa.
Ang redistribusyon ng lupa ang saligang nilalaman ng agraryong programa ng Sisonistang partido na kinakatawan ng islogang "lupa sa nagbubungkal ng lupa." Alinsunod ito sadogmatisadong linya ang "ang kahilingan sa lupa ng magsasaka ang pangunahing nilalaman ng demokratikong rebolusyon ng bayan" na hindi lang pagpapakitid sa usaping agraryo kundi isang pagkakamali sa kabuuang konsepto ng demokratikong rebolusyon.
Saan ibinatay ng Sisonistang partido ang patakarang ito ng redistribusyon ng lupa?
Kung ang batayan ay dahil ito ang kahilingan ng uring magsasaka, ang tanong ay: sa programa ng anong uri ng partido ba ipinapaloob ang kahilingang ito, ibig sabihin, programa ba ng anong makauring partido?
Kung ito ay isang proletaryong partido, hindi uubra na basta ipaloob sa makauring programa nito ang kahilingan ng ibang uri nang dahil lamang sa batayang inaalyado ng proletaryado ang uring ito.
Ang proletaryong partido ay isang makaprinsipyong partido. Hindi ito sumusuporta sa kahilingan ng ibang uri kung ang batayan ay sulsulan lang ang uring ito para magrebolusyon, o sa mas dakilang intensyon, para tugunan ang panlipunang hustisya. Dadalhin lang nito ang kahilingan ng ibang uri kung konsistent ang kahilingang ito sa prinsipyo ng proletaryong partido, konsistent sa interes ng proletaryado at konsistent sa interes ng panlipunang progreso.
Walang puwang ang programa ng proletaryong partido para sa petiburges na rebolusyonismong sa panunulsol dinadaan ang rebolusyonaryong pakikibaka. Wala ring lugar sa programang ito ang rebolusyonaryong romantisismong sa etika at moralidad dinadaan ang mga istorikal na kontradiksyong panlipunan.
Punung-puno ang daigdig ng kawalang-hustisya. Sagana ang kasaysayan ng mga indibidwal at kilusang nakibaka sa ngalan ng hustisya. Mismo ang burgesya ay "hustisya, pagkakapatiran at pagkakapantay-pantay" ang nagniningning na islogang dala-dala nang ibagsak nito ang paghahari ng mga panginoong maylupa. Pero sa ngalan ng dakilang mga simulain, isinubo ng burgesyang ito, sa dalawang okasyon, ang sangkatauhan sa mga gyera mundyal na ikinasawi ng daan-daang milyong tao para lang muling paghati-hatian ng mga imperyalista ang mundo.
Walang kwestyon na ang uring magsasaka ay biktima ng daan-daang taon ng kawalang-hustisya, ng pangangamkam ng panginoong maylupa sa kanyang pinagpaguran dahil hindi sariliang binubungkal na lupa. Maliwanag na ang inhustisyang ito ay nagmuraula sa pribadong pagmamay-ari ng panginoong pyudal sa lupaing binubungkal ng kanyang magsasaka.
Pero maitutuwid ba ang kawalan ng katarungang ito kung mula sa kamay ng panginoong maylupa ay ililipat sa kamay ng magsasaka ang mga lupaing ito at magkaroon sila ng kanya-kanyang pribadong pag-aaring parsela ng lupa?
Sa ganitong klaseng "makatarungang" solusyon, ang partidong ang ultimong layunin ay abolisyon ng pribadong pag-aari at nagtuturong ito ang ugat ng pagsasamantala sa lipunan, ay magiging promoter nang redistribusyon ng pribadong pag-aari sa hanay ng masang walang mga pag-aari! Hindi ito hustisya kundi promosyon ng panibagong porma ng inhustisya na ang magiging biktima ay ang mismong uring kinakatawan ng proletaryong partido — ang mga manggagawang bukid, ang proletaryado sa kanayunan!
Sapagkat sila ang uupahang paggawa ng mga magsasaka na ngayon pa lang ay malawakan nang nagaganap sa pag-unlad ng agrikultura. Kung ang gagawin nama'y bibigyan din ng sariling mga parsela ng lupa ang mga manggagawang bukid para hindi sila agrabyado, para na rin nating nilamon ang ating mga prinsipyo. Ang mga proletaryong magbubukid ay gagawin nating mga petiburges sa kanayunan gaya ng deklarasyon ng Sisonistang partido na gagawing mga panggitnang magsasaka o petiburges sa kanayunan ang prinsipal na mga benepisyaryo ng rebolusyonaryong repormang agraryo — ang maralitang magsasaka — na ngayon ay mga malaproletaryado!
Kung sasabihin namang hindi sapat ang lupaing pwedeng ipamahagi para pati ang mga manggagawang bukid ay magkaroon ng sariling lupa, ang tanong ay bakit uunahin pa ng partido ng proletaryado ang ibang uri kaysa sarili nitong mga kauri?
Kung iaangat ng proletaryong partido ang kabuhayan ng maralitang magsasaka sa antas ng panggitnang magsasaka, sa anong antas naman nito binabalak iangat ang mga manggagawang bukid?
Hindi tayo tutol sa pag-angat ng kabuhayan ng masa. Ito ang pinakalayunin ng ating rebolusyon, ang prosperidad para sa masang anakpawis, para sa buong lipunan. Ngunit ang landas ng tunay na prosperidad para sa mayorya ay ang landas ng progresong panlipunan. At ang pinakamataas na porma ng progresong panlipunan ay ang pag-unlad ng mga pwersa sa produksyon. Ang gawin nating nagsasariling petiburges na prodyuser ng maliitang ekonomyang magsasaka ang mga proletaryong elemento ay hindi progreso ng mga produktibong pwersa. Ito ay paghahasik ng ilusyon ng prosperidad sa pamamagitan ng pagkakaroon ng sariling pribadong pag-aari at paghahasik ng pagkakahati-hati sa hanay ng masang anakpawis. Ang proletaryanisasyon ng kanayunan ang istorikal na landas ng pagsulong ng agrikultura mula sa sosyalisasyon ng paraan ng paggawa tungo sa sosyalisasyon ng mga instrumento sa paggawa.
Sa iskrip ng repormang agraryo ng Sisonistang partido, magiging mga panggitnang magsasaka ang mga maralitang magsasaka dahil magkakaroon sila ng sariling lupa. At syempre,ang mayamang magsasaka ay mananatiling mayamang magsasaka dahil hindi sila sasama sa demokratikong rebolusyon kung ang kahihinatnan nito'y babagsak sila sa antas ng panggitnang magsasaka. Ang tanong ay ano ang magiging sistema ng produksyon ng uring magsasaka matapos pawiin ang mga labi ng pyudalismo at magtagumpay ang demokratikong rebolusyon?
Kung sasabihing kapitalista ang magiging sistema ng produksyon ng uring magsasaka — at dapat lang sapagkat ang nilahukan nilang rebolusyon ay hindi sosyalista kundi demokratiko at ang ipinangako sa kanila na agraryong programa at reporma ay magkakaroon sila ng sariling lupa — ang tanong ay sino ang kanilang magiging mga manggagawa dahil mahirap isipin ang isang kapitalistang relasyon sa produksyon na walang mga manggagawa?
Kung ang magiging manggagawa ay ang mga manggagawang bukid sa kasalukuyan at ang magiging mga manggagawang bukid pa sa hinaharap bago ang araw ng tagumpay, at kapag nalaman ito ng uring manggagawa, paanong mangyayaring lalahok sila sa isang rebolusyong ang mulat at sadyang programa ay bigyan ng mga instrumento sa produksyon ang kanilang alyadong magsasaka para ito naman ang humalili sa pagsasamantala sa kanila?
Katunayan, hindi lang ito isang mulat at sadyang programa kundi ito ang "pangunahing kahilingan," ang "pangunahing nilalaman," ng demokratikong rebolusyon ng bayan na nananawagang lahukan ng uring manggagawa!
Anong klaseng rebolusyon ito na pinamumunuan ng uring manggagawa at anong klaseng programa ito ng partido ng uring manggagawa na ang pangunahing kahilingan at nilalaman ay bigyan ng instrumento sa produksyon ang mga magsasaka para pagsamantalahan ang uring manggagawa?
Ganito ang magiging kahulugan ng linya ng redistribusyon ng lupa, ng islogang "lupa sa magbubukid," ng pormulasyong "ang kahilingan ng magsasaka sa lupa ang pangunahing nilalaman ng demokratikong rebolusyon ng bayan" kung kapitalista ang magiging relasyon sa produksyon sa kanayunan matapos ang demokratikong rebolusyon ng bayan.
Pero madaya ang Sisonistang partido. Wala itong sinasabing kapitalista ang magiging relasyon sa produksyon sa kanayunan matapos ang demokratikong rebolusyon. Ang paulit-ulit nitong sinasabi ay "pambansang demokrasya." Pero ano ba ang "pambansang demokrasya? "Kung hindi ito kapitalista, ito ba'y sosyalista? Hindi rin daw ito sosyalista. Kung hindi rin ito sosyalista, anong klaseng sistema ito?
Kaparehas ng teorya ng "malakolonyal at malapyudal na sistema" na hindi pyudal at hindi rin kapitalista, ang teorya ng "pambansang demokrasya" ay hindi rin kapitalista at hindi rinsosyalista. Ang "mala-mala" na lipunan ay magbubunga rin ng "mala-mala"na rebolusyon! Ang "mala-malang" mga konseptong ito ay purung-purong mga kabalbalan ng isang bastardong ideolohiyang ginagamit ang apelyido nina Marx at Lenin para maging lehitimo gayong ito'y supling ng oportunistang pagkakasala ng Stalinismo at Maoismo.
Pero idinideklara ng Sisonistang partido na matapos maagaw ang estado poder sa pamamagitan ng demokratikong rebolusyon ng bayan, agad nitong pasisimulan ang sosyalistang rebolusyon.
Muli, pati ang paglulunsad ng sosyalistang rebolusyon ay naka-iskrip. Agad pasisimulan nang hindi naglilinaw kung sa anong mga kalagayan pwede na itong magsimula.
Marahil, dahil hawak ang estado bilang partidong nasa kapangyarihan, hawak ang sandatahang lakas dahil umangat sa poder sa kaparaanan ng armadong rebolusyon, walang rason para hindi nito agad pasimulan ang sosyalistang transpormasyon gaya ng ginawa sa Tsina na matapos lang ang dalawang taon ay inanunsyo na ng Maoistang partido ang simula ng sosyalistang rebolusyon at sinimulan ang sosyalisasyon ng agrikultura.
Kung ang gagawing modelo ng "agad" ay ang naganap sa Tsina, lalabas na malaking kalokohan at panloloko ang patakarang agraryo ng Sisonistang partido na redistribusyon ng lupa at ang islogang "lupa sa magbubukid" dahil agad din palang babawiin sa mga benepisyaryo at gagawing sosyalisado ang porma ng pag-aari.
Kung sasabihing hindi "agad" ang sosyalisasyon ng lupain, babalik uli tayo sa tanong na sa interegnum na ito, ano ang magiging relasyon sa produksyon ng mga magsasakang nagmamay-ari ng kani-kanilang parsela ng lupa at ang seksyon ng populasyon sa kanayunan na walang pag-aaring lupa, na siyang nakararami, at nabubuhay sa pagpapaupa ng lakas-paggawa dahil walang pag-aaring kagamitan sa produksyon?
7. Maliwanag kung paanong magkakabuhol-buhol ang isang proletaryong partido sa kumplikadong mga relasyong agraryo sa kanayunan kapag hinaluan nito ng banyagang interes ng ibang uri ang dapat ay sariling makauring programa ng rebolusyoharyong proletaryado.
Ang agraryong programa ng proletaryado ay mga patakaran ng proletaryado kaugnay ng uring magsasaka at mga usaping pang-agrikultura sa punto-de-bista ng makauring pakikibaka ng uring manggagawa at hindi sa punto-de-bista ng uring magsasaka sa panahon ng demokratikong pakikibaka. Sa punto-de-bista ng proletaryado, susuportahan ng proletaryong partido ang progresibong mga kahilingan ng mga magsasaka habang itinatakwil nito ang kanilang mga reaksyonaryong interes.
Sa pagdedetermina kung alin sa mga interes at kahilingan ng mga magsasaka ang progresibo at alin ang reaksyonaryo, walang ibang pamantayan kundi ang punto-de-bista ng makauring pakikibaka ng proletaryado, ang punto-de-bista ng sosyalistang direksyon ng demokratikong kilusan ng proletaryado, dahil ito ang punto-de-bista ng panlipunang progreso.
Sa punto-de-bista ng proletaryado, ang pangkalahatang redistribusyon ng lupa at pamamahagi nito sa mga magsasakang walang sariling lupa, sa antas ng prinsipyo, ay hindi dapat ipaloob sa programa ng isang proletaryong partido at lalo nang hindi dapat gawing sentral na islogan ng programang agraryo nito o pangunahing nilalaman ng demokratikong rebolusyon.
At ganap na kawalang-prinsipyo na suportahan at ipaloob sa programa ng proletaryong partido ang pamamahagi ng lupa para lang mapalahok sa demokratikong rebolusyon ang mga magsasaka o bilang pagtugon sa kahilingan ng hustisyang panlipunan kahit salungat sa rekisito ng panlipunang progreso, at kapag nagtagumpay ay agad ding babawiin para pasimulan ang sosyalistang transpormasyon ng kanayunan.
Hindi nilalayon ng proletaryong partido sa kanyang programang agraryo na sa pagwasak sa mga labi ng pyudalismo ay sasadyain nito at susuportahan bilang sariling makauring programa ang transpormasyon ng mga mala-proletaryo o proletaryong elemento sa kanayunan para maging mga petiburges na elemento at ang pagpapanatili ng maliitang produksyon ng magsasaka.
Ang tunggalian ng uri ang pamatnubay na linya ng programang agraryo ng proletaryong partido. Nilalayon nitong ganap na mapawi ang mga labi ng pyudal na kaayusan upang hawiin ang landas para sa malayang pag-unlad ng tunggalian ng uri sa kanayunan. At hinahangad nating maisakatuparan ang pagpawing ito sa rebolusyonaryong paraan, sa isang "bigwas," sa pamamagitan ng isang rebolusyong agraryo ng masang magsasaka at magbubukid sa kanayunan sapagkat ispontanyong isinasagawa rin ito ng umuunlad na kapitalismo sa Pilipinas, at nagaganap din sa pamamagitan ng mga reaksyonaryong repormang agraryo ng estadong burges. Pero lahat ng ito ay sa makupad na ebolusyonaryong paraan at sa paraan ng mga panginoong maylupa gaya ng naganap sa nagdaang mga dekada.
Layunin ng ating programang agraryo ang lubusang pawiin ang mga labi ng pyudal na kaayusan at maisagawa ito sa rebolusyonaryong paraan. Ang lubusang eradikasyon ngpyudalismo sa kanayunan ay nangangahulugan ng pagpawi sa lahat ng porma ng pyudal na pagsasamantala at pang-aapi at ang ibig sabihin ng rebolusyonaryong paraan ay ang kumpiskasyon nang walang kumpensasyon ng malalawak na lupain mula sa kamay ng uring panginoong maylupa.
Ngunit dapat liwanagin na hindi bahagi ng anti-pyudal na pakikibakang ito at hindi dapat ipaloob sa programang agraryo ng proletaryado ang redistribusyon ng lupain ng mga panginoong maylupa at pamamahagi sa masang magsasaka bilang pribadong pag-aari. Ang aktong ito ng pangkalahatang redistribusyon ay hindi na bahagi ng eradikasyon ng pyudal na kaayusan kundi pagpapanatili ng maliitang produksyong magsasaka na isa ring sagka sa pag-unlad ng tunggalian ng uri sa kanayunan.
Nakukumpleto at nalulubos ang eradikasyon ng pyudal na sistema sa eradikasyon ng landlordismo at mga porma ng pyudal na pagsasamantala at pang-aapi sa kanayunan. Ang sistema ng pag-aari matapos nito ay hindi na bahagi ng pakikibakang anti-pyudal bagkus bahagi ng pagtatatag ng bagong sistema ng agrikultura.
Kaya't maling gawing sentral o esensyal nausapin ng pakikibakang anti-pyudal ang porma ng pag-aari sa lupa o land tenure matapos ibagsak ang landlordismo sa kanayunan. Sentral na usapin ng pakikibakang anti-pyudal ng magsasaka ang pakikibaka sa lupa ngunit sa punto-de-bista ng proletaryado, ang esensyal na usapin sa pakikibaka ng uring magsasaka para sa lupa ay ang landlordismo, ang monopolyo sa lupa ng isang parasitikong uri.
Batid natin na para sa makauring interes ng magsasaka, ang paghatian nila ang lupain ng mga panginoong maylupa bilang sarili nilang pag-aari ay karugtong ng kanilang pakikibakang anti-pyudal.
Pero ang karugtong na ito ay hindi na bahagi ng mismong pakikibakang anti-pyudal kundi simula ng bagong sistema ng produksyon na kinakatawan ng magsasaka, ang petiburges na maliitang produksyon ng kalakal. Buong-buo ang paninindigan ng proletaryadong partido sa pagsuporta sa pakikibakang anti-pyudal ng magsasaka ngunit ibang usapin ang suportahan nito ang pesanteng patakaran ng redistribusyon ng lupa sa kanyang sariling proletaryong makauring programa.
Kung sisiklab ang isang rebolusyong agraryo at aabot ito sa pwersahang kumpiskasyon ng lupain ng mga panginoong maylupa, ang programatikong paninindigan ng proletaryong partido sa ganitong sitwasyon ay ang nasyunalisasyon ng lahat ng lupaing agrikultural, o mas mainam, ng mismong pribadong pag-aaring lupa sa buong bansa bilang instramento sa produksyon.
Ang nasyunalisasyong ito ay hindi pa rin lumalampas sa hangganan ng demokratikong rebolusyon at nasa balangkas pa rin ng burges na sistema ngunit lubusang pinauunlad ang materyal na kondisyon para sa susunod na yugto ng sosyalistang pakikibaka.
Binabaklas nito ang isang porma ng pribadong pag-aari ng isang partikular na instrumento sa produksyon at ikinukonsentra sa kamay ng estado. Ang nasyunalisasyon ng lupa ay kaiba pa sa patakaran ng sosyalisasyon ng agrikultura sa puntong sa ganitong patakaran, lahat ng instrumento sa produksyon, at hindi lamang ang lupa, ang ipinaiilalim sa sosyalistang porma ng pag-aari. Ang nasyunalisasyon at hindi ang redistribusyon ang makaprinsipyo at makauring programang agraryo ng proletaryado sapanahon ng demokratikong pakikibaka samantalang ang sosyalisasyon ng mga kagamitan sa produksyon sa agrikultura ang programa nito sa yugto ng sosyalistang rebolusyon.
Pero hindi nangangahulugang ito rin ang magiging paninindigan at aktwal na magiging kahilingan at pagsulong ng uring magsasaka. May sariling programa ang proletaryado alinsunod sa makauring interes nito. Kung may sarili ring partido ang magsasaka, siguradong iba rin ang magiging programang agraryo nito na tumutugon sa makauring interes ng magsasaka. Kung ang Sisonistang partido ang kasalukuyang tumatayong partido ng rebolusyonaryong magsasaka, kikilalanin natin ang programang agraryo nito bilang programa ng rebolusyonaryong magsasaka ngunit babatikusin kapag tinatangkang ipuslit bilang petiburges na kontrabando sa hanay ng rebolusyonaryong proletaryado.
Kung sa hinaharap ay susulong at sisiklab ang isang kilusang masa ng rebolusyonaryong magsasaka at mahihinog ang kalagayan para sa isang rebolusyong agraryo — at kung sa pangyayaring ito ay mangingibabaw ang kahilingan ng magsasaka para sa pangkalahatang redistribusyon ng lupa — dapat harapin ng proletaryong partido ang ganitong kahilingan hindi na bilang usapin ng programa kundi bilang usapin ng realidad ng isang aktwal na demokratikong rebolusyon.
Ang kongkretong mga kontradiksyong panlipunan ay hindi nilulutas ng mga programa kundi ng praktikal na pagkilos ng milyun-milyong mamamayan. Sa ganitong sitwasyon, ang sentral na usapin ay ang eradikasyon ng pyudalismo at landlordismo, at kung ang katangian ng pakikibaka para sa eradikasyong ito ay nakalangkap ang redistribusyon ng lupa at ang redistribusyong ito ang nagiging motibong pwersa sa pakikibakang anti-pyudal, obligadong suportahan ng proletaryado ang kabuuang kilusang ito ng uring magsasaka. Hindi dahil ito ang wastong programang agraryo kundi ito ang realidad ng wastong pakikibakang anti- pyudal.
Ngunit habang wala pa ang realidad na ito ng isang kilusang magsasaka at isang rebolusyong agraryo sa kanayunan, ang tungkulin ng proletaryong partido ay balangkasin ang sariling programang agraryo alinsunod sa kanyang makauring pananaw at pakikibaka. Imbes na ang rebolusyonaryong proletaryado ang hilahin sa posisyon ng rebolusyonaryong petiburgesya sa usaping agraryo, ang dapat na mangyari ay hilahin ng proletaryong partido sa kanyang programang agraryo ang mala-proletaryong elemento sa kanayunan — ang maralitang magsasaka — at ang proletaryong mga elemento — ang mga manggagawang bukid.
Sa pamamagitan ng dalawang pwersang ito na bumubuo sa napakalaking mayorya ng populasyon sa kanayunan, maaring mahila ang petiburges na magsasaka — ang mga panggitna atmayamang magsasaka — na itaguyod ang proletaryong programa sa repormang agraryo na ang layunin ay ganap na eradikasyon ng kapangyarihan ng panginoong maylupa at nasyunalisasyon ng mga lupain sa ilalim ng rebolusyonaryong gubyerno ng manggagawa at magsasaka. Isang gubyernong ang ipinaglalaban ay hindi lang hustisyang panlipunan kundi panlipunang progreso sa pamamagitan ng pagbagsak sa kapangyarihan ng malaking burgesya at uring panginoong maylupa na sagabal sa pagsulong ng mga pwersa sa produksyon ng lipunan sa kasalukuyang yugto ng kasaysayan.
8. Sa kasalukuyan ay walang maliwanag na senyales ng namumuong pagsiklab ng kilusang masa sa kanayunan na may potensyal na lumaganap at umagos bilang isang pambansang kilusang agraryo. Kung pagbabatayan ang nagdaang tatlumpung taon, ang mas naging ekspresyon ng paghihimagsik ng uring magsasaka sa umiiral na sistema ay ang pagtangkilik sa pakikidigmang gerilya ng Sisonistang partido.
Ngunit kahit sa panahon ng kalakasan nito sa hanay ng magsasaka, hindi nito nagawang ibunsod ang isang hayag na kilusang masa sa kanayunan na hiwalay sa armadong pakikibaka na may ispontanyo't malaganap na katangian. Kaya't kung ang tuntungan ng antisipasyon sa posibleng pagsiklab ng kilusang masa sa kanayunan ay ang matagal nang nagaganap na mga antagonismo sa kanayunan, walang gaanong kakapitang batayan ang optimismo ng pagsiklab at maaring sabihing palipas na ang panahon ng mga dakilang pakikibakang agraryo kasabay ng paglipas ng dominasyon ng pyudal na kaayusan sa kanayunan.
Ang bagong salik sa kasalukuyang sitwasyon ay ang paglawak at paglalim ng globalisasyon ng mga ekonomya ng mga bansa na ibinubunsod ng neo-liberal na linya ng mga imperyalistang pwersa na kung tutuusin ay panibagong bugso ng neo-kolonyalismo. Sa nagdaang mga taon, at laluna sa kasalukuyan, ang presyur ng globalisasyong ito ay nakatuon sa liberalisasyon ng sektor ng agrikultura at di maikakaila ang pangamba ng marami na maaring ito'y magbunga ng dilubyo para sa ekonomya ng kanayunan ng mga bansang gaya ng Pilipinas.
Sa kasalukuyan, mismong ang bagong rehimen ay nagsasalita ng pagbibigay prayoridad sa agrikultura. Itinatambol na nito na ang magiging itsura ng kanyang patakaran sa agrikultura ay malakihang produksyong ang modelo ay ang mga kapitalistang sakahan ni Danding Cojuangco. Pinahahanda na ng rehimen ang mga panukalang batas para amyendahan ang CARP upang iangkop sa direksyon ng malakihang produksyong agrikultural.
Maaring ito na ang huling pagkakataon para sa isang makasaysayang pakikibakang agraryo sa Pilipinas. Sa isang banda, maaring mangahulugan ito ng mapagpasyang eradikasyon sa mga lumang porma ng pyudal na pagsasamantala nang hindi ginigiba ang pang-ekonomya at pampulitikang kapangyarihan ng mga dating pyudal na panginoong maylupa na iniaangkop lang ang sarili sa makabagong sistema ng produksyon.
Sa kabilang banda, ang biglang baling na ito ng patakaran sa agrikultura ng estado ay mangangahulugan ng malawakang proletaryanisasyon ng kanayunan at pagkawasak ng maliitangekonomya ng magsasaka. Sa ganitong kalagayan, iigting ang mga antagonismong panlipunan sa kanayunan na sapat para sumiklab ang mga pakikibakang masa ngunit ibayong kukumplika ang mga relasyong makauri at ang usaping agraryo para sa rebolusyonaryong mga pwersa.
Ang pundamental na usapin ay ano ang magiging aktitud ng rebolusyonaryong proletaryado at magiging kondukta ng kanyang patakarang agraryo sa kalagayang nagsisimulang lumaganap ang malakihan at modernong kapitalistang produksyon sa agrikultura na mangangahulugan ng ibayong proletaryanisasyon ng populasyon ng kanayunan sa isang panig at sa kabilang panig ng pagkawasak ng maliitang ekonomya ng magsasaka.
Una, ang proletaryanisasyon ng kanayunan at disintegrasyon ng makalumang ekonomya ng magsasaka ay isang obhetibong batas ng kapitalismo na humahawan sa landas ng tunggalian ng uri at pag-unlad ng mga pwersa sa produksyon.
Maaaring sa ebolusyonaryong pag-unlad nito'y malampasan ng kasaysayan, sa anumang kadahilanan, ang pagsiklab ng isang demokratikong rebolusyon sa ispisipikong porma ng isang rebolusyong agraryo. Pero kapalit nito'y uunlad naman ang materyal na kondisyon para sa makauring kilusan ng proletaryado sa kanayunan at paglapit sa yugto ng sosyalistang rebolusyon.
Samakatwid, hindi natin ito tatanawing negatibong pangyayari dahil lang sa hindi pagsiklab ng rebolusyong agraryo liban na lang kung ang di pagsiklab na ito'y resulta hindi ng kawalan ng obhetibong kondisyon para dito kundi ng kapalpakan ng mga rebolusyonaryong pwersa.
Anu't anuman, ang ating tungkulin sa harap ng ganitong sitwasyon ay pag-ibayuhin ang pag-oorganisa sa proletaryong mga pwersa sa kanayunan at ituro sa uring magsasaka na tahakin ang landas ng pakikibaka ng uring manggagawa dahil narito ang kanilang kinabukasan at wala sa mga ilusyon ng prosperidad bilang maliliit na prodyuser sa ilalim ng kapitalistang sistema.
Ikalawa, kung dahil sa imperyalistang globalisasyon at modemisasyon ng agrikultura ay lalong bumagsak ang kabuhayan ng masang anakpawis sa kanayunan, ibayong mawasak ang mga pwersa sa produksyon, sumambulat ang krisis pang-ekonomiya, lumala ang kawalan at kakulangan ng hanapbuhay, magkaroon ng panibagong monopolisasyon ng mga lupaing agrikultural — sa ganitong kalagayan, ang pagsiklab ng kanayunan sa anyo ng isang rebolusyong agraryo o anupamang anyo ng demokratikong kilusan sa makabagong panahong ito ng globalisasyon at modemisasyon ng agrikultura ay magiging bahagi ng prinsipal na adyenda ng rebolusyonaryong proletaryado.
Sa ganitong kalagayan, hindi usapin at walang katuturan angproblema ng maliitang produksyon laban sa malakihangproduksyon bilang usapin ng panlipunang progreso dahil ang realidad ay hindi progreso kundi krisis ang ibinubunga nito hindi lang sa agrikultura kundi sa buong ekonomya. Sa ganitongkalagayan, ang magiging prinsipal na usapin ay ang demokratikong pakikibaka ng sambayanang Pilipino para ibagsak ang papet naestadong burges-asendero sapagkat ito at ang reaksyonaryong mga uring kinakatawan nito, ang kanilang pakikipagsabwatan sa imperyalistang mga pwersa, ang kanilang kabulukan at katiwalian,ang kanilang pang-aapi't pagsasamantala sa malawak na masa ng sambayanan, ang nagdudulot ng ibayong kahirapan at krisis sa lipunan.
Anuman ang maging pag-unlad ng sitwasyon sa kagyat nahinaharap, mahinog man o hindi ang isang rebolusyonaryongsitwasyon para sa pagsiklab ng isang rebolusyong agraryo o ngisang demokratikong rebolusyon ng bayan, at anuman ang magingresulta ng mga rebolusyonaryong pakikibakang ito, isang bagay ang tiyak. Hindi natin maaring itali ang kinabukasan ng sosyalistang rebolusyon sa Pilipinas sa mga posibilidad na ito, sa posibilidad ng pagsiklab at pananagumpay ng isang rebolusyon ng magsasaka, ng isang demokratikong rebolusyon ng bayan. Ang ating sentralna tungkulin sa kasalukuyang kalagayan ay walang pagod na pag-oorganisa ng proletaryong mga pwersa sa lipunan bilang uri atbilang partido sapagkat, sa huling pagsusuri, sa kanilang lakas nakaasa ang posibilidad ng isang rebolusyong magsasaka at isang rebolusyon ng bayan.
1. May dalawang saligang konsiderasyon ang tindig natin sa usapin ng armadong pakikibaka. Ito ay ang teoretikal at praktikal na mga konsiderasyon.
Ang una'y pumapatungkol sa Marxistang pananaw sa mga porma ng pakikibaka sa pangkalahatan, at sa armadongpakikibaka bilang isang partikular na porma.
Ang ikalawa ay angpag-aaral sa umiiral na kalagayan sa bansa at ang pwesto rito ng armadong pakikibaka.
2. Ang Marxismo ay may halos pitumpung taon ng kasaysayan sa Pilipinas. Sa haba ng panahong ito, ang aspeto ng teorya sa usapin ng armadong pakikibaka ay hindi na dapat isang kontrobersya. Laluna't kategorikal ang teoretikal na mga proposisyon nina Marx at Lenin sabagay na ito. Subalit ang ating sitwasyon ay hindi ganito.
Ang kinagisnan nating konsepto ng rebolusyon mula nang itatagang Maoistang partido sa Pilipinas ay ang konsepto ng armadong rebolusyon. Sa konseptong ito, ang prinsipal na porma ng pakikibaka ay ang armadong pakikibaka. Hindi lang tayo iminulat sa prinsipalidad nito kundi ibinaon sa ating ulo na ito'y palagiang prinsipal at mananatiling prinsipal hangga't "malakolonyal at malapyudal" ang sistemang panlipunan sa bansa. Mananatili hangga'thindi natatapos ang istorikal na yugto ng demokratikong rebolusyon sa Pilipinas.
Iminulat din tayo sa paniniwalang sinumang lumihis saarmadong landas ay repormista. Iginuhit ng Maoistang partido ang linya ng demarkasyon sa pagitan ng repormismo at rebolusyonismo sa usapin ng pagkilala sa prinsipalidad ng armadong pakikibaka.
Ang ibang porma ay sekundaryo at nagsisilbi sa armadong pakikibaka.Ang usaping ito ng armadong pakikibaka ay inangat ng Maoistang partido mula sa usapin ng taktika o porma ng pakikibaka sa antas ng kardinal na prinsipyo ng Marxismo. Hindi lang ang armadong pakikibaka ang inangat sa antas ng prinsipyo kundi pati ang isang partikular na porma nito, ang Maoistang teorya ng "matagalang gyera."
Pero ang totoong inangat sa antas ng prinsipyo ay hindi ang mismong teorya ni Mao ng "matagalang gyera". Sa praktika, hindi ang esensyal na mga prinsipyo nito bilang depinidong tipo ng rebolusyonaryong gyera ang nasunod sa digmang bayan sa Pilipinas.
Ang totoong naging aplikasyon sa atin ng "matagalang gyera" ni Mao sa nagdaang tatlong dekada ay "gerilyaismo" na kung tutuusinay paglihis sa "matagalang gyera" ni Mao. Ito ang esensya ng dokumentong "Reaffirm Our Basic Principles And Rectify Errors", ang muling pagtibayin ang prinsipyo ng "matagalang gyera" sa porma ng "gerilyaismo."
Hindi natin layunin sa papel na ito na ulitin ang ating komprehensibong kritisismo kaugnay ng saligang mga kamalian ngSisonistang partido sa usaping ng armadong pakikibaka. Kumpletoang lahat ng ating argumento sa paksang ito sa CounterThesis 1 noong 1994. Pinapasadahan lang natin ang esensyal na kritisismong teoretikal sa usaping ito ng armadong pakikibaka para ipakita angtalamak na bulgarisasyon at amatyurismo ng Sisonistang partido sasaligang pananaw ng Marxismo sa usaping ito. Ang mas nilalayon pa ng papel na ito ay liwanagin ang wastong tindig sa usapin ngarmadong pakikibaka at ang tamang lugar at gamit nito sa Marxistang konsepto ng rebolusyon.
3. Para sa Marxismo, ang armadong pakikibaka ay isang portna ng pakikibaka. Alam ito ng Sisonistang partido. At alam din nila angimplikasyon kapag inilagay ang armadong pakikibaka sa tamang teoretikal na kategorya bilang porma ng pakikibaka -guguho angang buong konsepto nito ng palagiang prinsipalidad ng armadong pakikibaka. Kaya ang ginawa, sinalamangka nito ang usapin atwalang pakundangang itinaas ng kategorya at inangat sa antas ng prinsipyo. Ginawang sagradong dogma na walang ibang kahulugan kundi ang ganap na pag-abandona sa Marxistang posisyon.
Guguho ang Sisonistang posisyon sapagkat kategorikal ang mga teoretikal na proposisyon ng Marxismo sa usapin ng mga porma ng pakikibaka. Napakalinaw ng dalawang teoretikal na proposisyon ni Lenin sa bagay na ito.
Sa kanyang unang proposisyon, inilinaw ni Lenin na ang Marxismo ay naiiba sa lahat ng primitibong porma ng sosyalismo sa pagtangging itali ang kilusan sa isa mang partikular na porma ng pakikibaka.
Sa puntong ito'y sablay na agad ang Sisonistang partido. Simula't-simula ay itinali nito ang kilusan sa bansa sa isang partikular na porma — ang armadong pakikibaka. Hindi pa nakontento, itinali rin ang kilusan sa isang partikular na porma ng armadong pakikibaka — ang "matagalang gyera" na isang depinidong porma ng pakikidigma. Ang agad na mahahalaw na kongklusyon ay ang Sisonistang partido ang tinutukoy ni Lenin na "primitibong porma ng sosyalismo" na dahil sa pagkaprimitibo ng pag-iisip ay di maiwasang mahumaling sa isang partikular na porma parehas ng mga Narodnik sa Rusya sa panahon ni Lenin na tagapagtaguyod ng "pesanteng sosyalismo" at "armadong pakikibaka."
Ayon kay Lenin, kinikilala ng Marxismo ang sukdulang pagkakaiba ng mga porma ng pakikibaka Hindi "iniimbento" ng Marxismo ang mga ito kundi pinatitining sa anyo ng teorya, binibigyan ng mulat na ekspresyon at inoorganisa yaong mga porma ng pakikibaka ng mga rebolusyonaryong uri. Mga porma ng pakikibaka na sa kanilang sarili ay kusang lumilitaw sa pagsulong ng kilusan. Lubusan ang pagkabwisit ng Marxismo sa abstraktong mga pormula at sa lahat ng resipeng doktrinaryo. Ang hinihingi ng Marxismo ay ang atentibong aktitud sanagaganap ng pakikibakang masa na habang umuunlad ang kilusan, habang lumalago ang makauring kamalayan ng masa, habang lumalala ang krisis sa ekonomya at pulitika, ang pakikibakang masa mismong ito ang walang humpay na magpapasibol ng bago at mas magkakaibang paraan ng depensa at atake ng mga rebolusyonaryong uri.
Ang mga tagubulin na ito ni Lenin na lubusang umaalmsunod sa Marxistang dayalektika ang binalewala at sinalaula ng Maoismo. Maliwanag na ang "matagalang gyera" ni Sison ay hindi isang porma ng pakikibaka na lumitaw sa pagsulong ng kilusan sa bansa. Hindi pa man inilulunsad ang kilusang ito ay nauna na ang kanyang deklarasyon ng absoluto at unibersal na katumpakan ng "gyerang" ito sa Pilipinas at yari na ang iskrip noong 1968.
Hindi niya ito sariling "imbensyon" kundi "importasyon" mula sa Tsina na kanyang kinopya. Sa kalaunan ay kanyang binastardo nang hindi umubra ang orihinal na bersyon na tinangka niyang gawin sa Isabela noong 1970-73. Maliwanag na hindi ito mapanlikhang resulta ng pakikibakang masa, hindi karugtong ng pag-igting ng pakikibakang masa kundi ang kabaliktaran nito. Ito ay isang "pormula" na abstrakto sa sitwasyon ng Pilipinas dahil inangkat mula sa Tsina at isang "resipe" na doktrinaryo dahil hinugot mula sa Maoistang teorya ng "matagalang gyera."
Ang pundamental na punto sa Marxistang pananaw sa mga porma ng pakikibaka ay wala itong itinatakwil na porma ng pakikibaka.
Walang sirkumstansya na ang Marxismo ay ikukupot o lilimitahan ang sarili hanggang doon lang sa mga porma ng pakikibaka na umuubra at umiiral sa isang takdang panahon. Batidnito na ang bagong mga porma — na lingid sa mga kalahok sa mga labanan sa isang takdang panahon — ay di maiiwasang lumitaw sa sandaling nagbago ang nasabing sitwasyong panlipunan. Kaya't sa bagay na ito, ang Marxismo ay natututo mula sa praktika ng masa, at hindi ito nagyayabang na tutuman ang masa ng mga porma ng pakikibaka na inimbento ng mga teoretisyan sa seklusyon ng kanilang mga pag-aaral.
Ito ang ispiritu ng Marxistang materyalismo na hindi magawang malanghap kahit katiting ng Maoistang partido dahil sa rebolusyonaryong arogansyang bigay-hilig sa rebolusyonaryong mga iskrip at dogma. Mapapansin na ang unang teoretikal na proposisyon ni Lenin ay ehemplo ng dayalektikal na pleksibilidad sa paggamit ng mga porma ng pakikibaka at materyalistang pundasyon ng mga taktika na nagkakahugis sa kaparaanan ng pagsulong ng pakikibakang masa.
4. Ang ikalawang teoretikal na proposisyon ni Lenin ay ibayong pagpapalawig ng dayalektikong materyalistang pananaw ng Marxismo sa determinasyon ng mga porma ng pakikibaka hanggang sa usapin ng prinsipal na mga porma ng pakikibaka. Ayon kay Lenin, hinihingi ng Marxismo ang absolutong istorikal na eksaminasyon ng usapin ng mga porma ng pakikibaka.
Ang tratuhin ang usaping ito nang hiwalay sa kongkretong istorikal na sitwasyon ay naglalantad ng kabiguang maintindihan kahit ang rudimentaryong nilalaman ng dayalektikong materyalismo. Mukhang ang intindi ng Maoistang partido sa "istorikal" na rekisitong ito ng Marxismo ay simpleng itakda kung nasa anong istorikal na yugto ang isang rebolusyon. Pagkatapos ay itakda ang prinsipal na porma ng pakikibaka para sa buong yugtong ito. Kaya't ang kanyang pagtugon sa "materyalistang" rekisito ay ideklarang nasa demokratikong istorikal na "yugto" ng pag-unlad ang lipunan at rebolusyong Pilipino, at sa pagsusuri nito, marahas at antagonistiko ang mga saligang kontradiksyon sa ganitong istorikal na yugto. Batay dito, ang prinsipal na porma ng pakikibaka sa buong istorikal na yugtong ito ay ang armadong pakikibaka at ang "dayalektikal" na rason nito'y hangga't hindi nagbabago ang prinsipal na kontradiksyon sa lipunan ay hindi rin nagbabago ang prinsipal na porma ng rebolusyon na lulutas sa kontradiksyong ito.
Wala nang mas bulgarisadong pag-intindi at aplikasyon ng dayalektiong materyalismo kaysa rito. Unang-una na, ang determinasyon ng "istorikal" na yugto ng lipunan at rebolusyon ay mas lumulutas sa makauring karakter ng pakikibaka at hindi sa mga porma ng pakikibaka sa panahong ito na magbabagu-bago't magpapalit-palit sa buong proseso ng pag-unlad ng "istorikal" na mga sitwasyon. Tanda ng terminal na kapulpulan sa teorya na mismong ang istorikal na mga sitwasyong ito ay "pampulitikang sitwasyon" lang ang turing ng Sisonistang partido dahil ang konsepto nito ng "istorikal" ay pumapatungkol lang sa demokratiko at sosyalistang mga yugto ng pakikibaka.
Ikalawa, kung ito ang tamang aplikasyon ng "istorikal na eksaminasyon" — ang itakda ang istorikal na yugto ng pakikibaka — ridikuluso ang kongklusyong marahas at antagonistiko ang kalikasan ng kontradiksyon dahil sa lahat ng makauring sistema, sa lahat ng istorikal na mga yugto ng pag-unlad ng makauring sistema, laging marahas at antagonistiko ang kalikasan ng mga kontradiksyong panlipunan. Kung ito lang ang mabubuong kongklusyon, hindi na kailangan ng "istorikal na eksaminasyon" ng "istorikal na sitwasyon" ng isang bansa dahil unibersal sa buong kasaysayan ng makauring lipunan ang ganitong kongklusyon at wala itong anumang "istorikal na pekulyaridad" sa panahon ng demokratikong yugto ng pag-unlad.
Mas malala ang "dayalektikong" pangangatwiran ng Maoismo sa "prinsipalidad" ng armadong pakikibaka. Unang-una na, hindi dahil marahas ang prinsipal na kontradiksyon sa lipunan ay awtomatikong marahas din, sa simula't simula, ang prinsipal na porma ng pakikibaka. Kung tama ang "imbensyong" ito ng Maoismo, lalabas na mismo sa mga kapitalistang bansa — na marahas din ang prinsipal na kontradiksyon sa pagitan ng burgesya at proletaryado — ang prinsipal din na porma ng pakikibaka ay dapat simula't simula ay armado.
Ikalawa, dahil lang sa hindi pa nalulutas ang "prinsipal" na kontradiksyon ay hindi rin magbabago ang mga porma ng pakikibaka at kung anong porma ang pagwawakasan nito ay ganoon din ito dapat magsimula at kung paano ito nagsimula ay ganoon din dapat magwakas. Ang "prinsipal na kontradiksyong" ito ay umiigting at humuhupa nang paulit-ulit sa buong istorikal na proseso nito ng pag-unlad at dito bumabatay — sa walang tigil na pag-unlad ng tunggalian ng uri — ang magkakaiba't nagbabagu bagong mga hugis ng pakikibakang masa, mula sa mahinahon patungo sa marahas at mula sa marahas patungo sa mahinahong mga labanan, at mismong ang kumbinasyon nito.
Ayon kay Lenin, sa kanyang ikalawang teoretikal na proposisyon, sa magkakaibang mga yugto ng pang-ekonomyang ebolusyon — depende sa mga pagkakaiba sa pulitikal, kultural, kondisyon sa pamumuhay at iba pang kondisyon — magkakaibang mga porma ng pakikibaka ang lilitaw sa larangan ng labanan at magiging prinsipal na mga porma ng pakikibaka. At konektado rito, pati ang sekundaryo, ang suplemental na mga porma ay pumapailalim din sa pagbabago. Bilang pagdidiin, inilinaw ni Lenin na ang tangkaing sagutin ang kwestyon ng alin sa mga paraan ng pakikibaka ang gagamitin nang hindi gumagawa ng detalyadong eksaminasyon ng kongkretong sitwasyon ng isang kilusan sa isang takdang yugto ng pag-unlad nito ay nangangahulugan ng ganap na pag-abandona sa Marxistang posisyon.
5. Matapos maistablisa ang pangkalahatang Marxistang mga proposisyon, nirepaso ni Lenin ang istorikal na pag-unlad ng mga porma ng pakikibaka na nilikha ng rebolusyong Ruso hanggang sa panahong sinusulat niya ang mga proposisyong ito (Setyembre 1906). Sa simula ay ang mga welgang pang-ekonomya ng mga manggagawa (1896-1900), pagkatapos ay ang mga demonstrasyong pampulitika ng mga manggagawa at istudyante (1901-1902), mga rebelyong pesante (1902), ang simula ng malawakang mga welgang pampulitika na magkakaibang ikinukombina sa mga demonstrasyon (Rostov 1902, ang mga welga ng summer ng 1903, Enero 9,1905), ang pangbuong Rusyang welgang pampulitika na sinabayan ng lokal na mga insidente ng pakikibakang barikada (Oktubre 1905), malawakang pakikibakang barikada at armadong pag-aalsa (1905, Disyembre), ang mapayapang pakikibakang parlamentaryo (Abril- Hunyo 1906), parsyal na mga rebelyong militar (Hunyo 1905-Hulyo 1906) at parsyal na mga rebelyong pesante (autumn 1905 -autumn 1906).
Binabanggit natin ito para kongkretong ipakita kung ano ang tinutukoy ni Lenin na magkakaibang mga porma ng pakikibaka na nilikha ng pagsulong ng pakikibakang masa at ang prinsipal na mga porma ng pakikibaka sa magkakaibang istorikal na sitwasyon sa pagsulong ng demokratikong rebolusyon sa Rusya. Mahalagang banggitin din sa bahaging ito na ang dalawang Marxistang teoretikal na proposisyon ni Lenin na ginagamit natin para ipakita ang kamalian ng Maoistang partido sa usapin ng armadong pakikibaka ay hinalaw natin sa isang artikulong sinulat ni Lenin ("Guerilla Warfare," Lenin's Collected Works Vol.ll pp. 213-223 ) para itaguyod ang wastong paggamit ng armadong pakikibaka sa rebolusyong Ruso.
Ang artikulong ito ay sinulat ni Lenin para pag-aralan at tasahin ang armadong pakikibaka na noon, ayon sa kanya, ay isang penomenon sa rebolusyong Ruso bilang isang parsyal, sekundaryo at suplemental na porma ng pakikibaka. Sinagot niya sa artikulong ito ang mga katanungang gaya ng ano ang penomenon na ito? Ano ang kanyang mga porma? Ano ang kanyang rnga pinag-ugatan? Kailan ito lumitaw at gaano na ang paglaganap? Ano ang kabuluhan nito sa pangkalahatang takbo ng rebolusyon? At ano ang relasyon sa pakikibaka ng uring manggagawa na organisado at pinamumunuan ng Social-Democracy?
Hindi na natin ilalahad kung paano sinagot ni Lenin ang mga katanungang ito. Binabanggit natin ang mga katanungang ito para maipakita ang metodolohiya ng Marxismo at ni Lenin sa pag-aaral ng mga porma ng pakikibaka sa pangkalahatan, at sa armadong pakikibaka sa partikular. Walang mapapansin sa mga tanong at sagot ni Lenin na obsesyong katulad sa mga Maoista na para lang patunayan ang pagiging sukdulang rebolusyonaryo ay kulang na lang tumuwad at dumipa at paulit-ulit na iumpog ang ulo sa niluluhurang lupa sa taos-puso at pikit-matang pananampalataya sa altar ng armadong pakikibaka.
6. Ang "pagkamulat" at pagkahumaling sa "iskripted" na konsepto ng rebolusyon ang siya ring dahilan kung bakit sa ating hanay mismo, matapos iwanan ang Maoistang "iskrip" dahil sa mga kabiguan at kapalpakan nito, at sa samu't sari pang dahilan — tama man o mali — ang inaasahan pa rin na magiging eksposisyon ng panibagong konsepto ng pagsusulong ng rebolusyon ay isang panibagong "iskrip" na naglalarawan din kung paano "mananalo" ang kilusan.
Sa ganitong klaseng kaisipan, mapapansin ang tendensyang mas nabubuo ang kumpyansa sa katiyakan ng tagumpay sa pagkakaroon ng "kapani-paniwalang" iskrip ng pagsulong imbes na ibatay ito sa katumpakan ng mga Marxista-Leninistang prinsipyo, sa katumpakan ng mga rebolusyonaryong simulain at pagsusuri, sa katumpakan ng pampulitikang liderato ng talibang partido, at sa katumpakan ng rebolusyonaryong pakikibaka. Kailangang tumining sa isip ng mga kasama na ang rebolusyon ay hindi maaring igawa at hindi dapat igawa ng isang iskrip. Ang kilos ng milyun-milyong tao, ang labanan ng samu't saring uri ay hindi maaring pagalawin alinsunod sa isang iskrip o manipulahin ng henyo ng isang batikang konspirador.
Kung ang mismong larong chess na binubuo lang ng tatlumpu't dalawang pyesa na limitado ang bawat galaw at limitado ang kwadradong ginagalawan ay milyun-milyon ang magkakaibang posibleng kumbinasyon ng "sulong" sa simula, sa gitna at sa dulo ng isang laro, paano pa kaya ang isang rebolusyon na milyun-milyon ang kasangkot, buhay-at-kamatayan ang pinaglalabanan, at nagsisimula ang labanan nang hindi pantay ang balanse ng pwersa, napakalaki ang kalamangan pati sa pandaraya ng kontra-rebolusyon samantalang dehadong-dehado ang mga rebolusyonaryong pwersa.
Pero gaya ng chess na kailangan ang syensya at sining, at ang henyo ng manlalaro para pagsanibin ito, ang rebolusyon ay nangangailangan din ng syensya at sining ng umaaktong direktor nito, ang rebolusyonaryong proletaryong partido. Ang syensya ay ang Marxismo-Leninismo at ang sining ay ang mapanlikhang pagpapaunlad ng pakikibakang masa at tunggalian ng uri. Hindi dapat maging dahilan ang kamalian ng "iskripted" na rebolusyon para bigyan katwiran ang pagsamba sa ispontanismo o igawa ng palusot ang kakulangan sa pagpaplano.
Pinag-iiba natin ang isang iskripted na rebolusyon at isang planadong rebolusyon, ang pakahulugan natin sa "iskripted na rebolusyon" ay ang paggawa ng isang kumpletong iskema at senaryo ng pagsulong ng rebolusyonaryong pakikibaka, mula umpisa hanggang dulo. Nakapirmi ang mga porma ng pakikibaka at mga yugto ng pag-unlad na para bang hinulaan na ang magiging takbo ng mga pangyayari ng isang buong istorikal na proseso. Itinuring ang Marxismo bilang isang bolang kristal na sa pamamagitan nito'y matutunghayan ang eksaktong pagsulong ng rebolusyon "mula sa isang kahig" noong 1968 hanggang sa "pangwakas na bigwas" sa reaksyonaryong estado sa susunod na milenyo.
Ang halimbawa ng ganitong "iskripted na rebolusyon" ay ang "dalawang-yugtong rebolusyong Pilipino" at ang "tatlong kabanatang demokratikong rebolusyon ng bayan" ng Sisonistang partido. Sa "dalawang-yugtong" iskrip ng rebolusyong Pilipino gumawa ng Chinese Wall sa pagitan ng demokratiko at sosyalistang mga yugto, at itinaya ang buong kapalaran at kinabukasan ng sosyalistang rebolusyon sa Pilipinas sa "katiyakan" hindi lang ng pagsiklab kundi ng tagumpay ng isang demokratikong rebolusyon. Sa "tatlong-kabanatang" demokratikong rebolusyon, buung-buong isinakay ang pagsulong nito sa "matagalang gyera" na dadaan sa "tatlong istratehikong yugto" ng pagsulong, at daig pa ni Sison si Moises na ikinumpas na ito'y susulong nang paalon-alon mula sa kanayunan patungong kalunsuran.
Ang pakahulugan natin sa "planadong rebolusyon" ay maliwanag ang mga nilalayon, simulain at prinsipyo nito. May pangkalahatang pananaw kung ano ang mga saligang kondisyon para makamit ito — at batay sa aktwal na pag-unlad ng istorikal na sitwasyon ng rebolusyong ito, batay sa aktwal na kompleksyon ng nagaganap na tunggalian ng uri at pagkakahanay ng makauring mga pwersa, batay sa aktwal na mga pagbabago sa balanse ng pwersa, batay sa aktwal na umuunlad na mga porma ng pakikibaka ng mga rebolusyonaryong uri, batay sa pagsulong ng makauring kamalayan ng proletaryado — ay gumagawa ng kaukulang mga pagpaplano o binabago ang nakalatag nang mga plano na ang layunin ay isulong ang pakikibaka patungo at papalapit sa itinakdang mga layunin, simulain at prinsipyo nang alinsunod sa obhetibong kondisyon at kalikasan ng pag-unlad nito.
7. Tayo ay buong-buong naninindigan sa katumpakan at pangangailangan ng isang armadong rebolusyon bilang rekognisyon sa marahas na kalikasan ng reaksyonaryong estado at antagonistikong kalikasan ng tunggalian ng uri. Kung ang armadong rebolusyong ito ay sisiklab o mananagumpay sa panahon ng pakikibaka para sa demokrasya o sa panahon ng pakikibaka para sa sosyalismo ay walang nakatitiyak sa kasalukuyan.
Ang isang pundamental na kaibhan ng konsepto natin ng armadong rebolusyon sa Maoistang konsepto ay ang kongklusyon nating ito ay nagsisimula sa dulo ng pagsulong ng rebolusyon. Sa bahagi naman ng Sisonistang partido, ang dulong ito ang ginawa nilang simula ng pagsusulong ng kasalukuyang rebolusyon. Isa pang saligang kaibhan ay ang pananaw sa rebolusyonaryong karahasan.
Hindi natin tinatanaw na kabawasan sa ating pagiging rebolusyonaryo ang hindi agad magsimulang mag-armas o bumukas sa posibilidad na hindi sumiklab ang isang armadong rebolusyon sa istorikal na yugto ng demokratikong pakikibaka. Sa panig ng Sisonistang partido, ang tatak ng isang rebolusyonaryong kilusan ay nasa pagiging armado at ang anumang pag-aalinlangan sa tagumpay o pagsiklab ng demokratikong rebolusyon ay isang mortal na kasalanan sa banal na altar ng armadong pakikibaka. Ito'y sapagkat, para sa Sisonistangpartido, ang garantiya ng demokratikong rebolusyon ay ang armadong pakikibaka imbes na ang maging garantiya ng armadong pakikibaka ay ang pagsiklab ng demokratikong rebolusyon. Ang garantiya naman ng tagumpay ng demokratikong rebolusyon, oras na mahinog ang kondisyon para sa ganap na pagsiklab nito, ay ang supisyenteng lakas ng armadong pakikibaka ng mamamayan.
Isang pundamental na usaping dapat sagutin ay ano ba ang diperensya o kamalian kung simulan nang maaga ang armadong pakikibaka at sa simula't simula ay sa ganitong porma magsimula ang rebolusyonaryong kilusan laluna't dito rin pala hahantong ang ultimong labanan.
Ang kasagutan dito ay ang nagdaang tatlumpong taon ng Maoistang armadong pakikibaka at nasaan na ngayon ang rebolusyonaryong kilusan. Ang Moistang partido ay naroon pa rinsa kanayunan at armadong nakikihamok — ang "taliba" ay naroon sa "mataas na antas" ng rebolusyonaryong pakikibaka sa matatarik na kabundukan samantalang ang pakikibakang masa ng uring manggagawa at kahit ng uring magsasaka ay hindi man lang makatugon sa kagyat at partikular na mga usaping pang-ekonomya.
Sa ganitong sitwasyon, nagkakatotoo ang istorikal na kritisismo sa adelantadong paggamit ng rebolusyonaryong dahas, ang nakakadisorganisang epekto nito sa pag-oorganisa ng masa at sa pakikibakang masa. Diumano'y ginagamit ang armadong pwersa para mapabilis ang pag-oorganisa ng masa, halimbawa, sa kanayunan. Matapos ang tatlumpung taon nang walang humpay na armadong pakikibaka sa kanayunan, nasaan na ang organisadong ekspresyon nito sa anyo ng organisadong pakikibaka ng masang magsasaka para sa kanilang makauring interes? Nasaan ang kilusang magsasaka na dapat maging ekspresyon ng nakakaorganisang bisa ng armadong pakikibaka? Ang katotohanan, imbes na sumandig ang masa sa sarili nilang lakas, sa sarili nilang pagkakaisa, sa sarili nilang pakikibaka, ang sinasandigan nila ay ang kanilang "hukbong bayan" na tinatanaw nilang "manunubos" at siyang kumakatawan sa kanilang pakikibaka.
Isa ring argumento sa armadong pakikibaka ay itinataas nito ang mapanlabang diwa ng masa, binibigyan ng inspirasyon na mangahas makibaka. Ngunit kung ito'y nagaganap hindi sa kalagayan ng mataas na pampulitikang pagkamulat at pakikibaka ng mamamayan, ito ay isang "artipisyal na inspirasyon." At anumang "artipisyal na inspirasyon" ay lumilipas. At sa paglipas nito, demoralisasyon ang hahalili, laluna kapag nagsimula na ang kontra-atake ng kaaway sa kalagayang nag-imbita tayo ng isang igting ng reaksyon na hindi tumbas sa antas ng preparasyon ng masa. Ang nakakademoralisang epekto ng wala sa panahong paggamit ng rebolusyonaryong dahas ang isa pang istorikal na kritisismo ng Marxismo sa maling paggamit ng pormang ito ng rebolusyonaryong pakikibaka.
Ngunit ang esensyal na argumento ay naroon sa pinagsimulan ng papel na ito, sa teoretikal na mga proposisyon ng Marxismo na di dapat tingnan bilang simpleng "teorya" kundi bilang materyalista at dayalektikal na mga "teoryang" sumasalamin sa kongkretong realidad ng batas ng pagsulong ng rebolusyonaryong kilusan. Ang esensya ng Marxistang mga proposisyong ito ay ang pagtatakwil sa "artipisyal na mga porma ng pakikibaka" na hindi umaayon sa istorikal na pag-unlad ng pakikibakang masa, at ang adelantadong paggamit ng armadong pakikibaka. Ang pagkahumaling sa prinsipalidad nito kumpara sa iba pang porma ng pakikibaka ay isang maliwanag na ehemplo ng paglikha ng "artipisyal na rebolusyon" na siguradong hahantong sa mapait na kabiguan na sobra-sobra na ang karanasan sa napakaraming bayan sa buong daigdig.
8. Sa artikulong pinaghalawan natin ng teoretikal na mga proposisyon ng Marxismo, ipinagtanggol ni Lenin ang "pakikidigmang gerilya" noong panahong iyon laban sa de-kahong mga kritisismong ito'y "anarkismo," "terorismo" o "Blanquismo." Sa anong batayan at ipinagtanggol ni Lenin ang "pakikidigmang gerilya" na lumilitaw noon sa Rusya ng 1906?
Sapagkat sa dahilang nakita ni Lenin ang maliwanag na koneksyon sa pagitan ng pakikidigmang gerilya bilang bagong porma ng pakikibaka at ng pag-aalsang sumiklab noong Disyembre 1905 at muling kumulo noong 1906. Ang kanyang pagsuporta sa pakikidigmang gerilyang ito ay konsistent sa inilahad niyang mga teoretikal na proposisyon dahil ang armadong pormang ito ng pakikibaka ay iniluwal ng pakikibakang masa at istorikal na sitwasyong umabot na sa antas ng pag-aalsa o insureksyon.
Ayon kay Lenin, ang pakikidigmang gerilya ay isang di maiiwasang porma ng pakikibaka kapag ang kilusang masa ay aktwal nang nakarating sa antas ng pag-aalsa. Kanyang idiniin na mali, hindi syentipiko at hindi istorikal ang nakagawiang pagsusuri sa pakikidigmang gerilya nang hindi isinasaalang-alang ang mga sirkumstansya ng pag-aalsa.
Ang isang Marxista, ayon kay Lenin, ay ibinabase ang kanyang sarili sa tunggalian ng uri, at hindi sa panlipunang kapayapaan. Sa partikular na mga panahon ng maigting na krisis sa ekonomya at pulitika, ang tunggalian ng uri ay direktang nahihinog sa isang digmaang sibil. Ibig sabihin, sa isang armadong labanan sa pagitan ng dalawang seksyon ng lipunan. Sa ganitong mga panahon, ang isang Marxista ay obligadong tumindig sa panig ng digmaang sibil.
Ang ganitong Leninistang pananaw sa armadong pakikibaka ang lubusan nating tinitindigan, hindi lang laban sa Maoistang bulgarisasyon ng armadong rebolusyon kundi laban sa dating mga pumupuna sa bulgarisasyong ito na ngayo'y tagapagtaguyod naman ng mas bulgar na mga kaisipan ng repormismo at ang kabilang dulo nito, ang terorismo.
9. Ang Marxismo-Leninismo nasa buong mundo ay tinatakan ng burgesya na marahas na ideolohiya at dahil na rin sa bulgarisasyon ng Stalinismo-Maoismo kung tutuusin ay napakahigpit ang itinatakdang mga rekisito sa paglulunsad ng armadong pakikibaka.
Partikular sa pakikidigmang gerilya, ganito ang pormulasyon ni Lenin: "...kailanman, hindi ituturing ng partido ng proletaryado ang pakikidigmang gerilya bilang siyang natatangi, o kaya'y kahit bilang prinsipal, na paraan ng pakikibaka; ito'y nangangahulugang ang paraang ito ay dapat ipailalim sa ibang paraan, na ito'y dapat umayon sa pangunahing mga paraan ng pakikidigma, at kailangang mabigyang dangal ng nakamumulat at nakaoorganisang impluwensya ng sosyalismo. At kung wala ang hiding kondisyong ito, lahat, walang pag-aalinlangang lahat, ng paraan ng pakikibaka sa burges na lipunan ay dadalhin ang proletaryado sa malapit na asosasyon sa iba't ibang di-proletaryong sangay sa ibabaw at ilalim nito, at kapag iniwan sa ispontanyong takbo ng mga pangyayari, ang proletaryado ay magkakalat, mabubulok at masasalaula." (Guerrilla Warfare, LCW Vol 10, pp. 221)
Taglay ang mga tagubiling ito ng Marxismo-Leninismo, handa tayong gamitin ang iba't ibang paraan ng pakikibaka, nang palagiang nilalagyan ng kwalipikasyon ang pagpili sa mga ito ng pang-ideolohiya at pang-organisasyong paglilinaw. Sa kasalukuyan, kinikilala nating wasto at obligado ang patuloy na paggamit ng armadong porma ng pakikibaka at pagbubuo ng mga armadong grupo ngunit kapwa sa istriktong limitadong paraang sekundaryo at suplementong porma ng pakikibaka sa mas prinsipal na mga porma ng pakikibaka na gaya ng kilusang masa at parlamentaryong pakikibaka.
Ang lohika nito ay ang sumusunod: Una, dahil sa mahabang kasaysayan ng armadong pakikibaka sa Pilipinas, naging bahagi na ito ng arsenal ng rebolusyonaryong kilusan sa bansa at positibong rebolusyonaryong tradisyon na tumatanggap ng kondisyonal na pagtangkilik ng mamamayan. Kahit sa kalunsuran, ito'y nagkaroon na ng istorikal na koneksyon sa pakikibaka ng mamamayan at nagkaroon na ng sariling pag-unlad na konektado sa pagsulong ng pakikibakang masa.
Ikalawa, kahit ligal ang kasalukuyang prinsipal na mga porma ng pakikibaka, hindi ito dapat iwanang walang depensa. Malimit na walang pakundangan ang reaksyonaryong estado at ang mga reaksyonaryong uri sa paggamit ng karahasan laban sa nakikibakang mamamayan. Kailangang ihasik sa mga opisyal ng gubyerno at sa hanay ng mga reaksyonaryo na mayroon tayong kapasidad na armadong gumanti sa kanilang sukdulang pang-aabuso, maningil sa kanilang mga pagkakautang sa dugo, at ipagtanggol ang hanay ng nakikibakang mamamayan.
Ikatlo, mananatiling sikreto ang organisasyon ng rebolusyonaryong partido at walang restriksyon sa mga porma ng pakikibaka nito. Bilang iligal na organisasyon, hindi itomagpapalimita sa ligal na parametro ng estado at dapat handang magsagawa ng armadong mga hakbang kung ito ang hinihingi ng kalagayan. Dapat may kapasidad itong parusahan ang ang mga ispiya ng kaaway sa loob ng rebolusyonaryong kilusan.
Dahil sa limitadong mga layuning ito ng paggamit ng rebolusyonaryong dahas at dahil sa pang-ideolohiya, pampulitika at pang-organisasyong peligrong maaring ibunga ng mali at wala sa panahong paggamit nito, obligadong imantina ang mataas na antas ng pagiging selektibo, sentralisado, pulitikal at propesyunal ng armadong mga aksyon sa kasalukuyang panahon, mas pamamarusa (punitive) ang prinsipal na karakter nito kaysa mapanlipol (annihilative). Obligadong iangkop ang organisasyon, pagsasanay at kapasidad ng mga armadong yunit na ito sa ganitong mga layunin at katangian ng armadong pagkilos.
Ang pagbubuo ng armadong mga yunit na ito at paglulunsad ng limitadong armadong mga aksyon ay hindi direktang konektado sa armadong direksyon ng rebolusyonaryong pakikibaka. Ang armadong transpormasyon ng pakikibakang ito sa kritikal na panahon ng pagkahinog ng rebolusyonaryong sitwasyon ay magaganap dahil sa sariling batas ng pag-unlad ng pakikibakang masa at pampulitikang pakikibaka, at hindi pa dahil sa paglago at paglawak ng mga armadong aksyon na ito. Gayundin, ang matatransporma sa armadong mga organisasyon ay ang mismong mga organisasyon ng masa na naging behikulo ng pagsulong ng kanilang pakikibaka at hindi ang armadong mga yunit partisano ng talibang partido. Sa panahong lalapit na ang armadong rebolusyon, ang mismong talibang partido ang magiging pangunahing armadong organisasyon ng masa at magiging taliba ng armadong pakikibaka.
Hindi natin masasabi ngayon pa lang kung ano ang magiging eksaktong porma ng armadong rebolusyon sa Pilipinas at magigingtuwirang proseso ng pagsulong nito sa ganitong antas. Maaring maganap ito sa anyo ng isang digmaang sibil, isang insureksyunalna labanan, isang digmaan ng pambansang pagpapalaya, isangrebolusyong agraryo, isang pag-aalsang tipong-Edsa o isang ganapna bagong porma ng rebolusyong may armadong sangkap. Gayunman, sa kasalukuyang panahon ng modernong gyera, angusapin ng praktikalidad o ang usapin ng teknik ay laging magigingprinsipal na konsiderasyon sa anumang labanang militar. Sa bagay na ito, mas ang rebolusyonaryong masa ang lulutas sa ganitong usapin at ang obligasyon pa ng talibang partido ay tiyaking makarating angmasa sa ganitong antas ng pampulitikang kamulatan at kapasyahan para maging praktikal na usapin ang eksaktong porma at kondukta ng armadong pakikibaka.
Isang bagay ang tiyak: Upang sumiklabang isang armadong rebolusyon at mapalaki ang pag-asa ng tagumpay, kailangang una sa lahat, ito ay isang totoong rebolusyonghumuhugis ng armadong pakikibaka, hindi isang armadongpakikibakang nagbabalat-kayong rebolusyon.
1. Paboritong laitin ng mga rebolusyonaryo ang burges na parlamento. Ang tawag dito ni Lenin ay "babuyan" at "putahan." Hindi lang ito derogatoryong deskripsyon kundi esensyal nakarakterisasyon ng reaksyonaryong institusyong ito ng burges nademokrasya. Sinumang rebolusyonaryong lalahok sa larangang ito ng pakikibakang pampulitika nang hindi inuunawa at kinikilala ang ganitong kalikasan ng burges na parlamento ay siguradong maliligaw, magmumukhang miserable at maaagnas sa mga ilusyon ng burges na demokrasya.
Ngunit kahit tinawag ito ni Lenin na "babuyan" at "putahan,"kanyang kinilala na wasto sa prinsipyo na lumahok dito ang isangMarxistang rebolusyonaryo at kanyang lubusang pinahahalagahanang partisipasyong ito sa kabila ng peligro ng repormismo sa bawat pasilyo ng burges na parlamento. Ganap na resolbado sa antas ngteorya ng Marxismo-Leninismo ang partisipasyon saparlamentaryong pakikibaka at sa burges na parlamento, at ang mapagpasya ay ang pagdetermina sa mga kondisyon at intensyon sa wastong paglahok dito.
Ang ganitong pampulitikang matyuridad at pagiging konsistentsa teorya't taktika ang hindi man lang nakaskas at dumikit sa balatng petiburges na rebolusyonismo ng Maoismo. Para sa Sisonistangpartido, kabawasan sa rebolusyonaryong integridad ng kilusan, pagpapagamit sa repormismo at paglihis sa landas ng armadong pakikibaka ang lumahok sa burges na parlamento. Kaya't kaparis ng isinulat nito ang kilusan sa banal na landas ng armadongpakikibaka, simula't-simula ay tinakot din tayo na layuan ang burges na parlamento dahil baka tayo kapitan ng engkanto ng repormismo. Ito ang ginamit na pamantayan ng pagiging konsistent sa prinsipyo at pagiging dalisay na rebolusyonaryo. Matapos mahimasmasan sa sampal ng pagsiklab ng pag-aalsang Edsa, hindi na nitopinangalandakan pa na gaya ng dati ang boykotismo. Pero iniwasanpa rin na parang galis ang elektoral na larangan at hindi sineryoso ang kabuluhan ng parlamentaryong pakikibaka. Kahit isang pulgadaay di pa nakalalayo ang Sisonistang partido sa ginasgas nitong daan ng boykotismo kahit bastardo rin pati ang konsepto nito ng taktikangboykot at anemik ang rebolusyonaryong katangian.
2. Alam ng Maoistang partido ang tindig ng Marxismo kaugnay ng parlamentaryong pakikibaka. Pero para bigyan ng rasyunal angboykotismo at magpalusot sa paglihis sa universal na taktika ngparlamentaryong pakikibaka, umimbento ito ng sariling teorya para palabasing hindi aplikable ang taktikang ito sa mga bansang gaya ng Pilipinas.
Ayon sa Maoismo, aplikable lang ang taktika ng partisipasyon sa kapitalistang bansa dahil dito'y istablisado ang mga institusyon ng parlamentaryong demokrasya. Sa mga bansang "malakolonyalat malapyudal," hindi istablisado ang parlamentaryong demokrasyakaya't kainutilan ang taktika ng partisipasyon. Karugtong nito'yinimbento ang dogma at inireseta ang pormula na sa mga bansangkapitalista ang prinsipal na pakikibaka ay parlamentaryo at sa mgabansang malakolonyal at malapyudal ang prinsipal na pakikibaka ay armado.
Hindi na natin papatulan ang teoretikal na kagunggungan na ginagawang prinsipal o eksklusibong batayan ng pagtatakda ng mga paraan ng pakikibaka ang moda sa produksyon o sistemang pang-ekonomya. Mas grabeng kagunggungan ang atrasan ang burges na parlamentaryo at maglungga na lang sa kabundukan — sa panahon ng pakikibaka para sa demokrasya — dahil sa kawalan o kakapusanng parlamentaryong demokrasya!
Ibinubuko ng ganitong "lohika" na ang Sisonistang partido pala'y naglulunsad ng demokratikong rebolusyon nang hindi naiintindihan ang lohika nito. Ang mismong rason kung bakitkailangang isulong ang burges-demokratikong rebolusyon — angkawalan ng burges na demokrasya — ang siya pang ginagamit narason para atrasan ang parlamentaryong pakikibaka, angpartisipasyon sa burges na parlamento. Ang mismong rason para igiit ang karapatang bumoto at lumahok sa burges na parlamento — ang pagsikil at pagsalaula sa karapatang ito at ang kawalan okakapusan ng parlamentaryong demokrasya — ang siya pangginagamit na sangkalan ng boykotismo!
Kung sasabihin naman na hindi isang burges-demokratikong rebolusyon ang "demokratikong rebolusyon ng bayan," hindi demokrasyang burges ang ipinaglalaban nito kundi "pambansang-demokrasya," mula sa leeg ay aabot sa noo ang pagkakalubog ngpartidong ito sa burak ng kagunggungan. O kaya'y talagang gaguhan lang para sa Maoismo ang kunwaring pagkakaiba sa pagitan ng demokratikong rebolusyon at sosyalistang rebolusyon, at ang isinusulong nito ay sosyalistang rebolusyon na nagbabalat-kayong "pambansa demokratiko."
Ang pagiging "bagong-tipo" ng kasalukuyang demokratikong rebolusyon ay sa puntong ang namumunong uri ay ang proletaryadoat hindi ang burgesya ngunit hindi nababago ang "orihinal" at"istorikal" na burges-demokratikong makauring katangian nito bilang isang klase ng rebolusyong kaiba sa sosyalistang rebolusyon.
Nananatiling burges ang makauring karakter ng rebolusyong ito dahil sa partisipasyon ng malalaking seksyon ng burgesya, at dahil dito, ang layunin ng ganitong rebolusyon ay hindi lumalampas sa hangganan ng burges na mga relasyong panlipunan.
Ang mismong estadong itatayo ng rebolusyong ito ay mananatiling burges na estado, at kung simpleng mga pormulasyon ang pagbabatayan, ang mismong "gubyernong koalisyon" napanawagan ng Sisonistang partido ay isang estadong burges at hindipwedeng tawaging estadong proletaryo kahit kalahok o namumunorito ang proletaryong partido. Ang batayan ng ganitong klasengkongklusyon ay ang partisipasyon ng mga di-proletaryong uri, angpartisipasyon ng mga saray ng burgesya.Kahit sa Programa para sa Pambansang Demokratikong Rebolusyon (PPDR) ng Sisonistang partido, maliwanag na lahatng kahilingan nito ay hindi lumalampas sa burges na mga relasyong panlipunan, ibig sabihin, sa burges na relasyon sa pag-aari, at walang isa mang kahilingang sosyalista ang katangian. Kahit ang mgaislogan nito ng "nasyunalisasyon" at "kooperatibismo" ay hindi sosyalistang mga islogan at hindi sosyalistang relasyong pang-ekonomya ang kinakatawan kundi nasa balangkas pa rin ng burges, kapitalistang mga relasyon.
Dahil ang kasalukuyang rebolusyon ay pakikibaka para sademokrasya, hindi proletaryong demokrasya kundi demokrasyang burges, ang kawalan o kakapusan ng ganitong demokrasya ang mismong ating ipinaglalaban. Samakatwid, hindi maaring atrasanang parlamentaryong pakikibaka dahil sa kawalan o kakulanganng burges na demokrasya bagkus dapat igiit at isulong ang parlamentaryong pakikibakang ito para mapalawak at malubos ang hangganan ng burges na demokrasya.
Kung ang ikakatwiran naman ng Maoistang partido ay tangingsa rebolusyonaryong paraan — sa paraang armado — mapalalawakat malulubos ang hangganan ng burges na demokrasya at maipagwawagi ang pakikibaka para sa demokrasya, dapat nangmagbigti ang partidong ito at ang ipambitay ay ang kanyang buhul-buhol na lohika.Kung susundan ang lohika ng ganitong pangangatwiran at magiging konsistent sa lohikang ito — na ang pakikibaka para sa demokrasya ay mapalalawak at maipagwawagi lang sa paraang armado — dapat ay mamundok na ang lahat ng myembro nito at iwanan na pati ang pakikibakang pang-unyon, ang lansangan ngprotesta at ang ligal na pakikibaka para sa demokratikong mgareporma. Magiging "kapuri-puri" ang isang tendensya ngayon saloob ng Maoistang partido sa pagiging "konsistent" sa ganitong tipo ng rebolusyunismo na tumutungo sa ganap na pag-abandonasa ligal na pakikibaka at ang gusto'y isubsob na lang ang sarili saarmadong pakikibaka sa anyo ng gerilyaismo.
Ang partisipasyon ng Maoistang partido sa pakikibakang pang-unyon at sa ligal na mga pakikibaka ay hindi konsistent sa kanilangesensyal na lohika, pero kailan ba naging konsistent ang isangkahibangan?
Namumutiktik din ang mga larangang ito sa mga peligro at patibong ng repormismo, kung ang rason ng partisipasyondito ay mas kongkreto ang pakinabang ng masa, lilitaw na sa kamusmusan ng pag-iisip at pagkahirati sa suhetibong kagustuhan na tatak ng kapaslitan, talagang hindi masapol ng Maoistang partido ang kabuluhan ng parlamentaryong pakikibaka para sa pakikibakang masa at mismo para sa mapagpasyang pakikibaka laban sa repormismo, ligalismo at parlamentarismo. Talagangwalang pag-asang maintindihan ng Maoistang partido angdayalektika ng pagsulong ng pakikibakang masa at ang materyalistang pananaw sa pag-unlad ng kamalayang pampulitikang masa ng uri hangga't hindi naitataktak mula sa utak nito ang
metapisika't idealismong natutunan sa simplistiko at mekanikal naideolohiya ng Maoismo.
Bago tayo tumungo sa mas positibong presentasyon ngimportansya't kabuluhan ng parlamentaryong pakikibaka para sarebolusyonaryong proletaryado, patulan muna natin angpagkahindik ng Maoistang partido sa anumang mga pakikibakangnapalilibutan ng peligro at patibong ng repormismo, parlamentarismo at ligalismo.
Wala, ayon kay Lenin, at kailanman ay hindi magkakaroon ng anumang porma ng pakikibaka at ng anumang pampulitikangsitwasyon na walang kalangkap na mga peligro. Kung walang rebolusyonaryong makauring instinkt, kung walang integral na pananaw sa daigdig na nasa syentipikong antas kung walang utaksa loob ng ulo ang paglahok mismo sa alinmang pakikibaka ay peligroso. Ang paglahok sa mga welga ay maaaring tumungo saekonomismo; ang paglahok sa parlamentaryong pakikibaka aymaaaring bumagsak sa parlamentaryong kretinismo.
At kahit nga ang armadong pakikibaka ay tadtad ng peligrongpang-ideolohiya —maari itong tumungo sa adbenturismo, anarkismo, terorismo o putsismo. Kaya't kung dahil lang sa takot sa mga peligrong nakaabang ay iiwasan o aatrasan ang isang tamang paraan at obligadong daanan ng pakikibaka, dapat mahiya tayong tawagin ang ating mga sarili na rebolusyonaryo at manigas na lang sa isang sulok.
Kung ang reklamo sa paglahok sa burges na mga parlamento at eleksyon ay nangangahulugan ng pagsuporta o pagkunsinti sa burges na kaayusan, at sa lahat ng kasamaan at kabulukan nito,narito ang sagot ni Lenin: "Ito ay isang argumento na bagay sa mga anarkista o kaya 'y mga Narodnik. Ang mga Sosyal-Demokrata ay hindi umaatras sa pakikibaka para sa kalayaang pampulitika sa batayang ito ay burges na kalayaang pampulitika. Minaltrato ng mga Sosyal-Demokrata ang ganitong 'pagsuporta' sa burges na kaayusan mula sa istorikal na punto-de-bista."
Ang mga Marxista, ayon kay Lenin, ay hindi kailanman nangilag at mangingilag na sabihin na sinusuportahan nila ang republikang tipo ng demokratikong kaayusang burges bilang maskatanggap-tanggap kaysa awtokratikong tipo ng kaayusang burges na mantinado ang mga labi ng pyudalismo. Ngunit "sinusuportahan"lang nila ang burges na republika dahil ito ang pangwakas na pormang makauring paghahari, dahil nag-aalok ito ngpinakakumbinyenteng larangan para sa pakikibaka ng proletaryado laban sa burgesya. Sinusuportahan ito, hindi dahil sa mga karsel at pulis, sa pribadong pag-aari at prostitusyon ng kapitalismo, kundi dahil sa lawak at layang pinapayagan nito para labanan ang ganitong mga "tsarming" na institusyon ng burgesya.
Pero sabi nga ni Lenin, kung kalilimutan, kahit panandalian, ang makauring kaibhan ng proletaryado kumpara sa petiburgesya,kung tayo'y nakikipag-alyansa nang wala sa panahon o walangpakinabang sa di mapagkakatiwalaang petiburges na mga partidong intelihensiya, kung mawawaglit sa paningin ng mga Marxista,kahit panandalian, ang sariling independyenteng mga layunin atpangangailangan — sa lahat ng pampulitikang mga kalagayan atpangyayari, sa lahat ng pampulitikang krisis at kombulsyon — namabigyan ng nangingibabaw na importansya ang pagpapaunlad sa kamalayang makauri ng proletaryado at ang sarili nitongindependyenteng mga organisasyong pampulitika, mismong ang partisipasyon ng proletaryado kahit sa isang rebolusyonaryonggubyerno na produkto ng isang matagumpay na demokratikongrebolusyon ay sukdulang peligroso!
4. Kung tutuusin, kung ang kinatatakutan ng Maoistang partidosa partisipasyon sa burges na parlamento ay ang peligro ngrepormismo, dapat nitong maintindihan na ito mismo ang isang saligang layunin ng partisipasyon — ang bakbakin ang parlamentaristang repormismo sa hanay ng masa sa pamamagitanng tama at epektibong paggamit ng parlamentaryong pakikibaka.
Ang parlamentaryong pakikibaka ay parehas ng pakikibakangpang-unyon. Sa isang pakahulugan, mas "nakakatakot" angrepormismo sa larangan ng unyonismo dahil dito'y may kongkretong pang-ekononiyang pakinabang na napapala ang masa. Delikadong makontento na lang sila sa mga benepisyong ito atmag-ilusyong mapaigi ang kanilang kabuhayan kahit hindiwinawakasan ang sistema ng sahurang pang-aalipin. Sa parlamentaryong pakikibaka, ang kamandag naman ng repormismo ay nasa ilusyong maaring magkaroon ng mga reporma sa balangkas mismo ng bulok na sistema.
Ngunit paano natin binabaka ang ekonomismo at repormismong natural na pinasisibol ng unyonismo? Maliwanag na hindi sapaglayo at pag-atras kundi sa mismong paglahok at pagpupunyagi sa unyonismo, sa pang-ekonomyang pakikibaka at sa pagkakamitng mga kongkretong tagumpay na pang-ekonomya. Ang peligrong repormismo ay kung sa paglahok natin sa unyonismo ay hindi natin ginagamit ang pag-ugat sa masa ng uri, ang kanilang pagkakaorganisa at pakikibaka sa antas ng unyonismo para itaas ang kanilang kamalayang pampulitika at partisipasyon sa pampulitikang pakikibaka, ang kanilang pagkakaorganisa at kamalayan bilang uri, at higit sa lahat, ang kanilang sosyalistang pagkamulat.
Sa gayunding paraan, hindi natin mababaka at mababakbakang parlamentaristang mga ilusyon sa hanay ng masa kung lalayuanat aatrasan natin ang parlamentaryong larangan at ipauubaya na lang ito sa burgesya para gawing solidong moog ng repormismo na walang tigil na magbubuga ng demokratikong mga ilusyon samamamayan. Ang pinakamabisang paraan para tibagin ang moog na ito ay hambalusin nang hambalusin ito ng mga pakikibakangmasa mula sa labas na naglalantad sa kainutilan nito, at magkaroon ng boses sa loob ang kilusang masa sa labas na maglalantad salahat ng kabulukan at kainutilan ng burges na parlamento, natahasang magsasabi, na ang ginagamit na bulwagan at mikroponoay ang mismong burges na parlamento, na ang instititusyong ito aykural ng baboy at bahay-putahan.
Tandaan natin na sa pagmumulat ng masa ay dapat tayong magsimula sa kung ano ang kanilang antas ng kamulatan. Ang pagsisimulan nating kaisipan sa hanay ng masa ay walang iba kundiang kaisipang ipinunla at pinag-ugat ng naghaharing sistema, dahilang naghaharing kaisipan sa lipunan ay ang kaisipan ng naghaharing uri. Sa kasalukuyan, hindi maikakaila na repormista ang naghaharing kaisipan sa hanay mismo ng masang anakpawis. Sa Pilipinas, may kasabihang ang paboritong libangan ng Pilipino ay elektoral na pulitika at talagang kinukuha nito ang atensyon ng mamamayan kabilang ang masang anakpawis.
Ang atensyon at interes na ito ng masa sa pulitika ay positibong bagay na kailangang bigyan ng makauri at rebolusyonaryong oryentasyon. Ang hamon ay kung paano babakbakin ang repormismo sa kanilang pampulitikang pananaw at paano makakaalpas sa pagkakapiit ang mayorya ng masang anakpawis sa mga atrasadong kaisipang bunga ng sukdulang kahirapan, kaapihan at kamangmangan.
Isang bagay ang tiyak, hindi ang mga ambus at reyd sa kanayunan o mga operasyong partisano sa kalunsuran ang behikulong pampulitikang pagkamulat ng mamamayan o ang paraan parabakbakin ang repormismo, ligalismo at parlamentarismo. Ang kailangan ay tunggalian ng uri sa larangan ng ideolohiya o kaisipan, at narito ang mapagpasyang kabuluhan ng sinasabi ni Lenin na"pampulitikang kalayaan" na maaring igawad ng burges na demokrasya.
Ang mismong unyonismo na isang demokratikong konsesyonng burgesya sa uring manggagawa matapos ang mahabangkasaysayan ng pakikibaka ang mismong dinadaanang proseso ng makauring pagkamulat at pakikibaka ng proletaryado, at kung wala ang ganitong karapatan, mahirap isipin kung paano ang proseso ng pag-unlad ng pagkakaorganisa ng masang manggagawa. Ang pagkakaroon ng mga kalayaan sa pamamahayag, sa asembliya, sa pag-oorganisa, at iba pang pampulitikang kalayaan at demokratikong karapatan ay kapwa mga "katas" ng burges nademokrasya at ng demokratikong pakikibaka ng mamamayan nagaano man kalimitado at gaano man kapalsipikado sa esensya't nilalaman ay mga instrumento pa rin sa kamay ng mga rebolusyonaryo para sa pagtataas ng kakayahan at kahandaan ng proletaryado para sa pakikibaka laban sa burgesya. Nasa ganitong katuturan ang kabuluhan ng parlamentaryong pakikibaka at ang partisipasyon sa burges na parlamento.
5. May tatlong saligang layunin ang rebolusyonaryong linya ng pagsusulong ng parlamentaryong pakikibaka. Ngunit lahat ng ito ay tungo sa iisang direksyon — ang pasilitasyon ng pampulitikang matyuridad ng proletaryado bilang isang uri at bilang isang partido at ang pagpapaigting ng kanyang makauring pakikibaka para sa demokrasya at para sa sosyalismo.
Nilalayon natin sa pamamagitan ng parlamentaryong pakikibaka ang pagsusulong ng pakikibaka para sa demokratikong reporma sa loob at labas ng reaksyonaryong burges na parlamento.Lahat ng mga karapatan at kalayaang tinatamasa ngayon ng uring manggagawa at mamamayan ay nakamit sa kaparaanan ng pakikibakang masa at ang ligalisasyon at institusyunalisasyon nito ay nagdaan sa proseso ng parlamentaryong pakikibaka. Ang mgakonsesyong ito ay kongkretong mga tagumpay ng kilusan ng uringmanggagawa sa buong daigdig. Kung ito man ay nagiging instrumento ng repormismo ay hindi dahil mali ang magkaroon atgamitin ng mga manggagawa ang ganitong mga konsesyon kundidahil sa kapabayaan sa pampulitikang pagmumulat at kawalan ng matinong rebolusyonaryong taliba sa unahan ng kilusang manggagawa.
Hindi na natin uulitin pa ang krusyal na kahalagahan ng mga demokratikong repormang ito bukod sa idiin ang katotohanang narito ang esensyal na lohika ng mismong partisipasyon at pamumuno ng proletaryado sa demokratikong rebolusyon. Ang mismong kahilingan sa demokratikong halalan at karapatang maghalal at mahalal ay isa mismo sa mga saligang kahilingan ng proletaryado sa panahon nina Marx, Engels at Lenin. Kaya'tsukdulang kagunggungan na tapatan ang usaping ito ng parlamentaryong pakikibaka ng boykotistang linya ng Maoismo.
Saligang nilalayon din ng parlamentaryong pakikibaka na magamit itong mabisang behikulo sa pag-oorganisa ng masa at pakikibakang masa. Kung tutuusin, sa pangkalahatan, masimportanteng layunin ito sa paglahok sa elektoral na labanan kaysa mismong partikular na pagpapanalo ng mga kandidato. Gayunman, hindi ito dapat intindihin bilang katwiran para balewalain ang importansya ng mga elektoral na tagumpay at magkasya na lang saganansyang propaganda at organisasyon dahil ilang ulit masmagiging mabisa ang huli kung makakamit ang una. Ang bisa ngparlamentaryong pakikibaka para sa ganitong layunin ay magaganap lang kung mayroon tayong sariling plataporma, sariling mga kandidato at sariling partidong nagtataguyod sa ating rebolusyonaryong linya.
Wasto lang na itakdang layuning makapasok ang mgarebolusyonaryong kadre ng partido sa loob ng burges na parlamento at hindi mali na ambisyunin sa hinaharap ang magkaroon ng signipikanteng representasyon ang proletaryado at ang masanganakpawis sa loob ng reaksyonaryong institusyong ito. Ang pundamental nilang tungkulin ay gamiting bulwagan angparlamento para ilantad ang repormismo, igiit ang kahilingan ngmamamayan, at maging instrumento ng komprehensibongrebolusyonaryong propaganda laban sa bulok na sistema at estado.
Tama rin na pasukin ang iba't ibang antas ng katungkulan salokal na pamahalaan. Kung hindi man ito kasing-bisang instrumentona gaya ng Kongreso para sa pampulitikang propaganda sa mgapambansang isyu, ito naman ay epektibong magsisilbi para sa pagpapalawak at solidipikasyon ng baseng masa sa teritoryal na antas. Mahihirapang mahinog ang rebolusyonaryong sitwasyonnang hindi tayo nakararating sa antas na ang rebolusyonaryongkilusan ay hindi nagiging signipikanteng salik sa lokal na mga halalan sa importanteng mga lugar ng bansa na may malakingkonsentrasyon ng manggagawa.
Panahon nang iwaksi at itakwil ang primitibong mga kaisipangnatutunan natin sa Maoistang tradisyon kaugnay ngparlamentaryong pakikibaka at unawain ang kabuluhan nito parasa makauring pagsulong ng masang anakpawis. Panahon nangplanuhin nang mahusay ang pagpapaunlad at paghahanda ng parlamentaryong pakikibaka sa iba't ibang porma at antas nito. Saesensya, ang ultimong layunin ng ating partisipasyon sa burges naparlamento ay marating sa tulong nito ang sitwasyongpampulitikang pumupukaw sa masa na itakwil ang burges naparlamento at burges na eleksyon at maipanawagan ng rebolusyonaryong proletaryado ang islogan ng rebolusyonaryong boykot na hindi simpleng pasibong abstensyon kundi hudyat ng insureksyunal na sitwasyon.
1. Mula 1992, ang rebolusyonaryong kilusan sa Pilipinas ay sinaklot ng panloob na krisis. Nagkabiyak-biyak sa maraming paksyon at sinumpong ng sunud-sunod na mga isplit na hanggang ngayon ay nagpapatuloy. Tuwang-tuwa ang reaksyonaryo at repormistang mga pwersa sa pag-aakalang ito na ang simula ng disintegrasyon ng Marxistang kilusan sa bansa. Ang totoong naaagnas sa krisis ay ang Maoistang tendensya sa Pilipinas at ang krisis na ito ay nagbigay-daan sa paglitaw ng isang tunay na kilusang Marxista na nakapundar sa lakas ng uring manggagawa.
2. Bago pa sumambulat ang krisis na ito noong 1992, grabe na ang ibinagsak ng organisadong lakas, armadong pwersa at pampulitikang impluwensya ng Maoistang partido sa panahon ng rehimeng Aquino. Matapos ang Edsa, tuluy-tuloy ang paghupa ng rebolusyonaryong kilusan. Isang kakatwang penomenon dahil kagagaling lang natin sa isang istorikal na pag-aalsang nagbagsak sa pasistang diktadura at naibalik ang burges na mga institusyon ng demokrasya. Ang ganitong baliktad na pangyayari ay indikasyon ng malubhang mga pagkakamali na nagbunga ng demoralisasyon sa rebolusyonaryong hanay.
Hindi naampat ang ganitong paghupa at pagbagsak kaya't noong 1992, sa inilabas na dokumento ni Sison,ang "Reaffirm Our Basic Principles and Rectify Errors," inamin ang walang kaparis na pagdausdos ng rebolusyonaryong kilusan. Kasabay ng pag-amin na ito, ipinilit ni Sison ang sariling mga analisis at solusyon sa problema. Ang dokumentong ito ang naging mitsa ng krisis ng Maoistang partido nang ito'y pagtibayin sa isang bogus na plenum ng Komite Sentral noong 1992 at ilunsad ang sinasabi nitong "kilusang pagwawasto."
Kung pag-aaralan ang pinagsimulang mga batayan ng lahat ng naganap na isplit, madaling makita ang karakter ng krisis ng rebolusyonaryong kilusan. Unang-una na, bawat isplit ay walang dinaanang mahaba-habang proseso ng pang-ideolohiyang tunggalian na sapat para umabot sa kasukdulan ng isang isplit. Ang sentral na liderato ay totoong absolutista. Subalit hindi ito maaring gamiting palusot sa kabiguang lubusang ipahayag at ilunsad sa anyo ng mga papeles ang mga debateng pang-ideolohiya. Ang salik pa ng absolutismo ay nasa magiging resulta ng tunggalian ngunit hindi sa nilalaman nito.
Ikalawa, mas ang batayan ng mga isplit ay personal at organisasyunal. Nang umabot sa ganap na isplit ang debate ng 1992, hindi pa ito tumitining sa mga usapin ng pundamental na prinsipyo at linyang pang-ideolohiya. Ang mga kontrobersya sa partikular na mga patakaran ay nanatiling nasa balangkas pa rin ng linyang pang-ideolohiya ng Stalinista-Maoistang partido. Tanging sa pagkakabuo lang ng KRMR ng Counter-Thesis I noong 1994 at Counter-Thesis II noong 1995, nagawang mailatag ang pakikipagtunggali sa Maoistang partido sa pundamental na balangkas ng teorya at taktika.
Ang ikalawang isplit ay naganap nang bumaklas ang "Third Force" sa mainstream ng "Rejectionists." Binuo ito ng NationalUnited Front Commission (NUFC), Peasant Bureau, Home Bureaung International Liaison (IL), mga kalat-kalat na indibidwal na gaya nina Ricardo Reyes, at ang Central Mindanao Region (CMR) nanamamangka sa dalawang panig ng kampong RJs.
Imbes na ang seryosong pagtuunan ang pagpapalaman atpagpapalalim ng pang-ideolohiyang tunggalian sa RAs at kahit saloob tig RJs — na siyang posisyon ng KRMR para sa pagkakaisaat siyang rason ng paglalabas ng Counter-Thesis I — ang inasikaso nila ay muling pagpapaksyon at panibagong isplit. Nakabig ng kalihim ng NUFC ang kanyang asawa na noon ay umaaktong kalihim ng Viscom sa pagkahuli ni Tabara, at binulabog naman nito ang mga organisasyon ng RJs sa Kabisayaan.
Ang pagbaklas na ito ng "Third Force" ay hindi kinakitaan ng hayagang pang-ideolohiyang nilalaman. Ang tunay na dahilan ng kanilang pag-isplit sa hanay ng RJs ay likha pa ng personal na antagonismo sa kalihim ng KRMR, partikular ng kalihim ng NUFC.
Ang kalihim na ito ng NUFC, sa panahong bumabaklas angkaramihan sa bogus na Komite Sentral ay nanatili sa RAs. Siya ang pinagkatiwalaan nina Sison at Tiamzon na maging implementor ng "Kilusang Pagwawasto" sa NCR. Siya ay pumigil sa kanyang mga kasamahan sa NUFC na bumaklas. Nang bumaklas siya saRAs, karay ang isang seksyon ng NUFC, ito'y sa mas personalpang dahilan.Ura-uradang binuo ng "Third Force" ang kanilang sarili sa isang partido at tinangka din na magbuo ng bagong alyansang multisektoral, ang Siglaya. Ang dalawang proyektong ito ay agad na sumadsad at nanabog. At ang dahilan din ay personal na mgaantagonismo at kumpetensyahan sa kanilang hanay. Ang pagkakabiyak-biyak na ito ng Third Force ay ang ikatlong isplit na nagbunga ng maraming pira-pirasong grupo na sampay-bakod ang katangian.
Malinaw na pinatunayan ng pagsambulat ng "Third Force" nahindi ang kalihim ng KRMR ang dahilan kung bakit hindi nagkaisaang buong hanay ng RJs. Ang tunay na dahilan ay ang petiburgesna kabuhaghagan at kapaslitan ng mga elementong kalahok dito.Huling bahagi ng 1996 ay binuo ang probisyunal na liderato ng Rebolusyonaryong Partido ng Manggagawa (RPM) sa teoretikalat taktikal na balangkas ng Counter-Thesis I ng KRMR. Sa panahon ding ito, natapos na ng KRMR ang Counter-Thesis II. Kalahok sa probisyunal na lideratong ito ang mga kinatawan ng MR, Negros, Panay at CMR. Umatras ang CMR dahil lumitaw ni hindi pa pala nagkakaisa ang kasapian nito sa paglahok sa RPM.
Nang tumanggi ang Kalihim ng KRMR na tumayong probisyunal na tagapangulo ng RPM, naobliga si Arturo Tabara na aktuhan ito. Ang napagkaisahang tungkulin ng probisyunal naliderato ay idaos ang Kongreso ng Pagtatatag ng RPM at ihanda ang mga kinakailangang papeles para dito. Hindi nagampanan ni Tabara na pamunuan ang probisyunal na liderato sa tungkulin nitong ihanda ang Kongreso at ang mga papeles nito. Ang sinisi ay ang kalihim ng KRMR dahil sa pagtanggi nitong aktuhan ang pamumuno sa bagong partido. Ito ang ginagamit na palusot ng Bloke sa loob ng KRMR para magpakana ng panibagong paksyon at isplit sa loob naman ng dating solidong KRMR. Alam ni Tabara ang pakanang ito, at bandang huli ay lumitaw na siya'y kasabwat ng Bloke sapambubulabog sa KRMR. Ito ang ikaapat na isplit na ang naging target ay ang KRMR.
Sa isplit na ito ay muli na namang lumitaw na wala itong pang-ideolohiyang nilalaman bukod sa hibang at haka-hakang paratang ng likidasyunismo. Isang ganap na kabalbalan dahil ang kalihim ng KRMR ang sumulat ng Counter-Thesis I at Counter- Thesis II na naglinaw sa Marxista-Leninistang linya ng bagong partido. Samantalang ang mga nag-akusa ng likidasyunismo at nagpakana ng paksyunalismo ay walang anumang kontribusyong nagawa sa pagbabalangkas ng linya at mga dokumentong ito. Ang mga pasimuno nito ang prinsipal na naatasang asikasuhin ang paghahanda at pagdaraos ng Kongreso ng RPM. Imbes na aminin ang kanilang kainutilan, isinisi nila ang kanilang kapalpakan sa iba. Tumanggi ang kalihim ng KRMR na siya ang prinsipal na umasikaso ng Kongresong dahil sa tingin niya, ang dapat niyang personal na asikasuhin ay ang kilusan ng uring manggagawa. Ito'y sa kalagayang naiambag na niya ang personal na kontribusyon sa pagbubuo ng bagong partido sa pagkakabalangkas ng linyang teoretikal at taktikal nito.
Nagpasyang iatras ng KRMR ang awtoridad na ibinigay nito sa probisyunal na liderato at nagsarili ng kilos matapos makumpirma na kasabwat si Tabara at ang mayorya ng probisyunal na liderato ng RPM sa paksyunalismo at isplitismo ng Bloke, sa kabilang banda, ipinagpatuloy ang pakikipag-ugnayan sa Komiteng Rehiyon ng Negros at ilang mga kadre sa Panay na namumuno sa kilusang manggagawa.
Ang pagkakabiyak na ito ng RPM dahil sa pakana ng Bloke at ni Tabara ang maituturing na ikalimang isplit. Kasabay o kasunod nito ay sumiklab din ang panibagong sigalot sa loob ng RA na pinangunahan ng mga kadre nito sa Central Luzon. Personal at organisasyunal na mga antagonismo rin ang tunay na rason sa likod nito at wala ring substansyal na nilalaman sa antas ng prinsipyo at linyang pang-ideolohiya. Ang pagtatalo nito ay mas nakatuon pa sa partikular na mga patakaran gaya ng kilusang masa at nanatiling nasa balangkas pa rin ng Maoistang rebolusyon."Pambansa-demokratikong" linya pa rin ang sinusunson ng mga bumaklas at mas anti-Tiamzon ang katangian ng isplit. Ito ang maituturing na ikaanim na isplit sa rebolusyonaryong hanay.
Nang bumaklas ang Bloke, nagbabala ang KRMR na ito'y pakana ng dalawang kaduda-dudang elemento, ang tambalang Boyet-Drigo. Ginagamit lang ang magbayaw na Sergio Romero at Jad, mga kadreng mas nakatataas sa kanila para sa kanilang tunay na adyenda na atakehin at siraan ang kalihim ng KRMR.
Hindi nagkamali ang babalang ito dahil ilang buwan lang ay sila-sila naman sa Bloke ang nagbangayan at ang magbayaw naman ang tinira. Ibinunga nito ang ikapitong isplit, ang pagkakabiyak ng Bloke gayundin ang RPM-RPA. Si Sergio Romero ay sumama kay Tabara sa pagdaraos ng moro-morong Kongreso ng RPM. Ang kanyang bayaw naman ay tuluyan nang nagretiro bilang isang demoralisadong elemento.Ang paksyong Boyet-Drigo ay bumaklas sa RPM at nakisilong sa Bisig. Karay-karay nito ang isang seksyon ng ABB para sa kanilang mga operasyong ekstorsyon, kasabay nito ay nagpakana ang tambalang Tabara-Romero ng maituturing na ikawalong isplit. Ang naging target naman ay ang Komiteng Rehiyon ng Negros. Sa naganap na panghahating ito, ang armadong pwersa sa kanayunan ay kanilang nakabig.
Samantalang ang kilusang masa ay napanghawakan ng seksyon ng KR ng Negros na nasa pamumuno ng kalihim ng rehiyon. Matapos ang isplit sa Negros ay muling bumungad sa KRMR ang isang pipitsuging isplit na pwede na ring bilangin bilang ika-siyam na isplit. Si Sonny Melencio ang may pakulo nito, kasama ang kanyang maliit na sirkulo ng mga alagad na kabataan. Tumatagas sa amatyurismo ang sirkulong ito na kung gumalaw ay parang mga Saksi ni Jehovah na ngayon lang nasinagan ng liwanag ng katotohanan sa mga iginigiit nito. Ang gusto nila'y pairalin ang isang partido sa balangkas at molde ng kinahuhumalingan ni Melencio na Democratic Socialist Party (DSP) ng Australia. Isang ligal na partido na umiinog ang buong aktibidad sa isang sosyalistang dyaryo at sa paghuhumiyaw ng pantasya ng unipikasyon ng malawak na "Kaliwa." Matapos umisplit ay sumanib naman ito sa isang isplinter ng lumang Lavaistang partido at nagbuo ng isang ligal na partidong diumano'y Marxista-Leninista.
May mga ulat ngayon na lumalabas sa midya na may ika-sampung isplit at ito'y sa kampo naman ni Sison. Ang mga balita ay ang mag-asawang Tiamzon naman ang hihiwalay kay Sison. Ito ay tunggalian ng magkakaibang mikrobyo ng Maoismo-Stalinismo at patindihan lang ng petiburges na rebolusyonismo.
3. Sa pag-aaral ng karakter ng krisis, kailangang partikular na palalimin ang pag-aaral at pagsisiyasat kay Tabara. Dahil kung tama ang mga suspetsa sa taong ito, hindi maiiwasang magmarka ang kanyang papel sa mga pangayayaring naganap. Sa siyam na isplit na naganap, direkta siyang kasangkot sa lima at may krusyal na papel na ginampanan, at malamang na mayroon ding kinalaman sa dalawa pa (sa ikapito at ikasiyam).
Kung babalik-aralan ang lahat ng pangyayari, siya ang personal na nagsindi ng mitsa ng unang isplit. Pero ang nakapagtataka ay nagpatumpik-tumpik siya sa unipikasyon ng Kabisayaan.Malaking bahagi ng pwersa sa Kabisayaan ay nakabig ng RAs gayong siya ang matagal nang namumunong kadre sa lugar na ito. Ipinagkatiwala sa kanya ang pag-aktong lider ng RPM pero sa mahigit isang taon ay halos wala siyang ginawa at pinabayaan ang paghahanda para sa Kongreso.
Imbes na akuin ang responsibilidad, isinumbat niya sa iba ang kapabayaang ito. Habang abalang-abala ang lahat ng namumunong kadre sa kanya-kanyang trabaho, ang taong ito ay halos walang ginagawa at hindi malaman kung paano ginugugol ang panahon. Sa panahong nagkagulo ang KRMR at ang orihinal na RPM, bigla siyang naging aktibo. Biglang-bigla ay naging abala at agresibo sa kanyang pagiging lider ng palsipikadong "RPM."
4. Ang mismong karakter ng mga naganap na isplit ay nagpapakita at nagpaparanay sa pekulyaridad ng krisis ng rebolusyonaryong kilusan. Hindi sumisiklab sa pundamental na mga batayang pang-ideolohiya kundi mas ang naging padron ay sa mga batayang organisasyunal at personal. Ito ay isang krisis na resulta ng sagad na kababaan at talamak na kamusmusan ng teoretikal na kaalaman at kamulatan ng liderato at kasapian ng buong kilusan. At ng lahat ng panig sa mga kontrobersyang pampartido.
Sa kabuuan, ang naganap na "tunggaliang pang-ideolohiya" ay tunggalian sa pagitan ng dogmatismo at empirisismo, at hindi ng Marxismo-Leninismo laban sa Stalinismo-Maoismo, o anupamang lihis na tunguhing pang-ideolohiya. Tinangka ng Counter-Thesis I at Counter-Thesis II na ilagay sa teoretikal na batayan ang tunggaliang pang-ideolohiya. Subalit sa buong proseso ng paglubha ng krisis, hindi makaangat sa ganitong antas ang mga debate at nalugmok na lang sa burak ng personal at organisasyunal na mga bangayan na parating nauuwi sa mga isplit. Binabanggit ang Counter-Thesis I at Counter-Thesis II hindi bilang teoretikal na pamantayan kundi dahil walang ibang mababanggit mula sa alinmang panig kaugnay ng teoretikal at taktikal na balangkas bukod sa mga papeles na ito.
Katunayan, mismong ang RAs ay hindi tinangkang sagutin ang mga papeles na ito, gayong teoretikal at komprehensibong inaatake nito ang buong balangkas ng Maoistang kilusan sa bansa. Nagkasya na lang ito sa kampanya ng islander at black propaganda na nagpapatunay kung anong klaseng teorya at liderato mayroon ito.
Sa bahagi naman ng mga RJs, tuluy-tuloy na naganap sa hanay nito ang biyakan. Ang sentro ng atake ay laging KRMR o ang kalihim nito. Ngunit kahit anong papeles para buo o parsyal na salungatin sa antas ng teorya ang nilalaman ng Counter-Thesis I at Counter-Thesis II ay walang lumabas. Kaparis rin ng Sisonistang partido, kampanya ng personal na paninira at intriga ang ginamit na sandata ng mga isplitista sa hanay ng RJs para pagkaisahin ang kanya-kanyang kabig at atakehin ang KRMR.
Ang mismong naging unipikasyon ng mga kadre at kasapi ng KRMR o ng orihinal na RPM sa mga Counter-Thesis ay hindi nagdaan sa mga debate. Ito'y sa kabila ng kontrobersyal na nilalaman nito na binaliktad ang nakamulatang Maoistang balangkas. Ang problema sa ganitong "kawalan ng debate" ay hindi pa ang kakulangan ng kaalamang teoretikal kundi ang mga intelektwal na pretensyon at arogansya sa isang panig, at sa kabilang panig, ay ang kawalan ng interes sa mga teoretikal na usapin. Katunayan,sinabotahe mismo ni Tabara ang pagpapalaganap ng mga papeles na ito sa Kabisayaan at iniwan na lang sa pagkukusa ng mga komite at kadre ang pagtalakay.
4. Batay sa ganitong karakterisasyon ng krisis ng rebolusyonaryong kilusan sa bansa, hindi maaring sabihin na ito ay isang krisis ng Marxismo. Ang ganitong klaseng krisis ay umiiral lang sa persepsyon ng mga reaksyonaryo't repormistang pwersa. Mula nang mangibabaw ang Stalinista at Maoistang mga tendensya sa rebolusyonaryong kilusan sa bansa ay nauna nang naganap ang krisis ng Marxismo-Leninismo bilang sistemang pang-ideolohiya ng proletaryado dahil sa bulgarisasyon at dogmatisasyong ginawa ng mga petiburges na ideolohiyang ito.
Ang internal na krisis na sumiklab noong 1992 ay mas tamang ituring na krisis ng Stalinismo at Maoismo sa bansa. Ang krisis na ito ay obhetibong naglatag ng ideolohikal na kondisyon para sa resureksyon ng tunay na diwa ng mga aral nina Marx, Engels at Lenin. Ito ang naglatag ng kondisyon sa pagbubuo ng isang tunay na proletaryong rebolusyonaryong kilusan at partido na pinapatnubayan ng mga aral na ito.
Ito ay isang obhetibong karakterisasyon ng krisis ng kilusan sa Pilipinas. Hindi isang pagtatangka na retorikal na salamangkahin ang kalikasan nito para pangalagaan ang reputasyon ng proletaryong ideolohiya. Unang-una na, saan mang anggulo natin tingnan ang pang-ideolohiya, pampulitikaat pang-organisasyong balangkas ng rebolusyonaryong kilusan na sinaklot ng internal na krisis noong 1992, hindi natin makita ang anumang esensyal na asosasyon nito sa balangkas nina Marx, Engels at Lenin bukod sa mga deklarasyong sinasangkalan ang pangalan ng Marxismo-Leninismo.
Ikalawa, sa istorikal na pananaw, ang totoong krisis ng Marxismo ay ang mga kalagayang ang mga orihinal na diwa nito ay sinapawan at binanlawan ng salungat na linyang pang-ideolohiya. Ang ganitong pangyayari ay matagal nang naganap sa bansa mula nang mangibabaw ang Stalinismo ng partidong Lava at ang Maoismo ng partidong Sisonista.
Ikatlo, paanong masasabi na ang Marxismo sa Pilipinas ang nasa krisis kung ang totoong sitwasyon ay hindi naman isang proletaryong rebolusyonaryong sosyalistang kilusan ang umiiral sa bansa na may malalim na ugat sa hanay ng kilusan ng uring manggagawa. Ang dumaranas ng krisis at disintegrasyon ay isang rebolusyonaryo-demokratikong kilusang magsasaka sa kanayunan na inorganisa't nasa impluwensya ng petiburges na rebolusyonismo ng Maoistang partido.
Sa kabila ng katotohanang hindi ang Marxismo ang nasa krisis bilang linyang pang-ideolohiya, hindi naman maikakaila ang katotohanan na nasa krisis ang rebolusyonaryong kilusan sa bansa. Sa ganitong pakahulugan lamang maaring masabi na ang Marxismo sa Pilipinas ay nasa krisis.
Unang-una na, ang mismong persepsyong gumuguho ang "Marxistang" kilusan sa Pilipinas ay bahagi ng obhetibong realidad na umaapekto ia prestihiyo ng ideolohiya at kilusang ito ng proletaryado.
Ikalawa, demoralisado at lubusang nalilito ang mga rebolusyonaryong elemento na ang paniwala sa kanilang paninindigan ay Marxista-Leninista o ang akala sa Stalinismo-Maoismo ay kumakatawan sa mga aral nina Marx, Engels at Lenin.
Ikatlo, hindi maihihiwalay ang pagbangon ng Marxismo sa pagbangon ng rebolusyonaryong kilusan. Ipinupundar natin ang isang tunay na Marxistang kilusan sa bansa sa kalagayang bagsak ang pangkalahatang kilusang demokratiko.
Ikaapat, at ito ang pinakakrusyal na usapin, ang intelektwal at teoretikal na aspeto ng rebolusyonaryong kilusan ay masyadong naapektuhan ng dogmatismo at empirisismo na umiral sa nagdaang mga dekada. Ang istorikal na distorsyong ito sa pagsulong ng pampulitikang matyuridad at kapasidad ng rebolusyonaryong kilusan ay ibayong magpapahirap sa pagbubuo ng proletaryong taliba at pagpapatining ng Marxistang kaisipan sa rebolusyonaryong praktika sa bansa.
Ang ikaapat na kondisyong ito ang nagdedetermina sa antas na inabot ng krisis ng rebolusyonaryong kilusan. Mula sa krisis ng kalituhang pang-ideolohiya, lumala ito sa antas ng intelektwal na krisis sa anyo ng krisis sa liderato ng rebolusyonaryong pakikibaka. Ang mismong masalimuot na proseso ng muling pagbubuo ng partido at pagpapaunlad nito sa pamantayan ng isang tunay na proletaryong taliba ay repleksyon ng kalubhaan ng krisis ng rebolusyonaryong kilusan sa Pilipinas.
Ngayong binubuo natin ang bagong rebolusyonaryong partido ng manggagawang Pilipino at dinadalisay ang mga saligang prinsipyo ng Marxismo Leninismo, pinasisimulan natin angmapagpasyang hakbang para lampasan ang kasalukuyang krisis ng kilusan sa Pilipinas at pangibabawan ang istorikal na mga distorsyong nangyari sa rebolusyonaryong pakikibaka. Ang pagbubuo ng partido sa teoretikal na batayan at patnubay ng Marxismo-Leninismo ay hindi pa mapagpasyang hakbang. Ang tunay na krusyal na hakbang ay ang marating ang isang mataas na antas ng pagsasanib ng sosyalistang kilusan na ito ng proletaryong partido sa malawak na kilusan ng masa ng uring manggagawa.
Sa pagsasanib na ito ng kapasyahang lampasan ang krisis at itatag ang bagong partido, may dalawa tayong partikular na nilalayon.
Una, ang pagkamulat ng pinakamahuhusay na elemento ng uring manggagawa, ang transpormasyon nila bilang Marxistang mga intelektwal at lider, at ang pagtangan nila ng mabibigat na responsibilidad sa ngalan ng sentro ng liderato ng bagong partido.
Ikalawa, makamit ang paglakas ng kilusan ng uring manggagawa,at sa paglakas na ito, muling mapasigla, mahigop at mapaunlad ang mga rebolusyonaryong intelektwal sa lipunan, sumapi sabagong partido at maging mga bihasang kadre at matatapat na teoretisyan ng rebolusyonaryong proletaryado at masang anakpawis.
1. Kung paanong ang kapitalismo ay isinilang mula sa sinapupunan ng lumang pyudal na sistema, ang kapitalismo ay magwawakas atmagluluwal din ng panibagong lipunan sa batayan ng sosyalisadongproduktibong pwersa na nilikha mismo ng burges na moda ng produksyon.
Ang pagsilang, pag-unlad at pagbagsak ng burgis na moda ng produksyon ay kumporme sa obhetibong mga batas ng paggalaw ng lipunan sa pangkalahatan at ng kapitalismo sa partikular. Ang suhetibong mga intensyon ng mga indibidwal na kapitalista at patakaran ng kapitalistang estado ay nililimitahan at nasa hangganan ng obhetibong mga batas na ito. Katunayan ang obhetibong mga batas na ito ang nagtatakda at humuhubog sa suhetibong mga intensyon at patakaran ng uri't estadong kapitalista.
Ang obhetibong mga batas ng paggalaw ng kapitalismo ay umaandar nang lingid sa kaalaman at kadalasa'y labag pa sakagustuhan ng mga kapitalista. Ang mga batas na ito ay hindi namanipinapataw ng isang kapangyarihang labas sa sistemang kapitalista, gaya ng "Sampung Utos" na ipinataw ng isang Panginoon sa langit para sundin ng mga nilalang sa lupa. Ang mga batas na ito ay resulta ng aksyon mismo ng mga kapitalista. Subalit hindi ito dulot ngmulat na sama-samang pagkilos ng mga kapitalista kundi bunga ng kanya-kanyang galaw ng mga indibidwal na kapitalista na bawat isa'y naghahabol sa tubo at nakikipagkumpetensya sa isa't isa.
Ang natatangi sa kapitalismo ay ang paghuthot ng tubo ng mga kapitalista, sa batayan ng monopolyo nito sa mga kagamitan sa produksyon, mula sa mga manggagawa, na wala ni anumang pag-aari kundi ang lakas-paggawa na kanilang ibinebenta kapalit ng sahod upang mabuhay. Ang paghahabol sa tubo ng mga kapitalista ay isang obhetibong batas ng sistema na itinulak ng kompetisyon ng mga kapitalista, nakabatay sa akumulasyon ng puhunan at nakakamit sa paghuthot ng labis na halaga.
Ang paghahabol sa tubo ay ang motor ng pag-unlad ng kapitalismo, ang bukal ng progresong iniluwal ng sistemang ito. Subalit ito rin ang sumpa na wawasak sa lipunang ito, ang ugat ngkrisis na pana-panahong pumipilay sa kapitalismo. Ang krisis naito ay isang obhetibong batas ng paggalaw ng kapitalismo na nag-uugat sa mga pundamental at pansistemang kontradiksyon nglipunang ito.
2. Kinikilala ng mismong burges na pampulitikang ekonomyaang katotohanan ng pagsiklab ng pana-panahong sigalot ng kapitalistang ekonomya, ang pagsasalitan ng panahon ng ekonomikong kasiglahan at krisis. Hindi nga lang nito inuugat ang mga krisis na ito sa panloob na mga suliranin ng mismong sistema at ang sinisisi ay ang mga problemang panlabas dito. Naiiba ang Marxistang pagsusuri sapagkat tinutukoy nito ang pansistemang mga kontradiksyon ng kapitalismo bilang ugat ng pana-panahong krisis at obhetibong salik sa ultimong pagbagsak ng sistemang ito. Ang pana-panahong mga sigalot sa kapitalistang ekonomya ay likha ng krisis ng sobrang produksyon. Sa isang banda, kongkretong tendensya ng kapitalismo ang lumikha nang lumikha ng mga kalakal sa batayan ng makapangyarihang mga produktibong pwersa ng lipunan. Inoobliga ng kapitalistang kumpetisyon ang walang-tigil na pagpapaunlad sa kakayahan ng produktibong mga pwersang lumikha ng kalakal. Sa paghahabol sa tubo, ang kapitalistang sistema ay lumilikha ng mga produkto na para bang walang hangganan kundi ang kapasidad ng mga pwersa sa produksyon. Subalit bumabara sa pamilihan ang laksa-laksang produkto sapagkat limitado ang demand, limitado, hindi ang absolutong pangangailangan ng mga tao kundi ang kakayahang bumili ng mga manggagawa. Laging napag-iiwanan ng pag-igting ng produktibidad ng lipunan ang paglaki ng epektibong demand ng lipunan — sapagkat sinisikil ang sahod ng manggagawa sang-ayon sa amagonistikong relasyon ng kapital at paggawa.
Sa kabilang banda, namamayani ang kumpetisyon sa pagitan ng mga kapitalista na bawat isa ay naghahabol na mapamura ang kanyang produkto at makalikha ng mas marami upang makalamang sa karibal, makopo ang pamilihan at mapalaki ang tubo. Gayong organisado ang produksyon sa bawat empresa, nangingibabaw ang anarkiya sa produksyon sa kabuuan ng lipunan. Ang bawat kapitalista ay sumasabak sa produksyon nang 'di nalalaman kung anong produkto at gaano karami ang kinakailangan ng pamilihan at walang malay kung ano at gaano karami ang lilikhain ng iba.
Walang koordinasyon sa pagitan ng mga kapitalista, laluna sa loob ng isang linya ng industriya at maging sa pagitan ng mga sektor ng ekonomya. Walang proporsyonal na pag-unlad ang iba't ibang sektor na integral na bahagi ng iisang ekonomya. Hindi planado ang ekonomya, hindi mapagtugma ang produksyon ng bawat sektor, minsan ito'y nagkukulang pero mas malamang ito'y lumalabis, sapagkat bawat kapitalista ay nagpaparami ng produkto sa pagtatangkang makopo ang pamilihan sa disbentahe ng mga karibal.
Kinukumplika pa ito ng tendensyang bumagsak ang tantos ng tubo dulot ng akumulasyon ng kapital. Napakahalaga ang tantos ng tubo para sa kapitalista sapagkat ito ang panukat ng kahusayan ng kanyang pagiging kapitalista. Ito ang pangunahing salik na nagtatakda kung siya'y patuloy na mamumuhunan sa kanyang negosyo o magsasara na lang.
Ang tendensya ng akumulasyon ay palakihin ang tinatawag na constant capital (makina, hilaw na materyales, atbp.) relatibo sa tinatawag na variable capital (pondo para sa pasahod) na nagreresulta sa pagbagsak ng tantos ng tubo. Inoobliga ng kumpetisyon na pamurahin ng isang kapitalista ang kanyang produkto upang makopo ang pamilihan. Ang saligang paraan sa pagpapamura ng produkto — labas sa pagbenta nang palugi —ay sa pamamagitan ng pagpapaikli ng oras ng paggawa. Ito'y makakamit sa pagpapatindi ng produktibidad ng paggawa at ang pangunahing paraan nito'y ang mekanisasyon. Sa mekanisasyon, ang trabaho ng manggagawa ay pinapalitan ng makina na naglalaman ng nakaraang paggawa. Subalit ang buhay na paggawa ng manggagawa lang ang tanging lumilikha ng bagong halaga na pinagmumulan ng tubo, 'di pa ang mga makina na nagsasalin lang ng nilalaman nitong himang halaga at kumakatawan sa patay na paggawa. Kaya't sanhi ng mekanisasyon, lumiliit ang labis na halaga kumpara sa inilaang puhunan, bumabagsak ang tantos ng tubo. Kung malaganap angpagbaling sa mekanisasyon, bumabagsak ang pangkalahatang tantos ng tubo, tumutumal ang pamumuhunan, at sumisiklab ang resesyon.
Gayong tuwina'y nakaugat sa saligang mga kontradiksyon ng kapitalismo, ang isang aktwal na krisis ay maaring sindihan ng samu't-saring problema — paglubog ng stock market o pagkalugi ng malalaking korporasyon at bangko. Maari namang maantala ang krisis sa pamamagitan ng ekstensyon ng pautang para mabili ang sobra-sobrang mga produkto. Subalit maaantala lang ang pagsiklab ng krisis, hindi ito mapipigilan. Sa pag-antala sa krisis tinitiyak lang ang mas matindi nitong pagsambulat kalaunan. Nakakaahon ang kapitalismo sa krisis sa pamamagitan ng pagwasak sa mga labis na produktibong pwersa at pagsakop sa mga bagong pamilihan. Gayong nakasasama sa mahihina't maliliit na kapitalista ang .krisis, sa sistemang kapitalista mismo'y nakabubuti ito — basta't hindi mauuwi sa pagsabog ng mga panlipunang antagonismo — dahil nalulutas pansamantala ang suliranin ng labis na produkto at kapital. Sa ganitong paraan nahahawi ang landas para sa pagbangon ng ekonomya. Unti-unting sisigla ang negosyo, rururok sa prosperidad hanggang magtapos sa muling pagsiklab ng krisis. Kung paanong nag-uulit-ulit ang mga panahon at nagsasalitan ang tag-ulan at tag-init, gayundin ang krisis at kasiglahan sa kapitalistang ekonomya.
3. Sa pagtatangkang makaalpas sa krisis na nag-uugat sa pansistemang mga kontradiksyon, dumaan ang kapitalismo sa mga istorikong yugto ng pag-unlad. Binagabag ng mga krisis ang klasikal na kapitalismo, ang yugto ng malayang kumpetisyon, at natransporma sa klasikal na imperyalismo, ang yugto ng monopolyo-kapitalismo. Nauwi ang imperyalismo sa dalawang pandaigdigang digmaan, subalit nakaalpas, nagreistruktura at nagluwal ng tinatawag na post-war boom. Subalit ang mahabang panahong ito ng prosperidad ay nagtapos din pagpasok ng dekada 70 at mula noon, naging matumal ang pag-unlad ng pandaigdigang ekonomya na tuwina'y binabayo ng papaigting na resesyon. Ang pag-unlad ng kapitalismo sa yugto ng globalisasyon ay pagtatangka nitong makaahon sa maganit na krisis.
Ang esensyal na katangian ng globalisasyon ay ang internasyunalisasyon ng produksyon. Kinakitaan ang yugto ng globalisasyon hindi lang ng mas masiglang kalakalan ng mgaprodukto at ng mas malayang galaw ng puhunan sa buong daigdig, kundi higit sa lahat ang relokasyon ng mga linya ng produksyon sa apat na sulok ng mundo alang-alang sa pagkakamal ng mas malaking tubo.
Ang globalisadong ekonomya at internasyunalisasyon ng produksyon ay naging posible sa batayan ng higanteng pag-unlad sa transportasyon at komunikasyon. Bunga ng mga "milagro" ng abanteng teknolohiya, isang praktikal na realidad ang pamamahala sa isang assembly line na nakalatag sa internasyunal na saklaw. Ang motibong pwersa ng globalisasyon ng kapitalistang ekonomya ay ang mga korporasyong multinasyunal. Ang mga pandaigdigang monopolyong ito ang nakikinabang sa globalisasyon ng ekonomya kaya't pursigido ang mga itong nagtutulak sa liberalisasyon ng kalakalan at deregulasyon ng pamumuhunan kapwa sa mga abante at atrasadong bansa.
Ang mga korporasyong multinasyunal ang modernong anyo ng monopolyo kapital. Isang alamat ang sinasabing pantay na kumpetisyon sa globalisasyon. Matagal nang lumipas ang istorikong yugto ng malayang kumpetisyon, ng humigit-kumulang magkakasinglakas na kapital, mula nang mabuo at mangibabaw ang mga monopolyo 'di lang sa mga pambansang ekonomya kundi sa pandaigdigang pamilihan. Ang globalisasyon ay pandaigdigang opensiba ng kapital laban sa paggawa. Binabawi ang mga ganansyang nakamit ng isang siglo ng pakikibakang manggagawa at pinaaatras ang mga manggagawa sa panahon ng walang unyon, walang karapatan at walang proteksyon. Sa mga abante't atrasadong bansa, bumabagsak ang tunay na sahod ng mga manggagawa, lumalala ang mga kondisyon sa paggawa, sinisikil ang mga karapatan at nilulusaw ang mga unyon. Sa ngalan ng pleksibilisasyon ng paggawa, pinauuso ang kontraktwalisasyon at kaswalisasyon, at ipinatutupad ang mga bagong porma ng pagpapatindi ng trabaho.
Ang globalisasyon ay rekolonisasyon sa mga atrasadong bayan ng mga imperyalistang bansa. Hindi ito pananakop sa pamamagitan ng sandatahang lakas kundi dominasyon sa pamamagitan ng ekonomikong kapangyarinan. Sa pagwasak sa mga proteksyunistang pader ng lokal na ekonomya, tinatalo at dinudurog sa di-pantay na kumpetisyon ng mga dambuhalang korporasyong multinasyunal ang mga pipitsuging kapitalista ng mga atrasadong bayan.
4. Ang Marxistang pagsusuri at kritisismo sa kapitalistang moda ng produksyon ay nananatiling wasto hanggang sa ngayon at laluna sa panahong ito ng globalisasyon. Kasinungalingan ang sinasabi ng mga tagapagsalita ng burgesya na laos na ang Marxismo sapagkat hindi na ito aplikable sa nagbagong katangian ng lipunan sa panahon ng globalisasyon. Anila, hindi na bagay ang mga unyon ng manggagawa at wala nang saysay ang pakikibakang proletaryo na angkop noong nakaraang yugto ng industriyal na kapitalismo.
Tinatawag nila ngayon ang daigdig na post-industrial society. Diumano, nilagpasan na ng pag-unlad ang industriyal na kapitalismo at sa tulak ng information revolution ay natranspormana ang modernong lipunan sa information society. Sa ngayon anila,ang importanteng "salik sa produksyon" (factor of production) ay impormasyon kaysa kapital, paggawa at lupa; kundi man mas angpaglikha ng impormasyon kaysa paggawa ng manggagawa angbukal ng halaga.
Ang unang punto ng kritisismo sa teorya ng post-industrial society ay ang katotohanang 'di umiiral sa ere ang impormasyon,na ang impormasyong ito ay kinakailangang dumaloy sa mga kable,ilagak sa mga diskette, iproseso sa mga computer; sa madaling salita,laging katambal ng software ang hardware. Ang hardware na itoay minamanupaktura pa rin sa kaparaanan ng modernongindustriya — mas episyente't mas maunlad lang kumpara sa dati.
Katunayan ang paglikha at pagproseso — ang produksyon — ng impormasyon ay sa kaparaanan pa rin ng modernong industriya.Kung dati-rati ang mga software ay maaring gawin ng mga indibidwal na programmer sa sariling computer sa tipong-artisanong trabaho, sa ngayon ang mga program ay produkto na ng sama-samang trabaho ng maraming programmer na gumagamitng malalaking computer. Ito ay nakapaloob na sa sistema ngmodernong industriya, sa kaparaanan ng kolektibong paggawa at mekanisadong produksyon.
Sa pangkalahatan, ang tinatawag na sektor ng serbisyo — mulaindustrial design hanggang fastfood service — ay sinakop na ng sistema ng modernong industriya. Tulad ito ng pagdurog ng modernong industriya sa artisanong produksyon sa sektor ngmanupaktura noong ika-19 siglo. Ang prosesong ito ng industriyalisasyon ng sektor ng serbisyo ay dramatikong ipinakikita ng pagsapaw ng mga convenience store gaya ng 7-11 sa mga sari-sari store at ng pagdurog ng mga fastfood chain gaya ng Jollibeesa mga turu-turo.
Sa halip na post-industrial society, kakikitaan ang kapitalismo ng full industrialization, ng paglulubos ng industriyalisasyon, ng pagsakop ng sistema ng modernong industriya 'di na lang samanupaktura at agrikultura kundi maging sa serbisyo.Ang pag-unlad na nilikha ng industriyalisasyon sa sektor ng serbisyo ay may tendensyang paliitin ang pagkakaiba sa sahod atbenepisyo, kalagayan sa paggawa, tipo ng pamumuhay at antas ngkabuhayan ng mga manggagawa sa industriya at serbisyo, ng mga blue-collar at white-collar worker. Ang pagbubuo ng mga unyon ng mga white-collar worker at pagsiklab ng kanilang mga welga ay isang patunay nito. Kung kulang man ng militansya ang mgapakikibaka nila, ito'y bunga pa ng pagiging bagito sa labanankumpara sa mas mahabang tradisyon ng paglaban ng mgamanggagawa sa industriya.
Dapat ding makita ang pagkakaiba sa pagitan ng industrial services at personal services na bumubuo sa sektor ng serbisyo. Ang industrial services ay nararapat ituring na bahagi ng proseso ng produksyong industriyal. Saklaw ng industrial services ang pre-production gaya ng research and development at post-production gaya ng transportasyon. Kung mas lumalaki ang importansya ng industrial services kaysa manupaktura — sa punto-de-bista ng output at employment — walang ibang dahilan dito kundi ang di-hamak na napakatinding produktibidad ng paggawa sa aktwal na produksyon ng kalakal sa pabrika kaya't mas malaking parte ng presyo ng produkto ay mula pa sa gastos sa disenyo at transportasyon.
Kasabay ng tendensya tungong awtomasyon ng aktwal naproduksyon — kung saan mas pamamahala at pagkukumpuni ngmakinarya ang trabaho ng manggagawa —nangangahulugan ito ngtranspormasyon ng paggawa mula mas manwal tungong mas mental, ng pagpapalit sa mga unskilled production worker ng mga designer ,technician, engineer at scientist. Kung malulubos ang ganitong tendensya, ito ang kongkretong anyo ng pagpawi ng kontradiksyon sa pagitan ng manwal at mental na paggawa, ng paglaho ng mekanikal at nakababagot na trabaho at pangingibabawng mapanlikha at nakasisiyang paggawa. Subalit sa balangkas ngkapitalismo, mananatiling binhi lang ang ganitong tendensya at hihintayin pa nito ang sosyalismo upang ganap na yumabong.
Hindi rin naman totoong naglaho na ang industriyal naproletaryado. Samantalang absolutong lumiit ang bilang ng mgamanggagawa sa pabrika sa mga abanteng kapitalisang bansa,bumulwak naman ang dami nito sa mga bagong industriyalisadong bansa gaya ng China, South Korea, South Africa, Brazil at Southeast Asia.
Hindi lang nagbago diumano ang moda ng produksyon kundi natransporma maging ang sosyo-pulitikal na pormasyon. Naglalahona raw ang mga pambansang estado o nation-state. Sa tulak ngglobalisasyon ng ekonomya at sa diwa ng "ekonomikongkooperasyon," nagsasanib ang mga bayan sa mga samahangpangrehiyon, gaya ng European Union, NAFTA at AFTA, atpandaigdigan, gaya ng WTO. Ibinabahagi ng mga pambansanggubyerno ang parte ng kanilang kapangyarihan sa mga rehiyunal opandaigdigang samahang ito at diumano ang tendensya ay malusaw ang mga pambansang estado, mapalitan ang nation-state ng mga supranational organ at mabuo ang isang global village.
Kailangang kilalaning positibo sa porma ang sentralisasyongtinutungo ng mga pagbabagong ito. Subalit kailangang ilantad angnegatibong esensyal na nilalaman ng sentralisasyong ito.Ang mga pagbabagong ito ay walang iba kundi ang modernong anyo't porma ng redibisyon ng daigdig sa pagitan ng magkakaribal na mga imperyalistang bansa. Nangangahulugan ito na ang imperyalistang kumpetisyon sa panahong ito ay di pa sakaparaanan ng armadong salpukan kundi ng maigting na ekonomikong girian. Ang mga pagbabagong ito ay di pagbubuong global village kundi pagpaparaya sa global pillage.
Sa bawat rehiyunal na pormasyon may nangungunang imperyalistang bansa na nagmomotor ng pagrereistruktura ng mgarelasyong pang-ekonomiya't parnpulitika sang-ayon sa pangangailangan ng dominanteng monopolyo-kapital at kumpormesa integrasyon ng kultura't kasaysayan ng mga lahi't bayan.
Ang European Union (EU) ay pagsasanib ng mga bansa saEuropa sa ilalim ng hegemonya ng mga kapitalistang Aleman. Ang East Asia ay mistulang ekstensyon ng assembly line production ng mga industriyang Hapon. Ang NAFTA ay malinaw na pagbabakod sa kontinenteng ito para sa interes ng monopolyo-kapitalistang Amerikano. Hindi lang ito rekolonisasyon ng mga atrasadong bayan ng mga pangunahing imperyalistang bansa kundisubordinasyon ng mas mahinang industriyalisadong mga bansa naobligadong makisukob sa mas malakas na imperyalistangkapangyarihan sa tulak ng napakaigting na ekonomikong kumpetisyon. Isang relasyon ng subordinasyon ang kapalaran ngBritain at France kaugnay ng Germany sa balangkas ng EU; ng South Korea sa Japan dito sa Asia; at ng Canada sa US doon sa NAFTA.Sa balangkas naman ng WTO, malinaw na makikita ang girian, maneobrahan, gulangan at brasuhan ng tatlong pangunahingimperyalistang bansa laban sa isa't-isa, at lahat ng abanteng bansa kontra sa mga atrasadong bayan.
Kung may naglaho man, hindi pa ang nation-state mismokundi ang nagsasariling pag-unlad ng mga dominadong bayan. Lalong di naglaho ang imperyalistang estado, at sa halip, mas lumakas ang imperyalistang kapangyarihan. Hindi rin dapatipagkamali na naglaho na ang estado, na napawi na ang mapanupil na makinarya ng dominasyon ng mga naghaharing uri sa mgapinaghahariang uri. Mas lalo pa ngang naging lantaran sa ngayonang makauring papel at pagkiling ng estado. Kung nauuso manang streamlining ng gubyerno,pagbabawas lang ito ng panlipunang serbisyong ibinibigay ng estado, pagbabaratilyo lang ng mga korporasyong pag-aari ng bayan, hindi ito pagtatapyas sa aparato ng pang-aapi laban sa mamamayan. Katunayan, ito'y tuwirangpaggamit ng "lean and mean government" sa interes ng kapital.
Pag-atras sa halip na pagsulong ang pagwasak sa welfare system at pagsasapribado ng mga susing industriya na istorikong mgaganansya ng kilusang manggagawa sa pakikibaka nito sapagpapahusay ng kalagayan sa buhay at paggawa.
5. Pinatitindi lang ng globalisasyon ang lahat ng kontradiksyonng kapitalismo tungong pagsambulat ng isang pandaigdigang krisis pang-ekonomya.Higit kailanman, tumitingkad ang pribadong pagkamkam ng produkto ng panlipunang paggawa sa panahon ng globalisasyon.
Ang sosyalisasyon ng paggawa ng kapitalismo ay humanlong sainternasyunalisasyon ng paggawa sa globalisasyon. Ang iilangbilyonaryo ng daigdig ay may yamang katumbas ng GNP ng mga bansang daang milyon ang populasyon. Ilang libong MNC ang may kontrol sa pandaigdigang ekonomya, ang kumokopo sa internasyunal na kalakalan at pamumuhunan.
Inihahanda ng globalisasyon ang kakaibang tindi ng pagsabogng krisis ng sobrang produksyon. Gayong ang buong mundo ay isanang tunay na malaking pamilihan, lubusan namang limitado ang kakayahang bumili ng pandaigdigang populasyon. Lahat ng datosay nagsasalita ng paglala ng di-pantay na pagkakahati ng yaman. Hindi kumikitid kundi lumalawak ang agwat sa pagitan ngmayaman at mahirap sa bawat bansa at sa buong daigdig. Sa abanteman o atrasadong bansa, bumabagsak ang tunay na sahod. Sa mga abanteng bansa humigit-kumulang 10% ng populasyon ang walangtrabaho at sa mga atrasadong bayan daang milyon ang walang hanapbuhay. Lumawak man ang pamilihan sa geographical view, kumipot naman ito sa economic sense.
Umiigting ang antas at luraalapad ang saklaw ng anarkiya sa produksyon. Sa pagpapahigpit ng integrasyon ng pandaigdigang pamilihan at ekonomya, nagiging internasyunal din ang saklaw ng anarkiya sa produksyon. Ang sigalot sa isang bansa ay siguradong aalon papunta sa ibang bansa sa loob lang ng ilang araw kundi man oras, kasingbilis ng pagsasahimpapawid ng balita ng modernong komunikasyon at paglilipat ng pera sa elektronikong pamamaraan. Pinag-aapoy ng liberalisasyon ng kalakalan at pamumuhunan, at ng pagbubukas ng ekonomya ng mga atrasadong bansa ang ibayong kumpetisyon sa pagitan ng mga monopolyo kapitalista. Ganito ang itsura ng anarkiya sa produksyon sa panahon ng giobalisasyon: planado ang produksyon ng bawat MNC pero walang regulasyon sa kabuuan ng daigdig. Kaya't ang delubyong idudulot ng anarkiyang ito ay mas matindi ang pinsala at mas marami ang apektado.
Ang buhay na patunay ng katumpakan ng Marxistang pagsusuri sa pansistemang ugat ng krisis ng kapitalismo — kung paano nagsasanib ang kahayukan sa tubo, anarkiya sa produksyon, at tendensya sa pagbagsak ng tubo upang likhain ang krisis — ay ang realidad ng kasalukuyang krisis. Pinatunayan din ng kakaibang igting ng kasalukuyang sigalot ang pagsusuring hinahawan ng globalisasyon ang intensipikasyon ng mga kontradiksyon ng kapitalismo.
Kung may nagdududa man dito kailangan lang ipaalala ang makasaysayang araw ng Oktubre 17,1997 kung kailan sa loob lamang ng ilang oras, sunud-sunod na nagbagsakan ang mga stock market sa buong daigdig, mula Hong Kong hanggang London hanggang New York. Natulala ang lahat ng kapitalista sa daigdig, napag-isip kung naabot na ng kapitalismo ang gilid ng bangin, at nakahinga lang nang maluwag nang bumawi ang stock market kinabukasan. Ang kinamamanghaang contagion, ang sunud-sunod na pagkahawa ng mga bansa sa krisis na nagsimula lamang sa Thailand, ay walang dudang sanhi ng globalisasyon ng mga ekonomya.
Kalabisan nang patulan pa ang pagsusuri at preskripsyon ng IMF sa kasalukuyang krisis sa kalagayang lantad na ang layon lang nito'y buksan ang relatibong mga proteksyunistang ekonomya ng Asya. Ang mas dapat pang sagutin ay ang pagtingin ng mga burges na ekonomistang gaya nina Krugman at Sachs na kritikal sa dogma ng IMF ng "malayang" kalakalan at pamumuhunan.
Para sa mga burges na ekonomistang ito, ang pundamental na problemang nagdulot ng krisis sa Asya ay ang marupok na sistemang pampinansya na naging bulnerable sa mapusok na galaw ng internasyunal na pananalapi. Likha ang karupukang ito ng di-maingat na pag-utang ng mga bangko mula sa ibayong-dagat at pagpapautang sa loob ng bansa dahil, sa isang banda, sa pag- aakalang sasaluhin sila ng gubyerno kung magkaproblema, at sa kabila, sa pagluwag ng pampublikong regulasyon sa tulak ng liberalisasyon. Kung naging mas maingat ang mga bangkero, kung naging mas mapagbantay ang gubyerno at kung naging mas kalmado ang mga imbestor, di sana sumiklab o di-gaanong lumala ang krisis.
Ang esensya ng kanilang pagsusuri ay tukuying may suliranin sa patakaran kaysa may problema sa sistema. Kaya't kahit kritikal sa dominanteng neoliberal na linya ng IMF, sila pa rin ay mga tagahingi ngpaumanhin (apologists) ng kapitalistang sistema. Maituturing ding apologist ng umiiral na lipunan ang mga repormistang gaya ni Bello na itinuturing na nasa krisis ang neoliberalismo, hindi pa ang kapitalismo, na nagbababalang ito na ang pagwawakas ng neoliberal na modelo ngunit hindi ng burges na sistema, na umaasang mabubuksan ang bintana ng oportunidad para sa isang mas makataong modelo ng kapitalismo kaysa mahahawan ang rebolusyonaryong landas para sa isang tunay na makataong lipunan.
Nagbubulag-bulagan ang mga burges na ekonomista sa kanilang pagsusuri sa usapin ng napakalaking salaping kapital na di inilalagak sa produktibong pamumuhunan. Hindi na bago ang pag-iral ng salaping kapital, subalit kakaiba ang laki nito at bilis ng paggalaw sa kasalukuyan. Maaring tantyahin ang laki nito sa punto pa lang ng bentahan at bilihan ng mga pananalapi (foreign currency market) sa buong daigdig naumaabot na ng $1.2 trilyon bawat araw. Ito'y 50 beses ang laki kaysa sa halaga ng internasyunal na kalakalan sa ngayon. Kung ikukumpara noong dekada 70, anim na beses lang ang agwat sa pagitan ng dalawa. Ang ibig sabihin nito, isang dolyar lamang sa bawat $50 ng halagang pinagpapalit sa foreign currency market ang para sa bentahan ng mga produkto't serbisyo. Ang $49 sa bawat $50 — ang halos lahat nito — ay para isugal sa pagbabagu-bago ng halaga ng mga salapi kumpara sa isa't-isa, para sa ispekulasyon, para pumiga ng pera mula sa pera.
Kung problema man ang bulnerabilidad ng pampinansyang sektor sa salaping kapital mula sa ibayong dagat, ibig sabihin kung suliranin ang "pagkahayok" ng mga bansa ng Asya sa ispekulatibong kapital, usapin din ito ng "panunulsol" ng mga may hawak ng salaping puhunan. Makaisang-panig ang sisihin lang ang nalulong sa ispekulatibong kapital nang hindi binabatikos ang nag- aalok. Mas mapanuri pa kung gayon ang burges na hustisya kaysa sa burges na pampulitikang ekonomya sapagkat itinuturing nitong mas malalang krimen ang "pagtutulak" kaysa "paggamit" ng droga.
Inaakala ng ganitong pagsusuri na mananaig ang mga patakaran ng mahinahong gubyerno at mga bangkero sa obhetibong batas ng paggalaw ng kapitalismo. Subalit sa isang sitwasyong nag-uumapaw ang salaping kapital sa daigdig, na pinalubha pa ng deregulasyon ng paglabas-masok nito, hindi irasyunal kundi lohikal ang ikinilos ng mga bangkero at imbestor, at natural ang ganitong kahibangan sa isang sistemang pangunahin ang paghahabol sa tubo.
Hindi baliw, kundi matino at matalino ang mga negosyanteng umutang ng dolyar sa labas ng bansa sa mababang interes at namuhunan sa real estate sa loob ng bansa sapagkat sa ganitong paraan tutubo ng limpak-limpak. Kung naisip man nila na kung gagawin ito ng lahat ng kapitalista tiyak itong tutungo sa labis na pamumuhunan at produksyon sa sektor na ito — sa overheating at crash ng property sector — hindi pa ito dahilan para umatras kundi rason pa ito para sumugod bago lumipas ang oportunidad at usapin na lang ito ng pagiging alisto sa tamang tyempo ng paglikas bago ang pagbagsak. Ito'y kongkretong ehemplo kung paanong ang mga obhetibong batas ng paggalaw ng kapitalismo ay gumagana sa likuran ng intensyon ng mga kapitalista at nililikha ng kilos ng mga indibidwal na kapitalista sa balangkas ng paghahabol sa tubo at kumpetisyon ng kapital.
Tulad lang ito ng kapitalistang nagnanais na tutnaas ang sahod ng manggagawa ng ibang kapitalista upang mas marami ang mabili sa kanyang mga produkto subalit ayaw namang umentuhan ang sariling mga manggagawa dahil liliit ang sariling tubo. Sapagkat ganito ang takbo ng isipan ng lahat, bawat isa'y nabibigo sa kanyang pangarap, at laging problema ng kapitalismo ang makitid na pamilihan. Ito'y gaya rin ng ibayong pagsisikap ng bawat kapitalista na umungos sa kumpetisyon sa harap ng makitid na pamiiihan sa pamamagitan ng pagbenta nang mas mura. Alam nilang ang labis na kumpetisyon ay maaring mauwi sa sobrang produksyon subalit dahilan lang ho para lubusang palakasin ang sariling negosyo para makaraos sa napipintong pagsiklab ng krisis. At mapalalakas lang ang sarili sa pamamagitan ng ibayong pagpapamura ng produkto para kopohin ang pamilihan, na lalo lamang nagpapabilis sa pagdating ng araw ng pagsambulat ng krisis.
Ipinagkakamali rin ng pagsusuring ito ang sanhi at epekto, ang prinsipal at sekundaryo. Kung "bulnerable" man ang sektor pampinansya, ito'y dahil "delikado" na ang produktibong sektor ng ekonomiya. Ang karupukan ng pampinansyang sektor ay sintomas lamang ng kahinaan ng produktibong sektor, maaring sinindihan ang krisis ng problema sa pampinansyang sektor. Subalit sa tindi ng sigalot, siguradong nakaugat ito sa suliranin sa produktibong sektor. Ang pundasyon ng ekonomya ay ang produktibong sektor, kung saan nililikha ang bagong halaga at bumubukal ang kapitalistang tubo. Nagpapautang ang mga bangkero sa mga industriyalista para sa akumulasyon ng kapital. Nagpapasulpot ang mga industriyalista ng tubo kung saan kinukuha ang pambayad ng interes sa utang sa bangko. Kaya't krusyal ang papel ng produktibong sektor sa ekonomya at batayan ito ng lahat ng ekonomikong aktibidad.
Hangga't malusog ito, masigla ang iba pang bahagi ng ekonomya. Kung matumal ito, tatamlay rin ang iba pang sektor, kung titingnan ang produktibong sektor, ang manupaktura't industriya ng mga bansa sa Asya at maging sa buong daigdig, tatambad ang problema ng labis na produksyon. Habang tumatagal at umiigting ang krisis, naoobligang aminin ang katotohanang ito mismo ng mga kapitalista't ekonomista. Sa isyung Oktubre 1,1998 ng Far Eastern Economic Review isinasaad sa isang artikulo na sa Asya "labis-labis ang suplay kumpara sa demand." Sa halos lahat ng sektor sa rehiyon, suliranin ang mga sobrang produkto at labis na kapasidad ng mga planta't makinarya, laluna sa basic materials, steel, cars, petrochemicals at semiconductors.
Dapat lang sigurong idagdag dito na hindi lamang suliranin ng Asya kundi ng buong daigdig ang labis na produksyon. Sang-ayon mismo sa Far Eastern Economic Review, kung di mareresolba ang sobrang produksyon at kapasidad, imposible ang pag-ahon sa krisis. Ang mismong pag-iral ng napakalaking salaping kapital, umaabot ng $1.5 trilyon bawat araw sang-ayon kay Clinton, na isinusugal sa ispekulasyon kaysa ibuhos sa produksyon, ay patunay ng suliranin sa labis na produksyon at kapasidad. Mas handa pang isugal sa ispekulasyon ang limpak-limpak na yaman ng mga kapitalista kaysa ipuhunan sa industriya sapagkat mababa ang tantos ng tubo rito at lalo lang iigting ang sobrang produksyon.
Sang-ayon mismo sa mga kapitalista't ekonomista, pinakamalala ang kasalukuyang krisis sa loob ng mga 50 taon. Lumpo ang Japan, na ikalawang pinakamalaking ekonomya sa mundo, at dapa ang Silangang Asya. Pilay ang Rusya, iika-ika ang Europa, at binabayo ang Latin Amerika. Inaamin na ngayon na isang posibilidad ang tuluyang pagsadsad sa isang Great Depression na gaya ng 1930.
Hindi pa rin natatagpuan ng kapitalismo ang pangmatagalang lunas sa kasalukuyang maganit na krisis. Puro lang panandaliang solusyon ang nagagawa sa ngayon. Sa pamamagitan ng bilyun-bilyong bail-out na ginagawa sa Asya, o pagbaba ng interest rate gaya sa US, o kumbinasyon ng pump-priming ng ekonomya at pagbaba ng interest rate tulad sa Japan, maari lang mapabagal ang pagdausdos o maantala ang pagsipa ng depresyon. Sa pamamagitan ng bail-out at pump-priming, nadudugtungan lang ang buhay ng mga di-episyente't mahihinang kapitalista na kung madudurog sa gitna ng resesyon ay makatutulong na ibsan ang labis na produksyon at kumpetisyon. Sa pamamagitan naman ng pagbaba ng interest rate, ineengganyo ang masiglang pamumuhunan subalit hangga't bagsak ang tantos ng tubo at madilim ang prospek ng ekonomya, mananatiling maturnal ang kapitalistang akumulasyon. Sa balangkas ng kapitalistang sistema, ang mapagpasyang solusyon sa maganit na krisis ng sobrang produksyon ay matinding resesyon upang ganap na pawiin ang labisna mga produkto't kapital at ibagsak ang sahod, at sabatayan nito'y hawanin ang muling pagsigla ng demand at pagtaas ng tantos ng tubo.
May dalawang posibleng landas ng pag-unlad ang pandaigdigang sistemang kapitalista sa kagyat na hinaharap. Ang unang posibilidad ay hilahin ng masiglang ekonomya ng US angpandaigdigang ekonomya sa isang panibagong yugto ng prosperidad.
Dapat kilalanin ang kakaibang kasiglahan ng ekonomya ng US sa kasalukuyan. Ang batayan ng kasiglahang ito ay ang masigabong pagtaas ng tantos ng tubo sa US nitong huling mga taon na sapat para halos pantayan nito ang rurok noong post-war boom. Pero dapat ding ilinaw na ipinundar ang kasiglahang ito sa sakripisyo ng uring manggagawang Amerikano. Ang tunay na sahod sa Amerika ay bumagsak ng 12% mula 1973 hanggang 1990 at di na lumaki pa mula noon. Ang tunay na sahod per ora nitong 1997 ay kapantay na lamang noong 1965. Kung kukwentahin naman sa kabuuang kita — sahod at benepisyo — istagnasyon ang naganap nitong lagpas dalawang dekada sa kabila ng tuluy-tuloy na pagtaas ng produktibidad ng paggawa. Ang ganitong pagsupil sa paglaki ng sahod ay walang kapantay sa kasaysayan ng US kung saan simula't-sapul ay relatibong mataas ang sweldo. Mas maliit na ang sahod sa US kumpara sa mga karibal na imperyalistang bansa.
Nitong 1995, $17 ang sahod bawat oras ng mga manggagawa sa produksyon sa US samantalang $24 naman sa Japan at $32 sa Germany. Ipinundar din ang kasiglahang ito sa pagwasak ng labis na kapital, at pagreorganisa ng proseso ng produksyon at dibisyon sa paggawa, bunga ng sunud-sunod na resesyon at epekto ng mga alon ng downsizing, mergers at bankruptcies mula dekada 70. Idagdag pa ang debalwasyon ng dolyar kumpara sa Yen ng Japan at Deutschemark ng Germany, kaya't naging mas competitive ang mga produktong Amerikano.
Sa pagtaas ng tantos ng tubo, nagtuluy-tuloy ang pagsigla ng stock market, at ang yamang likha nito ay nagluwal ng masiglang consumer demand. Ang inilaki ng stock market mula 1991 hanggang 1996 ay nagkakahalaga ng $5.5 trilyon, katumbas ng naimpok ng mamamayang Amerikano nitong huling 25 taon. At mas importante, sa pagbawi ng tantos ng tubo, lubusang napasigla ang pamumuhunan na nagpapalukso ng dugo ng ekonomikong aktibidad at lumilikha ng investment demand. Matagal nang di nasasaksihan ang pagbuhos ng pamumuhunan, ang masiglang kapitalistang akumulasyon, na dahilan ng kawalan ng dinamismo ng ekonomikong pag-unlad. Naging posible ang siglang ito ng pamumuhunan sapagkat ngayon lamang nabawi ang tantos ng tubo.
Sa optimistikong senaryong ito, kakayaning bilhin at higupin ng matipunong ekonomya at masiglang pamilihan ng US ang mga produkto ng ibang bansa upang iahon sila mula sa kasalukuyang resesyon matapos wasakin ng malalim na krisis ang labis na produkto't kapital at ibagsak ang sahod sa mga bansang ito.
Ang susi sa optimistikong senaryo ay ang pagpapatuloy ng pagtaas ng tantos ng tubo sa US. Ang pesimistikong senaryo ay nagsisimula sa posibilidad ng pagkagipit ng tantos ng tubo sa US sanhi ng grabeng sitwasyon ngayon ng pandaigdigang ekonomya. Mauudlot ang ekonomikong kasiglahan at babagsak ang tantos ng tubo sapagkat, una, kikitid ang pandaigdigang demand para sa mga iniluluwas na produkto ng Amerika dahil nasa resesyon ang maraming bansa na bumubuo sa 1/4 ng ekonomya ng mundo, laluna ang Japan at Asya kung saan iniluluwas ang 1/4-1/3 ng eksport ng US, at nagtitipid ang halos lahat ng gubyerno ng mga abanteng bansa at maraming bansa sa Europa dahil rekisito ito sa pagsapi sa European Union at mismong ang US dahil sa budget-balancing ni Clinton.
At ikalawa, lalala ang sobrang produksyon sa internasyunal na antas at tatagilid ang mga kapitalistang Amerikano sa maigting na kompetisyon ng mga bansang nagpupumiglas ngayon sa krisis at nagtatangkang umalpas sa pamamagitan ng pagluluwas ng murang produkto. Ang mga bansa sa Asya bukod sa Japan ang pinagmumulan ng 20% ng pandaigdigang eksport at inaasahang lalaki pa ito sapagkat pagluluwas ng murang produkto ang tanging ruta nila paahon sa krisis.
Ang dulo ng senaryong ito ay ang pagsadsad ng pandaigdigang ekonomya sa mas malalim na krisis at pagsiklab ng isang panibagong Great Depression. At kumpara sa unang posibilidad, mas malaki ang tsansa nitong ikalawa. Katunayan humahampas na ang mga alon ng ekonomikong bagyo mula sa Asya sa dalampasigan ng US. Sa pinakahuling opisyal na economic survey sa US, isinasaad na sinasalanta na ang mga bukirin at pabrika nito dahil sa bilyun-bilyong dolyar na naglahong kita dulot ng krisis sa Asia. Matarik ang ibinagsak nitong 1998 ng mga produktong eksport ng US kapwa sa industriya, gaya ng computers, semiconductors at machinery, at agrikultura, gaya ng mais, trigo at soybeans. Lima sa 12 ekonomikong rehiyon ng US ay kapansin-pansin na ang pagbagal ng pag-unlad dahil sa pagdausdos ng mga industriyang pang-eksport.
6. Obligadong magsalimbayan at magtagpo ang mga obhetibo at suhetibong salik upang sumiklab ang isang ganap na rebolusyon. Bahagi ng obhetibong kondisyon ang kakaibang paglala ng kabuhayan at kalagayan ng masa likha ng isang matinding krisis pang-ekonomya na pupukaw sa kapasyahan ng masang baguhin ang kanilang dukha't aping sitwasyon. Kasama rin dito ang pag-igting ng salpukan sa loob ng naghaharing uri sa tulak ng ekonomikong sigalot na lilikha ng isang krisis pampulitika. Sa ganitong kalagayan ang kinakailangan ay ang pamumuno ng mga rebolusyonaryong pwersa sa ispontanyong paglaban ng masa at pagbibigay direksyon nito tungong pagbagsak ng lumang sistema.
Ang matinding ekonomikong krisis sa isang bansa ay maaring magpahinog ng sitwasyon sa bayang iyon, gaya ng ugnayan ng resesyon ng 1983 at ng pag-aalsang EDSA. Ang isang pandaigdigang krisis naman ay maaring magpasiklab ng pandaigdigang rebolusyon, gaya ng panahon ng dalawang imperyalistang digmaan kung kailan nagtagumpay ang mgarebolusyon sa Rusya, Tsina at Silangang Europa.
Ang globalisasyon ang magiging mitsa ng panibagong pagsabog ng pandaigdigang rebolusyon sa kagyat na hinaharap. Ang pagsiklab ng pandaigdigang depresyon ay ang obhetibong kondisyon para sa pagputok ng pandaigdigang rebolusyon. Ang pandaigdigang rebolusyong ito ay paghinog ng rebolusyonaryong sitwasyon sa isa o ilang industriyalisadong bansa, di lamang sa mga atrasadong bayang gaya ng Pilipinas.
Nitong mga huling taon, hindi pa man tuluyang nilulukuban ng resesyon ang ekonomya ng mga bansa, binabangon na ang mga kilusang manggagawa at nag-aapoy ang mga pakikibakang masa sa maraming bansa laban sa pananalanta ng globalisasyon sa antas ng kabuhayan at kalagayan sa paggawa ng mamamayan. Ang mga kilusang manggagawa sa maraming bayan ay depinido nang pumihit sa isang istorikal na pagpapanibagong-sigla.
Mga makasaysayang pag-agos ang naganap nitong mga huling taon. Sa France, sumiklab noong 1995 ang unang pangkalahatang welga magmula noong 1968. Sa South Korea, nitong 1996 at 1997 ay sumambulat ang unang pangkalahatang pag-aaklas sa loob ng 50 taon. Kahit sa US kung saan malaki ang inihina ng kilusang paggawa, nagtagumpay ang welgang Teamsters ng UPS nitong 1997, ang unang pambansang welga sa loob ng kalahating siglo.
Sa kainutilan ng aristokrasya sa paggawa na harapin ang globalisadong atake ng kapital, nalalantad ang kanilang papel bilang tinyente ng burgesya sa loob ng kilusang paggawa, humihina ang impluwensya nito sa masang manggagawa at nayuyugyog ang organisadong paggawa. Gayunpaman sa kabila ng nag-uumapaw na militansya ng mga ispontanyong paglaban, salat na salat pa rin ang mga ito sa rebolusyonaryong nilalaman sapagkat 'di mapamunuan ng mga sosyalista.
Hindi tutungo sa sosyalistang rebolusyon ang mga ispontanyong pakikibakang manggagawa hangga't walang liderato ng mga rebolusyonaryong sosyalista. Subalit makapagpapanibagong-sigla lamang ang sosyalistang kilusan kasabay ng pagbangon ng kilusang manggagawa. Ang usapin ay kung dagliang makapaghahanda ang rebolusyonaryong proletaryado ng iba't ibang bansa.
Ang kailangang antabayanan ay ang pag-unlad ng makauringtunggalian sa France at Italy, sa panig ng mga pangunahing imperyalistang bansa, at sa South Korea at South Africa, sa panigng mga bagong industriyalisadong bansa. Sa mga bansang itomatatagpuan ang malakas na kilusang manggagawa at signipikanteng bilang ng mga sosyalista.
Tatlo ang matutukoy na susing tungkulin ng mgarebolusyonaryong sosyalista sa daigdig. Una, muling dalisayin angMarxismo-Leninismo habang ibinabaon ang mga labi ng Stalinismo-Maoismo at binabaka ang mga repormistang tunguhin bilang rekisito sa rekonstruksyon ng mga rebolusyonaryong proletaryong partido. Ikalawa, ang pagpapalakas sa internasyunal na pagkakaisa ng mga manggagawa ng iba't ibang bansa kahit magsimula sa antas ng unyonismo at pagtatanggol sa mga nakamit na tagumpay ng mga nagdaang panahon. Ikatlo, ang pag-ugat, angmalawak at malalim na pag-ugat, ng mga rebolusyonaryongsosyalista sa hanay ng uring manggagawa upang bigyang direksyon ang sumisiklab na mga ispontanyong paglaban ng masa at paraorganisahin ito sa isang makapangyarihang makauring pakikibakatungo sa pag-agaw ng kapangyarihang pampulitika.